webnovel

The CEO and the FUCK BUDDY

Dyanne Santiago is the youngest CEO in the country. Falling in love with a wrong man made Dyanne change the way how she look about love. He was her first love yet he's the first man to broke her heart into pieces. She became depressed because of what happened. For Dyanne, the only way to make revenge is to make every man she's meeting with, fall for her. Play with their hearts and leave them. Until she met Roah Montes. The bartender/guess buddy who fell in love with Dyanne and made a promise that he will make the woman who makes his heart beat fast, fall for him. But Dyanne never wants to enter in a serious relationship. All she wants is to play with love and make every man feel the pain she had felt. Will Roah accept that she only wants him to be her FUCK BUDDY? What will happen if FATE play with them?

CarpeDiem2019 · General
Not enough ratings
33 Chs

Chapter 25

Kinabukasan pagkagising ko...

"Breakfast in bed baby!" ang sarap ng kanyang mga ngiti na pambungad niya sa akin.

Napakaaliwalas ng kanyang mukha at napakagwapo niya talaga.

Hindi ko aakalain na sa bandang huli mai-inlove ako ng ganito sa kanya.

"Hindi kaya ako malusaw sa mga titig mo baby?" tanong ni Roah sa akin habang tini-trace ng kanyang daliri ang aking mukha.

"Bakit may ganoon ba akong epekto saiyo?" sabay huli ng kanyang daliri at kinagat ito ng magaan.

"Ouch baby, it hurts!" sabay hawak niya sa daliring kinagat ko.

Natatawa akong pinagmamasdan siya habang nagda-drama na kunwari masakit.

Kaya sinakyan ko naman ang acting nito.

"Oh really baby? It really hurts?" sabay kuha ng kanyang daliri at isinubo ko ito at sinipsip.

"Yuck baby bakit mo sinubo, hindi ka pa nakakapag-toothbrush!" sabay ngiwi niya na siya ko namang ikinapikon.

"Ah ganoon so nandidiri ka? Okay aalis na lang ako!" sabay tayo at nagmamadaling makapasok sa banyo para makapaligo.

Hindi pa man ako nakakababa ng tuluyan bigla akong hinuli ni Roah at tawang-tawa na hinila ang aking katawan para bumagsak sa ibabaw niya.

"And where do you think you're going huh?!" tawang-tawa na tanong niya sa akin habang yakap niya ang aking katawan.

"Nandidiri ka diba? Kaya maliligo na ako para makaluwas na ng Manila. Bitiwan mo nga ako!" habang nagpupumiglas na makaalis sa ibabaw niya.

"Sinong maysabi na nandidiri ako saiyo ha?" panghahamong tanong niya sa akin.

"Puwede ba tigilan mo nga ako diyan! Kung maka-yuck ka kanina akala mong ako na ang pinakanakakadiring nilalang sa mundo! Bitiwan mo ako and i hate you!" galit kong utos sa kanya.

"And i love you! So much..." sabay baligtad niya sa puwesto naming dalawa na ngayon siya naman ang nasa ibabaw ko.

"Hindi ka naman mabiro baby! Ako pa ba ang mandidiri saiyo? Sabihin mo lang na halikan kita ngayon gagawin ko."  seryosong salita niya sa akin.

"Hmp, 'di na kinakailangan iutos iyan no kung gusto mo, gagawin m---" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay pinutol na niya ito at siniil na niya ako ng mariin na halik.

Na sa kalaunan ay naging magaan ito na tila naghihintay ng pagtugon ko  kaya naman inangat niya ang kanyang ulo at binigyan niya ako ng nagtatanong na tingin.

Tinakpan ko ang aking bibig at sabay sabing "Hindi pa kasi ako nagto-toothbrush eh!" hiyang sabi ko sa kanya.

Tinangggal niya ng dahan dahan ang aking kamay at muli ay hinalikan ako sa labi at doo'y tinugon ko na ang kanyang halik.

