© International_Pen
((( Sena )))
" Bitawan mo nga ako. Sa yaman mong yan, di mo na icheck ang background ko."
Haist... bigla akong sinaniban ng pang asar... Yung tipong... ang linis linis mo... tapos huhusgahan ka.
Oo na... minsan napaka immature ko... pero ako yun eh. Ako yun. Alam ko din na sa mundong ito kabilang ako sa mga commoner na tao. Okey lang... masaya naman. Atleast walang nanghuhusga na na nasa High Society na tinatawag nila. Hahahha... Wow may natutunan ako.
Napaupo ako... lowblood ako bigla... tamlay ko tuloy.
Narinig kong napabuntong hininga yung lalaki na nagpakita na naman sa akin sa araw na ito na magkasalubong na naman ang kilay.
Naupo siya sa upuang ginamit ni Rymalene...
Di na nakapagsalita ang isang to... dahil sa sinabi ko... Kinuha niya yung Wedding invitation...
" Tell you're friend you can't come."
" Bakit naman hindi..." matamlay kong sabi... parang... nahihilo ako na di ko alam kung bakit... nausog ba ako ni Rymalene?
Support your favorite authors and translators in webnovel.com