webnovel

The day dreamer's diary

deb_laingo7 · Fantasy
Not enough ratings
13 Chs

chapter 7

Lumipas ang 3 taon. Naka graduate na si bhozz, at ako. Promoted na as Asst. Manager.

Mataas na yung posisyon ko sa kompanya. Pero wala na kaming dalawa. Totoo nga pala yung kasabihang, kung sino pa yung pinili mo, siya pa yung sasayangin ang pag ibig mo.

Pero ok lang. That was 1 year ago, sobrang broken ako nun, but that was another story.

Patuloy pa rin ako sa buhay, pero hindi ko na sasayangin yung oras ko sa lovelife lovelife na yan, I learned to love my life.

Bumukod na rin ako sa parents ko at may sarili nang bahay at kotse.

Isang araw, araw nang linggo, wala akong pasok. After ko mag simba, napagpasyahan kong mamasada. Sayang din naman ehh, andaming tao. Ambilis, dalawang oras pa lang at naka 300 na ako. May pang gas na nang motor at pambili nang grocery. Nakatambay lang ako sa kanto at naghihintay nang may sumakay. Na busy din ako sa kakalaro ko nang zombie tsunami kaya di ko namalayang may paparating na pasahero.

"kuya, alis na tayo bilis." sabi nang babae. Isinilid ko sa bag ang cellphone at pinaandar ang motor.

"san ba tayo maam." tanung ko sa kanya.

"kahit saan basta malayo dito." sabi niya na parang natataranta. Bigla akong kinabahan, parang nasasangkot ata siya sa gulo. Pinaandar ko ang motor at umalis na roon.

"may problema ba maam? Gusto mo didiritso tayo sa police station?" tanong ko sa kanya. Halatang kabado ako.

"malaki, dalhin mo ko sa malayo dito.Wag sa police station may mga kasangkot silang pulis." sobrang kaba ko kaya naihinto ko ang motor sa walang masyadong tao.

Hinubad ko ang mask ko at sinabing ayaw kong masangkot sa ano mang gulo.

"ikaw?!" sambit niya na tila ba ay nagulat at nakilala ako. Hinubad niya ang mask niya at tumambad ang maganda niyang mukha.

"ikaw?!" gulat ako nang makilala kung sino ang pasaherong sakay ko. Siya. Ang babaeng mahal ko..

Si.

Si.

SI.....

Si Jullie Ann Nicole Chua.