webnovel

The Cosheart Mission

---Gaea's POV---

Three years..

Three years na rin pala ang nakakalipas. Three years, pero parang sariwang-sariwa pa rin sa isipan ko ang mga nangyari noon. Mga pangyayaring sobrang hirap kalimutan, at sobrang sakit balikan.

*KNOCK*

*KNOCK*

*KNOCK*

"Gaea? Papasok ako ah." Si Zayah, best friend ko.

"Bukas 'yan.."

Pumasok siya sa loob bitbit ang isang blue na plastic na sa tingin ko ay may lamang ice cream. Inilapag niya sa kama ko yung plastic at ini-abot ang isang sundae sa'kin.

'Sakto! Nagcra-crave rin ako sa ice cream ngayon!'

"Oh ayan, dinalhan na kita.. baka sabihin mo pa sa'kin na ikaw lang nanlilibre sa'ting dalawa, eh." Panunumbat niya.

'Luh, bakit parang kasalanan ko pang nanlibre siya?'

"Wow! thank you ah.." Sarkastiko kong pagpapasalamat. Nakakahiya naman sa kanya eh, sa ibang bansa pa ata niya 'to binili.

"You're welcome.."

Susubo na sana ako nang isang kutsara ng ice cream na dala ni Zayah nang may kumatok nanaman ulit sa pinto ko.

*KNOCK*

*KNOCK*

*KNOCK*

"Si Victor 'to Gaea.." sabi nung 'di ko naman kakilalang tao sa labas. Joke lang, kaibigan naming dalawa ni Zayah yan.

"Pumasok ka na! Bukas yang pinto!" Malakas na sabi ko sabay subo ng ice cream.

"Oh, bakit ka nandito?" Ani Zayah.

Inilapag muna nito ang dalang bag sa lamesa bago sumagot.

"May itatanong lang ako.." Blanko ang ekspresyon niyang pagkakasabi.

"Ano naman 'yun?" Tanong ko.

"Sigurado ka na ba talaga sa gagawin mo?" Tanong niya. Huminga muna ako nang malalim bago ko siya sinagot.

"Oo.." matapang na sabi ko.

'Matagal ko na 'tong pinag-isipan, at ang paraang ito lang ang makatutulong sa'kin...'

"Basta sasami kami ni Zayah sa'yo." Dagdag ni Victor.

---

---

---

"Tao po, Miss Yuna.. si Gaea po ito."

Bumukas yung pinto at nakangiti kaming sinalubong ni Miss Yunalesca.

Naalala ko noong mga panahong kinuha ng mga kakaibang mga nilalang ang nanay ko, si Miss Yunalesca ang tumayong nanay sa'kin. Sobrang laki ng utang na loob ko sa kanya dahil halos tatlong taon din niya akong inalagaan.

Hindi man ako nakatira sa kanya dahil sa may sarili akong apartment - apartment namin ni nanay, ramdam ko pa rin naman ang kalinga ng isang ina noong mga panahong kailangan ko 'yon. At naramdaman ko kahit papaano ang kalingang 'yon ng dahil sa kanya.

Kung titignan mo, mukhang masungit na matanda si Miss Yuna, pero mabait talaga siya kapag nakilala mo.. Noong una ngang mga pagkikita namin medyo ilag ako sa kanya dahil natatakot ako, pero gagaan din agad ang loob mo sa oras na tinulungan ka niya. Walang asawa o anak si Miss Yuna kaya 'Miss Yuna' ang tawag ko sa kanya. Nakaka-bata rin kasing pakinggan kapag may 'Miss' sa pangalan. At saka, trip ko lang din hahaha.

"Oh Gaea iha, kasama mo rin pala ang mga kaibigan mo.. bakit kayo naparito?"

"Naaalala niyo pa ho ba yung 'Cosheart' na sinasabi niyo sa'kin noon?" Tanong ko.

Tumingin muna sa labas si Miss Yuna na animo'y may hinahanap at saka bumaling ulit ng tingin sa'ming tatlo.

"Pumasok na muna kayo sa loob.."

Sinunod ko ang sinabi ni Miss Yuna at gan'on din sina Zayah at Victor. Umupo ako sa sofa malapit sa may electric fan at inilibot ang tingin sa kabuuan ng bahay.

'Ang linis! Kagaya pa rin nung huling bisita ko noong mga nakaraang buwan'

Wala ka talagang makikitang dumi sa sahig o kahit anong agiw sa kisame. Sobrang maaliwalas at malinis talaga, mapapa 'sana all' ka na lang.

