webnovel

CHAPTER THIRTY-ONE

"G-Girlfriend? No!"

Nag-panic ako at nasabi agad 'yun. Nakita kong naging malungkot ang mukha niya sa sagot ko sa tanong niya. Lalo akong kinabahan. Titigil na ba siyang manligaw sa akin dahil sa sagot ko? Manliligaw pa lang naman kasi siya! Bakit kasi nagtatanong agad ng ganun? Wala pa siyang isang araw na nanliligaw, tanong agad!

"Jason...Ano...Sorry, hindi pa kasi ako handa! Ano...Kasi naman! Wala pang isang araw!"

Nakaawang ang labi niya habang nakatingin pa rin sa akin. Nagpa-panic na ako dito oh! Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil parang nasaktan ko siya sa isang salitang 'yun at ayokong saktan agad siya. Bakit ba ako nagpa-panic? Ang dami pa namang lalaking pwedeng manligaw sa akin pero bakit parang binabakuran ko na ang sarili ko?

Hinawakan niya ang ulo kong kung saan-saan na lumilingon dahil nagugulantang na ako kung nasaktan ko siya o nagbibiro lang siya. Hindi ko talaga alam. Tinitigan niya ako at medyo naiiyak na ako. Baka kasi tumigil siya sa panliligaw. Hindi ko naman first time na maliligawan pero parang ganun ang feeling ko sa kanya. Nakakakaba at nakakabaliw.

"Lai..." Lalong nangilid ang luha ko nang marinig ang boses niya. Lalo ring lumakas ang pagkabog ng puso ko habang nakatingin sa akin ang seryoso niyang mga mata. "Joke lang! Ito naman!" Binitawan niya ang ulo ko at medyo tumilapon pa ako patalikod dahil sa ginawa niya. Lalo akong natulala sa sinabi niya. Joke lang?

"Lintek! Akala ko totoong tanong!" sigaw ko at hinampas ang braso niya. "Daddy! Tinanong ako oh! Loko ka, Jal!" bulyaw ko pa.

"Alam ko namang 'di mo pa sasagutin si Jason, Ella. Nababaliw ka na naman. Oh siya, kayo muna diyan." Tumayo siya kaya parehas kaming lumingon sa kanya. "Tsaka, Jason, pakialagaan ang anak ko. Payag akong ligawan mo 'yan." At nagsimula na siyang umalis sa harapan namin. Sinundan ko siya ng tingin at huminto siya sa hakbangan sa likuran ng bahay bago humarap ulit sa amin. "Nga pala, Ella..." Nilingon niya ako at tinitignan ako. Malalim ang mga mata niyang may gustong sabihin pa. "...Nagbabalik 'yung isa mong manliligaw. Nagpaalam rin."

Ibang kaba ang naramdaman ko ngayon at hindi katulad ng kaba ko kanina nang tinatanong si Jason.

"Anong sabi mo?" tanong ko.

"Dati mo na siyang manliligaw pero hininto niya kaya sabi ko sayo na lang ang desisyon. Ikaw na ang bahala sa isa. Alam kong kaya mo namang ayawan 'yun o kaya kung gusto mo pa rin siya, sige lang," aniya at itinuloy ang pag-alis.

Para akong hinugutan ng hininga sa sinabi niya. Nagbabalik si Harold? Bakit? Totoo ang sinabi niyang babawiin niya ako pagkatapus ng amin ni Dylan? Bakit hindi niya naman sinabing magpapaalam siya kay daddy?

"Si Harold 'yun?" tanong ni Jason.

"Oo."

"May karibal pa ako ha? Sabagay...Hindi naman maiiwasan 'yun. Sa ganda at talino mo, Lai, imposibleng walang nagkakagusto sayong iba."

Tumingin ako sa kanya at namangha. Paano niya nasasabi 'yun nang hindi siya nagagalit? Napakakalmado ng boses niya habang binibigkas ang mga hinahangaan sa akin ng mga tao at hindi niya ipinagkait 'yun sa harapan ko.

"Hindi ka ba magagalit na may ibang nagkakagusto sa akin, Jal?" tanong ko.

"Huh?" Pinagtaasan niya ako ng kilay. "At bakit ako magagalit? Jowa mo 'ko?" Tinuro niya pa ang sarili niya. "Kahit na jowa mo na 'ko, hindi ako magagalit. Minsan magseselos pero magagalit, hindi. Hindi posibleng wala akong kasunod sa pila sayo."

I was stunned to speak again. Kay Dylan, lagi siyang nagseselossa bawat lalaking nakakasama ko sa mga school groups at activities kaya inaasahan ko ring magagalit at magseselos rin ang susunod na magkakagusto sa akin sa mga lalaking naglakagusto rin sa akin.

It's one of my red flags. Magagalit ako kung magseselos ka sa mga kagrupo ko lang at kung iisipin mong papatulan ko sila sa tuwing makikita mong masaya ako sa kanila o nakangiti lang ako sa kanila o kinakausap ko sila.