Sa umpisa ay banayad lamang hanggang sa naging mainit na ang aming palitan ng halik.

"I love you so much baby" putol niya sa aming halikan.

"I love you more Roah" tugon ko naman sa kanya sabay yakap ng mahigpit sa kanyang katawan.

"Tara na baby, lalamig na ang mga niluto ko. Kain na tayo!" yaya niya sa akin habang inalalayan niya akong bumangon upang makaupo ng maayos.

After naming mag-agahan sabay kaming naligo ni Roah sa banyo, pagkatapos ay niyaya niya akong bumaba para mamasyal sa buong paligid.

"Ngayon ko lang napansin baby na isang rest house pala ito sa tabing dagat. Kaninong property ito?" tanong ko sa kanya habang magkahawak kamay kaming naglalakad sa buhanginan.

"Ang resthouse na ito kasama ang resort mula dito hanggang doon ay minana ko sa aming ama ni Zack." Sabay turo niya sa pinakadulo na halos ang katabi ay parang bundok na maliit.

May ilang mga small cottages na makikita sa gilid at may mini-hotel din makikita sa bandang kanan nitong rest house.

"Ito ang pinagkakaabalahan ko para kumita ng malaki pero siyempre hindi ako umaasa na lamang sa kinikita dito para maibigay ko ang sarili kong pangangailangan." Kwento pa ni Roah.

"Ang bawat sentimo na kinikita ko rito ay iniipon ko para sa magiging future ko. Since may mga employees ako na nagtatrabaho para dito. Twice a month umuuwi ako dito dati para masubaybayan ko ang pagma-manage nila sa resort." paliwanag ni Roah.

"Kaya ba minsan nawawala ka at hindi mahagilap iyon pala dito ka pumupunta?" tanong ko sa kanya.

"Yes, baby." sagot naman niya sa akin habang nakatingin sa mukha ko at hinahawi ang mga hibla ng aking buhok na tumatabing sa aking mukha dahil sa malakas na hangin.

"Bakit ka pa nagtrabaho sa bar ni Zadrich gayon may business ka pala?" nalilitong tanong ko sa kanya na kung tutuosin sa kinikita nitong resort ay sobra sobra para sa ikabubuhay niya.

"Gusto kong makalayo rito at makalimot noong mga panahon na iyon baby. Kapag kasi hindi ako lumayo dito hindi mapapadali ang pagmo-move on ko dahil sa makikita ko lamang ang babaeng nanakit sa puso ko noon. Besides kung 'di ko ginawa iyon eh hindi ko makikilala ang pinakamamahal kong babae ngayon hanggang sa aking pagtanda!" seryosong sabi niya sa akin habang nakatitig sa mga mata ko.

"You mean tagarito lang din ang ex-girlfriend mo?" tanong ko sa kanya na may halong pangamba dahil anytime pala pwede silang magkita.

"Yes baby,  sa likod nitong rest house, tapat lang actually nandoon ang kanilang mansion." turo ni Roah sa akin.

"So may chance pala talaga na magkita kayo araw-araw lalo na ngayon napabalita na mapapadalas na dito sa Pilipinas ang babae na iyon dahil balak niyang pasukin ang pag-aartista." malungkot kong sabi sa kanya habang nakayuko ang aking ulo upang itago sa kanya ang nagbabantang luha ko na papatak anumang oras.

Kaya naman dahan-dahan naman niyang iniangat ang aking mukha na saktong pumatak ang aking luha.

Pinunasan niya ito at niyakap ako ng mahigpit.

"Anuman ang dahilan ng mga luha na iyan at anuman ang bumabagabag diyan sa puso mo ngayon nais kong malaman mo na wala kang dapat na ikatakot baby." habang hinahagod niya ang aking likod bilang pang-aalo niya sa akin.

"Ikaw ang buhay ko ngayon baby. Kapag nawala ka pa sa akin wala ng dahilan para mabuhay pa ako at magpatuloy pa sa buhay. Mahal na mahal kita sana paniwalaan mo iyan." pagbibigay assurance niya sa akin sa totoong nararamdaman niya for me.