"Bakit ang linis lagi ng bahay niyo Miss Yuna? Share niyo naman secret niyo sa'kin oh.." Nakangiti at medyo natatawa kong wika.

'Ang dumi kasi talaga lagi ng apartment ko eh.. Winalis mo na't lahat, may buhok pa ring naiiwan! Hay nako!'

Natawa si Miss Yuna at si Zayah sa'kin at natatawang napailing naman sa tapat ko si Victor.

"Mag-vacuum ka rin kasi minsan! Para yung ibang mga dust particles na lumilipad kapag winawalis mo, malinis din!" Ani Zayah.

'May dust particles ka pang nalalaman, untog kita diyan eh!'

"Wala namang sekreto, ayusin mo lang ang paglilinis mo iha.." sagot ni Miss Yuna.

'Okay, hindi ko alam pero medyo na hurt ako dun..'

"Bakit mo nga pala naitanong ang tungkol sa 'Cosheart' Gaea? Pag-iiba ni Miss Yuna.

Ibinaling ko ang tingin ko sa gawi nina Zayah at Victor, tinatanguan nila ako na para bang sinasabi nilang 'sabihin mo na Gaea'.

Sabagay, kung nasabi ko sa kanilang dalawa ang plano ko. Masasabi ko rin kay Miss Yuna.. Kaya nga kami nandito eh.

"Ang totoo ho kasi niyan.."

'Bakit ako kinakabahan?'

"Ang 'Cosheart' ho na madalas niyong masabi sa'kin.."

"Ang kailangan mo para mabawi ulit ang iyong ina? Tama ba?" Ani Miss Yuna.

'T-teka??'

"P-papaano niyo ho nalaman?" Tanong ko.

"Sa mahabang panahon kong pagsusubaybay sayo Gaea iha.. masasabi kong handang-handa ka na.."

"Ho?"

"COSMO-APERTIO!" Pasigaw na wika ni Miss Yuna habang nakataas at naka-open fist ang kanang kamay.

Nagulat kaming tatlo nina Zayah at Victor nang may lumabas na isang kulay asul na bilog sa tapat ni Miss Yuna na animo'y nanghihigop ng mga bagay na malapit dito. Kumikinang ang ibang parte nito at umiilaw na parang kidlat.

Umiikot iyon nang dahan-dahan at kung hindi ako nagkakamali, isa iyong..

ISA 'YONG PORTAL! Na nababasa ko lang sa mga libro diyan sa tabi-tabi.

'Totoo ba 'tong nakikita ko?'

"Oh my God! Ano 'yan!?" Ani Zayah.

"D-daan papuntang m-mundo ng mga... NG MGA ALIENS!?" Dagdag pa niya.

'Totoo nga.. totoo nga! Isang portal ang nasa harapan namin ngayon!'

"Dito mo matatagpuan ang hinahanap mo. Gaea iha.."

Nilapitan ko ang portal na nasa harapan ko ngayon at sinubukan itong hawakan. Isinuksok ko ang kanang kamay ko papasok sa portal at bahagya akong napatalon sa gulat nang biglang lumiwanag ang parte ng pinagsuksukan ko.

Agad kong binawi ang kamay ko at ibinaling ang tingin kay Miss Yuna.

"S-saan.. ho ba ito patungo?" Tanong ko.

'P-paano nangyari 'to? naguguluhan ako.. Papaanong nakagawa ng portal si Miss Yuna? Isa ba siyang uri ng engkanto?'

"Masasagot 'yang tanong mo Gaea iha sa oras na pumasok ka na sa loob." Si Miss Yuna.

Tumingin ako sa gawi nina Victor at Zayah na kasalukuyan ngayong namamangha at hindi makapaniwala sa nakikita nila.

Kung dito, at ito.. ang paraan para makuha ang 'Cosheart' at mabawi ang nanay ko..

'FINE, LET'S DO THIS!'

After all, malaki naman ang tiwala ko kay Miss Yuna.

Naglakad ako nang dire-diretso papasok sa portal nang walang pag-aalangan.

'Bahala na...'

---Zayah's POV---

"Gaea teka lang!" Sigaw ko pero dire-diretso siyang pumasok sa portal.

'Hindi pwedeng mag-isa lang si Gaea sa loob! Pasok kasi agad ng pasok, hay nako! 'Di pa nga ako ready eh!'

"Sundan natin si Gaea." wika ni Victor sa'kin at tumango ako.

Tumakbo kami papasok ng portal ni Victor para sundan si Gaea, pero bago ko makita kung anong meron sa loob nung portal, nakaramdam ako ng hilo dahil sa sobrang liwanag at bigla akong nawalan ng malay.

---

"Zayah.."

