I've been busy this past few days because of exams. Hindi kami masyadong nagkikita ni Evan now dahil exam week din nila. I don't know why but gusto ko mag focus ngayon sa pag aaral. Maybe because nabawasan na ako ng dahilan sa pag rerebelde ko dahil okay na kami ni Luke.
Epic is always texting me and asking for an update if kumain na daw ba ako or what. He wanna know all my where abouts. Araw araw ring may dumarating na grocery items sa unit ko galing sakaniya na pina deliver niya from Supermarket. Para na tuloy akong mag titinda sa dami ng mga items na pinapa dala niya. Hindi ko na nga alam kung saan ko ilalagay ang iba. Sometimes he's going to my school also just to bring lunch na pinaluto niya pa sa Mom niya. Somehow nakaka dagdag points yun para sa akin dahil 100% effort talaga. And I think this is becoming more dangerous for me. So minsan bago ako matulog I'm asking and assessing myself. Paano kung bumigay ako? Anong gagawin ko? I need to secure myself. He's handsome, he's sexy and God knows he's good at doing efforts too. I even don't know kung ano na bang nararamdaman ko towards him.
"Lalim ng iniisip mo ah."
"Bawal mag isip?"
"Hindi naman. Ano ba yang iniisip mo? Or should I say sino?"
Luke is staying here in my place but sometimes he needs to go home sa Mom niya. Nakausap niya na ang Mafia Boss ng Cecilian and settled things already. Umagree naman daw ang Mafia boss ng Cecilian at napag usapan nilang hindi na nila kami gagalawin sa pagkamatay ng isang leader nila. Ang sabi ni Luke, nadaan niya daw sa sindak yung Boss. ONA. /Oo nalang ako/
Pinag iingat nalang niya kami and he promised to put protection samin ng mga ka gang ko.
"Iniisip ko ang future ko. Kung anong magiging buhay ko sa hinaharap. Yun yon."
"Ge. Mag lokohan tayo dito. Iniisip mo siguro si Evan."
"Hindi ah! Bakit ko naman iisipin yun?"
"Umamin ka nga sa'kin, Lucia. Gusto mo ba yung mayabang na yun?"
"H-hindi!"
Bakit ba ako nag stammer? Aish!
"Weh? Mamatay?"
"Ikaw patayin ko, gusto mo?" Tinignan niya ako gamit ang mala pusa niyang mata at ini examine kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi.
"Oobserbahan kita. Aalamin ko mismo kung may gusto ka na ba sakaniya o wala. Last kang nagka gusto sa lalaki nung highschool tayo e."
Napa poker face ako nang ipa alala niya yun. Nagka gusto ako noon at nung aamin na sana yung gusto ko sa akin ay tinakot niya. Kaya napurnada ang unang kalandian ko sana. Paka kontrabida. Sayang din yun ah.
"Please lang. Huwag mo na ulit uulitin yung ginawa mo noon."
"Nag matured na'ko Lucia. Of course I won't do that anymore. Anyway, bukas na ang alis niyo papuntang Batangas hindi ba?"
"Oo. Susunduin niya raw ako dito ng maaga kaya kung pwede lang umuwi ka na sa inyo ngayon. Baka mamaya pumunta pa yun dito issue nanaman 'to."
"Bakit? Kapatid mo ako."
"Alam niya bang magkapatid tayo? E ayaw mo nga pasabi diba? E kung sinabi kong kapatid kita kahit makita niya tayong natutulog sa iisang kwarto walang malisya yun. E kaso hindi niya alam. Kaya may malisya sakaniya kahit magkasama lang tayong dalawa dito at nag uusap lang!"
"Oo na. Sige na. Una na pala ako. Kitain ko nalang kayo bukas doon sa resort. Sabihin mo kay Kennedy sabay na kami."
"Okay. Bye."
Hinalikan niya muna ako sa ulo bago siya lumabas ng unit ko. My brother is so sweet to me pero mailap siya pagdating sa mga babae. FGAH. /Feeling gwapo at habulin/
Bukas na ang alis namin papuntang Batangas. At sana naman hindi gumawa ng karumal dumal si Luke at Kennedy dun.
I should go to sleep! I need beauty rest.
MAAGA nga akong sinundo ni Evan at kasama na ang family niya. Mga 6am yata yun? Akala ko nga siya lang mag isa at ako ang babyahe papunta doon pero hindi pala. Naka isang van lang kami at Dad niya ang nagda drive. They are really a perfect family.
