webnovel

The Cursed Dreamers (CR82R)

Born with a power, Chloe had trouble fitting in. She wanted to live normally but sometimes things weren't meant to be the way she wanted as if it's like the whole world was against her. Running away, heartbroken. She didn't expect fate to become more twisted as she met others just like her. Is it some sort of coincidence or was it really fate?

Monnie_Abby · Fantasy
Not enough ratings
53 Chs

Chapter 12

...

Chapter 12: Guess what? Dark wizards is coming to town

...

Bluve's P.O.V

No. This cannot be... Hindi ako pwedeng maging tatay... Ng anak ni Chloe..!

"Ano ba naman yan? OA lang?? Sabi ko lang naman ay bantayan mo si Chippy." Pagka-klaro ni Chloe.

"E bakit ako pa?"

"Siyempre naman na dapat lang na ikaw kasi, ikaw lang naman maiiwan dito sa resthouse—Tsaka di ko rin anak si Chippy." Nakapamewang neto na sagot.

"E bakit ba naman kasi ako maiiwan dito?" Drama kong tanong.

Napatingin siya sa akin at napasapo sa noo niya.

"Diba kuya Bluve, napag-usapan na natin to? Kaming mga ibang Peculiars ay hahanapin ang mga iba nalang na wala pa, tapos ikaw nag-volunteer na magbantay bahay."

Napakunot-noo naman ako sa sinabi niya.

"Kailan ako nag-volunteer?" Tanong ko.

Napahawak nalang siya sa batok at tuluyan nang unalis.

"Y'know what kuya? Basta babalik kami mayamaya." Ani neto at tuluyan na nga talaga ako iniwan dito sa resthouse nila Alpha.

Hay, buhay. Napatingin nalang ako kay Chippy na naka-pang anyong batang babae na mismoy kumakain ng popcorn na nakaharap sa TV.

Tas tumingin sa akin ang maliit na bubwit.

"Daddy, are you really going to abandon me?" Naiiyak na tanong ne'to tapos nag-puppy dog eyes pa.

Bigla naman akong nainis at binatukan siya.

"Aray!" Sigaw ng bubwit.

"Huwag mo nga akong tawagin na Daddy, mas matanda pa kaya ikaw kaysa sa' kin"

Bigla naman nag-pout si Chippy at mag anyong lalake na kasing tangkad ko. Parehas ng una kong pagkikita sa kanya.

"Fine." Tas nag-pout siya.

"Huwag ka ngang ngumuso. Mukha kang mang-mamatay tao" ani ko tas umalis para pumunta na sa kwarto ko.

Bago pa man ako maka-pasok sa kwarto ko ay narinig kong sumigaw si Chippy.

"Ahehehe! Labyuu Dadi!!"

Tsk! Bakla!

Sky's P.O.V

Naglalakad kami patungo sa kapital ng Cambridge. Kasama ko lang naman si Chloe, Chummy, Alpha, Meadow, Emerald at Leo.

Nag-hahanap kami ng mga peculiars. Nakaka-inip na rin kasi maghintay ng ilang araw hanggang sa dumating ang babala ng propesiya at hindi pa namin nakikita ang tatlo nalang na Peculiar.

Ang mahirap kasi sa amin ay wala talaga kaming leadro na mag bibigay ng mga misyon namin. Kumbaga ay gagawin lang talaga namin kung ano paman ang sinabi ng propesiya.

Hay naku. Kamusta naman ang life ko?

Okay lang naman, na-miss ko na nga pumunta sa palasyo at utus-utusan ng Haring Alpheus.

Tapos nagkahiwa-hiwalay na kami, si Emerald at Leo ang magkasama, sila Chloe, Chummy at Alpha naman at ako at Meadow nalang ang natira.

Sa totoo lang ay wala parin talagang ideya si Meadow sa Peculiarity niya at ang akala niya ngayon ay nag-bo-boy hunting lang kami.

Char joke lang.

Basta yun nga yung akala niya.

"Jusko oi, Ang dami namang mga lalake sa bahay. Hindi pa ba kayo kuntento? Baka magselos pa yung mga ibang lalake niyo, ah?" Reklamo neto.

"Hindi oi—" bago pa man ako maka-explain sa kanya na mali ang iniisip niya ay bigla niya naman akong naunahan ng pagaasalita.

