webnovel

The Demon's Heart

Before the last battle of the angels and demons, Ethriel Morrow-the head of the demon troops assigned to steal an orb called "Heaven's Heart" that heaven will use to defeat Satan. During the armageddon, Arcangel Gabriel travelled in the land of mortals to hide the orb away from the demons. Ethriel follow Gabriel to the land of mortals to fight and to steal the orb but he failed. Arcangel Gabriel casts a spell to hide the orb in the heart of a maiden. When Ethriel go back to hell and report the failed mission to Satan, Satan punish him together with Alciel and sent them in the land of mortals to find the orb but not as demons but a mortals.

BadReminisce · Fantasy
Not enough ratings
20 Chs

"He's a crazy demon"

Chapter 16. "He's a crazy demon"

"Ethriel!"

Nanlaki ang lahat sa ginawa ng babaeng kanina pa nila pinapanuod. Maging si Ethriel ay gulat na gulat sa ginawa ng babaeng pagyakap sa kanya. Rinig din ang sigawan ng iba nilang kaklase na may gusto kay Ethriel dahil sa ginawang pagyakap ng babae sa binata. Habang si Aria naman ay tulala at nabigla sa nakita. Bumitaw ang babae sa pagkakayakap kay Ethriel at lumingkis sa braso nito.

"Thank God, I found you finally!" galak na sabi ng babae. Nagtataka naman si Ethriel sa sinasabi nito dahil hindi naman niya kilala ang babae.

"Kadiri." inis at diring sabi ni Ethriel. Up until now, he is still not used of seeing or touching girls.

"What did you just say?" inis na tanong ng babae sa kanya.

"Ah-eh, sino ka ba?" tanong niya. Masigla namang ngumiti ang babae.

"My name is Penelope, I saw your picture on the page of cutiebaes in facebook and I can't help myself to fall in love with you!" maarteng bigkas sa kanya ng babae. Hindi naman maintindihan ni Ethriel ang sinasabi ng babae.

Napatingin siya kay Aria na ngayon ay hawak ang cellphone at may kung anong tinitingnan.

"Aria, ano daw?" tanong ni Ethriel at naiilang sa pagkakahawak ng babae sa kanyang braso. Hinarap naman sa kanya ni Aria ang cellphone nito at doon niya nakita ang kanyang litrato habang siya ay naglalaro kahapon ng basketball.

"I can't believe na mas hot ka pala in person, Ethriel." manghang-manghang sabi ng babae.

Naalala ni Aria na bukod sa nakita niya kahapon ang babae sa store, ay isa rin itong sikat na social media influencer.

"Ikaw ba si Penelope Chiu?" tanong ni Aria. Tinaasan naman siya ng kilay ni Penelope.

"Hell yeah, so what miss?" pataray na sagot ni Penelope. Napairap nalang ng mata si Aria at hindi na pinatulan ang babae.

Nauna na siyang pumasok sa classroom nila at nagsipasukan din ang iba niyang classmate. Inis man ay minabuting hindi na pansinin ni Aria ang babae.

Nagsimula ang kanilang klase, ngunit sa hindi malamang dahilan ay hindi mawala ang inis ni Aria kay Ethriel. Lalo na at hindi umalis si Penelope at nasa tabi pa ito ni Ethriel. Hindi transfer student si Penelope Chiu, ngunit nakiusap ang manager nito na pagbigyan na mag-sit in ito sa kanilang section sa loob ng isang linggo. Naging instang exchange student nga ito sa kanilang school. Galing sa isang kilalang school si Penelope at isang kilalang socila media influencer. Madalas na babash ngunit ito rin ang nagpapasikat sa babae.

Napatingin si Aria kay Ethriel na seryosong nakikinig sa kanilang lesson habang ang babae naman sa tabi nito ay titig na titig sa binata. Napabuntong-hininga na lang si Aria sa iniisip niyang kabaliwan ng babae. Bigla namang napabalik siya ng tingin kay Ethriel sa pagkakataong ito ay nakatingin ito sa kanya. Nabigla si Aria nang magtama ang kanilang mga mata. Kasabay noon ang hindi malamang biglang pagbilis ng kabog ng kanyang dibdib. Hindi naman makakaila sa isip ni Aria na talaga namang may angking lakas ng dating ang binata. Ethriel was once an angel. He has a natural angelic looks.

Nang mabalik sa katinuan si Aria mula sa pagkakatulala sa mukha ni Ethriel ay inirapan niya ito at sumiyenyas na makinig sa lesson. Napatawa naman si Ethriel sa naging reaksyon ni Aria.

