webnovel

The Chances That We've Missed

Alexandra Raye Villareal is a well known brat in one of the privillage schools sa ibang bansa was forcefully sent to a public school in her mothers hometown.as punnishment ng muntik na niyang mapatay sa pambubully niya ang isa sa mga school mate niya. She's even named the demon. But is she really the demon?She is the hidden child from a clan of politicians her idedintity is always been a mystery to everyone for she is what they call the Bastard. Vanessa Areglado,Isang high school student na pinakatatakutang studyante sa lahat ng school sa lungsod nila. Hamilaw kung tawagin siya sa pagiging magaling nito sa pakikipag-away wala itong inuurungan. Pero sa likod nito ang mapait na katotohanang pilit niyang tinatakpan na tapang na pinapakita niya sa lahat. Two misjudged Girls trapped in each misserable word. Managed to find comfort in each other company. . Two strangers who build their own santuary far from the reality that they are trying to hide and resist. Missed their chances to express of what supposed to be divine. Because faith is sometimes a really bad joker.

Maryflor · LGBT+
Not enough ratings
21 Chs

Missing You

Alex's PoV

Ilang linggo na rin ang nagdaan pero hindi parin kami masyado nagpapasinan ni Vanessa.

Nahihiya pa kasi ako sa nangyari ewan ko ba..parang biglang naging akward kami sa isa't isa.

Gusto ko lumapit sa kanya pero lage naman nakabuntot si Almira sa kanya.

At ayoko rin na isipin niya na sumusingit ako sa relasyon nila.

Ito namang si Princess pinagtatawanan ako ng hindi ko malamang dahilan.

May sasabihin daw siya sakin ng tumawag siya pero hindi ko na pinansin kasi dumating si Althea ang kababata ko dito sa bayan namin.

haist ! kakainis!

Hindi naman ako makatulog lage sa gabi dahil naiisip ko siya.Nasanay din kasi ako na katabi siya pagtulog.😔

Nasanay na din akong gigising ako katabi siya tapos magluluto ako ng breakfast namin.

Tapos sabay kami papasok sa school.Ang simple ng buhay namin sa lumang bahay pero ang saya namin.

haizt,.wala din araw na hindi ko siya iniisip.Ang mga mata niya na para kang malulonod sa lalim.

At siya lang din ang taong kumakain ng luto ko.

Siya lang din naman pinagluluto mo.🙄

Haist..ano gagawin ko inner self?

"Sorry gising kana pala.."Ang bruha nandito na naman.

Mula ng dito ako nagstay kasi hindi na ako umuuwi sa lumang bahay ay araw-araw niya akong dinadalhan ng pagkain tuwing umaga.Pero hindi ko siya gustong makita kaya nagkukunwari ako na hindi pa ako gising.

Minsan nung masama gising ko ay binulyawan ko siya.

Nakakainis laging nakangiti ayaw kong nakikita siya na ngumingiti.

Di ko maiwasan mainis kasi nakikita ko ang sarili ko sa kanya.Hindi ko kayang isipin na siya talaga ang nanay ko dahil sa mukha namin na parang binayak na buko.

Haizt.😔

Nakita ko na naman siyang ngumiti sa akin.Hindi ko alam ano tinitira nito ba't lage siyang nakangiti? Tapos ang tiyaga niya kasi mag-iisang buwan na pero ni minsan hindi ko nakita na nainis siya sakin.

Tapos,hindi siya pumapalya sa pagaaruga sa kin sa araw-araw na nandito ako .Nakikita ko na siya talaga ang nagluluto at naghahanda ng pangangailangan ko.

Pinagmamasdan ko lang siya habang nagaayos ng kuwarto ko.

At tiningnan niya ang mga paintings ko.

"Ang ganda."Sabi niya ng makita niya ang painting ko kagabi na isang babaeng nalulunod sa tubig.

Mahal ko ang pagpipinta dito kasi nawawala ako sa tunay na mundo at naglalakbay ako sa mundo ng aking imahinasyon.

At dito ko rin naiexpress ang tunay kong damdamin.

"Alam mo anak,.no matter what it is kaya mo yan."Sabi niya ng nakangiti at para bang nakikita niya ang loob ko.

Nakakainis nagpipinta din pala ito sabi nila.

"Hindi mo ako anak at wala akong probelma..and its none of your business."Bulyaw ko sa kanya.

"O-okay."Sabi niya.Nakita ko ulit ang sakit sa mata niya pero hindi ko ito pinansin.

Ayaw ko ng tinatawag niya akong anak si nanay lang ang may karapatang tawagin akong anak.

Kainis,kala mo naman kung sinong may alam sa buhay ko.

Diko kailangan ng concern niya.

Aalis na sana siya ng tinapon ko ang pagkain na dinala niya.

Naiinis ako..hindi ko alam kung bakit ?basta naiinis ako sa kanya!!

Nagulat ako ng bumalik siya at pinulot ang nagkalat na bubog at natapon na pagkain.

"What are you doing?"Inis na tanong ko sa kanya.

