1008 Chapter 138 Interviewer

(Sena POV)

"Shall we go now Sena?" Lahad ni Sean ng kamay niya matapos nga namin mahatid yung mga bata. Di ko pinansin ang kamay nito at dumiretso na ng sasakyan ng biglang sinara ng tauhan niya ang pinto. 

"Anong ibig sabihin nito Sean?" 

"Ikaw ang unang tumangi ng alok ko Sena. Sino ka para sumakay ulit sa sasakyan?" Ahhh. Gumaganti ang demonyo dahil sa ginawa ko. Ngumiti na lang ako sa kanya. 

"Maglalakad ako? Fine." Talikod ko sa kanila. Bahala na nga kung mapagdiskitahan ako ni Rymalene. Yun kung di pa siya nadadala sa sabunot na nakuha niya sa akin. Sige. Pakita ka pa Rymalene. Uubusin ko talaga ang buhok mo. 

"Miss Sena." tawag sa akin ng boses na di naman kay Sean. Kaya napalingon ako. Si Leo. Ngunit nakangisi sa akin si Sean. 

Ipinakita sa akin ni Leo ang susi. Pamilyar sa akin. Susi ko ba yun? Saka nga yung sasakyan ko. 

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter