webnovel

Chapter 1. "New School, New Life”

Chapter 1."New School, New Life"

Laarni's POV

Hindi pa man ako lumalabas sa sinapupunan ni Mama. Iniwan na kami ng Tatay ko. Pero hindi naging hadlang iyon para sa amin ni Mama na magpatuloy sa buhay. Bagama't naging motivation pa ito sa amin ni Mama. Na kahit iniwan kami ng kaisa-isang lalaki sa buhay namin. Matututo kaming mabuhay kahit na wala siya.

Wala na kaming naging balita ni Mama sa lalaking iyon. Hindi ako galit sa kanya. Gusto ko nga siyang makita eh. Marami akong bagay na nais malaman sa kanya. Hindi ko na rin nakita ang mukha niya dahil kahit isang picture niya. Walang itinira si Mama. Marahil labis talaga siyang nasaktan sa ginawang pag-abanduna sa amin ng Tatay ko.

Pero ayos lang. Hindi naman kami naghirap sa buhay ni Mama. Naging busy siya sa trabaho niya kaya naman naging maayos ang buhay namin. Habang ako naman, nag-aaral ng mabuti kaya ngayon. Nakakuha ako ng scholarship grant sa isang magandang school. Kaya naman lilipat na kami ng bahay para doon na ako mag-aral. Good thing is nalipat rin si Mama ng trabaho niya bilang manager sa isang hotel.

"Okay na ba lahat ng gamit mo anak?"

"Opo Ma, excited na nga po ako bukas eh." Masayang sabi ko dito habang inililigpit ang ilan sa mga gamit ko.

"Masaya ako para sa atin anak. Oh, mag-aaral ng mabuti ah?" nangingiting tanong ni Mama.

"Oo naman Ma 'no, ako pa?"

"Asus, nagyabang na naman ang dalaga ko." Niyakap ako nito habang natatawa kami. "Osya matulog ka na, bukas didiretso ka na sa school niyo." Bumitaw ako sa pagkakayakap nito.

"Ha? Paano ka bukas? Di ba tutulungan kitang mag-ayos ng bahay?" nagtataka kong tanong dito. Iniwas naman ni Mama ang tingin niya sa akin na tila may tinatago.

"Hmmm, Ma? Sinong kasama mong mag-aayos ng bahay bukas?"

"Ah, eh anak. Sabi kasi ni Fred tutulungan niya ako."

"Ah, kaya naman pala eh. May ganun talaga Ma? Mag-aayos lang kayo ng bahay?" pag-uusisa ko.

"Oo anak. Ano ka ba!" mahina akong pinalo ni Mama.

"Asus, ngayon ka pa gumanyan. Osya sige na Ma, matulog ka na bukas para beautiful ka sa mata ni Tito Fred." Pang-aasar ko kay Mama. Natatawa naman itong lumabas ng kwarto ko.

"Hay nako, ngayon pa kumirengkeng"

"Matulog na" natatawa nitong sigaw mula sa labas ng kwarto.

Ganito lamang kami ni Mama makitungo sa isat-isa. Bestfriend na parang mother na para ring teacher. Ganyan kami. Pero may limitasyon ako bilang anak niya. Si Tito Fred? Siya yung katrabaho ni Mama. Matagal na rin naming kilala si Tito Fred at ganoon na rin itong katagal na nanliligaw sa Mama ko. Pero hindi pa ako pumapayag. Hindi ko alam kung bakit. Marahil hindi pa ako handa na may lalaking dumating sa buhay namin ni Mama. Natatakot akong, baka iwanan niya lang din kami.

Nahiga na ako sa kama matapos kong iligpit lahat ng gamit ko. Bukas, bagong buhay na naman ang tatahakin namin ni Mama. Ano kayang mangyayari?

Kinaumagahan. Pasado ala-sais na nang makarating kami sa lilipatan naming bahay. Malapit lang naman ang school napapasukan ko mula rito sa bahay. Ganoon na rin ang trabaho ni Mama. Kaya magandang desisyon talaga ito para sa amin.

"Oh anak, wag mo na kami tulungan." Bumaba na kami sa sasakyan ni Tito Fred.

"Oo nga Arni. Kami na bahala ng Mama mo." Sabi naman ni Tito Fred.

Tinitigan koi to ng masama na tila nananakot.

"Ano ka ba anak, wag mo nga tignan ng ganyan ang Tito mo." Saway ni Mama. Natawa naman ako sa naging reaksyon nilang dalawa.

"Binibiro lang eh. Osya pasok na ako Ma, Tito, kayo nap o bahala diyan ah? Si Mama, Tito wag mo pagurin! Kayo na magbuhat ng mabibigat na gamit—" hindi ko pa natapos ang sasabihin ko ng itulak na ako ni Mama paalis.

"Alis na, baka mahuli ka pa sa klase."

"Sus…hehehe"

"Anak…hmmm" nagkatinginan kami ni Mama at nagtawanan.

"Bye, see you later Ma."

"Take care anak" hinalikan ko si Mama sa pisngi at tuluyan ng umalis papasok.

