webnovel

The Boy Behind The Red Door (Tagalog Version)

R-18 (MATURE CONTENT) Romance/Mystery/Sci-fi Ang alam ni Lesley ay janitress ang tinanggap niyang trabaho sa Maridona Nobles Asylum, kaya laking gulat niya nang sabihing magiging tagapangalaga siya ng isa sa pinaka-agresibong pasyente sa mental hospital na iyon. They called him V-03. He was the most dangerous, violent, and deadly patient in the hospital. Akala niya ay katapusan na niya. To her surprise, V-03 was one of the sweetest people she ever met, but only to her. He was also handsome as hell. Mukhang mag-e-enjoy siyang alagaan ito. They are starting to develop a deeper relationship with each other until one day...she found out he wasn't human anymore... What more hellish secrets does this hospital hold? And what is her connection to all of this? She will do everything to find out, and save the love of her life.

BenitaBoo · Urban
Not enough ratings
39 Chs

Ward 511 (Part 1)

Halos kainin na ng lupa si Lesley sa sobrang hiyang nararamdaman habang nakayuko at kagat ang mga labing nakaupo sa sofa ng opisina ni Dr. Shane. Dito siya pinadiretso ni Mrs. Dapit matapos nitong putolin ang eksena nila ni Bangs kanina. Binigyan rin siya nito ng bagong uniporme dahil nagmantsa ang mga dugo mula sa kamay ni Bangs ng yakapin siya nito at buhatin.

Naaalala pa niya ang mukha ng lahat ng naroon na halos malaglag na ang mga panga at lumuwa ang mga mata sa nasaksihang mainit na halikan nila ng binata. Siguradong mas lalo siyang magiging sikat sa ospital na ito.

Gusto niyang sabunotan ang sarili. Bakit ginawa ni Bangs iyon? Tapos hinayaan naman niya! First kiss pa man din niya iyon! Gusto niyang magpapadyak at umiyak sa sobrang inis.

"Do you want coffee?" anang doktor na kapapasok lang ng silid.

May dala itong tasa ng kape. Mabilis lang niya itong liningon saka binalik na ulit niya ang tingin sa sahig.

"Salamat na lang."

"Okay."

Nang makaupo na ito sa harap niya ay pinatong nito ang tasa ng kape sa maliit na lamesa na gumigitna sa kanila. Pinagkrus nito ang mga hita at humalukipkip na tumingin sa kaniya. Pinalipas nito ang maraming segundo bago nagsalita.

"Kali told me what happened down there but she did not explain how. Do you mind telling me?"

Kumabog ng malakas ang dibdib niya sa kaba. Alam niyang itatanong nito iyon pero hindi pa rin niya napaghandaan kung anong paliwanag ang sasabihin dito. Maging siya ay nagugulohan sa nangyari. Mabagal siyang nag-angat ng ulo at nag-a-alangang tumingin sa mukha nito.

"S-sorry. Hindi ko alam."

Para siyang malulusaw sa hiya rito.

"I don't need your sorry. I need an explanation. Tell me how it happened. Why torridly kiss each other?"

Torridly?!

Kumunot ang noo niya. Napasobra na naman ang kwento ni Mrs. Dapit.

Torridly talaga?! My God! Ang matandang iyon talaga! OA!

Nag-init ang pisngi niya sa hiya. Lumunok siya bago sumagot.

"Hi-hindi ko rin alam paano 'yon nangyari. Basta nangyari na lang. Hin-hindi ko alam kung paano ipapaliwanag."

Dr. Shane sighed in disappointment then she took the cup of coffee from the table.

"Teenagers nowadays are so unpredictable," pabulong nitong komento habang umiiling tapos ay tumaas ang isang kilay nito. "Well, think again. Hindi pwedeng basta na lang 'yon nangyari. There's an explanation to everything. I'll give you time to gather your thoughts but I need answers today. Isipin mong mabuti dahil importante 'to sa project ko. I might have change of plans," sabi nito tapos ay humigop ng kape.

Sumimangot siya at pilit na inintindi ang nangyari. Pero kahit anong arok ang gawin niya hindi niya alam ang sagot. Why did Bangs kiss her? And why did she kiss him back? May gusto ba ito sa kaniya? No! That can't be! Imposible na magkaroon ng sila. Kaibigan lang ang tingin niya rito at isa pa, sobrang komplikado ng sitwasyon nito. Malalim siyang huminga at kumuyom ang mga kamao niya. Parang sasabog na ang utak niya sa kakaisip.

Pinagmasdan niya si Shane na eleganteng humihigop ng kape nang maalala niya ang huling beses na nag-usap sila. Dito rin iyon sa opisina nito at may iniinom din itong kape. Inalok din siya nito noon na kaniya ring tinanggihan. Nangyari iyon matapos ang insidente sa ward 511.

