webnovel

The Demon's Heart

Before the last battle of the angels and demons, Ethriel Morrow-the head of the demon troops assigned to steal an orb called "Heaven's Heart" that heaven will use to defeat Satan. During the armageddon, Arcangel Gabriel travelled in the land of mortals to hide the orb away from the demons. Ethriel follow Gabriel to the land of mortals to fight and to steal the orb but he failed. Arcangel Gabriel casts a spell to hide the orb in the heart of a maiden. When Ethriel go back to hell and report the failed mission to Satan, Satan punish him together with Alciel and sent them in the land of mortals to find the orb but not as demons but a mortals.

BadReminisce · Fantasy
Not enough ratings
20 Chs

"Close with the demon"

Chapter 14. "Close with the demon"

Many days had past and Aria couldn't say what she want to say to Ethriel. And she feels Ethriel's avoidance after that day when Draven went back to get the orb inside her. Tuwing magkikita naman silang dalawa ay bigla na lang iniiwas ni Ethriel ang tingin nito sa kanya. Panay din ang sulyap niya sa binata kahit sa classroom habang nakikinig sa klase nila.

"Okay class, this is the result of your long quiz yesterday." anunsyo ng kanilang teacher sa math. Kung math lang din ang pag-uusapan, alam ng marami na maning-mani ni Aria ang math. And besides, she is one of the top of the class.

"This is unusual." pag-uumpisa ng kanilang teacher sa Math. "He got a perfect score."

Nagtaka ang lahat sa sinabi ng kanilang teacher at ganoon din si Aria. Alam niyang hindi siya ang tinutukoy nito.

"Congrats, Ethriel you did a great job." bati ng kanilang teacher kay Ethriel. Namangha ang lahat ng kaklase nila kay Ethriel na ngayon naman ay bakas anh pagtataka at ngiti sa kanyang mukha.

"And of course, you did a great job, Aria. You only got one mistake. Congratulations." nagpalakpakan ang kanilang mga kaklase.

Aria didn't know how to feel. Para sa kanya, Math ang best subject at dito siya nag-eexcel. She is planning to get a education course major in Math someday.

Nang mag-recess. Tahimik lang si Aria sa kanyang upuan habang binabasa ang notes niya para sa susunod na subject. Nagpabili ba lang siya kay Millie ng makakain. Inagaw naman ang kanyang atensyon ng mga kaklase niyang maiingay na nakapalibot kay Ethriel at tuwang-tuwa sa lalaki.

"Alam mo Ethriel, ang galing mo pala sa Math! Next time nga ay magpakopya ka!" natatawang sabi ng isa niyang kaklase.

"Oo nga paano mo na-perfect yon?" manghang tanong pa ng isa.

"At saka mukhang sisikat talaga ang section natin dahil sayo, tingnan mo sa pinto, ang daming babaeng gusto kang makita." dagdag pa ng isa nilang kaklase.

Hindi naman sinasadya ni Aria na makinig sa usapan nila. Tiningnan ni Aria ang pinto nila at naroon nga ang maraming students na babae na panay ang dungaw sa pinto para makita si Ethriel. Tumawa ng malakas si Ethriel dahil sa mga sinasabi ng mga kaklase nila sa kanya.

Napabuntong-hininga si Aria sa mga naririnig niya nang dumating si Millie at binigay ang pagkaing pinabili niya.

"Instant celeb naman pala yang kapit-bahay mo bestie." ani Millie saka inom ng milktea.

Napatingin si Aria sa tumatawang si Ethriel. Taimtim niyang pinagmamasdan ang masayang mukha ni Ethriel. Hindi naman maipagkakailang mapang-akit nga ang mukha ng binata. Habang pinagmamamsdan niya ito, bigla namang sumagi sa kanya isipan ang anyo nito kapag isang demonyo. Napabuntong-hininga si Aria at napapikit saka inom ng kanyang milktea.

Kung alam niyo lang na isang demonyo ang nasa harap niyon

Uwian na at nagtungo muna si Aria sa library para mag-assist doon. She is also working as student assistant in their school to support her tuition fee. Living alone and far with family is not an easy one. Matapos mag-ayos ng mga aklat sa library ay bumalik na sa classroom si Aria para kunin ang kanyang gamit at umuwi na. Pagtapos pa nito ay papasok naman siya sa store hanggang alas-onse ng gabi.

Pagbukas niya ng pinto nabigla siya nang may tao pa sa kanilang classroom. At hindi pa niya inaasahan na si Ethriel ito. The sound of awkwardness hits Aria's heart when Ethriel look into her. Mabilis niyang inalis ang mga tingin sa lalaki at nagtungo sa upuan para kunin ang bag.

"Hindi ka pa umuuwi?" tanong ni Aria kay Ethriel saka saklob ng bag sa kanyang likod. Tumawa naman si Ethriel.

"Nag-training ako. I joined the basketball team." paliwanag ni Ethriel. "Uuwi ka na ba? Sabay na tayo."

Sabay silang lumabas ng school at naglakad pauwi. Ito ang unang beses na muli silang nag-usap at nagkalapit na dalawa ulit matapos ang ilang araw.

"Ethriel, maaari ba akong magtanong pa tungkol sa inyong mga anghel at demonyo?" pag-uumpisa ni Aria ng usapan. Naging seryoso naman ang mukha ni Ethriel at tumango lang kay Aria bilang sagot.

Huminga ng malalim si Aria. "Mayroong anghel noong araw na ilagay sa akin ang heaven's heart, sino siya?" tanong niya sa binata.

"Ahh iyon ba, si Archangel Gabriel iyon. Noong araw na nakita mo siya, ako ang kalaban niya noon." sagot ni Ethriel.

"Magpapakita pa kaya siya?" tanong ulit ni Aria. Napaisip at napatingin si Ethriel kay Aria.

"Siguro. Dahil hindi lang mga demonyo ang may interes sa heaven's heart. Panigurado akong kukunin din itong muli ng mga anghel sayo." sagot ni Ethriel.

Nabalot ng katahimikan ang dalawa. Hindi mawari ni Ethriel ang nararamdaman nang marinig niya ang mga tanong ni Aria tungkol kay Gabriel.

Nang makauwi lumabas si Ethriel at sakto namang pababa na si Aria sa kanilang apartment para pumaosok sa store. Taimtim niyang pinagmasdan at hinabol ng tingin ang babae.

"Aria..." mahinang sambit niya sa pangalan ng dalaga.