Dumating kami sa resort ng past 8:00am. We traveled for 2 hours. The resort is really nice. And it looks like a paradice. It's a beautiful resort na pag mamay ari ng friend ng Dad niya.
"Evan and Kennedy just stay in one room okay? Bella, Lucia and Lancie you'll stay together in one room too."
Kennedy and Lancie are here. I don't know where is Luke. Mag kakasama silang dumating at medyo nauna sila sa amin. Nagulat nga ako ng makitang kasama nila ang baliw na Lancie. Sinundo raw siya ni Luke at Kennedy sakanila. Kaya wala na siyang nagawa kung hindi ang sumama.
"Tita, pasensya na po kung eksena kami masyado at sumama kami sa family outing niyo."
"Ah no. It's fine Lancie. Actually I'm happy now dahil nandito kayo na kaibigan ng anak ko. And besides para may kasama rin sila."
Kadarating lang namin but Epal's parents need to go back. May emergency call silang natanggap kanina dahil nagka problema raw sa isang branch nila outside the country so they need to fix it. Parang tuloy hinatid lang nila kami dito.
"Napaka bait niyo po talaga Tita. Kaya nagtataka po ako kung bakit masama po ang ugali ng anak niyo."
"Anong masama?"
"If you want something to eat just go and grab some foods sa restaurant okay? I already talked to the management for your activities here. I want you to enjoy your stay here. We're really sorry but we need to leave."
"Evan anak, ikaw na ang bahala sa kapatid mo ha? Sa Mansion ka na rin mag stay after this trip. Walang kasama si Bella don."
"Yes, Mom. I know."
Humalik muna at nagkayakapan kami dito bago sila tuluyang umalis. Sayang naman 'tong bonding. Pinagplanuhan paman din nila ito.
"Ingat po kayo." Sabay sabay naming paalam kina Tita and Tito.
Naglakad na sila papuntang sasakyan atsaka umalis.
"Lucia and Bella, come on. Let's change our outfit. Pa sexyhan tayong tatlo."
"Ate Lancie, hindi na ako lalaban. Kayo nalang ni Ate Lucia. Talo na ako sa inyo e."
"Naku Bella! Even though you're young, sexy naman ang katawan mo e. Kaya keri lang yan!"
"Lucia, don't wear sexy clothes. You got me?" Banta sa akin ni Epanema. Kagabi niya pa ako sinabihan. PUU. /Pa ulit ulit/
"Ay! Ang possessive! Taray!"
"Magpalit na rin tayo ng damit Evan. Padamihan tayo ng abs."
"Buti nalang pala wala dito si Patricio mylabs. Kawawa yun. Walang abs na maipapakita."
"Nandito tayo sa beach Lancie. Kaya huwag mo na muna isipin yang bebe mo na hindi ka naman pinapansin."
"Ouch ha. Ouch. Tara na nga!"
Pumasok kami sa kaniya kaniyang kwarto at nagpalit ng damit. I wonder where is Luke. Bakit hindi pa siya lumalabas sa lungga niya.
Nang maka dating kami sa room namin ay nauna ng pumasok sa CR si Balot at siya na ang unang nagpalit ng damit.
"Psst. Nasaan yung magaling kong kapatid?" Bulong ko kay Lancie dahil baka marinig kami ni Baboy.
"Nandiyan lang yun sa tabi tabi. Nag booked siya ng isang room dito kanina bago kami naghiwa hiwalay. I don't know nga lang which room."
"Basta pag nagkita kita tayo mamaya huwag mong sasabihin na kapatid ko siya ha. Secret lang."
"Yes. I know na, bakla. Sinabihan na ako kanina nung dalawang itlog. Na briefing na ako."
"Good."
"Umamin ka nga sakin. May gusto ka na ba sa malanding yun?"
Bakit ba halos sila tinatanong kung may gusto na ako sakaniya? E ako nga mismo naguguluhan na rin!
Simula nung makita ko siya na may kasamang babae which is pinsan niya pala ay nag simula na akong maguluhan. At kinikwestyon kona rin ang sarili ko. Hindi ako tanga o ano pero alam kong naka ramdam ako ng kaka iba. Kasalanan niya 'to e!
"Wala?"
"So hindi ka sure? Naku! Ayos ayusin mo yan bakla ka. Sinasabi ko sayo ha. Baka mamaya trip trip niya lang yan para makuha ka."