'Sobrang sakit ng ulo ko..'

"Zayah..."

Bahagya kong idinilat ang mga mata ko at nakita ko ang mukha ni Gaea na nag-aalala.

'Bakit parang dalawa yung mukha ni Gaea?'

Pilit kong itinayo ang upper body ko habang nakasapo ang kaliwang kamay sa ulo at sumandal sa kung ano sa likod ko.

'Ang sakit pa rin huhu..'

"Masakit pa 'rin ba ulo mo?" Tanong ni Gaea.

"Ob...vious ba? M-malamang.." nanghihina kong sagot.

'Kaya ko nga hawak yung ulo ko eh'

"Edi nye."

Maya-maya lang, narinig ko ang boses ni Miss Yuna na kinakausap si Gaea.

"Kakailanganin n'yo ring tatlo ito, alam mo na ang gagawin mo iha ah?'

"Oho, salamat ho talaga ng marami."

"Oh sige at hanggang dito na lamang ako, mag-iingat kayo ng mga kaibigan mo Gaea iha."

Narinig ko ang mga yapak ni Miss Yuna paalis matapos niya iyong sabihin. Tinignan ko yung bagay na hawak ni Gaea na ibinigay sa kanya ni Miss Yuna at inisip kung ano iyon.

'Isang blue na papel?'

"Ano 'yan?" Tanong ko habang nakasapo pa rin ang kaliwang kamay sa ulo ko.

Tumingin siya sa gawi ko at itinaas ang bagay na hawak niya.

"Ito ba?" Tanong niya at tumango ako.

"Secret! Mamaya ko na sasabihin.." Nakangiti at may halong pang-iinis na sagot niya.

'Okay, fine, whatever'

"Si Victor nga pala?" Pag-iiba ko.

Itinuro niya ang isang puno kung saan nakasandal si Victor at nagpapahinga. Doon ko lang din napansin na parang may kakaiba sa lugar na 'to.

'Na may kakaiba sa lugar na 'to...'

dO_Ob

"AHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!"

'Oh my God! Nasaan yung sling bag ko?!'

---Victor's POV---

"AHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!"

'Takte ano yun?!'

Bigla akong napatayo sa pagkaka-idlip sa sobrang lakas ng sigaw na narinig ko. Bahagya pa akong nauntog sa sanga mula sa pagkakatayo kaya napahawak ako sa ulo ko.

'Panira talaga ng buhay.. tssss'

Pumunta ako sa gawi nina Gaea at Zayah na kasalukuyan ngayong nagkukumahog at parang may hinahanap na kung anong bagay.

"Ano ba yang hinahanap niyo?" Tanong ko.

"Yung sling bag ko... huhuhu! Tulungan mo kaming maghanap ni Gaea.."

Tinanguan ko siya at nakihanap na rin kagaya nila.

"Ano bang kulay n'un?" Ani Gaea.

"Yung niregalo mo sa'kin nung Christmas party natin.."

"Ano ulit kulay n'on?" Tanong ulit niya habang napapakamot ng ulo.

"Orange, kulay orange yun.."

Bumukod ako sa kanilang dalawa para maghanap sa mga katabing puno at iba pang lugar na malapit sa pinagbagsakan namin.

Nung pumasok kasi kami sa portal ni Zayah para sundan si Gaea kanina, may kung anong bumulag na liwanag sa'min. Ang mas malala pa ron, pabagsak kaming napunta sa lugar na 'to. Masama ang pagkakabagsak ni Zayah kanina at dahil siguro sa hindi niya nakayanan ang liwanag ay hinimatay siya.

Habang naghahanap ako, may napansin akong isang tali na parang nakasabit sa isang sanga.

Agad ko iyong tinalon at hinablot pataas...

*CRACK~~*

'Ito na nga ata yung sling bag niya..'

Bumalik ako sa kanilang dalawa na patuloy pa rin sa paghahanap at pahagis na ibinigay kay Zayah yung sling bag niya.

"Ahhh! Yung sling bag ko!" Kinuha niya 'yon at bumaling ng tingin sa'kin.

"Saan mo nakita?" Tanong niya.

"Diyan lang sa tabi-tabi.."

Kinuha niya yung face mirror niya sa bulsa nung sling bag niya at pinagmasdan ang mukha niya r'on.

"Oh thank God!"

"Akala ko may nangyari na sa mukha ko.." Dagdag niya pa habang sinusuri yung mukha niya sa salamin.

'Tsss'

"Bakit mo naman naisip na magbabago 'yang mukha mo?"Ani Gaea.

"Syempre nasa ibang planeta tayo.. malay ko ba kung maging kalahating alien ako."

