webnovel

CHAPTER TWENTY-NINE

"G-Gusto mo 'ko?"

I was too stunned to speak because I didn't expect his confession. Napaka-direkta sa mukha ko at nakatingin pa siya ng diretso sa mga mata ko habang sinasabi 'yun. Hindi rin ako ready para 'dun pero nag-ipon na naman ako ng lakas kanina, peor hindi ko naman alam na ganito katindi ang mararamdaman ko. Matinding kaba ang dinulot sa 'kin 'nun. Madaming nabuong what if's sa utak ko.

"Yes. Is there something wrong with my confession, Eca?"

Pinaglaruan ko ang mga daliri ko sa hita ko.

"Sa totoo lang...Hindi ko alam kung gusto kita, Jason pero ang alam ko lang...hindi pa ako handa pumasok ulit sa MU. Natatakot pa 'ko."

"Ayus lang matakot. Galing ka pa naman sa sakit kay Dylan. I won't take your feelings for granted. Take your time to heal. Manliligaw pa lang naman ako, hindi pa tayo."

"Hindi 'pa'?" tanong ko.

"Masama bang mangarap para sa relasyon natin, Lai?" tanong niya at tinitigan niya 'ko.

"Hindi naman pero do your best. Hindi ako madaling pasagutin, Jason."

Nginitian ko siya at nginitian niya ako pabalik.

"I understand, Lai. Take your time to heal. Hindi kita madadaliin. Kahit na umabot pa tayo ng ilang taong nanliligaw ako sayo...Hanggang sa maka-heal ka, I'll wait."

"Salamat," ani ko.

I am thankful that he can understand my side. He doesn't question me about my answer already or what am I planning if we're together already. He's just asking me the possibilities if there's a chance that I will answer him or not. That's all that matters to him and that raised my standards more. 

Narinig ko ang pagbukas ng screen door sa harapan ng bahay at napalingon kami 'dun ni Jason. Nakatayo 'dun si daddy habang naka-black T-shirt at cargo shorts. Sinuot niya rin ang adidas shoes niya. Tumayo ako at umalis sa pagkakaupo at lumapit sa kanya. Humalik ako sa pisngi niya.

"'Dy, si Jason," pagpapakilala ko. 

"Sige, sige, kausapin ko. Pumasok ka muna sa bahay. Tawagin kita kung tapus na kaming mag-usap para maihatid mo mamaya." Seryoso ang tono niya habang sinasabi 'yun at hindi ko alam kung kakabahan ba ako o matutuwa na kakausapin niya si Jason dahil pwedeng payagan siya o, mas masaklap, hindi.

Tinanguan ko siya at tinignan ko si Jason na nakatayo na rin sa payong. Umalis siya 'dun at lumapit sa amin, Inabot niya ang kamay ni daddy at nagmano. 

"Good afternoon, tito. Jason Lavin Dela Rosa po," pagpapakilala niya ulit. Ang galang naman niya. Lalo niyang ikina-gwapo 'yun.

"Elleazor Gonzales, gentleman, daddy ni Ellaine." Nag-shake hands silang dalawa habang nakatayo pa rin ako sa tabi ni daddy.

"'Dy, pasok na 'ko sa bahay. Pasabi na lang kung tapus na," ani ko kay daddy at tinanguan niya lang ako.

Naglakad na ako paalis papuntang likod nang mangiti ako sa unang sinabi ni daddy sa kanya. 

"Hindi pa tayo nag-uusap parang gusto na kita sa anak ko. Katoliko ka ba?"

"Yes, sir."

"Buti naman. Mahirap na kung ibang relihiyon ka. Hindi ang anak ko ang maga-adjust ng relihiyon niya para sayo."

"Sir, kung iba pa ang relihiyon ko, iibahin ko ang relihiyon ko para sa panganay niyo."

Lalo akong nangiti sa usapan nila. Hindi nila alam na hindi pa ako nakakapasok ng bahay. Natutuwa ako sa usapan nila. Magkakasundo yata sila. Pero biglang nag-flashback sa akin ang sinabi ni Harold nang mabanggit ni Jason ang tungkol sa relihiyon. It's so good to be true. It pains me again.

