webnovel

The Day I Mer Her Book 1 (COMPLETED)

What if you meet the right person but not in the right time? Will you choose to stay or let them go? **** This story was published under Dreame, starting September 2020. ****

Jennex · LGBT+
Not enough ratings
11 Chs

When it rains

Nagising ako dahil sa ingay ng tunog na naririnig ko mula sa alarm ng cellphone ko. Inaantok na kinapa ko ito mula sa may uluhan ko atsaka ito pinatay. Umaga na naman pala, mabuti na lamang at palaging naka set ang alarm sa cellphone ko, kung hindi ay tiyak na malalate na naman ako sa aking trabaho.

Hindi man lamang pala ako natulog sa kwarto ko kagabi, atsaka ang pinagtataka ko hindi man lamang ako nakapagpalit ng damit pantulog. Haayyy. Bumangon na ako at nag-inat ng mapansin din na mayroong blanket na nakapatong sa may paanan ko hanggang sa may balakang ko.

Awtomatikong gumuhit ang mga ngiti sa aking labi ng biglang sumagi sa isipan ko kung sino ang may salarin. Si Breeze. Dala na rin siguro ng sobrang pagod kahapon kaya hindi na kinaya pa ng katawan ko ang pumasok sa kwarto upang doon matulog. At isa pa dahil sa biglaang pag-aya ni breeze ng date sa akin ay naubos ang lahat ng lakas ko. Hinigop niyang lahat siguro iyon.

Naiiling na pangiti-ngiti ako sa aking sarili habang inaalala parin ang mga nangyari kahapon. Nagdate kami. Ako? Dinate ng isang dyosa na si Breeze Sullivan? Kinikilig at hindi parin makapaniwala na tanong ko sa aking sarili.

Dahil doon mas naging inspirado ako na harapin ang panibagong bukas. Charot! Mas ganado akong pumasok sa trabaho. Ngayon pa ba ako tatamarin kung saang inspired ako?

-------

Kanina pa patingin-tingin sa akin sina Bianca, Kevin at iba naming mga kasamahan dito sa opisina. Dahil kung hindi ako tatawa ng out of the blue, pangiti-ngiti naman ako ng parang iwan. Siguro kung nakakamatay lang ang tumingin ng matalim at masama kanina pa ako natigi dahil sa mga tingin ni Bianca.

"Pffffft." Pagpigil ko sa nagbabadya kong pagtawa ng muli akong napasulyap kay Bianca. Lumapit naman si ate Erica sa may puwesto malapit sa amin ni Bianca habang may mapanuksong ngiti sa kanyang mga labi.

"Someone's in a good mood today. Tsk!" Sabi nito ng tuluyan na ngang makalapit sa pwesto namin. "Anong meron bunso?" Tanong pa nito sa akin bago ako tinignan ng makahulugan.

"Right! Anong meron? Kanina ka pa pangiti-ngiti at patawa tawa riyan eh." Dagdag pa ni Kuya Jomar na parang tatay at napacross arms.

"Oo nga." Sang-ayon at chorus naman ni Reynard at Kevin.

Ah, uh-uh. Mukhang napapalaban ako ngayon sa pagpapaliwanag at mga palusot ha. Feeling ko namumula na naman ang itsura ko ngayon dahil lahat sila ay nasa akin na ang atensyon. Tinignan ko ang mga ito isa-isa at napapangiwi dahil sa kanilang mga tingin na nakakakilabot.

"May karibal na ba ako sayo Cath?" Parang bata na sabi ni Kevin bago ito napanguso at umakting na parang umiiyak. Nanlaki bigla ang mga mata ko dahil sa sinabi nito, parang ganoon na nga eh. Pero hindi ko pupweding sabihin sa kanila iyon at mas lalong hindi ko pweding sabihin kung sino dahil babae rin siya. Gaya ko, ni Bianca at ni ate Erica.

"W-wala no! Hehehe. Ano ba kayo! Hindi lang siguro kayo sanay na ganto ako." Agad depensa ko mula sa kanilang lahat. "Naalala ko lang kasi iyong napanood ko kagabi sa tv, sobrang nakakatawa kasi." Dagdag ko pa.

"Hmmmm." Chorus nilang lahat at sabay sabay na napatango-tango.

"Ano naman yang napanood mo?" Biglang tanong sa akin ni Bianca. "Sa pagkakaalam ko kasi, hindi ka mahilig manood ng tv ng mag-isa." Dagdag pa nito.

"Taaama!" Sang ayon naman ni ate Erica at ganoon din si Kuya Jomar at Reynard habang si Kevin naman ay tahimik na naghihintay sa magiging kasagutan ko. Patay! Napakagat labi ako, anong sasabihin ko? Magsasalita na sana akong muli ng magsalitang muli si Bianca.

