webnovel

The Bond of Magic

Isang babaeng ninakawan ng karapatan mabuhay ng maayos sa mundong kanyang ginagalawan. Isang babaeng ni minsan hindi naranasan ang pagkaitan ng mundo. Hindi lahat ng malapit sayo ay habang buhay mong dapat pagkatiwalaan. Luck? It's a powerful thing. Pwede ka niyang dalhin sa lugar kung saan hindi mo inaasahang makakarating ka. Apoy laban sa tubig, hanggang saan ka ba dadalhin ng nagbabaga mong damdamin at ang mala tubig mong isip tila ikaw ay isang kalmadong bagay na hindi kayang talunin ng apoy.

Kylaleighyanes · Fantasy
Not enough ratings
48 Chs

Chapter 39

Palabas na kami ngayon ng academy, nakita ko ang mga estudyanteng nagsisi puntahan na sa kani kanilang kwarto. Mabuti ng 'wag muna silang tumambay sa labas habang ginagawa namin ang misyon.

"Alice..." lumingon ako sa humawak sa braso kong si Nadia. Napansin ko ang pagiging kabado neto, binigyan lamang niya ako ng mapait na ngiti.

"trust me," hinawakan ko siya pabalik sa kaniyang kamay para pakalmahin.

Naglalakad na kami sa gitna ng gubat at medyo tanaw ko na ang bahay ng matanda. Medyo sumasakit ang binti ko ngunit pinagsa walang bahala ko na lang ito.

"aray!" agad naming pinuntahan si Leon dahil natisod sa nabaling puno. Hindi ba niya nakita 'yon?

"tanga!" ani Nadia. Natawa na lang ako dahil sa sinabi ni Nads ganoon din sila Jacob. Mukhang hindi naman masyadong masakit ang pagkaka tapilok neto kaya dumiretso na kami sa paglalakad.

Papalapit na kami ngayon ngunit may nararamdaman akong kakaiba sa paligid. Ang mga puno ay nililipad dahil sa malakas na hangin, tinaas ko ang aking paningin. Dumidilim na ang kalangitan, at parang nagbabadya na uulan.

"ang lakas nang loob niyo," nagulat ako sa matandang babaeng sumulpot sa harapan namin galing itaas, kung kaya't medyo napa atras kami. Hinila ni Leon si Nadia upang itago sa likod neto ngunit napansin ito ng matandang babae. Sa hindi ko malamang dahilan sumilay ang ngiti sa labi neto dahil sa ginawa ni Leon.

"bakit nagdala kayo ng mahina?" wika ng matanda. Nakaramdam naman ako ng inis dahil dito, alam ko na ang gagawin netong matandang nasa harapan namin.

"nasaan ang kwintas?" ani Jacob. Bumaling naman sa kaniya ang tingin ng matanda.

"nasaan ba?" balik na tanong ng matanda habang ang ulo niya ay tumatagilid pa kaliwa't kanan na para bang isang baliw dahil ito'y nakangiti pa din sa amin.

"Rose, kamusta?" lumapit ang matandang babae kay Rose at hinawakan ulit neto ang pisngi ni Rose na magkabilaan.

"stop!" agad na hinampas din ni Rose ang kamay neto, nagulat ang matanda sa ginawa ni Rose ngunit agad din itong tumawa ng pagkalakas lakas dahilan upang ang mga ibon na nakapaligid sa puno ay lumipad palayo.

Kinuha ko ang oportunidad na 'yon para tumakbo papasok sa bahay ng matanda. Hindi pa ako nakakapasok ng may humablot na sa akin, pagka lingon ko ay isang lalaking malaking katawan na itim ang labi at damit. Ang labi niya ay punong puno ng dugo, hinatak ako ng lalaki upang bumalik sa pwesto ko kanina, tinapon ako neto at tumama ako sa matigas na dibdib ni Jacob.

"Alice, ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" narinig kong sigaw ni Rose. Alam ko, wrong move.

Ang lalaking kaninang hinila ako ay naging ibon at lumipad palayo. Katulad din niya ang matanda? Nilibot ko ang aking paningin sa paligid, dahil baka may iba pang nagmamasid sa amin.

"nasaan si mama?" ani Rose, na ngayon ay lumapit sa matanda. Hinawakan naman ni Jacob ang braso neto upang pigilan ngunit masyadong pursigido si Rose kaya nakalapit din ito.

Hindi pa rin naaalis ang ngisi sa labi ng matanda. Para bang manghang mangha siya sa mga nangyayari ngayon. Ilang minuto lang ang matandang nasa harapan namin ay parang may kakaibang lumalabas sa kaniyang katawan.

"nagkamali kayo ng pinunta dito!" may lumabas sa kamay ng matanda na hindi ko alam ang tawag. Para itong isang kidlat na mapanganib kung ikaw ay lalaban. Napapalibutan na ang paligid ng mga kulay itim na abo, katulad noong sa t'wing parang may sasaniban sila.

Pumwesto kami ni Rose sa harapan, nasa likuran si Nadia at tinanguan ko ito upang gawin ang planong napag usapan mamaya.