Napabuntong-hininga siya. Hindi niya napigilang sariwaan ang mga nangyari noong sinamahan niya si Mang Ernesto sa loob ng ward ng asawa nito.

Nang makahakbang sila ni Ernesto sa loob ng ward ni Rosana, naabutan nila ang matanda na nakaupo sa kama nito at nakatingala. Tila may pinagmamasdan itong bagay sa kisame.

"Mahal?" malambing na tawag ni Ernesto sa asawa ngunit hindi ito kumibo. "May kasama akong bisita ngayon. Napakabuting bata nito. Tinulongan niya ako kanina," pagpapatuloy ng matanda na tila walang pakialam kung nakikinig ito o hindi.

Umupo si Ernesto sa tabi nito at hinaplos ang mahaba nitong puting buhok at malambot ang mga matang pinakatitigan ang mukha nito.

"Hindi ba sabi mo noon gusto mong magkaanak na babae? Tapos papalakihin natin siya na maawain, matulongin sa kapwa at mabuting tao. Naaalala mo ba iyon?"

Nag-umpisa nang manubig ang mga mata ni Ernesto habang minamasdan ang walang emosyong mukha ng asawa na nakatingala pa rin sa kawalan. Maya-maya pa ay hindi na nito napigilang humagulgol at idinikit ang mukha sa pisngi ng asawa.

"D-dumating na ang oras. K-kukunin ka na nila sa akin," puno ng pait nitong sabi habang bumabaha ng luha sa mukha nito.

Hindi napigilan ni Lesley na mapaluha rin sa tagpo ng mag-asawa. Nakatayo siya sa bandang paahan ng higaan ni Rosana habang tinititigan ang dalawa. Ramdam na ramdam niya ang matinding pagmamahal ni Ernesto para rito. Parang pinipiga ang puso niya sa nakikita. Siya kaya? Kailan niya mararanasan ang ganitong klase ng pagmamahal?

"Rosana... Asawa ko.... Mahal na mahal kita!"

Patuloy sa paghagulgol si Ernesto tapos ay yinakap niya ng mahigpit ang asawa.

"Balang araw, magkakasama rin tayo..."

Panay rin ang punas ni Lesley sa mga luha niya. Nang hindi na niya makayanan ang lungkot, yumuko siya sandali para pakalmahin ang sarili. Dalawang beses siyang huminga ng malalim bago tumingin ulit sa dalawa. Nang mag-angat na siya ng ulo, nagulat siya dahil nakatingin na si Rosana sa kaniya.

Bilog na bilog ang mga itim na mata nitong nakatitig sa kaniya. Tumaas ang mga balahibo niya sa katawan nang wala siyang maaninag na pagkatao mula sa likod ng mga matang iyon. Her eyes are like of a dead person. Tila linisan na ng kaluluwa nito ang katawan.

Kinikilabotan siya sa paraan ng pagtitig nito sa kaniya kaya humakbang siya paatras at lumayo ng kaunti pero sinusundan siya nito ng tingin na lalong nagpakilabot sa kaniya.

Pinunasan niya ang ilang butil ng luha sa kaniyang pisngi tapos ay tinawag niya ang atensyon ni Ernesto.

"Mang Ernesto, y-yung asawa n'yo ho."

Tinuro niya ito. Nang makita ni Ernesto ang mukha ng asawa, namimilog ang mga mata nitong lumingon sa kaniya. Binalotan ng takot ang mukha nitong biglang namutla.

"Ineng, lumabas ka na."

Kumunot ang noo niya rito. "Bakit po? Paano po kayo?"

"Hindi na siya ang asawa ko! Lumabas ka n-"

Hindi na natuloy ni Ernesto ang sasabihin nang bigla siyang tumilapon. Napasigaw si Lesley nang bigla na lang inihagis ni Rosana si Ernesto. Sa lakas noon ay tumama ito sa pader.

"Mang Ernesto!" sigaw niya tapos ay mabilis niyang tinakbo ang matanda na umuubo ng dugo sa sahig. "Ayos lang po ba kayo?!"

Walang paglagyan ang gulat, takot at pagtataka sa isip niya. How can a weak and old woman do something that strong? How is that even possible? And why? Asawa niya ito hindi ba?

Mabilis siyang lumuhod sa harapan ni Ernesto at maingat na humawak sa balikat nito. Aalalayan sana niya itong umupo ngunit hindi kaya ng katawan nito. Hindi rin niya makontrol ang panginginig ng kamay niya nang makita ang maraming dugo na lumabas sa bibig nito.

