webnovel

Taizo

Chapter 2

Alondra POV

Now I'm at Work, I make strawberries cakes at iba pang cake upang Ipadala sa Isang cake shop.wala pa kasi akong sariling cake shop pero balang araw magkakaroon din ako nun.

--

Kinagabihan kakatapos ko lang mag deliver ng mga cake at binayaran ako ng 2,500 pesos.

Naghihintay ako ng taxi para umuwi ng mapansin kong may nagliliwanag sa loob ng bag ko.

Kukunin ko sana ito pero Biglang may kung sinong lalaking nasa likod ko ang nagtakip ng panyo sa bibig ko,Papalag sana ako pero may naamoy akong kung ano sa panyo at bigla na lang akong nawalan ng malay.

--

Nagising ako pero hindi ko maidilat ang mata ko dahil sa sobrang antok na nararamdaman ko,pero kahit ganun ay pakiramdam ko ay nakahiga ako sa kahoy na higaan at nanghihina din ako.

May naririnig din ako na parang may naliligo sa malapit na banyo at naririnig ko din na may naguusap.

Taizo maganda pala 'tong babaeng kapatid ni Jerry sabi ng lalaking narinig ko (Koji)

"Jerry?Pangalan iyon ng kuya ko huh?Bakit kilala nila si Kuya."

Pinilit kong idilat ang nga mata ko at nakita kong halos 9na lalaki ang malapit sa akin at yung taizo na kausap nila ay naliligo.

Oo nga Taizo at madaming pera,Hindi ba utang lang naman ni Jerry sayo ang dahilan bakit natin dinukot ang kapatid niya. Sabi ng lalaking mataba.

Oo nga,kunin na lang natin ang pera niya pagkatapos ay Gang rape natin saka natin ibalik sa pamilya niya.sabi ng may sugat sa mukah

Nanlaki ang mata ko ng marinig iyon

Hu-magsasalita sana ako pero nagsalita yung taizo na nasa Cr

Huwag!Hindi natin gawain yan!Ang mga babae Hindi dapat sinasaktan! You know Sabi ni Taizo at lumabas sa cr na basa ang buhok at nakatapis ng tuwalya ang ibaba.

"Wow ang Pogi niya!My God!ngalang mukah siyang bampira ka dahil sa dalawang pangil niya na lumilitaw kapag nagsasalita siya"sabi ko sa isip ko na parang nabuhayan bigla ng dugo.

Pero Taizo Hindi ba sabi mo noon ayaw mo sa mga babae-hirit ng mapayat na may hawak na bat.

Oh yeah right ayaw ko nga sa mga babae dahil sa ugali nila pero wala sa ugali ko ang Hayaang may sinasaktang babae you know?Gets  niyo ba?!Subukan niyong galawin ang babaeng yan at makikita niyo ang hindi niyo gusto makita!You know what I mean you know! Sabi niya sa mga kasama niya

Namangha ako sa lalaking yun,ewan ko  pero pakiramdam ko ay mabait siya.

Wala man siyang abs ay maganda naman ang katawan niya,Orange ang kanyang buhok at meron siyang isang Hikaw sa kanang tenga

--

Lumipas ang ilang minuto at nakadilat na nga ako ng maayos.

Pinipilit kong tanggalin ang tali sa kamay ko na nasa likod ko, Habang sila Taizo ay kinakausap ang kuya ko sa Cellphone at dahil naka loud speaker ang tawag ay naririnig ko ito.

Hayop ka Taizo!PLEASE RETURN HER! Sigaw ni kuya sa Cellphone

Relax!Ibabalik ko siya kung babayaran mo ang utang mo sa akin!Don't worry I did not hurt your sister and Besides I don't like seeing girls Crying and Hurt you know.Pumunta ka na lang dito Alam mo naman kung saan ang Taguan namin ng mga kasama ko Diba!?Huwag ka lang magdadala ng Police or else I Burn your sister you know. Seryosong sabi ni Taizo

Huwag!Please!

Then Bayaran mo na ang utang mo sa akin Because I need it you know!