"Halata namang hindi eh.." Tumingin sa gawi ko si Zayah habang nakataas ang kaliwang kilay niya.

"May sinasabi ka?" Aniya. Napangisi ako nang bahagya.

"Kung ginagamit mo 'yang utak mo mahahalata mo namang hindi eh.. kung hindi nagbago yung mukha namin edi gan'on din sa'yo... Stupid" Tukoy ko sa una niyang sinabi at bumalik sa pagkakasandal ko sa puno kanina.

'Ang lakas sumigaw sa mga walang kwentang bagay. Tsss...'

---Gaea's POV---

"May stupid stupid pa siyang nalalaman eh init lang naman ng ulo yung laman nung utak niya!" Si Zayah.

"Backstabber ka ah.. Tsk tsk tsk" Pailing-iling kong sabi.

"Totoo naman eh!" Tumingin pa siya saglit sa gawi ni Victor.

"Eh sa laging sinasabi sa'kin ni Lola dati na special ako, malay ko ba kung maiba talaga yung mukha ko.." dagdag niya pa.

'Okay, I concede'

"Kababata mo ba talaga 'yan Gaea? Kung ako ikaw baka inaway ko lang 'yang lalaking 'yan!"

"Okay tama na! Chill lang!" Mahinahon kong sabi at sinenyasan siyang umupo.

"Masakit pa ba 'yang ulo mo?" Pag-iiba ko.

'Baka mapatay pa nito si Victor pag 'di ko iniba yung topic eh'

"Medyo.." sagot niya at sumandal sa puno.

"Ano nga palang nangyari sa'yo nung pumasok ka sa portal kanina?" Balik niya ng tanong sa'kin.

"Edi bumagsak din ako.." sagot ko. Mukhang na-satisfy naman siya sa sinabi ko.

Ilang sandali pa, nagtanong na rin ako.

"Bakit pala kayo sumunod sa'kin?" Tinignan ko si Zayah.

"P'ano ang pamilya mo?"

"Para namang gan'on ang tingin sa'kin ng parents ko.." panimula niya.

"Si Lola lang naman ang kasama ko lagi sa bahay eh.."

"Kaya nang mawala si Lola, para na rin akong nawalan ng pamilya.." dagdag niya at bahagayang namasa yung mga mata niya.

"Mas pipiliin ko na lang na kasama kayo kesa mag-isa ako sa bahay noh!" Pinahid niya yung luha niya at tumawa.

"Ang drama ah! Eh ano naman 'yang binigay ni Miss Yuna sa'yo?" Pag-iiba niya ulit ng topic habang bahagyang natatawa. Tumayo ako.

"Malalaman niyo rin, tara!"

---

---

---

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ni Zayah.

Naglalakad kami ngayon tatlo nina Victor at Zayah papunta sa sinabing lugar ni Miss Yuna. May compass siyang binigay sa'kin at ang sabi niya ay sundan lang daw namin ang direksyong ibinibigay nito.

"Hindi ko alam, basta sundan lang daw natin yung compass.." sagot ko.

"Hindi ba sinabi ni Miss Yuna kung paano tayo makaka-survive dito? Wala tayong kahit anong pagkain na dala.." dagdag niya kaya napatingin ako.

"B-basta.. s-sumunod lang daw tayo.." walang kasiguraduhan kong sagot.

Mag-iisang oras na kaming naglalakad pero wala pa rin kaming nakikita na kahit isang bahay o tao.

'Bakit puro puno at talahib lang ang nandito?'

"Kinakabahan na 'ko sa lugar na'to.." natatakot na sabi ni Zayah.

"Ako rin.."

Tumigil kaming tatlo sa paglalakad nang may pader ng nakaharang sa direksyong itinuturo nung compass. Sobrang taas n'on na hindi na namin kayang akyatin.

'Paano na 'to?!'

"Dead end na'to Gaea, kung sa kab--"

*BAMF!~~*

do_ob

Napahinto sa pagsasalita si Victor nang may biglang sumulpot na lalaki sa harap naming tatlo na sa tingin ko ay mga nasa mid-thirties na. Naka-itim na damit ito at pantalon na kung susuriin ay kagaya lang din ng mga damit ng isang ordinaryong tao.

'T-teleportation ba yun?!'

"Anong ginagawa niyo rito?" Tanong nung lalaki.

"A-ah.."

Tinignan niya yung asul na papel na binigay sa'kin ni Miss Yuna at pagkatapos ay tumingin siya sa'kin.

"Sa inyo ba 'yan?" Tukoy niya sa papel na hawak ko. Tumango ako.

"Sundan niyo 'ko.."