Somehow, I was thankful that Jason knew that I need to heal first before liking him. He allows me to fight for myself and is willing to wait for my answer. Alam kong nagkakagusto na ako sa kanya. Alam kong hindi lang paghanga ang nararamdaman ko sa kanya...Pero hindi pa ako handa at alam niya 'yun at naiintindihan niya 'yun.

Pumasok ako sa bahay at nakita sina mommy at Elle sa couch. Nanunukso ang tingin ni mommy habang nagtitipa naman si Elle sa cellphone niya, paniguradong nagsusulat na naman ng story niya sa Wattpad.

"Oh, namumula ka?" tanong ni Elle nang nakatuon pa rin ang atensyon sa cellphone.

"Namumula ako? Nabilad ako sa araw kanina. Tumabi ako kay daddy," pagdadahilan ko at humakbang ng dalawang beses, paakyat sa hagdanan.

"Hindi ka namumula sa araw, Ella," aniya.

"Umamin si Jason," pag-amin ko.

"Mahal ka?" tanong ni mommy. Napairap na lang ako. Panigurado ay ija-judge niya rin si Jason katulad ng pangja-judge niya sa ibang naging ka-MU ko. Ang kakaiba nga lang ngayon ay hindi ko ka-MU ang ipinakilala ko sa kanila, magiging manliligaw na.

"Gusto raw," sagot ko.

"Ganun din 'yun."

"Ang gusto, iba sa crush, 'my. Pag sinabi niyo bang gusto niyo ng bag, mahal niyo na rin 'yung bag 'tas bibilhin niyo?" tanong ko.

"Bibig mo, Ellaine Yezdaeca!" sigaw niya sa akin. Umirap na lang ako. Lagi namang ganun ang sasabihin niya kapag nasagot ko siya. 

Bawat araw ay tumatapang akong humarap sa kanya dahil sa ugali niya. Kaya rin siguro, matatalim na mga tingin na lang ang nagagawad ni daddy sa kanya sa tuwing naiinis na si daddy sa mga salita niya. Nakakainis naman talaga. She's sensitive but confusing at the same time. Para siyang dalawang tao sa iisang katawan.

Umakyat ako sa kwarto namin at nilapitan ang bag ko para kunin ang cellphone ko. Binuksan ko ang data at pumunta ng Messenger. Nag-chat ako kay Ash na nakauwi na kami at sumabay sa amin si Jason. 

From: Magandang Dyosa

At bakit naman sumabay yan?!

He sent his message with a 'one eyebrow raised' emoji.

To: Magandang Dyosa

Manghihingi raw approval

sa panliligaw

From: Magandang Dyosa

ay, totoo ung kanina?

akala ko joke lng

To: Magandang Dyosa

hindi nagbibiro to

kausap niya c daddy sa

labas ngaun

From: Magandang Dyosa

omg pachismis kapag tapus

na silang mag-usap

To: Magandang Dyosa

sige balitaan kita

Inilapag ko muna sa kama ko ang cellphone ko at kumuha ng damit sa cabinet. Nagpalit ako ng damit bago humiga sa higaan ko para magsulat ulit sa Wattpad habang hindi pa rin ako tinatawag ni daddy para ihatid si Jason pauwi.

Ano kayang pinag-uusapan nila? Binabagabag ako ng mga topics nila. Baka naman tungkol sa babae? Pero sana hindi naman. Asahan ko na lang na disente ang usapan nila.

Nang maboryo ako sa taas, bumaba ako para sana manood sa TV ng kahit anong palabas pero nautusan pa akong maghatid ng kakainin ng mga lalaki sa labas. Buti na lang at masipag ako ngayon. Nakapagpahinga namah kasi ako kahit papaano.

"Ate, ilabas mo 'to kala daddy mo," sabi ni mommy at itinulak ang lalagyanan ng pagkain sa lamesa papunta sa akin.

"Hai~" Ibig sabihin sa English ay 'Yes'.