"Pero...paano kung mag-away kayo ni Harold?"

"At bakit naman mag-aaway?" kunot-noo niyang tanong.

"Kasi siya ang nauna sa akin. Baka ipuna 'yun."

"Hindi mo naman siguro siya magugustuhan kung mayabang siya, Lai," aniya. Hindi na naman ako nakapagsalita.

Sa pagbitaw niya ng mga pangungusap tungkol sa akin, parang kilalang kilala niya ako. Parang alam niya ang buong pagkatao ko.

"Naiintindihan ko namang nagdududa ka na dahil trinaydor ka ni Dylan at pinagpalit ka naman sa malapit ni Harold pero hindi ibig sabihin 'nun ay kailangan kong gawin ang mga ginagawa nila. I won't say I won't..." Naninikip ang dibdib ko sa sinabi niya. So, ibig sabihin...pwede niya ring magawa?

"I will replace them with good things, Lai. Ginusto kita kaya aalagaan kita."

Nakahinga ako sa sinabi niya. Akala ko pati siya ay magkakaroon ng ibang babae habang hindi pa kami. Kapag ganun, mararamdaman ko na namang wala ang halaga ko para sa kanila.

Hindi humihinto ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa huli niyang sinabi. Nakahinga ako ng maluwag, pero parang hinugutan naman ako ng hininga dahil sa huli niyang sinabi.

Ginusto kita kaya aalagaan kita...

"Oh? Bakit natulala ka kanina? Akala mo magagawa ko rin 'yung mga bagay na ginawa nila para saktan ka kasi sabi ko, 'I won't say I won't'?"

Tumango agad ako at tumawa siya habang ginugulo anh buhok ko. Hinampas ko na naman ang kamay niya at tinanggal niya 'yun habang tumatawa pa rin. Huminto lang siya nang magsasalita na.

"Ayoko lang gamitan ka ng mga flowery words, Lai. Alam kong sawa ka na marinig 'yun sa kanila. Pinangakuan kang dadalhin ka sa altar, wala naman pala."

Saan niya nalaman 'yun?

"Sinong nagsabi sayo niyan?" tanong ko.

"Dylan. Kay Harold ulit 'yun, tama?"

Bakit niya sinasabi kay Jason? Binibilin niya na ba ako? Kung sinabi niya kay Jason, panigurado, baka sinabi niya rin kala Chilia.

"Kung iniisip mong sinabi niya kala Lexie, wala silang alam. Sa akin lang sinabi ni Dylan."

"Bakit sayo lang?" Parang mali yata ang ibig sabihin ng sinabi ko.

"Hindi niya masisiguradong hindi idadaldal ni Chilia kay Lourine ang lahat," sagot niya. "Ayaw niyang ipakalat sa iba kaya sa akin lang sinabi. He cares for you but he wasted you. Hindi ko rin alam bakit ka niya trinaydor."

"Alam mo?"

"Nung sinabi mo na."

Hindi ako naniniwala sa sinabi niya pero hindi ako umimik. Alam kong alam niya dahil halata sa kung paano niya sinabi 'yun. He knew all along but he didn't bother to tell me. Baka siguro, ayaw niya lang na masaktan ako at magulat.

"Hindi kita papangakuan ng ganun, Lai. Ayoko muna. Baka hindi mo ako sagutin eh." Tumawa siya at lumingon sa daan na nasa harapan namin. "Gusto kong siguro muna tayo."

Napangiti na lang ako. Tayo...

Nakakapanibagong mayroong nagsasama sa akin sa mga plano nila habang nagpaplano lang ako para sa sarili ko. Nakakapanibagong hindi lang pala ako ang nagpaplano. Nakakapanibagong kasama ako sa mga pangarap niya.

Tumibok na naman ang puso ko. Parang may hinahabol na naman na pagkalayo-layo. Hindi ko 'yun mapigilan at naramdaman ko rin ang pagpula ng pisngi ko. Shit, tinatamaan ako sa mga simpleng salita niya. Hindi pang tipikal 'yun.

"B-Bakit 'tayo'?" tanong ko.

"Hm?" Lumingon siya sa akin. "Oh, bakit namumula ka? Hindi naman kita pinasakan ng kamatis sa pisngi ah!" Tumawa siya at pinisil ang magkabilang pisngi ko.

"Sira!" Hinawi ko ang kamay niya pero lalo niya lang diniinan ang hawak doon.

"Tayo kasi kung pipiliin mo si Harold kaysa sa akin, ayus lang, kasi alam kong siguro ka na doon dahil siya ang pinili mo. Tayo kasi kung hindi mo ako sasagutin, ayus lang, dahil ipapagpatuloy ko pa rin ang buhay ko bilang stranger na naging parte ng nakaraan mo," aniya at nginitan ako.

He's acting tough right now but I know he's in pain deep inside while he's telling me that he will become a stranger once I didn't said 'yes' to him. Hindi niya ako pinapa-guilty pero nagi-guilty ako.

