@ International_Pen
((( Sean )))
Halos inumaga ako sa mga bagay na kailangan ko ituwid ulit. Nakakapagtaka bakit lahat ng kompanya ko may mga malalaking problema ngayon. Ilang monitor na din ang nasira ko dahil doon kami nag-uusap ng mga taong kailangan ko kausapin. Dahil kung personal nila akong kaharap, makakatikim sila sa akin. Ngayon, inihahanda na naman nila lahat ng gamit para sa susunod kong makakausap. Sabog na din sa sahig ang mga papel… at halos nga… di ko gusto ang nangyayari.
Dinala ni George ang almusal ko ng… itabing ko ang mga yun, dahil wala akong gana para doon. Kumukulo ang dugo ko, kahit pasikat pa lamang ang araw. Para makalma… nakapamulsa akong naglakad pabalik balik sa loob.
This is not good Sean. Kailan mo niluwagan ang hawak mo sa mga tauhan mo. Naisuntok ko kamao ko sa salamin… at napalunok ng laway na napapikit ako. This is Bulsh*t Sean!
Nang lumapit sa akin si George.
" Master Sean."
"What?!"
Support your favorite authors and translators in webnovel.com