webnovel

//+ Chapter 1 - Ang Basbas

Patuloy kong pinagmamasdan ang ganda ng buong paligid mula sa ibabaw ng palasyo. Napapikit na lang ako habang patuloy na tumatama ito sa aking balat. Maya-maya ay nakaramdam ako ng isang dragon na tila naglalambing sa akin. Napatawa na lang ako.

"Esia ano na naman ba ang gusto mo?" Natatawang tanong ko sa dragon. Tila napikon naman ito sa sinabi ko kaya lumayo ito sa'kin na pawang nandidiri at lumipad paalis.

Malakas na halakhak ang napalabas sa aking bibig. "Esia! Patawarin mo na ko! Hahaha!" Malakas kong sigaw. Tuluyan na niya akong iniwanan kaya napaupo na lang ako. Ilang minuto na lamang nang may biglang humila sa aking braso at ambang tatamaan ako sa aking katawan.

Agad ko itong nasalo saka siya pinatumba. "Mendro." Malamig kong pagtawag sa pangalan niya. Mabilis na tumayo ang lalaki at muling masama na tumingin sa akin. "Talaga bang gusto mong mawala sa mundo?" Sambit ko at halata ang tono ng pagkainis sa aking pagsasalita.

Napangisi ang lalaki. "Bakit 'di mo subukan Reesia?" Nanlaki naman ang mga mata ko sa panghahamon niya. Agad niya akong sinipa sa aking baywang at tumama ito. Napaluhod ako sa bigla at umikot para patirin siya ngunit nabigo din ako.

"Akala mo ba maiisahan mo ako?" Pang-aasar na sambit. Agad na naging pilak ang aking mga mata saka nilabas ang kakayahan bilang isang draak. Pagkahawak sa kanyang pulsuhan, agad ko siyang sinipa sa tiyan at dibdib. Napadaing naman siya sa sakit.

"Reesia!" Galit na sigaw niya. Napangisi na lang din ako at patuloy kami sa paglalaban. Maya-maya lamang ay hinila niya ako pababa kaya agad kaming nahulog mula sa ibabaw. Ilang suntok at sipa pa ang aming pinagbabato sa bawat isa. Napuno na rin ng sugat at pasa ang buong katawan namin. Isang malakas na sipa ang aking binigay na naging dahilan upang mapaglayo kami sa isa't isa.

"Esia!" Kinakabahang sigaw ko. Agad akong nasalo ng aking dragon. Napabuntong hininga na lang ako nang lumipad kami pataas at nakita ko si Mendro na nanghihinang hawak ng kanyang dragon na si Dero. Natawa na lang ako nang makita ang kanyang sitwasyon.

"Lagi ka na lang talo Mendro!" Pang-aasar ko. Sinamaan niya naman ang tingin niya sa akin na tila makakapatay ito. Ngumiti ako nang matamis at dinala ako ni Esia sa kanyang likuran. Kumindat na lang ako sa kanya.

"Hindi ko alam paanong nakakaya mong bugbugin ang iyong kasintahan Reesia." Malungkot niyang saad. Nilabas ko ang aking dila at halata ang pagkagulat sa kanyang mukha. "Magkita tayo mamaya sa palasyo mahal na prinsipe! Mauna na ako!"

"Reesia!" Huling rinig kong sambit niya at lumipad na palayo si Esia. Napahagikgik na lang ako sa tuwa.

Nangalumbaba na lamang sa mesa si Mendro habang nakatitig sa akin. Hindi man lang ako tumingin sa kanya sa loob ng isang oras na kami ay magkasama at hinayaan ang sarili na matuon ang atensyon sa librong binabasa. Kinuha naman ni Mendro ang kamay ko na naging dahilan para mapalingon ako.

"Papansinin mo rin pala ako sa huli. Kailangan ko lang pala hawakan kamay mo." Nakangusong saad niya. Nagtaas ako ng kilay at nagbasa ulit. Mas lalo siyang napanguso at mahinang pinipisil ang kamay ko. Napakaisip bata talaga.

