webnovel

The Conquerors

Marami ang naghahangad ng kayamanan, kasikatan at kapangyarihan; lahat ng ito at makakamit sa loob ng Abyss, ngunit ano nga ba ang naghihintay dito?

JuanTanga · Anime & Comics
Not enough ratings
1 Chs

Ang simula ng Alamat

Nuong unang panahon, nilikha ng mga diyos ang mundo. Kasabay nito ang paglikha ng Abyss; isang istruktura papunta sa ilalim ng mundo na naglalaman ng misteryosong kayamanan at kapangyarihan. Marami na ang sumubok pumasok ngunit wala ni isa ang nag tagumpay alamin kung ano ang nasa pinaka ilalim nito. Ang Abyss ay binubuo ng iba't ibang palapag. iilang palapag pa lamang ang natutuklasan ng mga propesyonal na tinatawag na Divers. Ayon sa kanilang tala, bawat palapag ay naglalaman ng iba't ibang Biotope; lugar na pinamamahayan ng iba't ibang halimaw na tinatawag na Lurkers/Inhabitants. Ang sinuman na makatutuklas ng lihim ng Abyss ay sinasabi na magtataglay ng di masukat na kapangyarihan at maaaring maghari sa buong mundo; isang Conqueror.