He's the one I like. That's why it's painful for me, too, to hear him saying that. Nakakainis at hindi ko pa pwedeng ipakita sa kanyang gusto ko siya. Hindi pa pwede dahil nasa utak ko pa rin lahat ng sakit na binigay ng dalawang nauna.

"Prinsesa kita kaya mabait ako sayo at sayo lang."

His words are like flowers to me. It's his own version of flowery words. I can tell by his eyes that he's genuine. Except for humor, I liked his mindset. I know he can handle me. No one did ever tell me that they are not afraid of me. Siya lang. He's the only exception aside from my family.

"Weh?" tanong ko. Hindi pa rin ako makapaniwalang nangyayari sa akin 'to. I was given assurance that I need.

"Oo. Sa mukha kong 'to, magsisinungaling ako, Lai?"

"Sa mukha mong 'yan, paniguradong marami kang naging baby at babe."

"Ouch, hindi ako nakaiwas sa baril," aniya kaya kumunot ang noo ko. So, totoo? "Dati pa 'yun. Sa isa kong account. Puro friend request lang tapus usap. Mga 'good morning, babe' o baby 'tas 'musta ang araw mo?' at 'kumain ka na?'" pagpapaliwanag niya pang ikinataas ng kilay ko. So, sanay na siya sa ganito?

"Sanay na sanay, huh? Okay! Panliligaw rejected!" ani ko.

Ngumuso siya at tinignan ako ng masama. Yumuko siya sa lamesa at halatang nagmumukmok dahil sa sinabi ko. Marunong pala siyang magtampo at magmukmok?

"Dati na nga 'yun! Pumayag na si tito ligawan kita tapus ngayon, hindi na ako pinayagan ng nililigawan ko. Wala na. I'm sad. Everyday, every night."

Natawa ako sa sinabi niya. Everyday, every night? Talaga lang ha?

"Joke lang!" sabi ko.

"Hindi. Nagtatampo na ako. Suyuin mo ako!"

Nakanguso pa rin siya nang iangat niya ang ulo niya para tumingin ng masama sa akin. Parang bata siyang inagawan ng lollipop! Mukhang tanga!

"Baby ka pa nga. Tigilan mo ko!"

"Baby mo naman ako, 'di ba?" Nag-puppy eyes pa siya.

"Ano ka? Bata? Hoy, ilang taon ka na nga ulit?! 14 ka na, sira!" ani ko.

"Seven lang po ako."

"Baliw!"

Nag-asaran pa kami nang nag-asaran na para bang walang nangyaring interview kanina tungkol sa ligawan. Napag-usapan rin namin ni Jason na huwag munang ipaalam sa iba na liligawan niya ako at ganun rin ang sinabi ko sa mga kagrupo namin. We're going to stay lowkey. Kung malalaman nila, malalaman naman nila.

Ayoko lang na i-broadcast agad na manliligaw ko na siya dahil alam kong gagawing isyu sa school namin ang pagiging manliligaw niya at pagpapaligaw ko. I'm not going to answer him yet until we proven ourselves worth the wait.

The recognition for the honors came and the program went on smoothly. I danced doxology with Ashton as one of the starters for the program. Then, they proceed with the program until we dance.

Pumila na kami at nag-check pa kami kung sino ang kulang sa pila namin. Hindi ko nakita si Jason sa pila namin at kumunot ang noo ko dahil doon. Nasaan na ang lalaking 'yun?

Kinalabit ko si Ashton sa likod ni Rain. "Hoy, sis, nasaan si Jason?" tanong ko at napatingin siya sa likod niya.

"Hindi ko alam, sis."

"Malapit na mag-turn natin. Hanapin niyo!"

"Wala sa paligid," ani ni Sheedise na kakarating lang ulit.

"Here's Grade 8 students for a performance! Let's clap our hands together for our bunso's!"

Narinig namin ang mga palakpakan sa gilid namin habang nagsisimula nang mag-init ang ulo ko. Nasaan na ba si Jason?

Pumunta kaming harapan at pumosisyon. Hinantay naming dumating si Jason habang hindi pa naman nagsisimula ang tugtog dahil hindi raw marinig ang music sa speaker.

"Sorry for the delay. Technical problems lang po."

When they fixed the music, Ash returned to his position, and my eyes kept wandering. Nasaan na ba kasi si Jason? Saan ba siya pumunta at hindi naman nag-chat sa akin?

The music started and we dance what we practiced. Malapit na ang part nina Sheedise kung saan kasama rin si Jason kaya umikot na naman ang paningin ko sa paligid. I just saw his mother sitting at the back and watching us dance. Nasaan ba ang mokong na 'yun?

Last na step na ang ginawa namin at makikipagpalit na kami ng posisyon kina Rain nang bumukas ang pintuan sa gilid. Niluwa 'nun si Jason. He's sweating when he made it into position. Nagtama ang mga paningin namin at umirap ako para umiwas ng tingin. Nakakainis siya. Late siya kaya naiinis ako. I can still feel his stare before the music for their dance plays.

