Umugoy ang duyan sa saliw ng musikang hatid ng hangin. Sa bawat ugoy nito'y naghahandog ito nang nakakaaliw na tunog. Matagal na nang maipagawa ito, at dahil na rin sa nalipasan na 'to nang panaho'y halos matabunan na ito ng mga kalawang.
Napangiti ako nang makita ko ang nakababata kong kapatid. Masaya niyang inuugoy ang duyan. Sa bawat galaw nito'y lumilipad sa hangin ang kanyang dilaw na buhok. Ang kanyang mapupungay na mata ay nakapikit, dinaramdam ang hangin na handog nang duyan, ang kanyang malaking pisngi ay maputla sa mapula niyang labi. Pero tila huminto sa pag-ikot ang mundo nang napunta ang atensiyon ko sa kanyang leeg. Kumulo ang dugo ko nang mapagtantong may pasa ito.
Hinawakan ko ang pisi na siyang nagpahinto sa ugoy ng duyan. Nagtatakang tiningnan ako ni Violet.
"Bakit po?" nakaawang ng bahagya ang kanyang bibig.
Hindi ko siya sinagot dahil nakatutok ang aking mga mata sa kanyang leeg. Sinundan niya ang aking tingin at nagulat ako nang sinubukan niyang takpan ang kanyang pasa pero hindi ko siya hinayaan.
"Sinong may gawa niyan?" napangiwi ako sa lamig ng aking boses. Nanlaki ang kanyang itim na mata habang nakatingin sa akin. Kumunot ang kanyang noo bago siya sumimangot.
"Nadapa lang po ako?" tinaasan ko siya nang kilay. Sa tingin niya ba maniniwala ako sa pagsisinungaling niya?
"Niloloko mo ba ako?" tiningnan ko siya ng matagal nang unti-unting bumuhos ang kanyang mga luha. Parang piniga ang puso ko. Tila isang martilyo ang kanyang luha, na dumurog sa aking damdamin.
"Si Dad po kasi... hindi ko naman po sinasadyang sulatan yung files niya pero pinagalitan niya po ako tapos... tapos pinalo niya ako ng sinturon!" hagulgul niya. Hindi ko alam kung anong gagawin kaya't nilapitan ko siya at niyakap ng napakahigpit.
"Shh! Wag ka nang umiyak! Andito na ako, wala nang mananakit sayo!" marahan kong hinaplos ang kanyang likod pero hindi pa rin siya tumatahan bagkus lumakas pa ang kanyang hikbi.
Huminga ako ng malalim, "Baby, wag ka nang umiyak o! Gusto mo bang umiyak rin ako?" tiningnan niya ako gamit ang napakainosente niyang mata.
"Kuya, gusto ko po ng ice cream!" naka-pout niyang bigkas. Napatawa ako. Ginulo ko ang kanyang naka-ponytail na buhok. Sinamaan niya ako nang tingin na hindi naman umepekto dahil sa pagkurap ng kanyang mga mata.
"Iiih! Kuya naman eh! Ilang oras kong sinuklay yan tapos sisirain mo! Two strikes ka na, una pinaiyak mo ko at ngayon sinira mo buhok ko!" pagmamaktol niya. Tinawanan ko siya kaya't halos sumayad na sa lupa ang bibig niya sa kakasimangot. Ang cute lang tingnan!
"Wag kang mag-alala, bibili tayo ng ice cream! Okay na ba yung kabayaran sa ginawa ko?" tumango siya. Pinunasan ko ang natitirang luha sa kanyang pisngi.
"Wag ka nang umiyak hah! Tahan na! Pangit mo pa naman kapag umiiyak ka! Hahaha!" sinamaan niya ako nang tingin.
"Tara na? Hanap tayo ng ice cream!" alok ko. Hinawakan niya ang kamay ko at nagtatalon siya habang nakangiti ng malapad.
Inikot ko ang aking mata sa paligid. Masyadong tahimik ang Parke at di ko alam pero parang may mali. Nakakapagtakang walang kahit na sino ang nandito ngayon, lalo na't Parke ang tinutukoy ko. Napatingin ako sa langit nang biglang kumulog. Isang linya ng boltahe ang naabot ng aking paningin. Kinurap ko ang aking mata bago muling tiningnan si Violet. Hindi naman niya napansin ang kulog dahil masyado siyang busy sa paghuhumm.