Habang naglalakad ako. Palingon-lingon ako sa buong paligid. Bagong bago sa mata ko ang lugar. Hindi ito katulad sa lugar na pinanggalingan namin. Pero maganda ito. Katulad ng napapanuod ko sa TV. Ang tataas ng mga building. Marami ring tao ang naglalakad. Bukod pa roon, ay may isang maganda ilog at isang tulay. Ang ganda nito habang sinisinagan ng papasikat na araw.

Napansin ko ang mga istudyanteng na naglalakad kasabay ko. Naka-uniform sila katulad ng suot kong uniform ngayon. Oo nga pala. Hindi ko alam ang papunta sa school. Susundan ko na lamang sila.

Naka-sunod lang ako sa dalawang istudyanteng nakita ko kanina sa tulay. Nakarating na kami sa tapat ng school. Ang ganda ng gate at ang gara ng kulay nito. Parang pang-private na pang-private talaga. Ang ganda. Ang laki pa at ang mga istudyante ay halatang may mga kaya sa buhay.

Nakatingala ako habang tinatanaw ang buong school. Wala akong pake kung may langaw na pumasok sa bibig ko habang nakanganga. Basta, manghang-mangha ako.

"Aray ko." Bumalik sa tama ang kaisipan ko nang mabangga ako. "Ang sakit. Yung ilong ko. Ouch" kinapa-kapa ko pa ang ilong dahil nauntog ang buong mukha ko. Para akong nauntog sa pader.

Nang tignan ko kung ano ba ang nasa harapan ko. Nalaman kong, hindi pala pader ito. Narito pala sa gate at nakapila para sa pag-pasok. Nasabi nga pala ni Mama na automated ang mga facilities sa school na ito. At ang ID nila ang tracker para makapasok. Nakatingin lang ako sa likod ng lalaking nasa harapan ko. Ang tangkad nito.

Dahan-dahan naman akong nilingon nito. At para akong mahuhulog sa lupa nang makita ko ang kabuuhan ng mukha nito. Nakatingin ito sa akin na tila blanko ang mukha.

"S-sorry." Marahan kong nasabi at tsaka ko iniwas ang tingin ko sa kanya. Ang mga titig nila. Ang lamig nito. "Pasensya na." dagdag ko pa habang iwas pa rin ang tingin rito.

Nang tignan ko ulit ito. Wala na ito sa harap ko at nakita ko na lamang ang likuran nito na naglalakad palayo.

"Hija, marami pang papasok, hindi lang ikaw." Paalala ng guard sa akin.

"Ay pasensya na po." At tsaka ko ini-swipe ang ID ko at dali-daling pumasok.

Pagpasok ko sa loob. Mas lalo pa akong namangha. Mas malaki pa pala ito kaysa sa inaakala ko. Pagpasok, makikita mo agad ang isang malaking fountain na may istatwa sa gitna. Pagpaling mo naman sa kanan, makikita mo ang malawak na damuhan at berdeng-berdeng mga halaman na may mga istudyante na nakaupo na parang nagpi-picnic. Sa gawing kaliwa naman makikita ang tila isang glass stadium. Malamang ito ang canteen nila dahil kita sa loob ang mga table at upuan. Ang sosyal naman ng school na 'to.

Habang nililibot ko pa ng tingin ang paligid. Bigla namang tumunog ang bell kaya nagsikilos na ang mga istudyante at dali-dali nang pumasok sa mga respective class nila.

Mabilis na naubos ang mga istudyante sa labas ng building at nagsipasukan na. Habang ako, hindi alam kung saang building ba pupunta.

"Ay, Oo nga pala." Kinuha ko sa bag ko yung registration form ko, para malaman kung anong building at anong room number ng papasukan ko. Masyado yata akong nalibang at namangha sa mga bagay-bagay.

Tinignan ko kung saang building ako aakyat.

"Building 4, Room 1. Ah okay!"

Nakita ko naman agad ang building #4. Sa taas pa daw ang Room 1. Pababa daw kasi ang numbering room dito. Umakyat na ako. Wala na rin kasi akong nakikitang student sa paligid. Lahat siguro nasa loob ng mga klase nila. At ako, heto at naghahanap pa rin ng room ko.

Pagdating sa 3rd floor ng building 4. Halos mahulog na ang puso ko sa hingal. Hindi ako sanay na umakyat ng 3rd floor. Huminto muna ako pagakyat ko at nagipon muna ng hangin. Nang biglang may dumaan na matandang babae na naka-kulay blue na damit at may dala-dalang mop.

"Hija, hingal na hingal ka? Hindi ka gumamit ng elevator?" tanong nito sa akin ng mapansin akong hingal na hingal.

"Ha? Ano po? May elevator dito?" hihingal-hingal kong sagot dito.

"Oo, bakit? Bago ka lang ba dito?" tanong ulit nito. Umayos ako ng pagkakatayo at tumango-tango sa kanya.

"Kaka-transfer ko lang po dito, Manang."

"Ah, naku hija, mag-iingat ka ah? Hindi mo pa alam kung anong klaseng school ang pinasukan mo? Sandali? Scholar ka?" tanong ulit nito.

