Chapter 34.
Leicy's POV
Pumasok na kami sa loob pagtapos ko sabihin kay Lexter ang sinabi ni Arni sa text. Nasa harap ko siya nakaupo at nakapalumbaba. Nalungkot siya dahil di sisipot si Arni, alam ko namang para kay Arni talaga ang celebration na 'to eh.
"Ah, Lexter...tara kain na tayo." Yaya ko dito.
"Sige Leicy, ikaw na lang. Wala na akong gana." Matamlay na sabi nito at tsaka nagbuntong hininga.
Nakakahiya naman kung kakain ako tapos siya hindi. Mukhang nalungkot talaga siya dahil 'don. Ano kayang gagawin ko? Alam ko na!
Tumayo ako at hinawakan siya sa braso. Napatingin naman 'to sa akin. Isang malungkot na tingin.
"Bakit Leicy?" tanong nito. Nginitian ko naman siya.
"Tara! Sumama ka sa'kin!"
Hinila ko siya palabas ng restaurant nila at tumakbo kami. Kakatakbo namin, hingal na hingal kaming nakarating 'don sa burol. Dito sa burol, tanaw na tanaw mo ang buong Taal lake, pati na rin ang bulking taal.
"Ano bang gagawin nating Leicy?" hingal na hingal niyang sabi.
"Sisigaw tayo." Sagot ko rito.
"Ano?"
"Sisigaw tayo. Isigaw natin ang mga nasa puso natin, yung mga bagay na kinaiinisan natin. Isigaw natin."
Nakangiti lang ako sa kanya habang nagtataka naman siya sa sinasabi ko habang hinihingal pa din.
"Pwede ba 'yon?" tanong nito. Tumango tango naman ako bilang sagot sa tanong niya. "Try ko nga."
Tumayo siya ng tuwid at nilagay sa paligid ng bibig niya ang dalawa niyang kamay habang nakabuka ang mga ito. Para bang meron siyang megaphone using his hands.
"Nakakainis ka Abrylle! Inaagaw mo sa akin si Arni!" sigaw nito. Nang mga oras na marinig ko ang sigaw niya. Nasabi ko sa sarili kong, si Arni talaga ang dahilan ng lahat.
"Ah, Leicy, effective nga! I felt relief! Try mo!" sabi nito sa akin habang natatawa.
"Eh? Wala naman akong problema eh." Sagot ko. Leicy, wala nga ba? O sadyang iniiwasan mo lang na malaman niya.
"Ang daya mo naman, sabi tayong dalawa ang sisigaw. Ikaw rin uy." Pangungulit nito. Para siyang batang natalo sa laro nila at nakanguso pa.
"Hay nako, sige na nga." Ginawa ko rin ang ginawa niya. "Pero gusto ko sayo ako nakaharap." Sabi ko rito, nagtaka naman siya sa sinabi ko.
"Bakit naman?"
"Basta. Tayo ka diyan, ay hindi, layo ka pa ng konti. Maririnig mo naman kasi sisigaw ako."
"Eh? Ano ba 'yan Leicy." Angal nito. "Bakit ako?" napatingin ako rito, isang seryosong tingin at nangungusap na mga mata. Para bang nais sabihin ng mga tingin ko ang nilalaman ng puso ko.
Kasi ikaw ang problema ko, di ko alam kung ikaw nga o ako, o baka ang kapalaran ko.
"Sige na." sabi ko rito. Sumunod naman siya sa pabor ko.
Ngayon, nakatayo 'don si Lexter, lahit na malayo siya sa akin. Pilit ko pa rin siyang inaabot. Kahit na mahirap at masakit, pinipilit ko pa ring ipaglaban ang nararadaman ko. Kahit na malayo siya, ay parang kay lapit din. Dahil sa iisang school lang kami nag-aaral, magkaklase, lagging magkasama at lagging nagkakausap. Pero sa ibang anggulo ng buhay, hindi siya totoong malapit sa akin. Para bang hiram lang, isang hiram na baling araw isasauli ko rin at mawawala sa akin.
"Mahal kita Lexter! Mahal na mahal kita! Hindi ko alam kung bakit, paano o kailan pero, mahala na mahal kita Lexter!" sinigaw ko ang lahat ng gusto kong isigaw noon pa. Habang sumisigaw ko, hindi napigilang bumuhos ng mga luha ko.
