webnovel

The Devilish CEO

There is a tale that a Devil Young Man, who owns a Candy Truck, processed the human flesh into Candies. Whenever and Whoever the Truck passed by, they were snatch and surprised nowhere to find, and who may know this person forgotten by all. This story was attached to the richest person in this world Where his named scared most of the children... SEAN HERALD... the devil Young Man. No one control him, no one dare to provoke him. Then at the young age, he control things that doesn't anticipated by others. He is the man behind the 72% owner of the business monopoly of the World. @International_Pen Hi there Readers, thank you once again for Patronizing my Novels TAGALOG NOVELS: 1. The Devilish CEO ( Completed ) 2. Your Stranger ( Completed ) 3. Your Lucky Charm (Completed ) 4. Doctor Alucard Treasure (Ongoing) ENGLISH NOVEL 1. Dearly Possessive Sweet Love ( Ongoing ) 2. The Devilish CEO ( English ) ( Upcoming ) Thank you so much

International_Pen · Urban
Not enough ratings
1032 Chs

Chapter 28 A Man Who Have An Angelic Face

((( SENA )))

Dahil pinalayas kami ni kuya sa minana pa naming bahay sa aming Ama, at ang lumang training Area ng Martial Arts. Wala kaming nagawa kahit naghihimutok sa galit si Kuya. Lumipat kami sa bahay ng katrabaho niya, kaya lang nang makarating kami doon, agad naman ito pinalayas sa apartment nito. May nakausap kaming Custodian nang isang Apartment ok lang daw na 1 Month Deposit and 1 month na rent ang ibayad namin. Pero biglang nagbago ang isip nang nakatangap na tawag sa may ari nito. Halos manapak na si Kuya kung bakit kami di pinaparenta. Hangang sa nakarating kami ni Kuya sa isang bahay ampunan.

"Kuya ano ginagawa natin dito? Ipapa ampon mo ako? At ang anakers mo?"

"Oy amasona, matanda ka na para ipa ampon, iwan ko lang sa Tolits sa tiyahin natin na nagtatrabaho dito."

Naghantay kami sa lobby ng bahay ampunan para sa tiyahin naming si Nay Merna. Halos pagabi na at si Kuya di makakapasok ngayon. Lumabas ang isang matandang babae na kamukha ng Mama ko ang Kasungitan ng mukha. Hay naku may lahing laging highblood ang pamilya ng Mama ko.

"Nay Merna." Masigla naming bati ni Kuya.

"At ngayon lang kayo dumalaw dahil may kailangan kayo." bungad nito sa amin. Eh sa wala kaming oras dumalaw rito at nagkataon lang na naghahanap ng tulong hindi ba?

"Pasensya na po Nay Merna." usal ni Kuya. "Yung bahay namin kasi biglang kinumpiska ng gobyerno. Kailangan pala yun hulugan sa buwanang Tax."

"Hay naku, oh saan kayo titira ngayon? May malilipatan na ba kayo?"

"Yan nga po. Nahiirapan kami maghanap, kung maari lang iwan muna namin si Tolit's dito. Ok lang kami tiya ng amasonang ito na di muna matulog at maghanap ng matutuluyan."

"Dyosmiyong mga bata kayo."

Sa daming satsat na pangkukumbinsi naiwan din namin si Tolit's na ubod parang si Tom Sawyer ang kulit. Agad ngang naki sali sa mga batang nagtatago-taguan, at di man lamang nilingon ang tawag ni Nay Merna.

Di pa nga kami nakakalayo ni Kuya sa Bahay ampunan, tumigil sa amin ang maingay na wang wang na sasakyan ng Pulis.

"Mr. Josh Sontoria. You're under arrest."

What--!

Pareho kaming gulat at namalayan na lang namin pinusasan na si Kuya. Tungkol ba ito sa utang ng kapatid niya na 23, 867,000.00!

"Oy, nagkakamali ata kayo!" angal ni kuya.

"Dinadakip namin ikaw sa salang magnanakaw."

Nanlaki ang mga mata ko,,, si Kuya magnanakaw?!

"Mabuti pang sumunod na lang kayo sa amin at sa prisinto natin pag usapan ang boung detalye."

Saka pwersahan na isinakay si Kuya.

Di man lamang ako isinama ng mga pulis na yun sa pag-alis nila.

Di ako makapaniwala na magagawa ni Kuya yun. Kaya tumakbo ako pabalik ng bahay ampunan.

"Nay Merna, si Kuya hinuli ng mga Pulis!"

Na lalong ikinatulis ng titig niya sa akin... Tinanong ako kung bakit daw...at umiikot lamang ang paliwanag ko sa kwento na hinuli si Kuya dahil may ninakaw ito. Which is sinabi ko naman na di yun magagawa ni Kuya.

"Nay Merna, tulungan niyo naman kami please!."

Nang may nagdatingan na nakakulay itim na mga lalaki, at bumulong kay Nay Merna ang isang babae na halos marinig ko naman kung...

Natulala ako...

"Si Master Luis napadalaw ulit." bulong na pahayag ng Babae.

Isang lalaki na ubod ng gwapo, matikas ang tayo at parang si Gabriel na Anghel ang itsura niya. Nagsitakbuhan ang mga bata sa kanya at binuhat yung maliit na isang babae. Nakangiti ito na halos ikinahiya ko bigla. Bumaba ang isang dakilang Anghel sa langit…

Dearest Readers,

Thank you so much!

Here what makes me happy and inspired to finished the story!

Plase Rate the Chapters for 5 Stars!

Comment, what you desire for the outcome of the next chapter... opinions or anything you want to share.

Vote Power Stone, for Ranking purposes, that makes me really happy talaga! Thank You! Have a swag!

For your kindness...

Arigato!

International_Pencreators' thoughts