He stood up and dance. His footwork's good. He dances well. Dancer rin naman ako pero hindi kasing galing niya. Hindi na ako magtatakang maraming nagkakagusto sa kanya. I can see some students taking pictures of him and some are whispering. Napairap na naman ako. 

Ang dami ko namang kaagaw sa kanya.

When they finished their dance, we immediately join them to do our outro. Muntik pa akong mabunggo ni Jason dahil sa paglakad ko paharap. We finished our performance with my clock hand and them resembling the timelapse of movements. We bowed after our performance and went back to our respective places.

Nakita ko ang pagtingin sa akin ni Dylan. Parang walang gana ang mga mata niya nang balingin ko siya sa gawi niya. He's like a zombie. Hindi siya ngumingiti ni isa. Anong nangyari sa kanya? Anong nangyari sa kanila? 

I am not bothering them now. It's up to Lourine to finish the plan if she will. Mas focus na ako sa sarili ko para makalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko.

"Thank you, Grade 8, for your wonderful performance. Halatang pinaghandaan niyo ang sayaw!" bati ni Ma'am Angela bilang MC. "And now, for our next performance...Ang pinaka-'bunso' ng High School Department...Grade 7!"

The program ended with bliss and anger. Anger dahil galit ako kay Jason. Late kasi ang tinamanang. Bumalik kami ng HS Building pagkatapus ng program dahil kukunin pa namin ang mga natirang gamit sa locker namin. Pumasok ako ng silid namin at pumuntang locker. Kinuha ko doon ang mga libro, essentials at folders. Pumasok rin si Rain doon para samahan lang ako. Lilipat na kasi siyang Nueva Ecija next school year kaya sinusulit niya ng kasama niya kami. Uuwi na ang mommy nila at siya na ang magbabantay sa kanila kaya malalayo siya sa amin. Si daddy na lang niya ang magtatrabaho para sa kanila.

"Nag-away ba kayo ni Jason?" tanong niya. "Bakit 'di kayo nagpapansinan? Dylan Era na naman ba this?"

Nilingon ko siya habang nag-aayus ng mga laman ng folders at sinamaan siya ng tingin. "Hindi pero naiinis ako sa kanya," sagot ko. Iniangat ko ang test papers at inipon ang magkakaparehas doon para naman madali ko na lang mahahanap 'yun kapag kailangan ng teachers. Hahanapin ko rin pala ang pinapapasa ni Ma'am Liza sa akin. "Late na naman kasi kanina," dagdag ko pa.

"Oh, nakaabot naman ah?"

"Nakakainis pa rin. Muntik pang hindi umabot."

"At least umabot siya, Laine," aniya pang kinukumbinsi akong kumalma pero wala talaga siyang magagawa kapag mainit ang ulo ko. "Gusto mo bang tawagin ko siya para mag-usap kayo? Nandiyan lang naman sa may upuan sa tapat ng room ng Grade 9," dagdag pa niya.

"Hayaan mo na. Baka naglalaro," ani ko at pinunasan ang pawis ko. Gagi, ang bigat pala ng folders. Paano ko kaya nakayanang buhatin 'yun pababa sa locker? Baka dahil sa galit siguro.

Umalis si Rain at sumilip sa pintuan sa harapan ng silid. Hindi ko narinig ang sinabi niya habang nakasilip 'dun pero alam kong tinawag niya si Jason dahil naramdaman ko na ang kaba ko. Anong sasabihin ko sa kanya? Hindi pa naman ako marunong na kumontrol ng emosyon ko kapag kausap ko na ang kinaiinisan ko.

"Yes? Anong nangyari kay Lai?" tanong ni Jason kay Rain.

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Galit ako pero kinakabahan pa rin ako at parang hinugot ng boses niya ang paghinga ko. I can hear him breathing from my postion. He looks like he run from the bench to this room even though it's not that far away.

"Naiinis sayo, sis. Late ka raw kanina," pagpapaliwanag naman ni Rain kaya napairap ako. Bakit niya sinabi? Hindi ko na nga pinapansin kanina.

"Pwedeng labas ka muna, Rain? Kausapin ko lang siya." He's still out of breath.

Narinig ko ang pagsarado ng pintuan at pag-lock 'nun kaya lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi 'yun tumitigil habang lalong namumuo ang galit ko sa ulo at pakiramdam ko ay lumulutang na ang isipan ko. 

Hinatak ko papalapit sa akin ang upuan na nasa likod ko at umupo doon. Pinag-krus ko ang mga binti at braso ko para maiwasan ang kabang nararamdaman ko. Wala pa naman siyang ginagawa pero kinakabahan na ako. Ang lakas ng presensya niya. Hindi ko siya matignan. Tangina, ako ang galit at hindi naman ako ang late kaya bakit ako ang kinakabahan sa kanya? 'Di ba dapat siya ang dapat na naiilang sa amin?