Hingal na hingal ako matapos kong sumigaw. Nakatingin ako sa kanya, binabasa ang reaksyon niya sa sinabi ko. Mayamaya pa. Dahan-dahang naglakad 'to palapit sa akin.
Nang makarating 'to sa kinaroroonan ko. Tahimik lang 'to at seryoso ang mukha niya. Patuloy naman na tumutulo ang mga luha ko habang nasa harap niya. Nagulat ako ng bigla niyang ipahid ang palad niya sa mukha ko para punasan ang luha ko. Nakatingin ako sa kanya.
"Leicy, I'm sorry." Nanglaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Di mo ko pwedeng mahalin."
Mas bumuhos pa ang maraming luha, pero ang inalis na niya ang palad niya sa aking mukha.
"Lexter..."
"Tara na, uwi na tayo, pagod na rin ako." Nauna na siyang maglakad sa akin. Pero huminto siya. "Salamat Leicy. Salamat sa pagmamahal mo. Salamat dahil lagi kang nariyan sa tabi ko. Patawad na rin." Lumingon 'to sa akin, nakangiti na siya sa akin. "You'll find a better person than me. I assure you."
"Lexter..."
"Hays, nakakainis 'no? Ang hirap magmahal ng taong hindi ka naman mahal. Hahaha, I know how it feels Leicy. Pero wag tayong susuko. Malay mo baling araw, mahalin din nila tayo." Nalilito ako sa sinasabi niya.
"What are you trying to say?"
"Leicy, malay mo balang araw, mahalin din kita." Nagulat ako sa sinabi niya. Para bang umusbong ang bagong pag-asa sa puso ko dahil sa sinabi niya. "And if that happens, I'll be the happiest man in the whole world, dahil ikaw ang mamahalin ko."
Magkatitigan lang kami habang nakangiti suya sa akin. Talo ba ako? Para hindi naman. Ang sakit ng puso ko kanina biglang na lamang nawala. Talagang napakabuti niyang tao. At napakamasayahin, lagging positibo sa buhay.
"Tara na" hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming naglakad pabalik sa restaurant.
Pagdating namin sa restaurant. Kumain na kami, parang mas okay na rin kami ngayon kaysa kanina, kaysa dati. At kuntento na ako sa ganito.
Naglakad lakad muna kami dito sa paligid ng restaurant. Pahapon na rin at palubog na ang araw. Mas lumalamig na rin ang simoy ng hangin. Habang naglalakad kami, may nakita kaming mga batang naglalaro sa ibaba. Huminto kami at pinanuod ang mga ito.
"Anong ginagawa nila?" tanong ni Lexter.
"Naglalaro sila." Sagot ko habang nakatingin pa rin sa mga batang naglalaro.
"Huh? Laro? Play? As in game?" nagtataka niyang tanong. Tinignan ko naman 'to.
"Oo, naglalaro sila ng patintero." Sabi ko at nginitian siya.
"Ano? Pat-pat-patin-tero?" nabubulol na sabi niya. Natawa naman ako dahil sa sinabi niya.
"Hindi, patintero." Pagtatama ko sa kanya.
"Ah, patin-tero." Sabi nito.
"Oo!" nagtawanan kaming dalawa.
"Paano laruin 'yan?" nagulat naman ako sa tanong nito.
"Eh? Di ka marunong maglaro niya? I mean, you never been played that game?"
"Oo, malay ko ba diyan." Sagot niya. Hay nako, mayaman nga naman. "Pero mukhang masaya ah, gusto kong maglaro niyan. Tara sali tayo." Naglakad siya pababa pero pinigilan ko.
"Uy, ano ka ba, sasali ka eh mga bata 'yan, nakakahiya. Ang laki laki na natin eh."
"Pero gusto ko eh, tsaka look, ang saya saya nila." Nakita kong gustong gusto nga niyang maglaro ng patintero.
"Hmmm, I have a better idea." Sabi ko rito.
Laarni's POV
"Anong lugar 'to, ang ganda..."
Hindi ko alam kung anong lugar 'to. Pero sobrang ganda nito. Ang ganda pagmasdan ng kalikasan, ang simoy ng hangin ay ang sarap langhapin. Tila ba napakalayo namin sa magulong syudad.
