webnovel

The Cupid's Promise

"Love doesn't mean to fall once is already for infinity."

yanniecillo_24 · Urban
Not enough ratings
10 Chs

Chapter 2

So, ayon nandito na ako naglalakad papasok sa bahay nila Fraye. Birthday pala ni Troy ngayon kaya nag-pa-night party sila, matapos kasi namin kaninang gumala ay idinaan nalang nila ako dito, bumili na rin kami ng maisusuot ko actually binilhan ako ni Jino, wala naman akong pera pambili nitong mamahaling damit na dala ko.

"Maggie, I'm glad that you came." bungad sa akin ni Fraye.

"Ano 'yang dala mo?"

"Damit, binili kasi ako ni-"

"He really cares about you, simula noong iniwan ka ni Xy-" siniko ni Fraye itong si Andrea, at ngumuso sa akin kaya natawa nalang ako sa kanilang dalawa.

"Ano ba kayo guys, naka-move on na ako at past is past na nga diba. This is my new journey as a present me, kaya ayos lang sa akin."

"Talaga ba friend? Mabuti naman, alam naming there's a reason kung bakit ka iniwan ni Xyrill kahit na di niya iyon sinasabi sa iyo. You know, boys are great liars." sabat nitong si Andrea, kaya itinulak siya bahagya ni Fraye gamit ang p'wet niya at hinatak ako papasok ng bahay nila, marami na rin ang tao pero di pa naman nag-uumpisa ang party. 

Nakasalubong namin si Troy sa loob, kaya binati ko ito habang dire-diretso akong hinatak ni Fraye papasok sa kwarto niya, kwarto pala nila ni Troy, they're actually an engaged couple and planning to get married in the next two months.

"Magpalit ka na dali." 

"Oo nga, excited kaming makita ang binili sayo ni Papa Jino." Andrea na nakikisali din.

"Bakla ka lumabas ka nga doon, Andrie." tinulak nito papalabas si Andrea at ni-lock ang pintuan. Yes, Andrea is actually Andrie Miguel Asuncion and she's not only a gay but a trans woman. She's also a well respected persona, kahit mga lalaki ay nirerespeto siya not because she's prettrier than us but because she didn't even pretend nor hide who truly she is and that's what I awe her, a strong yet a fighter. Matapos kong magbihis ay inilugay ko ang buhok tsaka lumabas ng banyo.

"You look so gor-" turo nito sa katawan ko gamit ang dalawang kamay mula ulo at napahinto sa paa.

"I think you should change your sneakers with this." 

Ibinigay niya sa akin ang box na galing sa dala kong paper bag kanina, ang laman noon ay heels na kasali sa binili ni Jino. Kulay silver iyon na bumagay sa suot kong black dress, pagkatapos kong maisuot ang heels ay pinaikot niya ako tsaka ito pumalakpak.

"Yan, perfect!" saad nito, kahit na di ako komportable sa suot ko ay pinipilit kong maging for the sake of this party. Fraye is actually a gorgeous "It Girl" kaya no wonder hw she stan tonight. Binuksan na niya ang pintuan at bumungad sa amin si Andrea na salubong ang kilay habang naka-cross arm.

"I present to you Maggie Shanelle Dela Cruz, tada!" mula sa salubong na mga kilay ay umaliwas ang mukha nito, ngumiti naman ako sa kanya habang napapatakip s'ya sa bibig niya na para bang nakakita ng barbie na inirigalo ng isang kaibigan.

"O'M'G! Straight ba talaga iyang si Jino, at may taste siya sa fashion for girls. This dress is so damn gorgeous." bigla naman kaming nagkatinginan ni Fraye, akala ko ako na ang ikinamamangha ng mga mata niya, iyong suot ko lang pala.

"Are you girls, done? Let's start the party then!" lumapit si Troy sa amin at hiningi ang kamay ni Fraye because she'll going to host the party. Malapad naman ang bakuran nila ni Fraye kaya doon i-ni-held ang party.

"I'll see you later guys." iniwan niya kami ni Andrea kaya ayon kusa nalang kami nitong kasama ko na naglakad papuntang bakuran, na bigla naman akong iniwan dahil sa may nakita siyang bruskong bagito kaya ayon nakipaglandian siya doon. Puwesto nalang ako sa isang mesa na wala man lang upuan, may nakalagay na wine tsaka wine glass at may prutas din, apple at lemon sa isang crystal bowl. Di ko naman pinansin ang opening speech nitong si Fraye dahil sa, may lalaking lumapit sa akin.

"Hi, we meet again." napatingin ako sa likod, gilid, at gilid ko bago ko siya tiningnan. Naniniguro lang kung ako ba talaga ang kausap nitong si Pogi.

"Again?" 

"Yeah, you're the girl at the shop right?"

"Ahh, ikaw iyong lalaki kanina pero-"

"I'm actually Troy's friend."

Napatango nalang ako sa kanya, magkaibigan din kasi si Troy tsaka iyong ex-fiancee ko, pero bakit hindi ko kilala itong lalaki na ito samantalang college palang kami ay magkakaibigan na kami nila Troy. 

"You're Maggie Shanelle Dela Cruz right?"

"Yes, paano mo naman nalaman ang name ko?" nagtataka ko siyang tiningnan pero ngumiti lang ito sa akin tsaka nilagok ang hawak niyang glass of wine.

"I'm actually Marco Rayn Enrique, I first met you when we were in college we are freshmen that time in different department. I'm the boy you bumped in the gate without even saying sorry because you were already late, and that's not yet the end. Nabunggo mo rin ako sa school cafeteria, natisod ka noon and all your food spill all over my uniform, it's kinda gross because of the spag sauce but you didn't even say sorry again to me, dahil mas nanghihinayang ka sa pagkain mo kesa sa nadumihan kong uniporme." natatawa nitong kwento, nakakahiya pala may tao pang nakakaalala sa akin dahil sa mga masamang asal ko sa kanila.

"Sorry, same school pala tayo, hindi kita napansin eh. Pasenya na rin sa mga nagawa ko dati."

"No, it's fine. You just look interesting that time, being a cute and innocent girl which indeed a gorgeous lady standing in front of me now." parang nakaramdam tuloy ako ng kung anong init sa pisngi ko. Pero bakit di ko siya matandaan, o sadyang di ko lang siya nakikita sa school dati?

"I know what you're thinking, first year lang ako dito at lumipat na akong US kung saan ko itinuloy ang studies ko."

"Ahh, kaya pala di kita masyadong matandaan."

"But, I actually came back here at Philippines because of one person."

"Sino naman iyon?" curious kong tanong, napatitig naman siya sa akin na seryoso ang mukha at ngumiti tsaka sumagot.

"My future wife."

Di ko alam pero bigla nalang nagsitalon ang pulgas sa dibdib ko na para ba silang naglalaro sa isang tambol at nagtata-talon ng mataas na siyang nagbibigay ng malakas na kalabog sa dibdib ko.