Lumabas ako at nagdala sa kanila ng Tang juice na nakalagay sa pitchel at Oishi original flavor na nakalagay sa isang bowl.

"'Dy, Jal, ito na ang inyong food!" sigaw ko.

Tumingin sila sa akin at inihinto ang pinag-uusapan nila. Mukhang nagkakamabutihan na rin naman sila. Sila na lang kaya magligawan? Joke.

"Sino si Jal? Multo?" tanong ni daddy.

Umirap ako at lumapit sa kanila. Inilapag ko ang bowl at pitchel sa harapan nila.

"Hindi," sagot ko.

"Eh, sino?"

"Ako ho, tito. Nickname ko. Lav nga po dapat. L. A. V. Kaso baka pagkamalan pa po kaming BF-GF ng anak niyo," sagot ni Jason.

"Ah, si Jason."Tumango-tango pa ang ama ko. "Ella, kayo na lang ni Jason. Katoliko naman 'to. Basta pag nagloko at asawa mo na, dalhin mo sa 'kin. Papabugbog ko."

Naramdaman ko ang kahihiyan sa buong katawan ko. Asawa talaga agad bungad niya sa 'kin? Jusmeyo porpabor na mahabagin, Grade 8 pa lang ako! Second year high school, junior high!

"Tito, hindi ko ho lolokohin ang anak niyo."

Tumingin ako kay Jason at tumingin rin siya sa 'kin. His eyes are not lying. Alam ko namang hindi siya ganung klaseng tao. Kay Lynarne pa nga lang loyal na, paano pa kaya kung nag-jowa siya?

"Hindi mo sure~" pang-aasar ko. "Baka mamaya gumaya ka kala Dylan at Harold. Nagkagusto sa iba habang gusto o mahal ako."

I was traumatized because of that two persons. Ayoko na ulit maulit ang pinagpalit ako dahil sa masungit ako...dahil sa maldita ako. I need someone who can control that side of mine.

Nakita ko ang pagkunot ng noo niya habang nakatingin sa akin. Pinagpalitan naman kami ng tingin ni daddy.

"Hoy, nagkakainitan na kayong dalawa," sabi ni daddy na namagitan sa amin.

"Naninigurado lang, 'dy. Tsaka...aports ko 'yang si Aso, normal na niyang marinig sa 'kin 'to. Nasaktan ako eh."

"Tito, ayus lang na may duda si Ellaine sa akin. Nakita ko po paano siya trinaydor ni Dylan."

"Trinaydor?" tanong ni daddy at binigyan niya ko ng tingin nang nagtataka. "Gumusto ng iba ang Iglesia ng gusto niyo ang isa't isa, Ella?" tanong niya pa.

Napabuntong hininga na lang ako. Wala na naman akong takas sa tanungan kung si daddy na ang nagtatanong sa akin ng harap-harapan.

"Oo," sagot ko.

"'Ay, salamat naman at 'di mo jinowa!" He exclaimed.

Umirap kami ni Jason dahil sa reaksyon niya. Para siyang bumalik sa pagka-teenager.

"Tito, nag-effort rin naman po si Dylan kay Ellaine," pagdadahilan pa ni Jason.

I looked at him and admired him. I like how he clears the name of Dylan even though I hate his ex-best friend. I hate him for betraying me and will always will. But Jason...He can forgive him. Baka hindi buong buo at baka may pangakuan sila pero nasangkot din siya sa mga paratang nila kaya nakakapagtakang ang dali para sa kanya na magpakumbaba.

"Ang nag-traydor ay nag-traydor. Ang bait mo masyado, bata." Tinapik ni daddy ang balikat ni Jason. "Ellaine, gusto mong sumama sa kwentuhan namin? Para malaman mo kung anong pinag-uusapan namin."

Ngumuso ako at tinignan si daddy. Kwentuhan pa nga. Isasama pa nga ako sa kwentuhan nila.

"Huwag na, 'dy," reklamo ko at aalis na.

"Dito ka. Tumabi ka kay Jason. May ibibilin kasi ako."