Pero wala pa akong pera,Hindi pa ako sumesweldo! Sabi ni kuya

Fuck you You know!!Edi sa akin muna ang Kapatid mo hanggat wala kang pera! Sabi niya at pinatay na ang tawag

Teka sandali lang huh?Pwede ba ako mag tanong sino ba kayo?Gano ba kalaki ang utang ni Kuya at Dinukot niyo pa ako?! Tanong ko

Kami ang Bad Gang Ramble at malaki ang utang ng kuya mo sa amin!nilapitan niya kami at nangutang sa amin ng 10,000 pesos noong naaksidente ka,Don't you remember that? Sabi ng kaibigan ni taizo na maysugat sa mukah.

Nanlaki ang mata ko ng sabihin niya iyon,naalala ko yung naaksidente ako.Nasagasaan ako nun ng Kotse at isang linggo akong walang malay,nangyari yun last year lang.

"Kuya I know you don't have work until now so Where did you get 10,000 kuya?" Tanong ko noon kay kuya habang nakahiga sa kama ng Hospital

"Nangutang lang ako sa Isang Kaibigan"sagot niya

Pero sabi niya Kaibigan niya kayo Kaya bakit Kailangan niyo akong dukutin!

Mali ka si Taizo lang naman ang naging kaibigan dito ni Jerry.sabi ng lalaking may sugat sa mukah

Kahit na mali pa din ito!Please pakawalan niyo na ako! Sabi ko at napakaiyak na lang ako dahil hindi ko matanggal ang bagay na nakatali sa mga kamay ko.

Nakita kong tumalikod si Taizo ng may pumatak na luha sa mata ko.

Hoy Ikaw!Anong klaseng kaibigan!Kasi kung tunay na kaibigan kang talaga Hindi mo sana dinukot ang kapatid ng kaibigan mo!Hindi ka tunay na kaibigan! Sigaw ko sa kanya

Hoy wala kang karapatang-Itutuloy sana ng lalaki mata ba ang sasabihin.

Erick Huwag mo nang kausapin yan,you know just let her Think that I am plastic or Traitor Friend.Lets Go Erick(yung mataba)Yuan(yung may sugat sa mukah)Ton ton(yung payat) and Koji (yung poging moreno) gutom na ako kumain muna tayo(Sean,Carlos,Jess,and Leo) bantayan niyo yang babae,Hoy Babae!Your Alondra right?This is a second time I meet you you know.nakangiting sabi niya at umalis sila ng apat

"Huh?a second time?Nagkita na ba kami?"

--

Taizo POV

Nandito kami ngayon sa isang Malaking Bar at kumakain.

I still thinking about Jerry's Sister and

I feel guilt,you know.

"Hoy Ikaw!Anong klaseng kaibigan!Kasi kung tunay na kaibigan kang talaga Hindi mo sana dinukot ang kapatid ng kaibigan mo!Hindi ka tunay na kaibigan"

Yeah She is Right,Pero kasalanan naman ng kuya niya,Kuya niya ang unang nag traydor gumaganti lang ako.

He is my Best Friend since grade 4 pero sinira niya ang tiwala ko sa kanya.

Taizo,anong iniisip mo?Tanong ng pinsan kong si Koji Dahil napansin niyang nakatitig lang ako sa pagkain ko

Iniisip ko lang,Mali ba ginawa natin na idamay yung kapatid ni Jerry?

So na gi-guilty ka ganun?Akala ko ba galit ka sa mga babae!?

Yes I hate them Dahil mga manloloko at mahilig silang mangiwan but I still care for them even that I Hate them you know.and I have a little sister too you know.

Nagtinginan sila at ngumiti sa akin.

So anong Gusto mong gawin?Sabihin mo lang.

--

Alondra POV

Sawakas ay natanggal ko na din ang tali sa kamay ko at dahil nakatulog ang mga bantay ay dahan dahan akong humakbang,palabas na sana ako ng kwartong pinagtataguan nila sa akin pero nay naapakan akong balat ng saging at nadulas ako,dahil dun ay nagising ang mga lalaki.

"Naku Nakalimutan kong tumingin sa daan" sabi ko sa isip ko at ngayon ay nasaharp ko na ang mga lalaki.

Ikaw!!!Ang lakas ng loob mong tumakas ah! Sabi ng lalaki na may naka tattoo na Sean sa katawan

Ah gano kalakas? Sabi ko

Carlos,Itali mo! Utos niya sa isa

Pero bago niya pa ako itali ay Tumayo ako at mabilis ko siyang sinapak sa mukah at dahil dun at tumalsik siya palayo konti sa akin at lahat sila ay nagulat.