Recess. Inaayos ni Aria ang kanyang gamit para sa kanilang P.E. mamaya pagtapos ng kanilang recess nang lapitan siya ni Ethriel.

"Aria, sino ba ang babaeng to?" maktol ni Ethriel saka turo sa babaeng nakapulupot sa kanyang braso. Inis na inirapan naman siya ni Aria.

"Bakit ako ang tinatanong mo? Tanungin mo siya." pataray na sagot ni Aria.

"Ethriel, I already introduce myself to you earlier..." bigla namang singit ni Penelope. Napatingin si Aria rito at kitang-kita niya ang matalim na tingin sa kanya ng babae. "And besides, why are you asking her? Sino ba siya?"

"Kadiring babae, si Aria yan." maikling sagot ni Ethriel.

"I mean sino ba siya sayo?" Penelope clarified. Napaisip si Ethriel sa tanong ng babae at tiningnan si Aria.

"Kapit bahay ko." ani Ethriel at ngumiti.

Aria felt an electricity all through her veins after she heard what Ethriel said. Pero kinalma niya agad ang sarili at naupo na lang ng tahimik. Mariin niyang pinikit ang mga mata at huminga ng malalim.

"Kalma girl." pang-aasar naman ng kaibigan nitong si Millie na nakaupo sa likod niya.

"Classmates, sabi ni Ms. Rotula magbihis na daw ng P.E. uniforms and proceed to the gym pag nag bell na." anunsyo ng kanilang president na nasa harapan.

"Aria, tara sabay na tayo." pagyaya ni Millie kay Aria.

"Tara." ani Aria at tumayo ngunit napahinto siya nang makita ang ginawa ni Ethriel.

Ethriel suddenly unbuttom his polo and removed his polo in front of the whole class. Napatulala ang lahat sa ginawang paghubad ni Ethriel. Pigil na pigil ang kilig ng mga babae habang natulala naman si Aria sa nakita. Nagtataka naman na nilibot ni Ethriel ang tingin sa mga reaksyon ng kanyang kaklase nang mahinto ito kay Aria.

"Bakit? Sabi magpalit na daw di ba?" walang alam na sabi ni Ethriel.

Ethriel was about to unbutton his pants when his boys classmates shouts and force all the girls to go outside their classroom. Naghahabol naman ng paghinga si Aria habang hawak ang paper bag ng kanyang P.E. uniform.

"He's a crazy demon" mahinang sabi niya at mabilis na iniling-iling ang ulo para alisin sa isip niya ang nakitang topless na si Ethriel.

Panay naman na ang tilian ng kanilang mga kaklaseng babae sa labas ng kanilang classroom. Habang ang mga lalaki ay hinarangan si Ethriel na magbihis ng P.E. uniform nito.

Napatingin naman si Aria kay Penelope na natulala dahil sa nakita.

"Holy shit." mahinang sabi ng babae saka tumili ng malakas.

Hindi naman ganoong ka-slim ang katawang tao ni Ethriel. Katamtaman ang laki nito kumpara sa maskulado niyang katawan kapag siya ay nasa demon form.

P.E. Class. Physical fitness ang kanilang activity ngayon sa P.E. sinabi ng kanilang teacher na maghanap ng kapartner para gawin ang mga fitness exam. Aria was about to ask Millie to be her partner when Ethriel forcely grab her waist.

"Partner tayo, Aria." sabi nito sa kanya. Malakas naman siyang tinulak ng babae.

"Ayoko." sagot nito. "Millie part-" hindi na natapos ni Aria ang sasabihin nang makitang may partner na si Millie at tinawanan lang siya nito. She knows what Millie want to happen. Inambahan niya ng masamang tingin ang kaibigan saka inis na hinarap si Ethriel.

Nilibot niya ng tingin ang buong gym para hanapin si Penelope pero wala ito sa loob.

"Nasaan ang tuta mo?" irita niyang tanong kay Ethriel.

"Hindi ko alam. Napipikon na nga ako e. Ayoko sa kanya." maktol ni Ethriel. Natawa naman si Aria sa sinabi nito.

"Talaga lang ha? Kanino mo gusto? Marami kang choices." pang-asar na tanong ni Aria. Naging seryoso naman ang tingin sa kanya ni Ethriel.

"Sayo." Mahina nguniti rinig ni Aria ang sinabi ni Ethriel. Inirapan niya ang binata.

"Wag ako, demonyo." mahinang sagot niya at nilagpasan lang si Ethriel.