Mariin siyang napakagat sa labi. "T-tatawag ho ako ng tulong! Huwag po kayong masyadong gumalaw!" natataranta niyang saad tapos ay liningon niya ang may kagagawan nito.

Nang tignan niya si Rosana, tila naging bato siyang natulala rito at namutla ang mukha niya. Namilog ang mga mata niya at umawang ang labi niya sa abominasyong nasasaksihan. Dahan-dahan siyang tumayo at humarap rito.

Unti-unting nalalagas ang kulubot na balat ni Rosana mula sa mukha pababa sa katawan nito. Ganoon din ang lahat ng buhok nito sa ulo at katawan na para bang naaagnas ng buhay. Nakabuka rin ng malaki ang bibig nito na tila sumisigaw pero walang ingay na lumalabas mula sa lalamunan nito.

Maya-maya pa ay biglang nangisay ang nagbabago nitong katawan hanggang sa lumuwa ang dalawang mata nitong nahulog sa sahig at gumulong sa paanan niya na sinundan niya ng tingin. She looked at the bloody eyeballs at her feet then at Rosana's face who is now far from being human.

Pinakawalan niya ang pinakamalakas na tili na mayroon siya. Wala sa sariling humakbang siya paatras at palayo rito hanggang sa napasandal siya sa pader. She felt cornered with the wall on her back. Nakaharang din ang halimaw papuntang pinto. There is nowhere to run. Lalo siyang kinubabawan ng takot.

Nawalan ng lakas ang mga tuhod niya at nanginginig na napaupo sa sahig sa sobrang takot sa matanda na ngayon ay tinubuan na ng maraming malalaking bukol sa katawan. Maya-maya pa ay inilabas nito ang napakahaba nitong dila na umabot hanggang sahig. Nangangatog man, tinipon niya ang natitirang lakas na mayroon siya at sumigaw.

"Tu-tulong! Tulongan n'yo kami!" Tumingin siya sa pinto. "Tulong! Doc!" ulit niyang sigaw pero parang walang nakakarinig sa kaniya.

Imposibleng walang nakarinig sa tili niya kanina at sa mga sigaw niya ngayon. Sigurado siyang nasa labas lang ang mga doktor at nurse ni Rosana pero bakit nagbibingi-bingihan ang mga ito?

Nang balingan niyang muli ang halimaw. Nakaharap na ito sa kaniya at akmang susugorin siya nang hawakan ni Ernesto ang isa sa mga paa nito.

"Tumakbo ka na! Umalis ka sa impyernong ito hangga't may pagkakataon ka! Kahit ano ang sabihin sa'yo ni Shane huwag kang maniniwala! Lisanin mo ang lugar na ito at huwag kang tutulad sa ak—"

Hindi na natapos ni Ernesto ang sasabihin nang biglang pumolupot ang mahaba nitong dila sa leeg ng matanda at iniangat ang buong katawan nito.

"Mang Ernesto!"

Tinipon niya ang lahat ng natitirang tapang niya. Hinubad niya ang isa sa sapatos niya at binato ito sa halimaw.

"Bitawan mo s'yang halimaw ka!" sigaw niya ngunit mas lalo pang hinigpitan ng halimaw ang pagkakapulupot ng dila nito sa leeg ng walang labang matanda hanggang sa mapugot ang ulo nito.

Tila huminto ang mundo niya nang gumulong ang pugot na ulo ni Ernesto sa paanan ng halimaw. Para siyang hindi makahinga habang nakatingin sa mukha ni Ernesto at sa dugong sumisirit sa leeg nito. Nanlalaki ang mga mata niyang hindi makapaniwala. Her mind went blank for a minute.

Hindi pa nakontento ang halimaw at inihiwalay pa nito ang buong braso sa balikat nito tapos ay inihagis nito ang putol na braso sa pader. Pinagsipa-sipa pa nito at inapak-apakan ang duguang katawan ni Ernesto habang siya ay hindi makapaniwalang pinapanood ito. Tila naglaho ang lahat ng lakas niya at lupaypay siyang napaupo sa sahig.

Marahas niyang iniling ang ulo at pumikit tapos ay humawak siya sa kaniyang ulo. Kasabay noon ay ang pagbuhos ng mga luha niya.

No... Hindi ito totoo. Masamang panaginip lang 'to! Imposible itong nakikita ko! Hindi! Hindi ito totoo! Hindi!

Malakas siyang napahagulgol na kumuha ng atensyon ng halimaw. Nang sa kaniya naman ito bumaling, lalo nitong pinahaba ang dila at akmang susugorin siya nang makarinig siya ng maraming putok ng baril. Siya namang pagtalsik ng mabaho at itim nitong dugo sa mukha at katawan niya.