"Isa pa, bakit bigla kang nawala kahapon? Nalingat lang kaming lahat nawala kana agad ng ganoon kabilis?" Pagkatapos niyang sabihin iyon, lahat sila napatingin ng seryoso sa akin habang hinihintay ang magiging paliwanag ko. Napapakamot na lamang ako sa aking batok dahil sa hindi malaman kung ano ba ang dapat kong sabihin ng biglang--

May dumating na client. Napapapikit at napahawak ako sa aking dibdib, salamat naman dahil nawala bigla ang atensyon nilang lahat sa akin. Ayos! hehe

--------------

Lumipas ang ilang araw pagkatapos ng huling beses na nakita at nakasama ko si Breeze ay hindi ko na muli pa itong nakita. Mabuti na lamang din ay hindi na ako muling kinulit pa nina Bianca dahil doon sa mga nangyari noong araw din na iyon.

Araw-araw ay palagi ko itong inaabangan sa Cafe Shop o kung hindi naman kaya ay lihim akong umaasa na makikita ko ito sa labas ng apartment ko. Kahit sa labas ng building ng opisina namin o parking area ay palagi ko itong hinahanap maging ang kotse nito. Nagbabakasakaling makikita ko ito, ngunit bigo ako palagi.

Minsan hindi ko maiwasang isipin na baka hindi na ako nito gugustuhin pang makita. O baka naman dahil may nakita ito sa akin na hindi kanais nais dahilan upang hindi na ako nito magugustuhan pa, kahit na kailan. Panay ang pag-aalala ko, walang oras o minuto na hindi ito sumsagi sa isipan ko. Ano kayang nagawa ko? Frustrated na tanong ko sa aking isipan.

"Hays!" Nagpapadyak na bigkas ko habang bitbit ang aking bibilhing Ice cream at noodles. Nandito kasi ako ngayon sa isang convenience store. Medyo nakaramdam kasi ako ng gutom habang nanonood ng tv, kaya naisipan ko munang pumunta rito upang bumili ng makakain. Naubusan kasi ako ng stock sa refrigerator ko kaya kahit tinatamad lumabas ng bahay ay napatakbo ako rito.

Friday ng gabi ngayon kaya, napagpasyahan ko na munang magpuyat dahil wala naman akong pasok kinabukasan sa opisina. Pagkatapos kong kumuha ng isang piattos ay dumiretso na ako sa counter para magbayad.

"320 pesos." Mataray na sabi ng kahera bago ako inirapan. Medyo may katandaan na ito ngunit makikita mong malakas parin para magtrabaho. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago inabot rito ang aking bayad. "Barya lang ha." Dagdag pa niya.

Tumango ako rito at inilapag na lamang sa counter ang bayad. "Barya lang ho yan." May labag sa loob na sagot ko. Pagkatapos nitong mailagay sa isang supot ang aking mga pinamili ay kaagad na kinuha ko na ito mula sa kanya. Ngunit bago pa man ako tuluyang makatalikod at makaalis sa harapan nito ay ngumiti ako sa kanya habang siya naman ay nakabusangot parin ang itsura.

"Nang, try mo ho kayang ngumiti minsan. Baka lang ho mas magkabenta kayo ng mas malaki." Pilosopong komento ko rito bago tuluyang tumalikod sa kanya. Ansama ko ba? Hehe. Tatawa-tawa ako sa aking sarili hanggang sa makalabas ng store, nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Patay!

"Bakit ngayon ka pa bumuhos? Pambihira!" Pagmamaktol ko. As if naman na sasagutin ako nito.

Dahil sa hindi ko alam kung kailan titila itong ulan, kaya naman napagpasyahan ko na tumakbo na lang hanggang sa makarating sa bahay. Total malapit lang naman ang apartment ko rito eh. Hindi naman siguro ako magkakasakit. Kung hindi ko lang kasi iniwanang nakabukas ang tv sa sala, edi sana hindi ko na kailangang magmadali para makauwi.

Nasa kalagitnaan na ako ng aking pagtatakbo ng bigla akong nadulas at nakalisod. "Arggh!" Ang tanging nasambit ko ng bumulagta na ako at tumama ang tuhod at baba ko sa matigas na seminto. Naiinis na nadidismaya ako sa aking sarili dahil sa kalampahan ko.

Kahit nararamdaman ko ang sakit ng sugat sa may tuhod ko ay pinilit ko paring makabangon. Tatayo na sana ako ng may biglang paparating na sasakyan at tumatama ang ilaw nito sa buong mukha ko dahilan upang masilaw ako. Huminto ang sasakyan sa may tapat ko. Napakunot ako ng noo at sandali kong iniharang ang kanang kamay ko sa may mukha upang makita kung sino man ang hambog na may ari ng sasakyan na iyon. Ngunit hindi ko parin ito mamukhaan dahil sa sobra akong nasisilaw sa ilaw ng sasakyan.

"Need help?" Tanong nito ng makarating sa may harapan ko. Nahihimigan ko rin ang pagngiti nito sa tono ng kanyang boses. T-teka, pamilyar ang boses na iyon ah.

"B-breeze?" Kaagad na pagklaro ko kung siya nga iyon. Doon ko lang din napansin ang payong na buhat buhat nito upang hindi ito mabasa ng ulan, pati na rin ako.