Umirap ako at walang nagawa kaya tumabi ako kay Jason. May distansya rin naman sa amin kaya ayus lang. Walang marereklamo si daddy. Masyadong magalang si Jason.

"May ipit ka, Lai?" tanong niya.

"Huh? Bakit?"

"Ipusod ko lang buhok mo. Nakalaylay eh, ang kapal. Parang mukha mo," bulong niya.

"Kapal ng mukha mo, Aso!" bulyaw ko.

"Ha? Sinong aso?" tanong bigla ni daddy.

"Ah, wala. Sabi ko may dumaang aso, 'dy," pagpapalusot ko.

"Ah...Hoy, Ellaine, 'yung buhok mo, itali mo," aniya.

"'To, itatali ko na nga po," ani ni Jason.

"'Ay, marunong, ate. Magpakasal na kayo!" Pumalakpak pa si daddy. Napairap na lang talaga ako sa hiya. Nakakahiya kay Jason.

Nararamdaman ko ang pamumula ng mga pisngi ko nang marinig ko ang salitang 'kasal'. Never kong narinig si daddy na nagsabi na magpakasal na ako sa isang lalaki at never siyang naging ganito ka-approved.

"'Yung tali mo, Lai. Akin na."

"Ah...Ano...Ito." Tinanggal ko sa pulsuhan ko ang ipit ko at inabot 'yun kay Jason para sa buhok ko at tumalikod para nakaharap sa kanya ang buhok ko.

"Anong pangarap mo sa buhay, Jason?" tanong ni daddy kay Jason habang iniipon niya ang buhok ko. Hindi ko rin alam kung paano niya naiipon 'yun ng walang suklay pero nakakamangha lang na alam niya kung paano mag-ipit ng buhok ng babae.

"Mechanical Engineer po."

"Aba, mahirap na course 'yun ah."

"Opo."

"Magaling ka sa math?"

"Sakto lang po."

"Weh? Sakto lang?" bulalas ko.

Hinatak niya ng kaunti ang buhok ko.  Tahimik akong bumawi at kinurot ang tuhod niya. Tinapus niya ang pag-iipit sa buhok ko at tinapik ang balikat ko kaya umayus ako ng upo.

"So...magaling si Jason sa math, Ella?" tanong pa ni daddy bilang reaksyon sa pang-aasar ko.

"Oo. Lagi 'yang nauuna sa pagsasagot sa math pwera sa 'kin."

"Matalino. With Honors ka, pre?"

Napairap na naman ako. Pre na nga ang tawag ng tatay ko sa manliligaw o magiging manliligaw ko.

"Ah, hindi po. Line of 7 po ako lagi dati at estudyante sa isa sa mga lowest section nung elem."

"Pero, bata, halatang matalino ka."

"Top one po nung kinder."

"Oh, Ella! Ayus na 'yan! Siya na magtuturo ng ABC sa mga anak niyo!"

Napairap ulit ako. Anak naman ngayon?

"Ah, tito...Bakit po nagkaroon na agad ng anak?" tanong ni Jason. Nakaluwag naman ako ng paghinga nang tanungin niya 'yun. Nahahalata niya sigurong hindi ako komportable sa nagaganap na asaran.

"Biro ko lang kay Ellaine. Nagkaroon na ulit ng manliligaw eh."

"May nanligaw na po sa kanya dati?" Kunot-noo akong nilingon ni Jason at umiwas agad ako ng tingin. "Wala po siyang nabanggit sa 'kin."

Napakagat ako sa labi ko nang maramdaman ang init at talim ng tingin niya. Wala talaga akong binanggit tungkol 'dun dahil ang babata pa namin noon at pambatang ligawan lang naman ang nangyari, parang hindi naman seryoso.

"Oo, meron. Sumubok si Harold noon."

Hindi ako nagsalita habang nag-uusap sila tungkol 'dun. Gusto kong umalis pero gusto ko ring maaninag ang reaksyon ni Jason sa bawat pagbitaw ni daddy ng kwento ng panliligaw sa akin ng mga nauna sa kanya.