Come on!!Akala mo huh!Di niyo ba alam!Kalahi ko si Gabriela Silang at Naka suntukan ko si manny pacquiao

Ikaw!!!Lagot ka sa akin!Galit na sabi ni Sean 

Hihihi!Hindi ka naman mabiro 

Sasapakin niya sana ako pero biglang may apoy na bumilog sa pwestong inaapakan niya.

Circle Flame!!!Subukan mong humakbang para saktan ang babae at masusunog ang buo mong katawan sabi ni Taizo na karating lang kasama ang mga kaibigan niya.

"Paano niya nagawa ang apoy na iyon" takang sabi ko sa isip ko

Are you Ok?Nasaktan ka ba? Tanong niya

Ah...Hindi

Well good,you know you can go now

huh?

Well I'm sorry you know,Hindi ko naman talaga gustong singilin ang utang ng kuya mo sa akin gusto ko lang gumanti.But I realize you know,that I'm wrong for Doing this to you I'm sorry I didn't intend to hurt you,you can go now,you know siguro gaganti na lang ako next time.

Namilog ang mata ko sa mga sinabi niya at saka ko lang natitigan ang mukah niya,Duon ay naalala ko na nakita ko na nga siya noong bata ako.10 years old ako noon at siya kasing idad lang ni kuya kaya sa tingin ko 12 years old.

"Baby He is kuya Taizo my bestfriend and classmate"sabi ni kuya noon

Gusto ko sanang makipag laro sa kanya noon kaso nung nagsalita siya "Hi what is you name?"ay bigla ako g umiyak dahil natakot ako sa mga pangil niya.

"Kuya he is a Vampire!!!Halimaw!" Umiiyak na sabi ko

Pero sa huli kahit tinawag ko siyang halimaw ay pinagtanggol niya ako sa mga nang aaway sa akin noon.nakipag suntukan pa nga siya para sa akin.

"Kuya Halimaw Ok ka lang? "Tanong ko sa kanya noon dahil putok ang labi niya.

"Ok lang ako".nakangiting sabi niya

Pagkatapos nun ay Hindi ko na siya muling nakita pa at ngayon 25 na ako ngayon ko lang uli siya nakita.

--

Ngayon kabababa ko lang ng taxi at malapit na ako sa bahay namin.

Iniisip ko pa din ang lalaking iyun,iniisip ko kung paano niya nagawang gumawa ng apoy.

Habang naglalakad ay bigla na lang may itim na usok ang dumating at humarang sa akin at laking takot ko ng makitang isang demonyo ang nasa harap ko.

Isang guwapong lalaking Demonyo na may iisang malaking sungay sa kanyang noo at may mahabang buntot.

Huh?Who are you!

Ako si Beleth at Nandito ako para tapusin ka Babaeng Hinirang!!!sabi niya at itinapat ang kamay sa akin.

Mula sa kanyang kamay ay may lumabas na itim na kidlat

Nanlaki ang mata ko at Akala ko ay katapusan ko na kaya napa pikit ako sa takot pero Biglang-

Burning!!!!sigaw ng pamilyar na boses.

Pagdilat ko ay nasusunog na sa pulang apoy ang Demonyo at nakita ko sa tabi ko si Taizo.

Hindi!!!Ikaw ang-itutuloy niya pa sana ang sasasabihin pero itinaas ni Taizo ang kanang kamay at nabuo ang isang bolang apoy.

Fire Ball!!! Sigaw ni taizo at Hinagis iyon sa Demonyo.

At tuluyan na ngang naglaho ang Demonyo.

Ok ka lang ba? Tanong niya sa akin

Hindi ko napigilang umiyak dahil sa sobrang takot na naramdaman ko kanina.

Natakot ako,natakot ako...umiiyak kong sabi at bigla niya akong niyakap

Ok lang yan,Don't cry I'm here now you know at wala ng halimaw.sabi niya habang nakayakap sa akin

Bakit ka nga pala nandito?

You forgot this you know sabi niya

binigay niya ang mahiwagang salamin na naiwan ko pala kanina

Laking gulat ko ng magliwanag ito at lumabas ang pangalang "TAIZO"

To be Continue...