"O di kaya nag-jo-joke lang kayo na mag-bo-boy hunting tayo pero hindi at sa totoo lang ay naghahanap kayo ng mga tao na may kakayahang may mga powers powers na pwede makapatay ng mga masasamang espiritu santo....!"

Napa tigil naman ako nung narinig ko yung sinabi niya. Paano niya nalaman?

Tinignan ko siya at siya naman ay nakitingin lang sa akin at para ring hindi makapaniwala sa sinabi niya.

"Teka nga lang, huwag mong sabihin na tama ako?" Na -palunok laway naman ako.

Aissh! Oo na! Ikaw na ang tama Meadow, duh.

Pero hindi ko naman pinahalata na tama nga ang hinala niya.

"Hahahahaha, ang lawak talaga ng imahinasyon mo, My Dearest" ani ko sabay tawa.

Napakamot nalang siya ng ulo.

"Malay mo....

Thruthfully, I have no idea what's going on. Ever. Hindi ko rin alam kung bakit ako sumasama sa inyo." Yung lang nasabi niya sabay naglakad una kaysa sa akin.

Napa-buntong hininga naman ako.

Paumanhin Mead, Hindi mo pa dapat malaman. Hindi ko rin alam kung bakit rin hindi pwedeng ipa-alam sa'yo pero yun ang utos ni Bluve, eh.

Then I saw Meadow stopped. Anyare sa kanya?

Linapitan ko siya.

Phoebe's P.O.V

"Asan tayo pupunta?" Tanong ko kay Hakun.

Naglalakad kami dito sa village.

May hawak hawak rin naman si Hakun na mga supot na naglalaman ng mga prutas para sa restaurant raw nila.

"Doon sa Resthouse ng Prinsepe"

"Bakit?" Yun lang naman ang natanong ko.

"Diba sabi ko ay nag hatid ako ng pizza doon?"

Napa-isip naman ako at naalala ko yung story niya nung nandoon pa kami sa Caravan kahapon.

"Oo, bakit?" Tanong ko.

"Wala lang. Trip ko lang" sabi neto tapos mas nauna pang nag lakad kaysa sa akin.

Ano yun? Trip lang magdala ng prutas?

Wala naman akong nagawa kundi sundan lang siya patungo sa rest house ng prinsepe.

Nung una ay ayaw kami papasukin ng mga nakabantay na guwardiya. Ngunit nung pag-explain ni Hakun kung ano ang background niya ay bigla naman kami pinapasok ng gwardiya. Kumatok naman si Hakun sa Pinto at mga ilang minuto ay binuksan na ng isang lalake.

Mi-gad! Ang gwapo! Kaso nga lang Hindi ko Type! Pero boto ako kay kuya ha, Crush ko na.

"Yes?" Tanong neto at nakatutok sa akin ang mata.

OMiGad! The Feels!

Napa-ubo naman si Hakun. Halatang ninenerbyos.

"Uhmm— nandyan ba ang prinsepe?" Magalang na tanong ni Hakun.

Napa-kunot naman ang noo ng lalake sa narinig niya.

"Why?" Tanong ng lalake.

"Eto, O. Ipinabibigay lang sana ni Dad para sa kanya" Sabi ni Hakun.

"Bakit?" Manghang tanong ng lalake kay Hakun.

"Isa sa mga investors ang dad ko sa palasyo ng Animalia. Kami yung isa sa dalawang close na kompanya na gumagawa ng wine na taga Pendilor."

Tinignan ko si Hakun.

I can tell whether a person lies or not.

He's Lying.

Pero hindi dahil dun sa kompanya. Totoo yun, nagsinungaling lang siya sa parte in which ipinadala ng dad niya ang mga prutas.

Meron talaga tong sadya, eh.

Nanlaki ang mata ng lalake in which doon niya lang nakilala si Hakun.

"Okay, Kamusta na nga pala sila Tito Harris?" Ani ng lalake at kinuha yung supot sa kamay ni Hakun. Parang kilala niya na ang ama ni Hakun.

"Si dad? Okay lang naman siya" Sagot ni Hakun.

"Kung gusto niyo, pumasok muna kayo?" Tanong neto.

Para hindi naman nakakabastos ay tumanggi kami.