"Laing."

"Hindi ako pagkain."

"I know."

"So, bakit ka late?" 

Nakatingin ako sa dingding sa gilid ko habang sinasabi sa kanya 'yun. I can see him in my peripheral vision. Gulat ang mga mata niya ng tanungin ko 'yun. I can tell that he's guilty.

"May emergency lang po na nangyari kanina. May dinala po ako sa clinic. May muntik nang mahimatay na crim student sa hallway ng Acad 1 Building--"

"Saan 'yun?" I cut him off. I looked at him with furious eyes and he kept himself composed.

"'Yung ano?"

"Acad 1 Building."

"SHS Building, love."

Tumibok ang puso ko sa itinawag niya sa akin. Love... 

Gago.

"Ah, sige." At umiwas ulit ng tingin.

"Kaya po tumakbo na po ako nung malapit na ang oras ng sayaw. Sorry, love."

Hindi pa rin ako umimik. It was a moment of silence and it ended when I felt arms around my neck. I can feel his breath above my ear. Parang naparalisa ako bigla sa ginawa niya. I never thought he would hug me. Si Harold pa ang huling gumawa sa akin 'nun at dare lang 'yun. But this one's not a dare. It's the type of comfort I wanted. 

"J-Jason..."

Naiilang na ako dahil ngayon ko lang naranasan 'to at sa unang beses pa ng hindi namin pagkakasundo. Bwiset na late 'yan pero thank you ha? Nayakap ako. Joke.

"I'm sorry, mahal ko..." 

He tightened his hug. Humawak ako sa braso niya at hinigpitan ang hawak doon. Nanginginig pa ako dahil hindi ako nasanay na ganito ang trato sa akin. They gave me bare minimums but not this one. Not the treatment that I wanted to feel.

"Apology accepted." Dahil sa ginawa niya, madali ko siyang napatawad. Tangina, kailan pa ako naging marupok? "Alam mong ayokong nale-late sa mga sayaw ang grupo ko, Jal. Alam mo 'yun kaya ako nagagalit," ani ko.

"Sorry. It was an emergency. Mas lalo kang magagalit kapag nalaman mong hindi ko tinulungan ang crim student dahil babae rin."

"So, kamusta si ate?" tanong ko. 

Hinimas niya muna ang balikat ko gamit ang hinlalaki niya bago bumitaw sa yakap at kumuha ng isang upuan sa tapat niya. Pumunta siya sa harapan ko at hinatak 'yun papalapit sa akin.

"She's fine, Lai." Ngumuso ako dahil sa tawag niya. Mas gusto ko 'yung tawag niya sa akin kanina. "Why are you pouting?" tanong niya. Lalo akong ngumuso nang hindi niya maisip kung bakit kao gumaganun.

"What's our problem, love?"

Umawang ang labi ko nang tanungin niya ako. Nang mahimasmasan ako, napalunok ako at tinitigan siya. Tama ba ang narinig ko?

"Paulit nga!" bulalas ko at umupo ng diretso. 

Paniguradong nakangiti na ako dahil tumawa siya sa reaksyon ko. Ang sarap kasi sa pandinig ang tawag niya sa akin. Except for Harold's endearment, 'Yadi', his endearments leave a big impact to me. It has a different effect on me. Para akong ibang tao at parang napaka-importante ko sa kanya. In love na ba ako?

"What's our problem, love?" Hinawakan niya ang baba ko at itinaas 'yun upang tumingala sa kanya ang mga mata ko. I smiled again. Nakakainis siya. Nakakagigil. Paano niya ba napapakilig ang isang Ellaine Yezdaeca? Hindi naman ako madaling mapakilig.

"Putek!" Iwinasiwas ko ang kamay ko para matanggal ang kamay niyang nakahawak sa baba ko. "Lord, nasa Wattpad na po ba ako? Bakit ganito 'tong nasa harapan ko? Matangkad, gwapo, caring." Sinasabi ko 'yun habang nagbibilang. "Lord, sa future biyayaan niyo na lang sila ng malaking bahay at kotse, ayus na 'yun! Joke!"

I looked at him and I expect that he was going to be disappointed in himself but he was smiling. Pagtataka ang naramdaman ko. Wala akong nakitang bahid ng lungkot sa mga mata niya. He licked his lips before standing up. Sinundan ko lang siya ng tingin. 

"Are we okay now, Lai?"

Shit, English.

"Englishero," pang-aasar ko.

"Fiction men addict," pang-aasar niya pabalik.

"Hey!" Hahampasin ko sana siya sa braso pero naisangga niya pa ang balikat niya doon. 

"Mapanakit na Lai," aniya at ngumuso ako. "We will make your prayer true, Lai. I will."