"Bakit hindi na po nanliligaw sa kanya?" He asked.

I know he knew that our MU ended on the 15th, three days after my birthday. Doon rin natapus ang panliligaw niya. End of contract, kumbaga...Kapag natapus kami, tapus na rin ang panliligaw. It's connected. Manliligaw pa ba siya habang alam niyang malaki ang tsansang umayaw na ako kung aayain niya na akong maging GF niya?

"Ex-MU na ni Ellaine si Harold. Nagkagusto kay Hyacinth."

"Hyacinth?" Kumunot na naman ang noo niya. Curious na curious yata siya sa buhay ko?

"'Yung babaeng bantay ko sana." Nagkibit-balikat ako. "'Yun 'yung naga-update sa 'kin."

"Oh, bakit siya ang nagustuhan, Lai?" tanong niya pa. Hindi ba siya nauubusan ng itatanong? Pasakan ko kaya siya ng gripo sa ulo 'tas ubusin ko lang ang mga tanong sa utak niya?

"Siya ang mas malapit," ani ko.

"Pinagpalit ka sa mas malapit? Gago siya ha?"

"Hoy!" sigaw ko nang marinig siyang magsabi ng bad word.

"Gago 'no?" pag-uulit pa ni daddy at ngumisi. Napahampas na lang ako sa noo ko. Akala ko pa naman magagalit siyang nagsabi ng masamang salita si Jason, uulitin niya rin naman pala. "School lang naman inilayo ng anak ko, hindi naman lugar ng kitaan."

"'To, backup-an ko na po ba? Tara!"

"Tara! Sinaktan ang anak ko! Subukan nating bugbugin!" Hinawakan pa niya ang braso niya at kuwnaring sinuntok-suntok pa 'yun.

Napailing ako at yumuko. Jusmeyo 'tong dalawa! And I am here thinking that they cannot match the energy of one another. Parehas lang pala sila.

"Putek...Tigilan niyo nga 'yan! Ayus na kami ni Free, huwag niyo nang ganunin! Gosh! Mga plano niyo!" Nase-stress na ako sa kanila.

"Ang seryoso ng ate namin. Bakit? Gusto mo pa ba?" pang-aasar ni daddy.

"'Dy!"

"Sino si Free?" tanong ni Jason at nilingon ako.

"Si Harold. Nickname niya."

"Pero anong tawagan niyo dati?"

"He calls me Yadi."

"You are the infinity," aniya.

Nahinto ako at tumitig sa kanya dahil sa sinabi niya. Paano niya nalaman ang ibig sabihin 'nun?

"Paano?"

"Anong 'paano'?"

"Paano mo nalaman ang ibig sabihin ng 'Yadi'?"

"Narinig ko sa crush ko dati nung elem. Naghatid lang naman ako ng papel sa room nila 'tas siya at 'yung mga kaibigan niya, nag-uusap tungkol sa mga buhay nila. Napag-usapan 'yung pinsan niyang nagpakilala ng nililigawan. Yadi raw nickname."

"At saan mo narinig ang meaning?"

"Sa kanya rin. In-explain raw ng pinsan niya ang meaning. Pang-forever na raw ang nililigawan ng pinsan niya kaya raw ganun nickname. Ang weird."

"That's me..." Medyo naging pagak ang boses ko nang sabihin ko 'yun. Pinakilala pala niya ako sa angkan niya 'tas sinabing pang-habang buhay ako? Eh, 'di siya hindi? Nang-iwan eh.

"Paanong naging ikaw?"

"Anong name ng crush mo dati?"

"She's Athena," pagpapakilala niya. "Athena Venice Castillo Valencia."

"Pinsan nga."

"Kilala mo?"

"Pinsan ni Harold, buang!" bulyaw ko.

"Astig! Magkakonekta 'yung ex-MU mo at crush ko ng two years!"

"'To, walang tawag si Lai kay Harold dati?" tanong niya at hinampas ko siya sa braso. Bakit kasi kay daddy siya nagtatanong? Katabi niya lang naman ako. Ako lang rin naman itatanong niya kay daddy. Ang abnormal namang aso nito. "Aray!" daing niya. "'To, oh...Nananakit."

