webnovel

THE BOYISH AND THE PLAYBOY (TAGALOG)

Si Francis Tan, isang modelo at negosyante. At dahil gwapo, mayaman at hot si Francis, habulin sya ng mga babae, at dahil mabait sya, lahat ng babaeng lumalapit sa kanya ay pinapatulan nya, basta sexy at maganda, sa madaling salita, isang certified playboy ang ating bida. Isang araw ay nakilala niya ang isang tomboy na nagngangalang Reyann Florante, maangas ito at basagulera. Dahil sa parehong problema sa kani-kaniyang pamilya, nagkasundo silang magpanggap na magkasintahan. Sa dinami-rami ng magagandang babaeng nakasama ni Francis, si Reyann lang ang tanging nagpagulo sa nananahimik niyang puso, at dumating nga ang araw na narealized niyang mahal na mahal na pala niya si Reyann. Magagawa kayang mapaibig ng ating certified playboy ang isang tomboy?

iamyanagi · Urban
Not enough ratings
23 Chs

CHAPTER 17

"Where's Francis?!" Halos pasigaw na tanong ni Mr. Henson kay Mr. Lee, ang manager ni Francis.

"Sir kahit pigain nyo pa ako, wala akong maisasagot sa inyo, kahit ako ay hindi alam kung nasan si Francis" Sagot ni Mr. Lee, at bumuntong hininga. "Basta ang bilin lang sa akin ay icancel lahat ng schedule niya for 1 week, dahil may pinagkakaabalahan siyang importante"

"I'm not believing you, manager ka niya kaya imposibleng hindi mo alam kung saang lupalop naroroon ang magaling kong anak" Galit na sabi parin ni Mr. Henson.

"Mahal calm down, hindi kapa lubusang magaling, mahina pa ang puso mo" Pagpapakalma ni Mrs. Francia sa asawa.

"Talagang mamamatay ako sa kunsumisyon diyan sa magaling mong anak! Pinagmukha niya tayong tanga! Tinanggap natin ng buong-buo ang Reyann na yan sa pamilya, yun pala hindi naman sila totoong magkarelasyon" Himutok ni Mr. Henson.

"This is all your fault! Kung hindi mo siya pine-pressured na mag-asawa, I'm sure hindi niya maiisipang gawin ang mga bagay na 'to!" Hindi narin nakapagpigil ng emosyon si Mrs. Francia, nasasaktan siya para sa anak.

"Relax..relax.." Pagpapakalma sa tensyon ni Mr. Lee. "Sa ngayon, umuwi na muna kayo, kapag tinawagan ako ni Francis agad ko kayong ii-inform"

Hindi na umimik pa ang mag-asawa, tahimik silang lumabas sa opisina ni Mr. Lee.

*****

Hindi mapalagay si Francis mula nang malaman niya mula sa kanyang manager na alam na nang madla na peke lang ang relasyon nila ni Reyann. Mas lalo pa siyang kinabahan ng masabi ni Mr. Lee na galit na galit ang Papa niya dahil sa nalaman.

Palaisipan kay Francis kung sino ang nagpakalat ng balita, at kung paano nalaman na kunwari lang ang relasyon nila ni Reyann, tanging sina Mark at Jeffrey lang ang nakakaalam ng tungkol doon.

Biglang dumating si Reyann, napukaw ang malalim na pag-iisip ni Francis. Malapad ang pagkakangiti ni Reyann at maaliwalas ang mukha, pahiwatig na may dala itong magandang balita.

"How's your Mom?" Tanong agad ni Francis, bigla kasing tinawag ng Doctor kanina si Reyann upang kausapin tungkol sa kondisyon ng ina nito.

"Nalampasan ni Nanay ang critical condition niya! Ligtas na si Nanay, Francis! Ligtas na siya!" Sa sobrang tuwang naramdaman ay napayakap si Reyann sa binata, niyakap din naman ito pabalik ni Francis.

"I'm happy for you" Tipid na sabi ni Francis nang kumalas na sila sa yakap.

Biglang nakaramdam ng hiya si Reyann ng marealized ang ginawang pagyakap sa binata. "Salamat at sinamahan mo'ko rito"

"It's nothing compare to the favor that you did for me" Anang binata, napabuntong hininga ito. "Tapos na ang pagtatrabaho mo sakin, salamat sa favor na ginawa mo, salamat dahil pumayag kang magpanggap na girlfriend ko"

Napakunot ang noo ng dalaga. "Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong nito.