Napabuntong hininga ako. Alam kong hindi magkasundo si Daddy at Violet pero wala akong kaalam-alam na sinasaktan niya pala ang kapatid ko. Di ko alam kung paano nagagawang saktan ng isang ama ang kanyang anak. Parang masyado naman ata yung brutal, sarili mong kadugo sasaktan mo? Napailing ako. Tsk. Kakausapin ko talaga siya mamaya. Parang hindi naman yata tama na sinasaktan niya ang kapatid ko.
Nabalik ako sa ulirat nang umalingawngaw sa katahimikan ng paligid ang tanyag na kanta ng sorbetes. Bigla ko tuloy naalala yung lyrics na ginawa ni Violet sa ritmo nito.
'Aking ice cream, aking ice cream, aking ice cream, aking ice cream, ay hindi pwedi maging sayo' kanta niya habang umiindayog.
Napailing ako. Sobrang bata niya pa noon. Mga three years old ata? Di ko na matandaan eh! Pero naalala ko pa na masyado siyang gahaman pagdating sa ice cream. Di niya nga ako binibigyan eh! Yun ata inspirasiyon niya sa lyrics.
Tinanggal niya ang pagkakahawak sa kamay ko bago tumakbo papalapit kay Mamang Sorbetero.
"Waaaah! Ice cream!" matinis niyang sigaw. Tsk. Ang batang 'to! Para sa ice cream lang magkakaganyan na! Napailing ako. Kung di mo siya kilala, masasabi mong masyado siyang naalagaan dahil sa kanyang kilos at ayos. Pero kapag malaman mo kung ano ang nasa likodg ng kanyang mga ngiti, mapapailing ka nalang sa katapangan niya!
Tumakbo ako para mahabol siya pero ng makarating ako sa pwesto nila ay dinidilaan na niya ang paborito niyang chocolate ice cream. Napatingin ako kay Mamang Sorbetero at bahagya akong nagulat. Kakaiba ang ayos niya para sa nagtitinda ng ice cream. Masyadong fit ang kanyang sando. Sa sobrang fit ay bumabakat ang malaking tattoo na nakaukit sa kanyang dibdib. Para itong ulo nang aso na pinaiikutan nang ahas. Tumayo ang balahibo saking batok. Masyado siyang creepy para sa nagtitinda lang!
"What?" singhal niya. Napalunok ako dahil sa titig nang kanyang mga nanlilisik na mata. Mamula-mula ito sa malaki niyang eyebugs. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit natatakot ako sa kanya. Maaring dahil ito sa presensiya niya o sa titig niya.
"Gus... Gusto ko ng ice cream!" tinitigan niya ako nang napakatagal hanggang sa naramdaman ko ang pagtulo ng pawis saking noo. Ngumisi siya ng malapad bago mag-scoop ng ice cream. Yung totoo, tinatakot niya ba ako? Kasi kung oo, effective masyado!
Binigay niya sakin yung ice cream. Tinitigan ko muna ito, gusto ko kasing nagcre-crave muna ako bago ako kumakain, pero napansin kong may kakaiba sa ice cream na binigay niya sakin. Masyado ata siyang nagmadali kasi nakita ko ang pulang likido na umaagos sa mismong apa. Kumunot ang noo ko. Bakit may ganito sa ice cream na to?
Hinawakan ko ang pulang likido at masyado itong magaspang sa lambot ng kamay ko. Sinubukan ko itong amuyin, at nalanghap ko ang amoy nang bugok na itlog. Bakit ganito ang amoy nito? Balak niya ba kaming lasunin?
Sinamaan ko ng tingin yung Mamang Sorbetero pero nagulat ako nang makitang wala na ito sa kinalalagyan niya kanina. Tumingin-tingin ako sa paligid, nagbabakasakaling makita ang hayop na iyon! Tangina! Anong akala niya sakin at sa kapatid ko, kumakain ng bugok?
"Violet, okay ka-" napasinghap ako nang makitang nakahandusay siya sa damuhan. Anong nangyari sa kanya? Wala naman siyang sakit ah? Bakit siya nakahandusay diyan?