Natulala na naman ako sa sinabi niya. Lord, Grade 8 pa lang ako. Ang aga naman po ng planning na 'to! Pero salamat po at si Jason ang napunta sa akin. Ginugulat niya ako sa mga sinasabi niya. He's really planning with me, huh? That's good. Mas nakikita ko tuloy na kasama ko siya sa future ko. 

Ngayon ako nalinawan kung sino ang pipiliin ko sa kanilang dalawa ni Harold. It was not a competition and Harold was out of the choices but he insisted, that's why he's still courting me. Hindi ako nagreklamo dahil ayokong makapanakit ng tao.

"Tulala ka na naman, babae." 

Pinitik niya ang noo ko at napapikit ako nang maramdaman ko ang hapdi ng pagpiltik niya. Tangina! Matapus niya akong pakiligin, aasariin niya naman ako! Wala talaga siyang pinagbago!

"Deponggol 'yan! Jusmeyo, Jal! Masakit ang pitik mo!" ani kong nakatakip pa rin sa noo ko.

"Bakit ba lagi ka kasing natutulala sa akin?" tanong niya at tumawa. 

He placed the chair downward above the table before he proceeded to my things. Hindi ko pa pala tapus ligpitin 'yun.

"Huy! Ako na diyan!" ani ko at tumayo. Sumabit ang paa ko sa binti ko at muntik pa akong matumba nang masalo niya ako. Tumibok ng mabilis ang puso ko nang magtama ang mga paningin namin. Halos tatlong segundo rin ang tinagal 'nun bago niya ako hinatak pataas at inalalayan.

"Did you hurt yourself, Lai?" tanong niya. Naging englishero na naman siya.

"Oo," sagot ko. 

Hindi ako tumingin sa kanya at itinapat ang kamay ko sa dibdib ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa nangyari. Huminto kasi ang tibok ng puso ko ng pabagsak na ako. Handa na sana ako saluhin ang sarili ko pero nagulat akong sinalo niya ako. Masyado niya naman akong sinasanay na laging nandiyan siya para saakin.

"Buti naman." Then, he proceeded to finish packing up my things before carrying them. Wala siyang binigay sa akin ni isa. 

"Salamat." Nakakahiyang siya pa ang nagligpit at nag-ayus ng gamit ko.

"Tinangahan mo ang pagtayo kaya magpapakaalipin muna ako dito," aniya.

Ngumuso ako sa sinabi niya. Kasalanan ko talagang muntik pa akong matumba kung hindi niya ako nasalo, huh? Tinaasan ko siya ng kilay sa sinabi niya at humalukipkip.

"Excuse me, Mr. Dela Rosa, hindi ko sinabing ayusin mo ang gamit ko. Kusa mong ginawa 'yan!" pagtataray ko.

Tinawanan niya lang ako at naglakad papunta sa likod ko. Kinuha niya ang upuang inupuan ko kanina nang isang kamayan lang at ipinatong niya ng pabaligtad ang upuan sa bakanteng lamesa.

"Lai, inaasar lang kita. Willing akong magpakaalipin sa paghihintay sayo kaysa hindi kita itrato ng tama," aniya at napatayo na naman ako ng diretso dahil sa sinabi niya. Kinikilig na naman ako.

Lumabas kami ng silid habang dala-dala niya ang mga gamit ko. Napalingon naman ako sa bench malapit sa Grade 9 room. Nandoon si Sheedise kasama ang isang Grade 7 at tatlong Grade 9 na lalaki. Napalingon siya sa amin at kumaway habang nakangisi na nagpapawala sa mga mata niya. Singkit kasi siya.

"Hoy, carrier! Duty ka ngayon?" Tumawa siya. "Kaya pala, nag-AFK kanina para asikasuhin ang prinsesa niya oh! Whoo! Sana langis!" sigaw niya sa hallway.

"Hoy, Lavin, ganyan ka na sa amin? Hindi mo na kami love?" tanong ng isang Grade 9 na lalaki doon.

"Pre, ihahatid ko lang si Ellaine! Huwag kang magmukmok na parang wala kang jowa!" sigaw ni Jason sa lalaki.

"Gago! Pakyu!" At tinakpan ni Jason ang mga mata ko. Alam ko namang pinakitaan siya ng middle finger ng mga 'yun. Hindi niya naman kailangang takpan ang mga mata ko.

"Hoy, huwag kang mangganyan!" sigaw niya habang tinatakpan pa rin ang mga mata ko.

"Aba'y parang hindi ka gumaganun ah! Good boy ka ngayon?"

"Good boy kay Lai, kaya huwag kang ganyan, pre. Hindi lang tayo-tayo dito. Katabi ko si Lai!"

Tumibok ang puso ko ng sabihin niya 'yun. So, alam niyang ayoko sa pagmumura at sa mga 'fuck you'-han? Dahil lang naman kay Dylan ang imaheng 'yun. Gusto ko lang mag-fit sa standards niya pero wala rin. Sablay lang rin ang sakripisyo ko.