"It's fine. Hali na kayo. Huwag na kayong mahiya" sabi ni Kaya at hinila kami papasok.

Then bumungad sa amin ang sobrang gandang bahay.

Hindi naman sa sobrang exaggerated ang pagkaganda ngunit. Malinis naman ito at panay puti at dilaw ang nakikita kong kulay na bumubuo sa buong bahay.

Maganda nga ito.

"Ako nga pala si Bluve. Kayo?" Tanong ng lalake na nagpapasok sa amin.

"I'm Hakun, itong kasama ko naman ay si Phoebe" pagpapakilala ni Hakun sa amin.

Then out of nowhere at may nakita akong kunehong lalake na nakahilata sa sofa.

"Hoy, gumising ka. May bisita tayo" sabi ni Bluve at binatuhan yung lalake ng Unan.

Bigla rin naman tumayo yung lalake at pumunta sa kusina.

Humarap naman yun si Bluve sa amin at pinaupo kami sa sofa kung saan natulog yung binatuhan niya kanina.

"Anong gusto niyong mainom? Tsaa? Kape? Juice? Tubig?" Tanong neto nang makaupo kami.

"Juice is fine" sagot ni Hakun.

"Chippy, kunan mo rin ng juice tung bisita natin!" Sigaw naman ni Bluve doon sa Chippy na yun.

"Oo na!" Sigaw ng inutusan.

Then humarap sa amin si Bluve.

"Hi Phoebe, nice to meet you. I see that kanina pa kita hindi pinapansin, is that right?" Sabi neto sabay lahad ng kamay.

Ahihihihi! Huwag ka'yo,  feeling this moment ako!

"Oo. Ako si Phoebe"

Ngumiti naman si Bluve in which feeling ko ay naging mas blooming siya.

Then lumabas naman ang lalakeng kuneho na si Chippy ata yun.

May dala siyang tray at inilapag yun sa harapan namin.

At matapos nun ay umupo siya sa tabi ni Bluve at nakatutok ang titig sa amin.

"Wassup yo" Sabi neto.

Napa-irap naman si Bluve sa sinabi ni Chippy.

"So bakit mga pala kayo naririto?" Tanong ni Bluve at nakatutok ang tingin kay Hakun.

"H-Ha?" Yun lang ang tanong ni Hakun.

"Nakikita ko sa mata mo kanina na hindi ito yung sadya mo" sabi ni Bluve.

Nakahalata rin siya sa inasal ni Hakun?

Hakun's shoulders tensed.

Bubuka pa san yung bibig ni Hakun nang bigla namang may nagsi pasok na lalake na naka-cloak mg itim.

"Takbo!" Sigaw ko.

Sinundan naman namin nila Chippy at Hakun si Bluve na patungo sa taas. Tinignan ko naman yung sa likod ko at nakikita kong hinabol kami ng mga lalake. 

Effin Shez! I can't use my powers here! It's too risky!

/AN: Baka worried ka na baka malaman nila na may kapangyarihan ka/

Shut up Author! Oo na!

Then nakarating kami ng Grupo sa pinaka taas in which hinala ko ay ang kwarto ni Bluve.

Li-nock niya ito at binuksan ang bintana niya. Tinignan ko rin yung nasa labas ng bintana niya.

Nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

Really?! More Men in Cloaks?!

"Dark Wizards ng Dark Kingdom.." Rinig kong bulong niya.

"Wizards?" Tanong ni Hakun na parang may alam siya.

"Guys, huwag kayong mabibigla pero tatalon tayo" Sabi ni Bluve.

Tapos bigla namang may-kumatok naman sa pintuan. Bigla namang gumalaw yung cabinet sa kanan ng pintuan at natumba sa pintuan para hindi makapasok ang mga Wizard.

Napatingin naman kami kay Hakun na naka-tuon si Cabinet.

Tumingin siya sa amin ni Bluve at Chippy sumagot.

"Psychokinesis.."

Napatawa naman si Bluve.

"Of course... such small world" Sabi neto.

Tapos naging seryoso ang titig niya at tumingin sa kanya.

"Now nawalan na ako ng ganang tumalon. Fly us out of here, at ilagay mo tayo doon" sabi neto tas tinuro yung rooftop deck ng isang bahay na malayo sa harapan ng bintana niya. What? The? Heck?