Nakuha ang atensiyon ko ng apa. Nasa damuhan din ito. Tumakbo ako at inobserbahan ito. Kapareho nung akin, may pulang likido rin yung kanya. Tiningnan ko si Violet, at namumutla siya. Nakita ng dalawa kong mata ang pagbakat ng mga ugat niya sa leeg. Hinawakan ko ito at wala akong naramdamang pulso. Tumindig ang balahibo ko, parang mayroong humugot ng kalamnan ko dahil hindi ko na ito naramdaman. Inilagay ko ang tenga ko sa kanyang dibdib, narinig ko ang pintig ng kanyang puso pero pahina ito ng pahina.
Nadagdagan ang takot na nararamdaman ko ng maraming hakbang ang umalingawngaw. Palapit ito ng palapit. Binaling ko ang atensiyon ko sa tinig nito at di kalaunan, may nakita akong papalapit sa amin. Siningkit ko ang aking mga mata, at nakita ko na marami sila. Nakasuot sila nang itim na dress robe at tinatakpan ng hood ang mga mukha nila. Lumakas ang pintig ng aking puso, natabunan nito ang papalakas ng papalakas na alingawngaw ng kanilang hakbang.
Huminto sila sa harap namin at wala akong magawa. Ni pagtakas ay hindi ko na kaya. Di ko maramdaman ang mga paa ko. Hindi ako makakilos nang dahil sa takot. Inaamin kong ito ang unang pagkakataon na naharap ako sa ganitong sitwasyon at di ko alam kung ano ang gagawin. Tiningnan ko si Violet, nakapikit ang kanyang mata pero nakikita ko kung gaano siya nahihirapan dahil sa nakakunot ang kanyang noo.
Nanlamig ako nang isa sa kanila ay tinutukan ako ng baril. Wala akong nakikitang pag-aalinlangan sa pustora niya. At alam kong kayang-kaya niyang iputok ang gatilyo kahit anong oras.
Pinikit ko ang mga mata ko nang pinihit niya nga ito. Umalingawngaw ang pagsabog nito na sumira sa katahimikan ng Parke.
Binuksan ko ang mga mata ko nang wala akong naramdamang sakit. Nakita kong nakatutuk pa rin sakin ang baril. Napalunok ako.
"The next bullet will be for you! Now, all we want is your sister. Nothing more, nothing less! Give her to us and we'll save your pitiful life!" malalim ang kanyang boses, bagamat natakot ako sa banta niya ay sinamaan ko lang siya ng tingin. Hinding-hindi ko ipagkakalulo ang aking nakababatang kapatid!
"Your choice!" singhal niya bago pinaputok ang baril sa aking paa.
Napasigaw ako sa sakit nang maramdaman ko ang paglusot ng bala sa aking buto. Para nitong binabasag ang aking kalamnan. Naramdaman ko ang pagtulo ng aking luha. Di ko 'to kaya! Napakasakit! Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang isa pang sigaw na kumawala saking lalamunan. Hindi ko sila bibigyan ng kasiyahan saking pagdurusa.
Lumapit yung ibang nakahood papunta saming magkapatid. Sinubukan ko silang pigilan pero tinadyakan lang nila ako. Napasuka ako ng dugo dahil sa impact ng kanilang mgs paa. Kinarga nila si Violet ng walang pag-aalinlangan.
"San niyo dadalhin ang kapatid ko? Wag siya please, ako nalang!" sigaw ko pero para silang walang narinig. Hinayaan kong tumulo ang mga luha, hindi ko kayang punasan ito dahil sa sakit na aking nararamdaman.
Tinutok niya uli sakin ang baril bago tumawa, "Hahaha! Napakatanga mo! Wag kang mag-alala, iingatan namin ang kapatid mo!"
Tinitigan niya yung baril bago niya ito itapon sa dibdib ko. Naramdaman ko ang pag-agos ng dugo rito. Sa sobrang lakas ng pagkatapon niya ay parang natapon yung puso ko.
Dahan-dahan kong kinuha ang baril. Tinitigan ko ito at nakita ko ang isang pigura. Parehong-pareho ito kay Mamang Sorbetero pero napagtanto kong hindi ito ulo ng aso kundi ulo ng isang phantom.
"Hahanapin kita Violet! Kapit lang!" bulong ko bago nilamon ng dilim ang paningin ko.