Ng nakararing na sila sa kanilang destinasyon ay agad na lumabas si alyssa sa kotse at tinignan ang paligid at lumanghap ng sariwang hangin
"Ano pang tinatayo tayo mo diyan?! Halikan dito at dalhin mo yang mga bag sa kwarto"malamig na sabi ni liam
Nawala ang akin ngiti sa aking labi ng nag-iba ang pakikitongo ni liam sakanya ng wala na ang kanyang mga magulang
"Oo"malungkot na sagot ni alyssa
"Sa itaas ang kwarto ko at sa ibaba naman ang kwarto mo"sigaw na sabi ni liam
Lumapit si alyssa kay liam at nagtatakang nagtanong "Huh? Hindi tayo magkasama sa iisang kwarto? Kasal na tayong dalawa bakit hindi?"
"Kasal?!, Ikaw lang naman ang may gusto nitong kasal na to diba!! dahil sayo naghiwalay kami ng girlfriend kaya magdusa ka!" Galit na tugon nito
Wala ng nagawa ang dalaga at pumunta na lamang ito sa kanyang kwarto at umiyak dahil hindi totoo ang sinabi ng binata na dahil sakanya ay naghiwalay ang dalawang magkasintahan , naghiwalay ang dalawang ito dahil may bagong lalake na ang babae at di ito alam ni liam
Hindi na lamang inisip pa ni alyssa ito at natulog na lamang
*Kinabuhasan*
Maagang nagising ang dalaga upang maghanda ng umagahan para sakanyang asawa
Ng matapos ng iluto ni alyssa ang kanyang niluluto ay agad niyang nilagay ito sa lamesa tyaka tinawag si liam
Agad na umakyat si alyssa sa kwarto ng binata ngunit bago pa man makakatok ang dalaga at biglang bumokas ang pinto at tumambad sakanya si liam
"Anong tinatayo tayo mo diyan?! Tabi paharang harang ka sa daan" sabi nito tsaka tinulak ang dalaga at bumaba na
Walang nagawa ang dalaga at umiiyak na lamang pero hindi katagalan agad niya namang itong pinunasan at bumaba na para kumain
Uupo na sana si alyssa ng biglang nagsalita ang binata
"Ang gagawin mo? Mamaya kana kumain di ka sasabay sakin" sabi ng binata habang patuloy parin sa pag kain
"Pati ba naman sa pagkain di tayo pwedeng magkasama?" Mahinahon na tanong ng dalaga
Tumayo ang binata at galit na sinabing "Sino ka ba para sabayan ako?! Isa ka lang namang malanding babae"
"Ganyan ba talaga ang tingin mo sakin? Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ako ang naginf dahilan ng paghihiwalay niyo ha?! Bat ayaw mong maniwala sakin?!" Inis na sagot ni alyssa
Hindi na sumagot si liam at pumunta na lamang ito sa kanyang kwarto
Si alyssa naman ay kumain ng mahinahon
Ng matapos itong kumain ay niligpit niya na ang kanilang pinagkainan at hinugasan ito
Habang naghuhugas ang dalaga ay napaisip siya kung paano niya mapapatunayan sa binata na hindi siya ang dahilan ng paghihiwalay nila ng dati nitong kasintahan
Ng matapos maghugas ito ay wala parin siyang naiisip na paraan kaya lumabas nalang ito upang makalanghap ng sariwang hangin at doon mag isip isip