"Pero kasi bakla, palagay ko na fall na siya sa akin e. Base sa galaw, reaksyon na pinapakita niya towards me lalo na nitong mga nakaraan."
Lancie knows kung anong namamagitan sa amin ni Ebun. I told her everything.
"Basta bakla, huwag ka muna papa linlang. Hindi porket pinaramdam niya na mahal ka niya, e mahal ka na talaga. Baka mamaya chika lang 'yan! Walang katotohanan."
"I know bakla. But I'm sure. I'm really sure that he's into me."
"Habang hindi niya inaamin sayo yung bet na meron sila huwag ka mag padala. He's a casanova. Mahirap magtiwala sa mga lalaking katulad niya. They are sweet, caring and they'll show you that they love you but one day you'll wake up, kyeme lang pala ang lahat."
Totoong mahirap magtiwala sakaniya dahil likas na Casanova nga siya. But what if he change? What if he's really into me now kasi yun ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ako manhid. Nararamdaman kong totoo lahat ng pinapakita niya sa'kin.
Lumabas naman si Betlog sa cr kaya tinigil na muna namin ang bulungan ni Lancie. Sunod namang pumasok sa CR si Lancie kaya naiwan kami ni Bibe dito.
"Ate, diba bestfriend kayo ni Kuya Kennedy?"
"Ah oo. Why?"
"May tatanong sana ako, Ate. Gusto kong itanong kay Kuya Evan 'to kaso baka ano isipin niya e."
"Ano ba yun?"
"May girlfriend na ba si Kuya Kennedy, Ate?"
Napakunot ang noo ko sa tanong niya sa akin. Bakit niya tinatanong? Crush niya ba?
"Wala. NGSB yun. Wait? Bakit mo pala tinatanong?"
"Ah wala ate. Hehe."
I smell something fishy.
"Oh bakla? Ikaw na dali!" Nakalabas na pala ng CR si Lancie at napa wow naman ako sa katawan niya. She's a bomb!
"Hindi ka pa prepared sa lagay na yan ano?"
"Hindi e." Tsaka siya tumawa ng malakas.
I changed my clothes and wear my swimsuit. Naka maong shorts ako ngayon dahil yun ang bilin ng punyemas na pokpok. Kagabi niya pa'ko sinabihan na huwag mag soot ng sexy swimsuit. Ayaw niya daw i reveal ko ang buong katawan ko dahil siya lang daw ang may karapatan makakita nun. Akala mo naman talaga e. Takot sa sariling multo. If I know natutuwa siya kapag nakaka kita siya ng mga sexy'ng babae.
"Why are you wearing high waist shorts?" Tanong ni Lancie paglabas ko ng CR.
"Kuya niya e."
"Mygosh! So ako lang mag isang naka ganito?!"
Bella is wearing shorts too dahil ayaw ng parents niya.
"Change ka na rin, Ate."
"Buti nalang pala may dala ako! Aish!"
Nag soot din ng shorts si Lancie. After that we went outside our room at pumunta na ng seashore.
Iginala ko ang paningin ko sa kabuuan ng isla. This place is really relaxing. Good thing dito kami nagpunta. Masyadong maraming nangyari these past few days and this is the right time to relax tapos kasama ko pa mga kaibigan ko.
"Look! Nagyayabang na si kuya sa jetski."
Napatingin ako sa direskyon na tinuturo ni Betlog and I saw Evan riding a jetski. Luh? Bakit ang hot?
Ang sarap isigaw ng, Kyah pasakay!
"Bru, baka malusaw ah." Bulong sa akin ni Kennedy na ngayon ay nasa tabi ko na wearing shorts at black sando. Luh? Bakit ang gwapo rin ng bestfriend ko? Gusto ko rin tuloy sabihin ang, "Bes! Pakagat." SLOM. /So landi of me/
"Where's Luke?" Bulong ko sakaniya.
"Nandoon sa room niya. Sunod daw siya dito."
"Lucia." Napalingon ako sa tumawag sa akin. And speaking of the devil, it's Luke!
He's wearing shorts and he's topless revealing his 8 pack abs. Edi wow. Yabang! Wala na dito sa tabi ko si Baluga at Lancie kaya kinausap ko na siya.
"Yabang mo no? Pakita abs ka pa ah."