"Ikaw naman ang tatanungin ko Dyanne, nandiyan pa rin ba si Zadrich sa puso mo?" seryosong tanong niya sa akin.

Tumingin ako sa kanya...

Sinusuri ang sarili ko kung ano ba ang mararamdaman ko kung sakali man makuha siya ng iba, makakaya ko kaya na maagaw siya ng iba. Mabubuhay pa ba ako kapag wala siya piling ko?

Hindi...

Hindi ko kakayanin...

Mawala na ang lahat, huwag lamang si Roah.

At si Zadrich? Tuluyan na siyang kinalimutan ng puso ko buhat ng mahalin ko si Roah.

I should forgive Zadrich for what he has done before para lumaya na ako ng tuluyan sa nakaraan.

"Aaminin ko, punung-puno ako ng galit para sa kanya pero hindi ako tuluyang makakawala sa kanya kung hindi ko siya patatawarin." bumuntong hininga muna ako bago ako humarap sa dalampasigan.

"Si Zadrich ang kauna-unahang lalaking minahal ko at nakarelasyon since we were in college and exactly 2 years now buhat ng iwan niya ako. Hindi talaga naging madali para sa akin na tanggapin iyon pero dahil sa mga taong nakapaligid sa akin na hindi ako iniwan, unti-unti nagawa ko naman. Iyon nga lang pagkasuklam ang kapalit." huminto ako saglit at saka nagpatuloy habang si Roah naman ay nanatiling nasa tabi ko at nakatitig sa akin.

"Binago ko sarili ko from being simple hanggang sa naging seductive one. Hanggang sa sinumpa ko sa sarili ko na hindi na ako iibig at ang mga lalaki na lalapit sa akin? Paiibigin ko lang sila at iiwan sa bandang huli. One thing i've realize na kapag hindi mo talaga gawain kahit anong bago mo sa sarili mo lalabas pa rin ang totoong ugali at nakasanayan mo." dagdag ko pa na nahaluan ng maliit na tawa dahil sa aking naalaala ang unang gabi na kami ay magtagpo ni Roah.

"So that night was the first try ha? Hmmm, nagawa mo naman makaakit ng lalaki kahit wala ka pa ngang ginagawa. Isa na ako roon." sabay yakap niya sa akin sa likuran at hinalikan sa may pisngi pagkatapos.

"Hmm really? Eh 'di ba inaakit pa kita bago ka nahulog sa akin? Papaanong wala pa akong ginagawa ay naakit ka na? Wait! Are you sure na ako ang nakita mo that night or nasa isip mo pa rin ang ex-girlfriend mo?" sabay harap sa kanya at taas ng kilay.

"Pagpasok mo pa lang sa may pinto ng bar kitang-kita na ang kagandahan mo at kaseksihan. Doon pa lang na-love at first sight na ako saiyo. Lalo na noong lumakad ka papalapit sa bar halos mahulog ko ang mga dala ko noon dahil sobra akong na-tense." kwento niya pa sa akin habang nakapatong ang kanyang baba sa aking balikat.

"At noong tinutukso na kita?" tanong ko sa kanya.

"Hindi mo lang alam baby kung gaano ang pagtitimpi ko noon saiyo. Kung katulad ka lang ng ibang babae na madalas doon sa bar baka may nangyari na kaagad sa atin pero hindi eh dahil nakikita ko na hindi ikaw ang klase na babae na nagpapakababa para lang maibsan ang init ng katawan." patuloy pa niya na lalong naguluhan ang isip ko.

"Papaano mo nalalaman kung anong klase ang mga babaeng naroroon sa bar? Like me?" tanong ko sa kanya.