"Siya nauna, 'dy!" Hinampas ko pa ang ulo ni Jason.

"Aray!" daing pa niya.

"Wala," ani ni daddy na hindi pinansin ang bardagulang nagaganap sa harapan niya. Nakatingin lang siya ng diretso kay Jason. "Harold lang ang tawag niya sa batang 'yun. Two years ang sinayang niya 'dun. Napagod lang dahil malayo ang school nina Ella."

"Bakit po ba Orion pa sila?"

Nanlaki ang mata ko sa tanong niya. Ang layo na ng nararating ng Q&A nila! Tungkol pa sa personal kong buhay. Alam ko na talaga kung kanino ako nagmana ng kachismosahan.

"Para private. Walang private school sa Limay," sagot ni daddy sa kanya.

"Bakit hindi na lang po sa public high school? Wala naman po sigurong problema kala Ellaine kahit saan po sila pumasok na school."

Ellaine. First name ko ang gamit niya sa pakikipag-usap kay daddy. Nakakapanibago. Mas sanay ako sa mga nicknames niyang pang-asar o Lai lang.

"Para safe sila. Marami ng insidente dito sa may highschool dito sa Limay. Mahirap nang mahalubilo ang mga anak namin sa mga basag-ulo."

Medyo lumapit si Jason sa akin at bumulong. "'Tas nahalo kayo sa 'min. Ang galing naman." Siniko ko siya dahil sa sinabi niya. Gago talaga!

"'To, naniniko 'tong anak niyo!"

Sinamaan ko siya ng tingin. Nagsumbong pa nga. Hindi raw takot sa 'kin pero nanunumbong. Abnormal talaga.

"Hayaan mo ng saktan ka kaysa ikaw saktan. Ganyan talaga 'yan. Mana sa 'kin!" pagmamayabang ni daddy na kinairap ko.

"'To, mana nga sa inyo! Maganda na, matalino pa! Perfect sa aking bobo! Hayaan niyo na, bumawi naman ako sa mukha. Aray!"

Kinurot ko ang tagiliran niya dahil sa pagmamayabang niya. Ang laki ng ulo niya! Matapus magpa-good shot kay daddy, magyayabang naman ng kagwapuhan niya. Hindi ko rin talaga alam kung paano ako nagkakagusto sa kanya. Ano bang meron sa lalaking 'to?

Nakita ko ang paghimas niya sa tagiliran niya at sinamaan ako ng tingin. Tinaasan at baba ko lang siya ng kilay bilang pang-asar at ngumuso naman siya.

"Mapanakit ka ha?"

"Dati pa."

"Pero, 'to, bakit sa Heroes sila?" Binalik ni Jason ang paningin niya kay daddy nang magtanong siya.

"Puro activities kasi sa dati naming schoo. Nakakabagot rin 'yung puro acts," sagot ko.

"Ikaw si tito?" tanong niya at tinaasan ako ng kilay.

"Pwede rin. Ell rin ako. Ellaine."

"Magaling!" At pinalakpakan niya ako. Pinaikot ko ang mga mata ko. Kaasar.

"Puro physical activities sa school nila sa Orion kaya nilipat 'yan. Marami ring naging issues. Teka, bakit ako yata ang na-interview? Hindi ako ang manliligaw!" reklamo ni daddy sa amin.

"Malay ko! Sagot ka naman nang sagot, 'dy," bulyaw ko.

"Magkaklase ba kayo?" tanong ni daddy.

"Opo," sagot ni Jason.

"Anong plano mo sa anak ko?"

Nabigla kaming dalawa sa tanong ni daddy. Tangina, akala ko ba interview lang 'to? Bakit biglang naging hot seat?

"Pakasalan po."

Lalo kong naramdaman ang paglaglag ng puso ko sa sinabi niya. Hindi humihinto ang pagtibok ng puso ko sa kaba sa sinabi niya.