"Alam mo..." Binaba ko ang libro at napatitig sa kanya. "...iniisip ko talaga paanong naging prinsipe ka pa kung ganyan lang din ang ugaling pinapakita mo sa'kin." Wika ko at ngumisi. Nagtatampong binitawan niya ang kamay ko at tumingin sa ibang direksyon.

"Pero kahit na ganon..." Tumigil ako sa pagsasalita at ipinatong ang mga braso sa lamesa at napahawak sa aking mukha. "...hindi ko alam kung bakit minahal pa rin kita kahit na ganyan ka."

Tila nanigas naman siya sa pwesto niya. Kaya ginamit ko iyon na pagkakataon. Kinulong ko ang kanyang mukha sa aking mga palad at tinitigan ang kanyang mga mata. "Kaya mahal na prinsipe umakto ka na naayon talaga para sa'yo."

Ngumiti na lamang siya sa akin at hinawakan ang aking mga kamay saka pinaulanan ng mga halik. "Salamat Reesia. Salamat sa lahat." Saad ni Mendro. Nanggigigil akong pinisil ang kanyang ilong at napatawa. Nanatili kami na ganon. Ilang oras ang lumipas bago namin napagdesisyunan na lumabas ng silid aklatan at puntahan ang hari. Parang bata naman na binigyan ng laruan ang naging reaksyon ni Mendro.

Magkahawak kamay kaming lumabas ng silid aklatan. Hindi mawala ang ngiti sa mukha ni Mendro kaya hindi ko na rin mapigilan ang mapangiti sa kanyang inaakto. Tingin ko ay panahon na rin para malaman ng lahat na kami na ay magkasama ilang buwan na ang nakakaraan.

Pumasok kami sa isang silid na tanging ang hari lamang ang gumagamit nito at nakita ko siya na kausap ang aking ama. Nagpalitan kami ni Mendro ng mga nagtatakang tingin. Hindi nagtagal ay lumingon sa akin si ama at napatayo mula sa kanyang pagkakaupo. "Reesia." Mahinang tawag sa akin ng ama na naging dahilan ng paglingon sa amin ng hari.

Ang malamig na awra na mula sa kanya ay unti-unting naglaho nang makita ang anak at ngumiti siya sa amin. Yumuko naman ako bilang pagbibigay galang na tanging tinanguan ng hari. "Talagang magalang ang iyong anak Ascho. Sadyang nakakatuwa at totoo nga ang sinasabi ng iba pang draak na nababagay lamang sila sa isa't isa."

"Maraming salamat Haring Llorante." Magalang kong pasasalamat sa kanya. Hinawakan naman ni Mendro nang mahigpit ang aking kamay at lumingon sa kanyang ama na nakatitig sa aming mga kamay na magkahawak. "Ama handa na ako. Handa akong tanggapin ang lahat ng responsibilidad."

Tahimik kaming inoobserbahan ng hari. Napakagat na lamang ako ng labi sa kaba. Alam ng hari na may namamagitan sa amin ng kanyang anak ngunit ni isang beses ay wala kaming nakuha na salita. Kaya napagdesisyunan naming dalawa na kapag kaya na naming dalawa ay kami mismo ang magtatanong nito sa kanya.

Saglit na lumingon si Haring Llorante sa aking ama. "Ascho panigurado ay may masasabi ka sa naging relasyon ng ating mga anak?" Mausisang pagtatanong niya. Tumango naman ang ama at tinapik ang aking balikat.

"Alam ko ang namamagitan sa kanila at pinagkakatiwalaan ko si Mendro sa aking anak. Dahil alam ko na siya ang tama para sa aking anak. Ngunit kung anuman ang desisyon ninyo bilang hari..." Saglit na tumahimik ang aking ama at magalang na yumuko sa hari. "...akin itong rerespetuhin."

"Tanggap mo ba si Mendro para kay Reesia?"

"Taos puso ko siyang tinatanggap para sa aking anak."

