webnovel

A bullshit

Nasa loob ako ng classroom namin at vacant time. At sobrang gulo ng classroom, as in sobrang gulo! Tss.

Are you wondering what section I'm in? Of course nasa Class A Biology ako sa section na madalas pagkamalang Class E dahil sa sobrang ingay.

"Aray!" Mahina kong daing at tiningnan ng masama si Altheya and kaibigan ko since Elem. Napagtripan niya kasing ayosin ang buhok ko.

Imagine, may dalang suklay, straightener, curlier, spray ney at kung ano ano pang achuchuchu sa buhay. Aakalain mo talagang may ari siya ng parlor. My kikay ever bestfriend.

"Bakit ba kasi ang hirap suklayin ng buhok mo? Aminin mo kailan ka huling nagshampoo?" Tiningnan niya naman ako pinangliitan ng mata. Tiningnan ko naman siya ng masama.

"Araw araw ko shinashampoo buhok ko" pinalo ko pa sa kanya ang binilog na bond paper tapos muling binalik ang atensiyon sa binabasa ko.

"Eh kailan mo huling sinuklay?" tanong uli niya habang patuloy na nakikipag balyahan sa buhok ko.

"Tss. Never" maikli at bored kong sagot dahilan para bigla niya akong masabunutan sa gulat.

"WHAT!? Seryoso?" hindi makapaniwala ang itsura nito.

"Kung ayaw mo, itigil mo nalang" iritado kong sagot pero tumahimik naman siya at pinagpatuloy ang ginagawa.

*sniff *sniff *sniff

"Bakit may mabaho ba?" takang tanong ni Altheya at nakisinghot narin.

"Wala naman ah" bulong nito. I rolled my eyes.

"I smell bullshit!" mura ko at ibinalibag ang hawak kong libro sa naglalandiang couple sa harap ko. PDA at it's highest.

"Ano bang problema mo?" galit na tanong ng lalaki--uhmm sino nga ulit to?ahhh don't care.

"Kayo,lumayas kayo sa harapan ko, nakakadiri kayong tingnan." iwinagayway ko ang kamay para paalisin sila.

"Tsupiii!" tinarayan lang ako ng mga to at umalis na din sila. Ipinikit ko nalang ang mata ko. As if naman paalisin ako ng kaibigan ko para pulutin ang librong binabasa ko e busy yun kakakalikot ng buhok ko.

Napaka ingay talaga! Grrrr!!!

Kung alam ko lang na ganito ang section nato baka pinili ko nalang maging sectio-- ayy mali! Siguro mas pinili ko nalang pumasok sa library at manirahan bilang libro.

"WIFE!?" isang malakas na kalabog sa pinto ang narinig ko pero I didn't bother to open my eyes.

Wife? Tch. Whatever. Ang babata pa e

Kapansin pansin ang biglang pagtahimik ng paligid. Hulaan ko, is this another lame surprise? I guess susunod na diyan ang sigawan ng ayiehhhhh ang kakati nye nye. Nag make face pa ako sa isip ko.

Nagtaka ako ng tumagal ang katahimikan at napatigil na din si Altheya sa ginagawa sa buhok ko.

I tried opening my eyes. I don't care if it's a lame surprise, I'm curious.

Pagmulat ng pagmulat ng mata ko ay halos muntikan na akong mahulog sa upuan ko dahil sa lalaking pangisi ngisi na bumulaga sa mata ko.

"Nagulat ko yata ang asawa ko?" he leaned forward upang lumevel ang mukha niya sa mukha ko. Malalim ang titig niya at nakakaloko.

I smirked.

Mukhang nagulat siya sa reaksiyon ko kaya dali dali kong inumpog ang noo ko sa noo niya.

"Shitt!" malakas niyang mura at nilayo ang mukha namin sa isat isa.

"Another piece of bullshit!" mataray kong litanya tsaka tumayo, inayos ko muna ang tumagilid kong salamin tsaka pinulot at bag ko at umalis.

Medyo sobrang gumaan ang buhok ko. Whatever, ikaw ba naman ang masuklay sa unang pagkakataon e.