"Basta i feel it and i saw in your eyes. Lalo na noong halikan mo ako sa likod ng counter? It was so delicate and sweet. Eh iyong iba halos magdugo na ang labi sa sobrang lust na nararamdaman." sabay ngiti niya sa akin at hinarap na ako ng tuluyan.

njlz8

"My first kiss with you was so unforgettable baby. Since then hindi ka na maalis sa isip ko." and he cupped my face and gave a peck on my lips

"Tara doon sa gawi na iyon may ipapakita ako." yaya niya sa akin sa gawing kaliwa nitong rest house.

Naglakad kami ng konti at sa bandang dulo nito nakita ko ang isang rock formation na ikinahanga ko tila ito arko o parang kamay ng higante na pinagtagpos sa isa pang pares ng kamay at nagsilbing para itong lilim.

"Sa tuwing nakikita ko ang lugar na ito, nangangarap ako na sa harap niyan ay manunumpa ako sa babaeng pinakamamahal ko at gusto kong makasama habang buhay." ani ni Roah habang dahan-dahan kong hinahaplos ang bawat detalye ng bato.

Nakakamangha nga na tingnan at maganda nga na dito ganapin ang kasal kung sakaling gusto na ni Roah lumagay sa tahimik. But wait! Kasal nga ba?

Pagharap ko nagulat ako na nasa likuran ko na ang mga ilang tao na malapit sa puso ko gaya nila Cheska at Zack.

Ngunit nasaan si Roah, saan ito nagpunta?

"Hey, what's happening here Cheska? Nasaan si Roah?" lumakad pa ako ng ilang hakbang at kinuha ni Cheska ang aking kamay sabay talikod niya sa akin upang makita ang lalaking hinahanap ko.

Nasa harap ng rock formation nakangiti akong pinagmamasdan ng aking mahal dala-dala ang isang malaking bouquet ng white roses and tulips.

Lumakad akong papalapit sa kanya habang ang mga luha ko ay wala nang tigil sa pagpatak.

Pagtapat ko sa kanya binigay niya sa akin ang mga bulaklak at akin namang tinanggap ito.

"For the most beautiful woman in my own eyes" sabay ngiti niya ng matamis sa akin, kaya marahan ko siyang hinampas sa braso.

"And for finalle, especial thanks to Cheska and Zack for this, humingi kasi ako ng tulong sa kanila 2 weeks ago dahil hindi na ako makapaghintay pero i didn't expect ito pala ang hinihintay kong oras kaya naman sobrang attentive ng dalawa nakahanda na pala any time." habang may dinudukot sa kanyang bulsa si Roah ay ganoon na lamang ang bilis ng tibok ng aking puso.

"Miss Dyanne Santiago!" sabay luhod niya sa aking harapan.

"Will you be my better half for the rest of my life and carry my name as Dyanne Santiago-Montes?" habang pumipiyok na tanong niya sa akin

"Will you be my fuck husband for the rest of my life? If yes, kahit anong oras at kahit saan pa papayag ako, baby!" sagot ko sa kanya habang nanginginig ang aking katawan sa sobrang dami ng emotions na aking nararamdaman.

Tumayo siya at sinuot niya sa akin ang engagement ring. Sabay yakap ng mahigpit.

"Oh thank you so much Dyanne! I love you so much baby! I can't wait to see you walking here in the sand wearing your most beautiful wedding gown and marry me." atsaka siya kumalas ng yakap sa akin at pinupog ako ng maliliit na halik sa buong mukha pababa sa aking leeg.

"Hoy! hoy! tumigil nga kayo may nanonood dito oh. Hindi pa nga kasal uunahin pa ang honeymoon?"  singit ni Cheska sa amin na siya naman namin ikinatawa ng malakas pareho.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"Thank you so much bestie! I owe you a night bago kami ikasal ni Roah." sabay ngiti sa kanya.

"Tumigil ka nga diyan quotang-quota ka na nga sa akin since college eh hihirit ka pa bago ang kasal?!" salita ni Cheska habang umiiyak.

"Hahaha!" tawa namin lahat.