Inis na inis lagi si Christine kay Tao at ganun din ito sa kanya. Kilala sila bilang mortal na magkaaway. Marami silang 'di napagkakasunduan. Biglang sa isang iglap ay nagbago ang pakikitungo nila sa isa't-isa. Para bang nasa ilalim sila ng isa't-isa at 'di nila maintindihan kung bakit ganun iyon. Ngunit, paano kung nakatadhana na pala si Tao sa iba? Pinagkasundo na pala sa iba? Pinagkasundo na sa kapatid ni Christine? Handa ba syang ipaglaban si Tao? Kahit na sa kanyang pamilya na pinangakuan nyang 'di nya bibitawan kahit ano man ang mangyari?