"Nako, si Lavin talaga! Ganyan ba talaga kapag in love?!" sigaw pa ng isang lalaki. Hindi ko alam ang mga pangalan nila.

"Subukan mo munang mag-jowa, Kelly!" sigaw ni Jason.

Tinanggal niya ang kamay niya sa mga mata ko at hinatak ako papalayo. Mabilis lang kaming maglakad at hindi naman ako madadapa dahil doon.

"Pasensya ka na, Lai. Mga gago 'yung mga 'yun," aniya at napangiti ako. 

"Ayus lang. Sanay na ako sa kanila sa hallway."

"Ayaw mo ng ganun, Lai. Dapat umayus sila," sabi pa niya.

"Pinakita ko lang na ganun ako pero marami na rin akong alam sa mura na 'yan."

"Dahil sa standards ba 'yan ni Dylan?" He laughed.

"Pa'no mo nalaman?"

"Madali namang hulaan. Ganun kasi ang type niya pero 'yung tipo niya, wala naman kay Lourine. Nagmumura ang babaeng 'yun. Malutong pa sa malutong kaya ang swerte niya sana sayo kaso hindi ka inalagaan," aniya at dinala ako sa isang bench sa labas.

Kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa at may tinawagan.

"Tita, nasa labas po kami ni Ellaine. Opo. Nasaan po ba si Ellenie? Huwag niyo na pong papuntahin sa room at nakuha ko na rin po mga natirang gamit nila. Opo, sige po. Hintayin na lang po namin kayo dito."

Nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. Itinabi niya ang cellphone niya sa bulsa at nagpunas ng pawis niya sa noo. Si mommy ba ang kausap niya kanina lang? May number siya ni mommy?

"Meron kang number ni mommy?" tanong ko.

"Ha? Ah, oo. Binigay sa akin kanina. Kung may gala o sundo, sa kanila na lang ako magpapaalam pero parang hindi ka pa papayagan. Baka mga two years after ko pa magamit ang mga paalam na naka-ready sa utak ko. 'Yung kay tito, sa susunod ko na hihingin number niya."

Gagi. Lalo ko siyang nagugustuhan. It's been weeks and he's still doing the same things. At sana hanggang sa maging kami ay ganito pa rin siya. I have a trauma at sana iwasan niya ang mga 'yun.

"The freak..." Napanganga na lang talaga ako sa sinabi niya.

"Shocked ka talaga?" tanong niya bago tumawa. "Hindi ba ginawa ni Dylan 'to o ni Harold?" tanong niya pa at umiling ako. Wala naman talaga silang ginawang ganito. 

"Ano ba 'yan?" 

Hinawi niya ang buhok niya at nagkagat labi. Halatang naiinis siya sa pag-iling ko pero 'yun ang totoo. Kaya nga ako nagugulat dahil siya pa lang ang unang naglakas-loob na hingin ang numero ng mga magulang ko para ipagpaalam ako sa susunod kung kailangan kong umalis kasama niya.

God, you gave me Jason for a reason, didn't you? My heart's happy and at rest. I am treated well now.

"Sinong hinihintay niyo, paps?"

Napalingon ako sa harapan ko at nakita si Dylan na kinakausap si Jason. Nagtama ang mga paningin namin pero saglit lang 'yun dahil binawi niya agad ang tingin niya at tumingin ulit kay Jason.

"Si Elle at mommy ni Lai. Ikaw? Sino hinihintay mo?"

"Kukunin 'yung graduation picture ni ate. Meron raw," sagot ni Dylan. 

Dumaan na naman ang paningin niya sa akin pagkatapus niyang sagutin ang tanong ni Jason at napatingin naman ako kay Jason. Nakatingin rin siya sa akin. I started fidgeting my fingers. The tension's rising. Yumuko ako nang maramdamang nakatingin pa rin sa akin ang dalawang nasa harapan ko.

"Nililigawan mo na?" tanong ni Dylan at nagtaka ako. Bakit niya tinatanong?

"Oo," sagot ni Jason.

"Congrats," bati ni Dylan at itinaas ko ang ulo ko para tignan siya. Nakatingin siya ng diretso sa akin at kaunting nakangiti. I was stunned to speak. Did he just smile at me for the first time? Like...giving me a genuine one? Not a fake? Not the teasing one? Totoo ba 'to?

"Salamat," sagot ko at tinanguan siya. 

Tinanguan niya ako at muling ibinalik kay Jason ang paningin niya pero nakatingin pa rin si Jason sa akin. 

"Are you comfortable, Lai?" tanong niya habang nasa harapan niya pa rin si Dylan.

"Ayus lang ako." Kahit hindi.

"Dylan, usap tayo doon." 

Tinuro niya ang gilid ng building namin. Medyo malayo 'yun sa kung saan ako nakaupo pero buti na lang ay napansin niyang hindi ako komportable. Kung hindi, sasama ang loob kong wala siyang napansin kahit kaunting awkwardness sa pagitan namin ni Dylan.

"Lai..." 