Pakasalan? Malaking kasinungalingan lang rin 'yun at hanggang ngayon, masakit sa 'kin marinig na papaabutin nila ako sa altar kasama nila. It's one of the lies that Harold and Dylan left me. It's a big scar. Mahihilom niya kaya ang sugat ko? I better find out if we are officially GF and BF already.

"Hm..." Daddy hummed. "What can you say, Ellaine?" tanong niya.

"Uhm..."

Sa totoo lang, wala akong masabi. Wala talaga dahil hindi ko 'yun iniisip. Pero sa tuwing naaalala ko ang pangako nila katulad nito, nasasaktan ako. Hindi ko maiwasang magduda sa mga salita ng manliligaw ko. Hindi ko maiwasang magduda kay Jason tungkol 'dun.

"Hindi pa naman siguradong kami na sa dulo, 'di ba?" Nilingon ko si Jason at pinanlakihan siya ng mata na para ba ako nambabanta. "Jason?"

"Ako...sigurado na sayo." Napalunok ako sa sagot niya. "Hindi naman ako manliligaw, Lai, kung hindi ko goal pakasalan ka." Nahugot ko ang hininga ko sa sinabi niya. Tangina. "Tsaka, kung sakaling maging tayo...Ikaw pa lang first girlfriend ko." Wala na. Huminto na ang mundo ko nang sabihin niya 'yun. Ako ang magiging first girlfriend niya?

"Si Ellaine ang magiging first girlfriend mo? Wala ka pang experience?" tanong ni daddy.

"Opo, tito. Pasensya na ho kung 'di ko nasabi kanina."

"First effort mo 'to sa babae?"

"Opo. Mahiyain po kasi ako sa iba kong nagustuhan." Napakamot siya sa batok at nagsimula nang mamula ang tenga niya sa hiya. Pinagpapawisan na rin siya dahil mainit.

Tumayo ako at akmang aalis nang tawagin ulit ako ni daddy. "Saan ang punta mo, Ella?" tanong niya.

"Pasok lang ako sa bahay. Kunin ko portable fan ko sa bag. Pinagpapawisan 'tong si Jason," ani ko at tinanguan niya lang ako. "Jason, inom ka muna ng Tang. Malamig 'yan."

"Sige lang," aniya.

Umalis ako at pumasok sa bahay para kumuha ng portable fan. Naabutan kong nakahiga si Elle sa sofa. Si mommy naman ay wala sa paligid. Baka nasa kwarto nila.

Umakyat ako sa taas at pumunta sa kwarto namin. Hinanap ko ang bag ko at kinuha ko ang portable fan ko. Sinubukan kong paandarin 'yun para malaman kung may battery pa rin at gumana 'yun kaya nakahinga ako ng maluwag at hindi ko na kailangang mag-charge.

Bumaba ako at lumabas. Muntik pa akong matipalok sa pagmamadali ko. Ang init kasi at baka init na init na si Jason kung hindi ko pa bibigyan ng hangin 'yun. Sinuot ko ang tsinelas ko at agad na pumuntang payong.

"Portable fan oh," Inilahad ko ang kamay kong may hawak na fan sa harapan niya at binuksan 'yun nang tumingin siya. Natawa ako nang napangiwi siya dahil sa lakas ng hangin. "Ang pangit mo," asar ko at umupo ulit sa tabi niya.

Kinuha niya ang fan sa kamay ko at itinapat sa leeg niya. It exposed his mole near his collarbone. Napalunok na lang ako nang makita ko 'yun. It did add a charisma. It made him...hotter.

Umiwas ako nang tingin ng maramdaman kong palingon na siya. Dumukot na lang ako ng chichirya at sinubo 'yun. Dahan-dahan akong ngumuya dahil tinutunaw ko pa ang Oishi sa bibig ko. Ang sarap kasi lasang shrimp!

"Tito, pwede ko na ho bang ligawan si Ellaine? Sapat na ho bang impormasyon ang nabigay ko?" tanong niya.