Humugot ng isang malalim na hiningi ang binata bago ito sumagot. "Alam na ni Papa ang totoo, actually, alam na ng lahat, alam na nilang fake lang ang relationship natin"

Nalungkot bigla si Reyann dahil sa nalaman. Ibig sabihin ay hindi na nya makakasama pa ang binata. Napangiti siya ng mapait. "Pano ba yan, ang dami ko pang utang sayo" Biro ni Reyann, pilit pinapasigla ang sarili.

Bahagyang napangiti si Francis. "No worries! Pwede namang installment ang bayad" Biro din nito. "O kaya date nalang ang bayad" Dagdag ng binata, kumindat pa ito.

"Sira ka talaga!" Pabirong sinuntok ni Reyann  sa balikat ang binata. "Pwera biro, pano ka nyan? Siguradong galit na galit ang Papa mo"

"Don't worry, I can handle this" Pinilit ngumiti ni Francis kahit na nai-stress na sya.

"Paano nga pala nila nalaman?" Tanong ni Reyann.

"Hindi ko rin alam" Kibit balikat na sagot ng binata.

"Paano ka nyan? Yung career mo, malaking kasiraan 'to sa'yo" Nag-aalalang tanong ni Reyann.

"I will be fine, kaya kong mabuhay ng walang showbiz, ikaw ang inaalala ko, baka i-bash ka ng mga netizens, mas mabuti kung wag ka munang mag online sa fb account mo." Ani Francis, kasabay nito ay may naalala ang binata. "Speaking of fb, hindi pa nga pala kita friend sa fb" Natatawang sambit nito. Nakakatawang isipin na alam ng lahat noon na in a relationship sila pero hindi sila friend sa fb.

Natawa din ang dalaga. "Edi i-add mo'ko" Wika nito.

"Tsaka wag mo 'kong alalahanin, kaya ko naman ipagtanggol ang sarili ko, at walang mawawala sakin, sa'yo maraming pwedeng mawala" Muli na namang nakaramdam ng lungkot ang dalaga.

Napansin ni Francis ang lungkot ni Reyann, kaya naman hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi at tinignan ng derecho sa mata.

"Aayusin ko 'to, lilipas din 'to" - Ani Francis.

Nag-iwas ng tingin si Reyann, at binawi ang pisngi mula sa pagkakahawak ni Francis. "Pabayaan mo na lang ako, sarili mo ang isipin mo"

"Don't say that, hindi kita kayang pabayaan" Anang binata. "I mean, ahm...ako ang puno't dulo ng lahat kaya kargo kita, hindi kita pwedeng pabayaan"

"Wala kang obligasyon na pangalagaan ako, bayad kana sa mga naging serbisyo ko bilang fake girlfriend mo, may utang pa nga ako" Seryosong wika ni Reyann. "Kaya ano pa man ang sabihin ng ibang tao sakin, hindi mo na dapat isipin pa, sarili mo nalang ang isipin mo" - Sabi ni Reyann, hindi ito makatingin ng diretso kay Francis.

"Siguro dati wala akong pakialam sayo, pero ngayon..." Hindi maituloy ni Francis ang sasabihin.

"Pero ngayon...?"

"Pero ngayon... Ah! Ano, syempre parang tropa na rin tayo" Napapakamot sa ulong sambit ni Francis, naiinis siya sa sarili dahil naduduwag siyang aminin sa kaharap ang lahat ng nararamdaman niya.

"Sabagay" Nagkibit balikat si Reyann.

*****

Alas cuatro ng hapon ay dumating ang mga kapatid ni Reyann, sinamantala narin ni Francis ang pagkakataon, magpapaalam muna siya kay Reyann upang ayusin ang issue tungkol sa kanya.

"Reyann, balik muna ako ng Manila, to fix everything. Tatawagan na lang kita lagi, para makibalita" Pagpapaalam ni Francis.

"No problem, salamat din sa pagtulong mo sakin dito, ingat ka sa biyahe" Sagot ng dalaga.