Nakatingin lang ako sa malayo habang nakangiti at nilalanghap ang malinis na hangin. Nasa taas kami ng bundok, ang hangin dito at tanaw namin ang dalampasigan mula rito.
"'Yon yung Laguna De Bay." Tinuro nito ang dalampasigan na nakikita namin.
"Ah, ang ganda, paano mo nalaman ang lugar na 'to?" tanong ko sa kanya.
"Wala lang, nadiskubre ko lang 'to noong bata pa ako. Pumunta kami noon ni Mommy sa Infanta tapos nasiraan kami ng sasakyan. Kaya naman umakyat kami sa bundok na 'to tapos ayun nakita na namin 'to. Isa 'to sa napakagandang bagay na nakita ko sa buong buhay ko."
Pinagmasdan ko lang siya habang nakukwento. Nakatingin siya sa malayo at ang payapa ng boses niya habang binabalikan ang nakaraan.
"Ang saya mo siguro ng mga panahong 'yon." Sabi ko rito, napatingin naman 'to sa akin.
"Oo, sobrang saya ko 'non." Sagot nito.
Nagkatitigan kami. Ang tahimik ng buong paligid, tangng huni ng ibon at ingay ng mga puno an gaming naririnig. Habang nakatingin ako sa mga mata niya. Pakiramdam ko, payapa ang paligid ko. Para bang, ayaw ko ng kumurap at gusto ko lang tumitig sa kanya.
"Ah—eh, sandali text ko lang si Leicy" sabi ko rito at iniwas ang tingin sa kanya. "Baka hinihintay tayo ng mga 'yon." Tinalikuran ko siya at naglakad muna palayo sa kanya. Wala kasi akong signal. Nang magkaroon ng signal, agad kong tinext si Leicy.
Pagtapos kong i-text si Leicy, tinignan ko kung nasaan na si Abrylle. Kanina nakatayo lang 'yon 'don ah? Pero wala na siya 'don sa kinatatayuan niya kanina. Saan naman nagpunta 'yon?
Hinanap ko siya sa paligid pero di ko siya makita. Bigla naman akong kinabahan.
"Abrylle? Nasaan ka?" sigaw ko. "Hindi 'to magandang biro, magpakita ka na."
Nilibot ko ang tingin ko sa buong paligid, pero wala akong makita ni anino ni Abrylle.
"Abrylle?!" sigaw ko sa pangalan niya. "Ugh, baka iniwan na niya ako dito." Maiiyak na ako. Natatakot na kasi ako, dahil wala na siya. Baka iniwan na niya ako.
Naupo ako sa lupa at tinakip ang mga palad ko sa mukha ko. Mayamaya pa, biglang may humawak sa balikat ko, agad akong napatayo at binatukan ang humawak sa akin.
"Wag kang lalapit! Wag kang lalapit!" sige lang ang hampas ko sa taong humawak sa balikat ko habang nakapikit at sigaw ng sigaw.
"Laarni." Napamulat ako ng magsalita ang tao sa harap ko. At 'don ko nakita si Abrylle.
"Saan ka ba nanggaling? Alam mo bang natakot na ako, akala ko iniwan mo na ako! Ano ka ba naman!" sunod sunod na sabi ko sa kanya.
"Pasensya na, kumuha lang ako nito oh." Tinaas niya ang kamay niya at nakita ko ang hawak niyang bunga ng mangga.
"Wow! Ang dami, saan mo nakuha?" para akong ewan at namangha sa malalaking bunga ng mangga, nakalimutan ko na rin ang ginawa ng kolokoy na 'to dahil sa manggang hawak niya.
"'Don lang, tara na, uwi na tayo. Mag-gagabi na."
"Akin na lang 'tong mangga?"
"Opo."
"Yey!"
Paguwi ko sa bahay, binalatan ko ang ilang mangga. Yung iba naman nilagay ko sa fridge. Nasa tapat ako ng computer ko habang kumakain ng mangga. Wala naman akong ginagawang school works dahil kakatapos pa lang ng finals namin. Tsaka Saturday naman bukas, its time for pahinga.