Namuo ang tahimik na atmospera sa buong paligid. Napayuko na lang ako. Pinisil ni Mendro ang kamay ko at lumingon ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin. "Ilalaban kita mahal ko." Bulong niya sa akin.

"Minsan ay pinagdudahan ng lahat kung karapat-dapat ba si Mendro sa trono bilang sunod na hari." Panimula ng hari at tumayo mula sa pagkakaupo. Tila nadurog naman ang puso ko sa narinig. Sa mga nakaraang taon na lumipas ay maraming tao na nag-iisip kung totoong siya ba ang prinsipe. Marami rin ang nagduda pagkatapos sabihin na ang kanyang ina ay may naging kaugnayan sa isang Aglestis.

"Marami ang pinagduduhan ka Mendro kung ikaw ay buong draak o kalahating tao pagkatapos ng ginawa ng iyong ina." Pumiyok naman ang hari sa kanyang huling sinabi. Matagal na panahon na rin simula ng aming nasilayan ang kanyang mga ngiti. "Ngunit alam ko na ikaw ay aking anak at ikaw rin ang isang buong draak. Kaya..."

Saglit na pinigilan ko ang aking hininga sa biglang pagputol ng hari sa kanyang sinasabi. "...panahon na rin para malaman ng lahat ang katotohanan at ibunyag ang totoong dapat sa trono pati na rin ang draak na iyong napupusuan."

Napaangat ako ng tingin at nakita ang haring nakangiti habang nakatanaw sa kanyang malaking imahe na ipininta bilang regalo sa kanya na pagiging hari. "Panahon na para ibunyag ang totoo. Aasahan ko na inyong paghahandaan ang isasagawang pagtitipon."

Napayakap ako kay Mendro sa tuwang nararamdaman. "Mendro! Tanggap tayo ng hari." Masayang bulong ko sa kanya. Napahagikgik na lang siya sa tuwa at niyakap ako pabalik. Bumitaw ako sa yakap at ilang beses na nagbigay pugay sa hari. "M-Maraming salamat po. "Nauutal na sambit.

Winagayway naman ng hari ang kanyang kamay habang natatawa sa aking inaakto. "Maaari na kayong mauna. May iilan pa kaming pag-uusapan ng iyong ama." Kanyang natatawang wika.

Sabay kaming yumuko ni Mendro at patakbong lumabas ng silid. Nang makalabas ay hindi ko na napigilan pa ang saya na nararamdaman at agad siyang niyakap. "Mendro! Ang saya-saya ko! Natanggap ako ng iyong ama."

Hinarap niya ako sa kanya saka hinawakan niya ako sa aking pisngi. "Masaya din ako na tanggap tayo ng aking ama Reesia. Hindi mo alam kung ano ang kaba na naramdaman ko na pakiramdam ko ay hihimatayin ako sa lahat ng salitang bibitawan niya."

Piningot ko ang kanyang tainga kaya napadaing naman siya. "Aray!"

"Napakaarte mo talaga!" Binitawan ko ang kanyang tainga at naunang tumakbo. "Magkita tayo sa lugar na ating dapat na balikan." Sigaw ko at hindi na lumingon pa. Pagkalabas ng palasyo ay nakita ko si Esia na matamang nakatingin sa akin.

"Mamaya ko na ikukwento ang lahat! Mauna na tayo Esia." Masayang pagyaya ko sa aking dragon. Agad akong sumakay sa kanya at lumipad ako palayo. "Mag-iingat ka mahal ko!" Malakas na sigaw ni Mendro nang maabutan kami.

Ngumiti na lamang ako at kumaway sa kanya. Lumipad na kami paalis ni Esia habang ramdam ko na parang sasabog ako sa tuwa na namumuo sa aking dibdib.

Ito na ang aming umpisa. Umpisa sa muling pagtutuloy na nagawa ng Haring Llorante sa Cosreusa na ipapasa kay Mendro. At umpisa na rin upang aking tanggapin ang siyang tronong ipaparapat sa akin. Kasama ang aking sinisinta.