Lumingon ako sa kanya nang maramdaman kong wala na ang paningin niya sa akin. Nakabalik na 'yun kay daddy. Kumain pa rin ako nang kumain ng Oishi habang hindi pa rin sunasagot si daddy at nakatingin lang sa lamesa. May nakikita ba siyang hindi namin nakikita?

"Tulala," komento ko at sumubo ulit ng Oishi.

Nagulat ako nang iginalaw ni daddy ang mga mata niya. Bumilos ang tibok ng puso ko at nakahinga ako nang kay Jason siya tumingin.

"Pwede na..." Nahinto ako sa pagkain at nilingon siya. Pwede na? Tangina, tatay ko ba 'to? 'Yung daddy ko dapat hindi basta-basta pumapayag. Kaso parang boto yata 'to kay Jason. Ano kayang nakain niya at pumapayag? "Pero kay Ellaine pa rin ang sagot. Hindi naman pwedeng um-oo ako dito. Kamukha lang ako!" pagdadahilan niya pa.

Napairap tuloy ako sa pagmamayabang niya. Mukha na naman niya ang pinagmamalaki niya sa ibang tao pero totoo namang sa lahi nila nakuha ang pagmumukha ko. Mas malakas ang dugo niya sa 'kin kaysa kay mommy.

Pero...hindi ko pa rin alam. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa nagsisimulang yugto ng buhay ko na may manliligaw sa akin. Malilimitahan ba akong kumilos? May mga aayawan rin ba siyang kailangan kong iwasan? Mayroon ba siyang mga gustong gawin ko para parehas kami ng enerhiyang maibibigay habang magkasama kami? 'Yun na agad ang tumatakbo sa isipan ko at hindi ko maiwasang masaktan ulit.

Panibagong tao. Panibagong kwentuhan. At sana huling hantungan at kumpas ko na 'to. Kung hindi, hindi ko na alam. Ayoko ng may kasunod pa dahil wala akong papangakuang ibang siya na kung nakikita ko na ang sarili kong kasama ko siya. May mga makilala pa akong iba pero kung nangako akong siya lang ang iibigin ko hanggang dulo, 'yun na 'yun. It's my last chase. And if I would chase again, I would still chase the same person even though he will drift away from me. I would rather choose the same person over and over again. 

Pero kung sinaktan ulit ako, ibang usapan na 'yun. Hindi naman ako basta-bastang nangangakong siya na kung hindi ko nararamdamang siya na talaga. It's my voice. It's my thoughts. That's why it's also my choice to tell kung sino talaga ang alam kong kakayanin ako at ang ugali ko. That's one expectation I have from the start from the man that I will be ending the chapters of my single life.

Alam kong mahirap akong kontrolin. Maldita, masyadong matulungin at hindi masyadong masalita sa nararamdaman. I can hide my feelings and that's also my red flag. Magugulat na lang sila na sumabog na ako kapag nagsalita an ako ng masasakit na salita na hindi ko na kinakaya ang sitwasyon at kailangan ko nang pahinga sa paligid ko.

And I want someone to wait for me even if I take years to rest. I want someone that will understand me if that time comes. Malakas ang paninindigan ko sa sarili ko at mahal ko ang sarili ko kaya ayokong may nadadamay na tao kung napapagod ako. Magpapahinga ako pero hindi ako susuko. But if he will be tired of me and wants to let me go, I will let him. Wala rin namang saysay ang chase ko kung hindi niya na ako gugustuhin, 'di ba?

"Handa naman po akong hintayin si Ellaine, tito. Sa ngayon...Ellaine..." 

Napatalon ako ng kaunti sa kinauupuan ko nang lumingon siya sa akin at lumapit. Natigil rin ang pag-iisip ko at hindi nakagalaw habang naktingin ako ng diretso sa mga mata niya. His eyes are mesmerizing. Para akong nilulunod 'nun sa kaba dahil ang bilis ng tibok ng puso ko. He also called me in my first name that made my heart go crazier. 

Tangina, Jason...Jal, ano ba 'tong ginagawa mo sa 'kin? Hindi naman ako nawiwindang ng ganito kalala sa buong buhay ko!

"Can you be my girlfriend?"