Nagpe-facebook lang ako habang kumakain ng mangga, ang dami kong na-missed na news at update tungkol sa mga published books from wattpad at kung ano-ano pa. Mukhang natatabunan na ako ng babasahin. Yung iba di ko pa nababasa.
Habang nagpe-facebook ako, tinignan ko ang online friends ko at nagulat ako sa nakita ko.
"Aba, online si Abrylle." Tinignan ko ang profile niya at halos mahulog ang panga ko sa mga nababasa.
(DP – Display picure/Profile picture)
"Bakit siya ang DP ni Prince Abrylle?"
"Poser ba 'to?"
"Wow, may FB na si Prince!"
"Look, isa pa lang ang friend niya at yung babaeng 'yun pa."
"Ang panget ng DP swear!"
"Eww! Poser 'to promise."
Puro bash at rants ang mga nababasa kong naka-post sa timeline ni Abrylle sa facebook. Pati na rin yung comments sa DP niya na putapete, picture ko kanina habang ansa byahe kami.
"Ugh, ano bang pinagsasabi nila?"
Ilang sandali lang, biglang nag-post ng status si Abrylle.
"Hey, stop posting on my timeline or I'm going to kill you all."
"Ay, ang hard." Sabi ko ng mabasa ko ang post niya. Ilang sandali lang, ang dami namang nag-like ng status niya, na para bang sa isang segundo, 100 ang taong nagla-like ng status niya. No wonder sikat nga talaga siya.
Mayamaya pa, ang dami na ring comment sa status na kaka-post lang niya. Habang nagbabasa ako ng comment. Bigla namang nag-pop out sa message ko ang pangalan niya.
"Aba, nag-chat pa." I click the chat tab.
John Abrylle De Mesa : Nakauwi ka na?
Laarni Saldivar :Opo Master J
John Abrylle De Mesa : Stop that MASTER THING, will you?
Laarni Saldivar : Ayaw ko nga, palitan mo 'yung DP mo o di na kita kakausapin kailanman.
John Abrylle De Mesa : What? Don't mind them Laarni. Ayaw ko.
Laarni Saldivar : Isa? Palitan mo ng picture mo.
John Abrylle De Mesa : What? Not my picture.
Laarni Saldivar : Dalawa?
John Abrylle De Mesa : Fine, fine. WAIT.
Mayamaya pa. Nagpalit na siya ng DP niya. Nanglaki naman ang mata ko sa picture na pinalit niya.
"Wow, ang gwapo niya dito ah." Sabi ko habang tinitignan ang picture niya.
Nag-pop out ulit ang chat box niya. Binuksan ko naman 'to.
John Abrylle De Mesa : Okay na ba? ;)
"Eh? May kindat talaga. Ang landi nito ah."
Laarni Saldivar : Okay na. Sige out na ako. -,-
Ni-log out ko na ang facebook ko at nahiga na sa kama. Paghiga ko bigla namang tumunog ang cell phone ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag. Si Leicy.
"Hello Leicy?"
"Arni! Favor please...yayain mo naman si Abrylle bukas oh, sa school tayo."
"Huh? Bakit Sabado bukas ah."
"Si Lexter kasi, basta para kay Lexter. Please?"
"Okay, anong oras ba?"
"10am."
"Sige, sige."
Itetext ko sana si Abrylle kaso wala na pala akong load. Kaya naman binuksan ko ulit ang PC ko at nag-open ng facebook. Pag-open ko, may isang message. At pagtingin ko, good thing its him. Binuksan ko ang message at nanglaki ang mata ko sa nabasa ko.
John Abrylle De Mesa : I love you :*
"Gosh!" singhal ko sa sarili. Ni-replayan ko naman siya.
Laarni Saldivar : Landi lang yan. -,-
John Abrylle De Mesa : Akala ko ba, out ka na?
Laarni Saldivar : Ay oo nga pala, free ka bukas? Sa school tayo 10am sharp.
John Abrylle De Mesa :Anong gagawin?
Laarni Saldivar : Basta, punta ka ah? Asahan kita. Bye! :P
After that, nag-log out na talaga ako at nahiga sa kama. Habang nakahiga ako, hindi matanggal sa isip ko ang nabasa ko kanina. Bakit parang ang lakas ng impact sa akin ng sinabi niya.
"Hays, landi lang 'yan Arni..."