"Pinaghirapan ko 'to. Kaya dapat lang na maging proud ako. Nasaan na yung impaktong lalaki mo?"
"Maka impakto ka naman bro. Gwapo naman si Evan e."
"Tangina mo Kennedy. Bakla ka na ba?"
"Kapag pumupuri ba ng lalaki bakla na agad? Hindi ba pwedeng ina appreciate ko lang ang isang magandang produkto ng Diyos? Isa kang mapanghusgang nilalang!" Nag walk out si Kennedy at pinuntahan sina Lancie at Baso na busy sa pag take ng photos.
"Anyway Lucia, I saw Leon here."
"Seriously? Of all places dito pa siya sa resort na 'to nagpunta?"
Walanghiyang pangit na yun. Kapag sinusundan ka nga naman ng malas oh.
"Just be careful. Mainit ang dugo sa'yo ng gago lalo na't natalo mo na naman siya last drag race."
"Was it my fault na natalo ko siya? Subukan niya lang kaming galawin ngayon makakatikim talaga siya sa'kin."
I know he's fucking angry to me. Lalo na sa ginawa namin sakaniya nung drag race. Ano pa bang bago? Siya pa naman yung tipo ng tao na kahit wala kang ginagawang masama sakaniya ay nagagalit siya.
Wait? Omg! Si Evan nga pala ang kasama ko nun at siya ang sumipa. But Leptospirosis didn't see his face that time. Bigla naman akong na stressed! Huwag naman sanang makilala ang pangangatawan niya.
"Don't worry. I'm here. If he messed up with you, I'm gonna kill him. Swerte mo kuya mo'ko."
"Parang hindi naman?"
Inakbayan ako ni Luke at ginulo ang buhok ko. Mabilis kong inalis ang kamay niya sa balikat ko ng makitang nag lalakad papalapit sa amin si Europe at ang sama ng tingin niya. Issue nanaman 'to.
"Luke, ngayon palang sinasabi ko sayo na shut up kalang. And please, be patient. Hindi niya alam na magkapatid tayo kaya intindihin mo nalang. Ginusto mo 'to." Bulong ko sa kapatid ko na ngayon ay naka ngiting aso. Pang asar talaga si gago.
"What a nice view." Hinila ako ni Evan kay Luke at tinabi niya ako sakaniya. Pinalupot niya ang kamay niya sa may bewang ko. Ohh territorial. I like it!
Luke raised his eyebrow at ngi ngiti ngiti ito na akala mo talaga ay may nakakatuwa.
"Nice talaga ang view lalo na kapag ako ang nasa view."
"Talaga?" He smirked. "There are 7,107 islands in the Philippines at talaga dito mo pa naisipang pumunta."
"Bakit ikaw ba may ari nito? Bawal na ba ako mag punta dito?"
"Paano kung sabihin kong oo? Aalis ka ba? Tsaka ano bang ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba kami?" Inis na tanong ni Evan.
"What if I say yes?" Naka ngiti ng nakaka loko si Luke at inilipat niya ang titig niya sa akin.
Bigla akong nandiri sa mga titig niya. Punyeta! Para niya akong hinuhubaran by the way he stares at me. Kapatid mo'ko huy! But I know he's doing that para asarin si England. Pinanlakihan ko siya ng mata.
"Let's go?" Aya ko kay Evan. Nakakunot ang noo niya and he's in the bad mood.
Hindi ko na siya hinintay na sumagot at hinila ko nalang siya pa alis doon.
"Bakit ba nandito rin ang gago na yun?" Tanong niya sa akin nang makapasok kami sa isang cottage dito.
"Aba ewan ko."
"Bakit inaakbayan ka niya kanina?"
"Hindi ko alam? Bigla nalang niya akong inakbayan e." Palusot ko sakaniya.
"Pumayag ka naman na akbayan ka niya?"
Napapansin ko na napaka seloso ng lalaking 'to. Hindi ko alam kung bakit pero natutuwa ako. Kasi naman ih.
"Inalis ko nga diba?"
Hindi niya ako sinagot at nakatingin lang siya sa'kin.
"Don't be jealous." Hinila ko siya at pinaupo. Kumandong ako sakaniya.
"You had a thing with him, Lucia." Natawa ako sa tono ng pananalita niya dahil para siyang bata na nagtatampo.
Kinurot ko ang pisngi niya. Damn. He's really cute when he's jealous. Para tuloy gusto ko nalang siya pag selosin lagi. Lalo na kung ganito ang pinapakita niya.