Nakakainis ba't sobrang nakakainis siya.

"Huwag ka magsayang ng pagkain maraming nagugutom.Sandali lang ito baka masugatan ka sa mga bubog na nagkalat."Iniinis ba ako ng babaeng ito?

Nakakainis ba't siya ganyan?hindi ako madadala sa bait-baitan niya.

Kainis.

"Aray."Daing niya at ng lumingon ako nakita kong dumugo ang daliri niya.

Lumapit ako sa kanya kinuha ang kamay niya nakita ko na medyo malalim ang sugat kukuha sana ako ng band aid ng ikinuha niya ulit sakin ang kamay niya.

"Ano ba kasi problema mo ha?bakit mo ginagawa to?"Sigaw ko sa kanya.

"Wala 'to malayo sa bituka."Sagot niya lang sabay subo ng daliri niya at parang sinisip ito.

Naiinis talaga ako sa kanya ba't ganyan siya lage siyang nakangiti.😤

Tumayo nalang ako upang lumayo sa kanya naiinis ako.

Haizt, kailan ba kasi uuwi si Mamita mula Maynila gusto ko nang umalis dito.

Dumaretso ako sa banyo upang maligo para mabawasan ang inis ko.

Pagkapasok ko sa banyo ay idinikit ko ang noo ko sa dingding at ipinikit ko ang aking mga mata.

"Nay"Sambit ko at tuluyan ng tumulo ang luha ko.

Namimiss ko na si nanay.Bakit ba kasi gingawa nang babaeng iyon ang mga ginagawang pag-aalaga ni nanay sa'kin?

Pinahid ko ng daliri ko ang mga luha ko at nagpunta sa sink at naghilamos.

Tiningnan ko ang sarili sa salamin at kinumbinsi ang sariling hindi ako padadala sa bait-baitan ng bruhang iyon.

Van's PoV

"Ang ganda dito Vans ! Bakit di mo sinabing sa gilid ka ng dagat nakatira?"Si Almira.

Sumama kasi sila ni Princess dito sa lumang bahay.Wala daw silang gagawin ngayon at maliligo sila ng dagat.

"Sabi ko na sa'yo maganda dito , tahimik pa."Si Princess siya ang nagyaya dito kay Almira.

Aizt,buti na rin iyon kaysa naman magisa ako dito wala akong kasama.

Hindi na kasi nagpupunta dito si Alex.

Haizt,namimiss ko na siya.

"Oh,tahimik ka diyan? Huwag kang mag-alala kay Alex.Ako bahala sa kanya."Confident na pagkombinse niya sakin.

Hangga't maari kasi ayoko magdala ng mga tao dito kasi baka isipin ni Alex binabastos ko ang bahay nila.Pakiramdam ko kasi importante sa kanya ang bahay na ito.

At importante na din sakin ito ngayon.Ito kasi ang nagsisilbing tahanan namin.

"Ayoko lang isipan niya na hindi ko nirerespeto ang lugar na'to."Sagot ko.

"Ayaw kong samantalahin ang kabaitan niya."Dugtong ko pa.

"Hmmm..Ngayon lang namin eh,.pagbigyan mo na kami."Pagpipilit ni Princess.

Habang si Almira naman ay nagpapout na nagpapaawa at pinagdikit ang mga palad na parang nagdadasal.

"Haizt,kaya nga nandito na kayo di ba?"Sabi ko.

"Thank you!"Si Almira at yumakap sakin at nagtatalon.

Clingy talaga itong si Almira kaya napagkakamalan tuloy kami na may relasyon.😔

"Ahm,puide ba ako sumali sa inyo?"Nagulat ako sa boses na sumingit sa usapan.

"Kuya?Ano'ng ginagawa mo dito?"Takang tanong ko at tiningnan si Almira na may pagbabanta.

"Sorry,Ininvite ko na kuya mo kung okay lang hehe.?"Guilty na sabi niya na may alanganing ngiti.

"Haizt."Nakababa ang balikat na sagot ko nalang.

Sana lang hindi umuwi ngayon si Alex.😬

Alex's PoV

"Hey,Alex..i've been talking since..like forever?And yet your not paying attention?!"Inis na sambit ni Althea.

Hindi kasi ako nakikinig sa mga issue niya sa buhay.

Masyado maarte kasi itong si Althea spoild brat kasi.

Kaya ganyan maraming reklamo sa buhay.Sa states na kasi ito tumera mula ng nagkaisip kami pero siyempre pilipino parin kaya umuwi parin sila dito sa tuwing summer doon at walang klase upang magbakasyon. Ako naman heto nakasalumbaba at pinagmamasdan lang siya habang nagsasalita.

"You wanna go somewhere?"Biglang tanong ko sa kanya.

kumunot ang noo niya sa tanong ko.

"What ?Where are you taking me?!"Sigaw niya ng hilahin ko siya palabas ng Bo's Coffee.

Para kasing gusto kong magpunta ngayon sa lumang bahay.

Bahala na gusto ko siyang makita.