Lumipas pa ang ilang buwan bago pa magtanong si Raphael kay Cassy kung may pag-asa ba na maging sila.
"Cassy... can you be my girlfriend?" Ani ni Raphael
Hindi naman makapaniwala si Cassandra sa tanong na ito ni Raphael. Masayang masaya naman siya na sumagot.
"Oo! Oo...." ani ni Cassandra
"Talaga?? Sinasagot mo ako?" Tugon ni Raphael
"Oo nga... im your girlfriend..." ani ni Cassandra
Niyakap ni Raphael si Cassandra at hinalikan ito.
"Thank you.. kung alam mo lang sana kung gaano ako kasaya." Ani ni Raphael
"Masaya ako... lalo na at nakikita ko ang mga ngiti sa labi mo." Tugon ni Cassandra
Lumipas ang ilang linggo, ipinakilala na ni Raphael si Cassandra sa kanyang buong tropa bilang kanyang girlfriend.
"Guys... meet my girlfriend Cassandra." Ani ni Raphael
"Allllriiigghhhttt!!!" Sigaw ng tropa niya
Unang beses pa lamang ni Cassandra na sumama sa tambayan nina Raphael. Kaya hindi siya masyadong komportable dito.
"Ok ka lang?" Ani ni Raphael
"Oo ok lang ako.. medyo naiilang lang ako." Tugon ni Cassandra
Narinig ito ng isang kabarkada ni Raphael
"Si Clary hindi naiilang. Napaka cool niya sa aming lahat." Ani ng isang tropa
Sinenyasan ni Raphael ito kaya naman humingi ito kaagad ng paumanhin.
"Pasesnsya ka na Cassandra" ani ng Tropa
Samantala, simula ng maging si Raphael at Cassansra, doon lamang napagtanto ni Edward na may gusto pala siya kay Cassandra. Kaya naman sa bawat galaw ng dalawa nakabantay ito.
Lumapit si Edward kay Cassandra at kinausap.
"Ok ka lang?" Ani ni Edward
"Oo ok lang ako. Hindi lang ako sanay" tugon ni Cassandra
"'Masanay ka na.. ito ang mundo namin ni Raphael. At marami pang pagkakataon na maulit muli ito." Ani ni Edward
Ngumiti at tumango lamang si Cassandra.
Makalipas ang ilang oras, nalasing na si Raphael. Nakaakbay ito kay Cassandra at biglang nagsalita.
"Guyss... masarap kasama si Clary diba?" Ani ni Raphael
Napatingin ang buong tropa kay Cassandra. Masakit man ito para kay Cassandra subalit kailangan niya itong tanggapin para kay Raphael.
"Nako lasing ka na... tama na ang inom." Ani ni Cassandra
"Hindi pa ako Lasingg..." tugon ni Raphael
"Lasing ka na... halika na uuwi na tayo.." ani ni Cassandra
Hindi na nagpumilit pa si Raphael, umuwi na sila ni Cassandra sa bahay niya. Pagkarating doon, inasikaso ni Cassandra si Raphael.
"Mahiga ka lang jan kukuha lang ako ng pamalit mo." Ani ni Cassandra
Nagtungo si Cassandra sa banyo upang kumuha ng maligamgam na tubig at bimpo at saka pamalit na damit ni Raphael.
"Ang dami mo kasing nainom." Ani ni Cassandra
"Thank you Clary..."tugon ni Raphael
Nangilid ang mga luha ni Cassandra sa kanyang narinig.
"Kahit ilang beses mong ipamukha sa akin na hindi ako si Clary, ito pa din ang beses na hindi ako mapapagod na mahalin ka." Ani ni Cassandra
Hindi na ito narinig ni Raphael sapagkat nakatulog na ito. Nang gabing ito, nagumpisa ang lahat ng plano ni Cassandra para kay Clary.
🖤+ END OF FLASHBACK + 🖤
"Bakit natigilan ka?" Ani ni Jace
"Ah wala... ano nga uli ang tanong mo?" Tugon ni Cassandra
"Sabi ko kung May boyfriend ka na ba?" Ani ni Jace
Napangiti sa kanyang sarili si Cassandra
"Ah wala pa bakit?" Ani ni Cassandra
"Wala naman.. sige na back to work na tayo.. salamat sa time Cassy." Tugon ni Jace
"Ok TL.. salamat back to normal na tayo." Ani ni Cassandra
Lumabas si Cassandra sa pinto ni Jace nang bigla siyang tawagin nito.