"Had nga diba? So it's already in the past."
Hanggang ngayon iniisip ko kung ano ang magiging reaksyon niya pag nalaman niya ang totoo? CIM. /Curious is me/
"Kahit na."
"Hay naku." Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at iniharap ko yun sa akin. Nakakunot parin ang noo niya. CCT. /Cute cute talaga/
I kiss his lips. Smack lang naman.
"Galit ka pa?" I asked.
Hindi siya sumagot so I kiss him again.
"Ano? Sagot. Tampo ka pa?"
Sa wakas ay ngumiti na rin siya kaya hindi ko na napigilang matawa.
"Why are you laughing?" Niyakap niya ako sa may bewang habang naka kandong pa rin ako sakaniya.
"You're so cute when you're jealous."
"Lucia, I know hindi mo pa ako sinasagot and we aren't still official. I will wait. I'll wait for you. But I want to claim that you are mine. I don't wanna see you hanging around with other guys. You're mine. Got it?"
Oo nalang sige.
"Yes." I answered.
He kiss me and dame he's really a good kisser. Kaya hindi na'ko mag tataka talaga kung bakit madaming ang nagkakandarapa sakaniya. Sorry nalang sila because I have him.
He stops kissing me and he's staring at me now. Para akong malulunod sa mga titig na binibigay niya. I really need to guard myself. No, hindi ako bibigay. Hindi pa ngayon.
"Let's enjoy this vacation. Okay? Tara na. Puntahan natin sina Lancie." Aya ko sakaniya. I want to escape our situation now dahil baka saan pa ako madala ng mga titig niya.
Tumayo ako mula sa pagkakandong sakaniya at hinila siya palabas ng cottage.
Hinanap ko sila Lancie at nakita ko sila sa may harapan ng isang cottage habang may kasamang limang lalaki.
"Nakikipag away ba sila?" Tanong sa akin ni Eklabush.
Tinitigan ko ng mabuti ang pwesto nila at napamura ako ng wala sa oras. It's Langkwenta! Fuck him. Anong ginagawa niya?!
Tumakbo ako papalapit sa kanila.
"Bakit mo ba pinagsasalitaan ng masama ang bestfriend ko?! Kung may galit ka sakaniya tawagan mo si Tulfo. Bigay ko number niya."
"Iba tabas ng bibig mo ah." Akmang susuntukin na ng isang lalaki si Kennedy pero mabilis niyang nasangga 'yon.
"Huwag mo akong sagarin. Baka hindi mo magustuhan kapag ako ang nagalit" Seryosong sabi niya sa lalaki.
"Loperamide. What the fuck are you doing?"
Binitawan ni Kennedy ang kamay ng muntik ng sumuntok sakaniya. Nasa likuran niya si Baba at nasa tabi niya si Lancie.
"I'm just asking them Lucia. I didn't know I'll see your friends here kaya hinanap kita sakanila."
"You know what, why don't you just enjoy your stay here?"
"You think I can enjoy? Baka akala mo nakalimutan ko na ang ginawa mo sa akin pati nung angkas mo last drag racing."
"OMG? Di ka pa naka move on? Just accept the fact that I beat you. Minsan tuloy iniisip ko kung lalaki ka ba talaga o hindi e."
Tumawa naman ng pagka lakas lakas si Lancie. Sige bakla. Suportahan mo ang pang ta trashtalk ko dito.
"What did you say?!" Napipikon na ang gago.
"Ulitin ko pa ba?"
"You know what to do. Beat them." Utos niya sa mga alagad niya.
Kita mo? Bakla talaga to.
"Elastic take Bilao."
"What?" Gulat niyang tanong.
"Just leave. You and Bubu."
Kennedy and Lancie can fight. They are black belters. And I know we can beat this five men kahit tatlo lang kami. I don't want na madamay dito si Encouragement lalong lalo na ang kapatid niya.
"No. I won't leave you here. Bella! Umalis ka na dito."
"What?!"
Tumawa si Linta. Naalibadbaran ako sakaniya. Letse siya!
"Anong nakakatawa don?" Inis na tanong ni Bibingka sakaniya. Piste tong bata na 'to. Nakiki sawsaw pa. Sumasakit ang ulo ko sakanilang mag kuya.