"Alice!" nakita ko ang mahikang papalapit sa akin, mahikang galing sa matanda. Yumuko ako at agad din napansin ni Nadia kung kaya't napayuko din siya at nilingon ko kung saan napunta ito, sa puno. Ang puno ngayon ay nabali dahil dito. Hinarap ko ang matanda at ang tawa neto ay patuloy na umaalingawngaw.

Ang mahika ko ay nilabas ko sa aking palad, naghugis pabilog ito at sinimulan ko munang paligiran ng tubig ang paligid upang mawala ang kulay itim na nakapaligid, kasunod ang hugis patusok na yelo sa aking kamay ang sunod sunod na binato ko sa matanda. Hindi pa din sapat ang aking ginawa dahil nakaiwas ito, subalit may napansin akong kakaiba sa kaniyang braso, sugat ito na walang tigil sa pagdugo. Napangiti ako at agad din nawala dahil sa itsura ng matanda ngayon.

Ang matandang nasa harapan namin ngayon ay nagiiba iba ang itsura, hindi ko inaasahan ang sumunod na nakita. Si Felicia.

"ma.." ani Rose na mahihimigan mo ang lungkot sa boses neto.

Ngunit agad din bumalik sa dati ang itsura ng matanda. May nilabas ang matanda galing sa likuran niya, maliit na ibong kulay itim dalawa ito. Lumipad patungo sa amin. Palapit pa lang ito ng maging kulay itim ang paligid. Ni isa wala kang makikita kundi ang tanging mga tunog lang. Gaya ng plano namin, sa oras na may pagkakataong gawing kulay itim ang paligid, gawin ito at ganoon nga ang ginawa ni Nadia.

Lumiwanag ang paligid pagkatapos ng limang minuto at ang ibon ay nasa lupa ngayon, walang malay at duguan. Paano nangyari 'yon?

"anong ginawa niyo?!" sigaw ng matanda at nilapitan ang mga alaga. Sa puntong 'yon nilingon ko ang nagaalab na apoy na si Rose at alam ko na kung sino ang may kakagawan.

Si Rose ay nasa likuran ngayon ng matanda habang inaalo ang alaga neto. Nakita ko ang nag aalab na si Rose ngayon at nakakuyom ang kamao.

Ang apoy na mahika ni Rose ay umaalimpuyo sa palad niya. Hindi lamang ordinaryong liyab ngunit isang apoy na maaaring magdulot sa'yo sa kapahamakan at maaaring magdulot ng agarang pagka abo.

Inikot niya ang kaniyang palad upang maghugis bilog, pinitik niya sa hangin ang palad niya para mapaligiran ng apoy ang paligid, bumwelo ito upang umabot sa dulo ng kadiliman.

Hinawakan ko si Rose ngunit agad din akong bumitaw dahil sa init na aking naramdaman. Nakakapaso, kahit anong oras pwede kang naging abo.

Upang mapakalma siya, ang mahika ko ay pinalibot ko sa aking katawan upang mahawakan siya. Sa paghawak ko sa kaniya, naramdaman din ni Rose agad 'yon kung kaya't kumalma siya. Hinawakan ko na siya upang lumayo sa matanda. Ang paligid ngayon ay napapaligiran ng tubig, apoy at mahikang kidlat ng matanda.

Kung simpleng tao ang nandito marahil siya'y isang bangkay na dahil sa halo halong amoy at pakiramdam sa balat.

Nagulat naman kami sa biglaang pagtayo ng matanda at ang buong katawan ay nabalot na ng kulay itim na usok at may konting lumalabas sa kakaiba sa kaniyang katawan, ito 'yong kanina ngunit mas lalong lumalakas.

Humarap ang matanda sa amin ng biglaan at nanlaki ang aking mata dahil sa akin naka tuon ang tingin niya

Sa hindi inaasahang pangyayari hindi ko namalayan ang papalapit na bagay sa akin, ang naramdaman ko na lang ay ang mahapdi, mabigat at makirot na pakiramdam na tumama sa aking katawan, parang dadalhin ako sa dulo ng kamatayan dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Nanlalambot na ang aking tuhod, ang tiyan ko ay parang humihilab at may gustong ilabas dahil sa sakit. Hindi ko namalayan na nasa gilid na pala ako ng gubat at ang nasa likuran ko ay bangin na. May parang sumisigaw ngunit hindi ko mapakinggan ng maayos, pinilit kong magsalita at humingi ng tulong ngunit walang boses na lumalabas sa aking bibig. Naramdaman ko ang biglaang pagbagsak ng aking katawan kasabay ang pakiramdam na may bagay na tumagos ulit sa aking likuran.

A beautiful death is what I want, death has many things in common with love.

"Tess! Tingnan mo, mukhang nagpapa cute sa'yo!" ani ni ate Felicia. Medyo nahiya naman ako dahil mukhang narinig ni Alejandro 'yong sigaw ni ate.

Palagi kasing pinipilit ni ate sa t'wing nakatambay kami dito ay nagpapa cute si Alejandro sa akin. Parang ginagawa lang 'to ni ate na dahilan pero parang siya naman ang may gusto.

Paglingon ko kay Alejandro na naglalaro ng basketball kasama ang mga kaibigan neto, nagulat naman ako sa pagkindat neto. Hindi ko alam kung sa akin o kay ate dahil nakita kong napatahimik si ate Felicia sa tabi ko.