Nagpaalam narin si Francis sa mga kapatid ni Reyann, inihatid ng dalaga si Francis hanggang sa parking lot.

"I'll go ahead, take care" Paalam ulit ng binata.

"Ingat ka" - Nakangiting paalam ni Reyann.

Bago sumakay si Francis sa kanyang kotse ay mabilis na dinampian niya ng halik sa pisngi si Reyann.

Natulala naman si Reyann sa ginawa ni Francis. "Naisahan ako ng loko!" Wika ni Reyann, sa halip na magalit, ay napangiti na lang ang dalaga.

Bumusina si Francis bago umalis, kinawayan naman ito ni Reyann.

*****

Isang malakas na suntok ang dumapo sa mukha ni Francis pagpasok niya sa sala ng bahay ng mga magulang.

"How did you do this to us?!" Sigaw ni Mr. Henson.

"Mahal, calm down!" - Awat ni Mrs. Francia sa asawa.

"Bakit mo nagawang magsinungaling? Para sa mamanahin mo?!" Galit na sigaw ng ama ni Francis.

"Pa, let me explain" Mahinahong sabi ni Francis.

"Maupo nga muna kayo" Ani Mrs. Francia, sumunod naman ang dalawa.

"Makikinig ako sa paliwanag mo, pero asahan mo na may kabayaran lahat ng ginawa mo" - May kaseryosohang sambit ni Mr. Henson.

"Remember the time na nag-usap tayo about sa pag-aasawa ko? Gusto niyong may maipakilala akong girlfriend sa inyo, agad-agad. Samantalang wala naman akong serious relationship that time, kaya naisip kong kumuha na lang ng magpapanggap, ayokong ma-offend kayo dahil galing kayo sa sakit" Paliwanag ni Francis.

"At tomboy talaga ang kinuha mong magpapanggap" Natatawa at naiiling na bigkas ni Mr. Henson.

"She's not tomboy or lesbian, she told me that she never fell inlove with a girl" Pagtatanggol ni Francis kay Reyann.

"Kahit ano pang sabihin mo, hindi na mababago niyan ang mga nangyari, niloko mo parin kami, and because of that, bibigyan kita ng parusa" Sabi naman ni Mr. Henson.

"Parusa?" - Takang tanong ni Francis.

"Yes, parusa.. Hihinto ka na sa pagmomodel, pupunta ka sa Australia, ikaw na ang mag-aasikaso ng properties and businesses natin doon" - Saad ni Mr. Henson.

"But Pa!" Reklamo ni Francis sa ama.

"No more but's! Kapag sinuway mo ulit ako, kakalimutan ko nang anak kita, iko-closed ko ang mga bank accounts na bigay ko sayo, maging mga credit cards, yang mga kakarampot na naipundar mo sa pagmomodel mo ang matitira sayo" Pagpapatuloy pa ni Mr. Henson

"That's too much!" Reklamo pa ni Francis. Wala siyang ibang choice, naiisip pa lang niyang mawawala ang mga bank accounts at credit cards niya ay kinikilabutan na sya, konti lang ang naipundar niya sa pagmomodel, hindi sapat ang kita ng gym niya upang suportahan ang lahat ng pangangailangan niya.

"My decision is final" Ani Mr. Henson at iniwanan na ang mag-ina sa sala.

"I'm sorry son, wala akong magawa para pigilan ang Papa mo, alam mo naman kapag nagdesisyon na ang Papa mo, mahirap ng baguhin" - Malungkot na saad ni Mrs. Francia sa anak.

"Don't say sorry Ma, it's all my fault, can I ask a favor?" - Malungkot na sabi ni Francis sa ina.

"Ofcourse! What is it?" - Tanong ni Mrs. Francia at hinaplos ang pisngi ng anak.

"Wag kang magalit kay Reyann, wala siyang kasalanan, it's all my fault" - Pakiusap ni Francis. "Yung relasyon lang naman namin ang hindi totoo, pero yung mga pinakita niya sa inyo ni Papa ay totoo, mabait siya Ma"

Ngumiti si Mrs. Francia sa anak. "I know iho, alam kong mabait talaga si Reyann, hindi naman ako galit sa kanya, o sayo, disappointed maybe? pero hindi ako galit"

"Thanks Ma" - Ani Francis at niyakap ang ina.

To be continue...