"Bakit mo ba kasi sila pinapa alis Lucia? E lahat naman kayo kayang kaya kong bugbugin. Natata-"
Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang biglang hinila ni Luke ang damit niya at hinarap siya sakaniya. Sinuntok niya ito and damn! Sapul. That's my brother!
Bumagsak siya sa may buhangin at dumudugo ngayon ang ilong at bibig niya.
"Nawala lang ako saglit ginulo mona sila?" Seryosong tanong ni Luke. I'm having a goosebumps again! Bakit ba pag nilalabas niya ang pagiging Mafia Boss niya natatakot ako sakaniya?
Akmang susugod kay Luke yung apat na kasama ni Lozard pero tinignan niya lang ang mga ito ng masama.
"What? I think you don't know who are you messing up with."
Nakatitig ang apat na lalaki sa may bandang tiyan ni Luke kaya napatitig din ako don. Ano bang tinitignan nila? Yung abs niya? Yung tattoo niya?
Nanlaki ang mata ko ng marecognize kung ano yung tattoo niya sa gilid ng tiyan niya. It's his Mafia Group's symbol.
"Boss, tara na." Aya ng mga tauhan ni Lolo sakaniya.
"Palalampasin ko 'to. Pero hindi ko palalampasin ang ginawa mo sa akin Lucia."
"Dami mong satsat."
Kumuha ng buhangin si Lancie at tinapon iyon sa mukha ni Letse. Very good my dear friend!
"What the fuck?!"
"Bibilang ako ng hanggang sampu. I want you gone here or else you know what will happen."
Nag sitinginan sina Lolanidora at mga kasama niya.
"1..5..7.."
"Boss tara na!"
Hinila ng apat na lalaki si Loser at mabilis silang tumakbo. Weak!
"Grabe Luke, hindi ka pala marunong magbilang?"
"What?"
"Kasi sabi mo 1 tapos 5. After ng 1, 2 muna bro."
Nilapitan ko si Bebe dahil baka mamaya ay tinakot siya or what.
"Are you okay? Did they hurt you?"
"No Ate. I'm fine."
"Ano bang nangyari?" Tanong ng kuya niya.
"Nagpo photoshoot lang kami dito. Tapos nilapitan nila si Kennedy at pilit na hinahanap si Lucia. Ang kukulit nga e! Hinawakan pa ako sa braso. Mygosh. Buti nalang nakahila ako ng buhok niya sa kilay. Who are they ba bakla?"
I didn't answer dahil nandito si Birdy. She doesn't know what I am. And I don't know if sinabi ba ni Engkanto kung ano talaga ako sa pamilya niya. But I think hindi naman niya sinabi.
"I'm hungry! Let's eat!" Yaya ni Luke.
Hinila niya si Kennedy at Lancie. At hinila naman ni Kennedy si Baby. Naiwan kami dito ni Esther at naka tingin lang siya sa'kin.
"I'm sorry. Nadamay pa kayo."
"No. It's fine. He's mad at you and I was the one who kicked him that night."
"Lucia?"
"Hmm?"
"Bakit parang takot na takot sila nang makita nila si Luke?"
"Ah? Ano.. kasi... yung pinsan ni Luke dati nilang boss. Kaya ganon. Syempre pag nag sumbong si Luke edi yari sila." I lied.
I don't want to tell him kung ano ba si Luke. Iilan lang kami ang may alam kung ano ang estado niya sa buhay ngayon.
"Oh. I see. Kaya pala."
"Dapat nag eenjoy tayo ngayon e. Bakit ba na stress ako?!"
"Tara sa kwarto. Massage kita para mawala stress mo."
"Huwag na uy. Baka hindi massage ang gawin mo sa akin na manyak ka."
"Ma massage nga kita. Pussy massage."
Tawang tawa si gago sa joke niyang napaka bastos. Pinaghahampas ko siya at napatingin ako sa paligid dahil baka may nakarinig sakaniya at anong isipin.
"Ouch! Lucia! Ang bigat ng kamay mo! Aray."
"Ang bastos mo kasi."
"Sa'yo lang naman ako bastos." Inakbayan niya ako at hinalikan sa ulo.
"Kumain nalang tayo at nagugutom na ako."
"Kainin mo'ko?"
"Eww."
Nag lakad na kami papunta sa restaurant. Sana naman maging mapayapa ang lunch namin ngayon. We came here to relax pero stress ang nakuha namin. Azaaaar! Punyetang Libag yun! Bat di pa mamatay?