"Ah Cassy...??" Ani ni Jace
"Yes TL??" Tugon ni Cassandra
"Uhm may gagawin ka ba next month? Birthday ko may kaunting party." Tanong ni Jace
"Wala naman.. at kahit may lakad ako icacancel ko para sayo." Ani ni Cassandra
"Naks.. ang lakas ko naman sayo" tugon ni Jace
"Ganyan talaga kapag mahal mo ang isang tao." Ani ni Cassandra
Nadulas si Cassandra sa kanyang nasabi. Kaya tumayo si Jace at lumapit sa kanya.
"Cassy?" Ani ni Jace
"Uhm wala sige na babalik na ako TL.." tugon ni Cassandra
Nagmadaling umalis si Cassandra at diretsong umupo sa kanyang work place.
Nagkaroon naman ng pag-asa si Jace na ituloy ang plano niyang panliligaw kay Cassandra.
Gabi na ng matapos si Clary sa kanyang trabaho. Wala siyang makuhang taxi kaya naman nagbaka sakali siyang tawagan si Jace.
Rrrrriiinnngggg...
"Jace... sorry but i need you..."
-clary
"Bakit?? Anong nangyari?"
-jace
"Ano kasi... late na ako natapos dito sa office ko... wala akong makuhang taxi.. pwede mo ba akong sunduin?"
"Sige sige babalik ako jan. Pumasok ka muna sa loob tatawagan na lang kita mamaya kapag nasa labas na ako.
"Thank you Jace..."
🖤+ END CALL +🖤
Dahil nagkaroon ng shutdown ang netwrok, maagang umuwi sina Jace at kanyang buong team.
Inihatid muna ni Jace si Cassandra bago niya puntahan si Clary.
"Thank you TL" ani ni Cassandra
"Wala iyon...so sunduin kita bukas?" Tugon ni Jace
Nahiwagaan si Cassandra kung bakit ito ginagawa ni Jace
"Bakit? Anong meron?" Ani ni Cassandra
Huminga ng malalim si Jace at naglakas loob na magpaalam kay Cassandra.
"Uhm Cassy... pwede ba akong manligaw?" Ani ni Jace
Hindi naman nagdalawang isip na tumanggi si Cassandra.
"Ligaw? Sige payag ako..." tugon ni Cassandra
"Talaga??" Ani ni Jace
"Oo nga.." tugon ni Cassandra
Niyakap siya ni Jace at yumakap din siya.
"Sige lang... kung ito ang paraan para mas masaktan ko si Clary gagawin ko.. para maramdaman niya ang nararamdaman ko." Sambit ni Cassandra sa kanyang sarili
Nagpaalam na si Jace kay Cassandra.
"Mag iingat ka TL.." ani ni Cassandra
"Yuph! Sige na pumasok ka na sa loob" tugon ni Jace
Pagkaaalis ni Jace, pumasok na sa loob si Cassandra. Laking gulat naman niya na nasa loob ng bahay niya si Edward.
"Ayos ba ang plano mo ? Mukhang kumakagat na si Jace." Ani ni Edward
"Anong ginagawa mo dito?" Tugon ni Cassandra
"Tinatanong pa ba yan?" Ani ni Edward
Lumapit si Edward kay Cassandra at sinuong ito ng halik. Wala ng nagawa si Cassandra kung hindi Ng ibigay ang nais ni Edward.
Makalipas ang ilang minuto, tumawag na si Jace kay Clary at pinalabas na niya ito ng building. Pagkatapos ay inihatid na niya ito sa kanyang bahay.
"Thank you Jace..." ani ni Clary
"Sige na mauna na ako.."tugon ni Jace
"Ingat ka... salamat uli." Ani ni Clary
Nang sasakay na ng motor si Jace, tumingin siyang muli kay Clary at nagyaya para sa kanyang birthday.
"Clary.. birthday ko na next month.. punta ka ha.." ani ni Jace
"Sure! Darating ako..." tugon ni Clary
Pagkatapos noon ay umalis na si Jace. Nakahalukipkip naman si Clary na pinagmasdan si Jace habang umaalis
Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!
Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!
I tagged this book, come and support me with a thumbs up!
Like it ? Add to library!
Have some idea about my story? Comment it and let me know.