Natigil ang pag-iisip ko nang tawagin niya ako.

"Yes? Bakit?" 

"Usap lang kami ni Dylan," paalam niya.

"Okay! Sige, sige."

He looked at me while his brows are furrowed. Nilapitan niya ako at medyo ibinaba ang ulo upang tumapat sa mukha ko. He's tall that's why he needs to adjust. Buti na lang, hindi siya mareklamo sa paga-adjust sa akin.

"Alam kong hindi ka komportableng nasa paligid mo si Dylan," bulong niya.

"Thank you, Jal."

"No worries. Ilalayo ko sayo ang mga taong hindi ka komportable. Kahit kaibigan ko pa, Lai," bulong niya bago tumayo ng diretso. I can feel Dylan's look at us but I don't care. I am treated well. 

Umalis sila at naiwan akong mag-isa. Hindi ko naririnig ang pinag-uusapan nila pero nagtataka ako sa tuwing mapapalingon silang dalawa sa gawi ko. Are they talking about me?

Para malibang ko ang sarili ko sa paghihintay, kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at in-open ang Wattpad doon. Nagsulat na naman ako at nang maboryo ako ay nagbasa naman ako. Ilang minuto rin akong nagbasa nang may kumalabit sa akin. Alam kong si Elle 'yun kaya 'di ko na pinansin.

"Detective File pa more," aniya.

"Shh, masosolve na nila ang kaso. Huwag kang maingay!" sabi ko.

"Anong pinag-uusapan ng ex mo at ng current mo?" tanong niya at tinuro sina Jason sa malayo.

"Malay ko. Tanungin mo."

"Hoy, anong pinag-uusapan niyo?!" sigaw niya at napahampas ako sa mukha ko. Nagtanong nga ang gaga.

"Si Lai ba anong ginagawa?!" sigaw pabalik ni Jason. "Ayus lang siya?!"

"Buhay pa naman! May utak pa!" sigaw pabalik ni Elle.

Napahampas na naman ako sa noo ko. This won't get much worst. Umiling na lang ako at bumalik sa pagbabasa.

"Sige, 'tol, ingat."

Bumalik na si Jason at tumabi sa akin. Kinuha niya ang cellphone ko mula sa kamay ko at inilipat sa laro ang nasa screen ng cellphone. Naglaro siya doon ng Find The Difference. Nakatunganga lang ako sa kanya. Wala siyang sinabi ni isa pagkatapus ng usapan nila ni Dylan.

"Anong pinag-usapan niyo?" tanong ko, unconsciously.

"Ikaw."

Bakit ako?

Tumibok ang puso ko nang pagkabilis-bilis at alam kong kinakabahan ako sa kung ano man ang naging usapan nila.

"Ako?" I asked just to make sure.

"Oo. Kinakamusta ka niya."

"Hindi ka galit na nangangamusta siya?"

"Hindi. Kung gusto ka niya, gustuhin ka niya pero alam kong hindi mo na babalikan ang lalaking 'yun."

Natulos na lang ako sa kinauupuan ko at tumitig sa kanya. He's something different. Hindi siya ang seloso type na boy na kahit kaibigan niya ang exMU ko ay ayus lang siya. He's casual with Dylan. Paano niya nagagawa 'yun?

"Inasar niya rin ako kasi raw Katoliko ka 'tas tama raw siyang bagay tayo. Pero..." Isinandal niya ang noo niya sa balikat ko. I became a statue all of the sudden. "Alam kong nagseselos siya ng malala ngayon kasi nililigawan na kita," pagpapaliwanag niya.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Wala na akong magagawa kung nagseselos pa rin si Dylan. He's the one who left, not me. Kung gusto niya pa ako, bakit si Lourine ang pinili niya? Nanggagago lang?

"Dedma na lang 'yang ligaw na 'yan. Ikaw naman ang gusto ko," sabi ko.

Iniangat niya ang ulo niya at tumingin sa akin. Doon ko lang napagtanto ang sinabi ko. Shit! Napaamin ako ng wala sa oras. Huminga ako ng malalim at inilabas 'yun.

Nakita ko si Jason na nakatingin lang sa akin. Nakauwang ang bibig niya sa gulat siguro sa sinabi ko.

Shit talaga. Wala pa naman akong balak umamin pero dahil nagawa ko na, itutuloy ko na lang.

"Hala siya! Bibig mo, Ella!" bulyaw ni Elle sa isang gilid at sinamaan ko siya ng tingin. "Resigning single ka na ba? Resigning flagpole ba?" tanong pa ng buang kong kapatid.

"Pakiulit nga, Lai," He requested, ignoring my sister.

"Jal..." I called.

I pat his head and held his chin to look at me. He's eyes were wandering why am I so gentle with him. Hindi naman ako ganito makipag-usap sa kanya. Halos mag-bardagulan na nga kami lagi sa pakikipag-usap ko kay Jason palagi.

"Ikaw ang gusto ko."