"Kapag hindi ka pa tumayo diyan, tiyak na mababasa ka lalo." Malambing na sabi nito sa akin at yumuko upang alalayan ako sa pagtayo. Muli kong naramdaman ang pagkirot ng sugat sa tuhod ko ng sandaling nakatayo na ako. "Come on."

Pinagbuksan ako nito ng pintuan sa passenger seat bago ito umikot sa kabila upang makasakay narin. Nanghihina na napayuko lamang ako sa aking sarili. Basang basa ko sa ulan at tiyak na nagmumukha na akong kawawang sisiw sa harapan niya. Sa dinami dami ba naman kasi ng pagkakataon na pwede kaming magkita bakit sa ganito pa? Sa ilang araw na inaabangan ko na muli ko siyang makikita bakit ngayon pa?

"S-sorry. Nabasa ka pa tuloy dahil sa akin. Hinayaan mo nalang sana akong nabasa ng ulan. Ayan tuloy.." Mahinang tugon ko rito. Napailing ito at napatingin sa akin habang mayroon na namang mapanuksong ngiti sa kanyang mga labi.

"You look like--Uhmm.." Sandaling napahinto ito at kaagad na umiwas ng tingin. "So hot." Ngunit hindi ko na narinig pa ang huling sinabi nito dahil para na itong bumubulong sa hina ng boses niya. Muli ay napayuko na naman ako.

"Fck!" Narinig kong pagmura nito ng mahina dahilan upang mapatingin ako sa direksyon niya. At na sundan pa iyon ng marami pang beses. Nagtatakang napatitig ako rito. Bakit kahit na nangmumura siya? Ang sexy parin sa pandinig ng boses niya? Nakita kong napalunok ito at umiwas ng tingin mula sa akin. Pagkatapos ay may inabot itong jacket.

"Wear this jacket." Inaabot niya iyon ng hindi parin makatingin sa akin. Napatikhim pa ito ng maglapat ang kayang balat sa palad ko bago ipinaypay ang kanyang palad sa mukha atsaka nilakasan ang aircon sa loob ng sasakyan. Naiinitan parin ba siya? Tanong ko sa sarili. Eh ang lakas lakas na nga ng ulan. Napapailing ako sa aking sarili bago ngumiti rito.

"Salamat." Tipid na pasasalamat ko rito dahil sa hiya.

"Ehem!" Sabi nito bago muling humarap sa akin at this time ay nakatingin na ng diretso sa mukha ko. "M-mabuti pa siguro ihatid na kita pauwi." Medyo nautal pa na sabi nito sa akin habang napalunok ng ilang beses. Napangiti ako ng wala sa sarili. Ngayon ko lang kasi yata siya narinig na nautal sa harap ko. "Bago pa kita magahasa." Dagdag nito at tuluyan ng binuhay ang makina ng sasakyan.

Bigla rin tuloy akong nakaramdam ng init kahit pa basang basa ako ng ulan, isama mo narin ang lakas ng aircon. Agad na napayuko ako ng maramdaman ko na namumula ang aking mukha upang hindi niya makita at doon ko lamang napansin na bakat na bakat at kitang kita pala ang aking hinaharap dahil sa nipis ng suot kong kulay puting t-shirt. Mabuti na lamang ay may suot akong bra dahil kung hindi...agad agad kong itinakip sa aking katawan ang jacket ng sumagi sa isipan ko ang bagay na hindi dapat. Kaya naman pala ganon nalang ang pagmumura ni Breeze kanina at nasabi niya ang bagay na iyon.Parang gusto ko na tuloy tumalon mula sa loob ng sasakyan dahil sa kahihiyan.

Dahil sa walking distance lang ang apartment ko sa binilihan kong store kanina ay ilang segundo lang din ay nasa harap na kami ng tinitirahan ko.

Medyo tumila na rin naman ang ulan ngunit may kalakasan pa ang ambon nito. Bumaba na ako paghinto palang ng sasakyan at hindi na hinintay pang pagbuksan ako ni Breeze.

"Salamat sa paghatid at sa pagpapahiram nitong jacket mo." Pagpapasalamat na wika ko rito habang nakayuko parin. Dahil kahit na hindi ako nakatingin ay ramdam ko ang nakakapasong mga titig nito sa akin.

"M-mauna na ako." Tahimik parin na nakatingin ito sa akin at walang kibo na tumango lamang sa sinabi ko. Tatalikod na sana ako ng biglang magsalita ito.

"See you tomorrow." Pagkatapos ay tumalikod na ito at sumakay sa kanyang sasakyan na agad naman niyang pinasibad papalayo.

See you tomorrow? Nagtataka at napapailing ako habang iniisip kung ano ba ang ibig nitong sabihin? Wala naman akong pasok kinabukasan, isa pa wala naman akong pupuntahan. Maging siya ay wala ring nabanggit na kahit ano sa akin kanina. Hayy, hayaan na nga. Sumasakit lang kasi ang ulo ko sa kakaisip. Pero kung ano man iyong ibig niyang sabihin ay, tiyak na ikatutuwa at ikatataba ng puso ko.