"Opo, bakit naman po ako mag-iingat? May halimaw po ba dito?"

"Hay naku, ano ka ba, mukha lang silang mga anghel pero sa loob. Halimaw sila! Osya maglilinis pa ako. Pumasok ka na baka mahuli ka pa."

Umalis na si Manang janitor. Naiwan naman ako sa kinatatayuan kong blanko ang mukha dahil sa sinabi ni Manang janitor.

"Sandali, late na ako!"

Mabilis akong tumakbo kung saan ang room ko. At nang marating ko ito. Nagsisimula na ang klase.

"Hala, paano na 'to. Late na ako." Sumandal ako sa pader at palihim sa sisilip sa pinto ng room. "Hays, nakakainis naman."

"Anong nakakainis?"

"Wah! Sino ka?" sigaw ko nang may nagsalita sa likod ko. Nang lingunin ko ito. Isang lalaki. Nakasuot rin ng uniform at nakangiti ng malapad sa akin. "Sino ka?" tanong ko uli dito.

"Ikaw? Sino ka? Bakit ka parang stalker na silip ng silip sa room namin?" sabi nito. Tinignan ko ng masama ito. At baka-sakaling matakot. Pero parang ewan lang ito na nakapamulsa at nakangiti sa akin. Naiinis ako sa mukha niya.

"Transferred student ako. At room ko din ito. Kaso late na ako." Sagot ko dito.

"Ah, alam mo. Epal ka din 'no?" nabigla ako sa sinabi nito. "Una, nadatnan kitang simusilip sa room ko. Pangalawa, inaagaw mo pa ang trono ko bilang—"

"Mr. Monteverde! Late ka na naman!" nabigla ako sa sigaw ng isang teacher sa likod ko.

"'Yon, bilang late ng klase." Napatingin ako sa kanya at masaya pa rin itong nakangiti. "Sorry, Ma'am I'm late." Mahangin nitong sinabi sa Teacher at walang indang pumasok sa room.

"Hay nako, ikaw? Sino ka hija?" tanong nito sa akin.

"Ah, eh…hehehehe"

Pinapasok na ako ng teacher namin. First period pala namin ang English. Narito ako ngayon sa harapan ng buong klase. Lahat sila nakatingin sa akin. Expressionless. Tila kinikilala ako ng mga mata nila. Napaling naman ang mata ko sa dulong parte ng room at nakita ko doon na nakaupo yung lalaki kanina sa pinto na late rin. Ngumiti ito sa akin at kumaway pa. Hindi ko na lang siya pinansin at ipinaling naman ang mata ko sa kabilang dulo. At halos maluha ang mata ko sa nakita ko. Siya yung lalaki kanina sa gate na nakabangga ko. Hindi ito nakatingin sa akin at nakamasid lamang sa labas ng bintana. Hindi ko alam nang mga oras na iyon ang naramdaman ko nang makita ko ang mukha niya.

"Ako nga pala si La—"

"English please." Nabigla ako sa nagsalita. Kaya naman tinignan ko ito. Isang babae na nakaupo sa bandang gitna at nakataas ang kilay sa akin.

"Hi, my name is Laarni Saldivar. I'm 17 and I transferred here to your school because of—"

"Because of scholarship." Muling naputol ang sasabihin ko ng magsalita ulit ang babae kanina.

"Yes, I am a scholar" sagot ko dito. Nakita ko namang nagulat ang mga kaklase ko sa sinabi ko.

"Then you're proud of it?"

Hindi ko na nagawang magsalita dahil sa mga tingin nila. Para nila akong kakainin.

Nagulat naman ang lahat sa ingay ng isang upuan. Napatingin ako kung sino ang tumayo. Siya yung lalaki kanina sa pinto. Nakatingin lang ako dito.

"Mr. Monteverde, sit down." Utos sa kanya ng teacher. Pero hindi niya ito sinunod at nakatingin lang sa akin.

Mayamaya pa at bigla itong lumakad papunta sa harap ng klase.

"She's a scholar. Under my dad's social care group. Is there any problem about it?" tanong nito sa buong klase. Pero walang sumagot o umangal. "I guess, wala. So? Introduction is over." Naglakad na ito at bumalik sa upuan niya.

"Hija, maupo ka na."

"Saan po Ma'am?"

"Dito." Nabigla naman ang lahat sa biglang nagsalita. Napatingin ako rito. At siya yung lalaki kanina sa gate. "Ito na lang ang bakanteng upuan." Nabuo ang maraming pag-uusap ng mga kaklase ko.

"Ano? Katabi niya si Abrylle?"

"What the hell?"

"Oh my gosh! My prince Abrylle!"

"I can't take this anymore, I'm gonna die."

Yan ang mga naririnig kong sinasabi nila habang naglalakad ako papunta sa seat ko. Pag dating ko roon. Inilapag ko na ang bag ko at naupo. Pag-upo ko lahat ng babae kong kaklase ay ang sama ng tingin sa gawi ko.

"Okay class, let's continue our lesson."