webnovel

The Bond of Magic

Isang babaeng ninakawan ng karapatan mabuhay ng maayos sa mundong kanyang ginagalawan. Isang babaeng ni minsan hindi naranasan ang pagkaitan ng mundo. Hindi lahat ng malapit sayo ay habang buhay mong dapat pagkatiwalaan. Luck? It's a powerful thing. Pwede ka niyang dalhin sa lugar kung saan hindi mo inaasahang makakarating ka. Apoy laban sa tubig, hanggang saan ka ba dadalhin ng nagbabaga mong damdamin at ang mala tubig mong isip tila ikaw ay isang kalmadong bagay na hindi kayang talunin ng apoy.

Kylaleighyanes · Fantasy
Not enough ratings
48 Chs

Chapter 2

Pagkatapos namin kausapin ang matanda, pabalik na kami sa bahay namin at hanggang ngayon lutang pa rin ako dahil sa mga narinig ko.

Hindi pa rin pumapasok sa isip ko kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit nagkakaganito ang anak namin ni ate Felicia.

Bagsak ang balikat ko ng tawagin ako ni ate Felicia "Tess, dalian mo ano bang hinihintay mo?" bakit parang iba ang tono ng pananalita ni ate?

"ma anong problema ni tita Felicia? Bakit pagalit siya nung tinawag ka niya?" pati ang anak ko ay napansin rin pala yon.

"baka pagod lang anak, halika na." diretso kami sa sasakyan, kung kanina ay nasa tabi namin si Rose ngayon ay nasa tabi na siya ng kanyang ina.

Titig na titig ako sa mga mata ni ate Felicia dahil may kakaiba akong nararamdaman. May kakaiba sa inaakto niya na para bang may masama siyang binabalak.

Ipinagsawalang bahala ko na lamang ito, dahil panigurado parehas lang kaming lutang at hindi makapaniwala sa mga narinig.

"hindi dahil kayo ay tinadhana ng magic charm ay parehas na kayong magtatagumpay" napatingin ako sa sinabi ng matanda tila ba ay naguguluhan

"dapat may isa sa inyong magsakripisyo para mabuhay ng maayos ang anak niyo ngunit iisa lamang sa anak niyo ang maaaring mabuhay ng maayos. Ito ang kondisyon ng magic charm na ito sa kwintas na ipinagkaloob sa inyo" napantig ang tainga ko sa aking narinig. May iisa lamang ang dapat mabuhay gamit ang magic charm?

"may iisa lamang po ang dapat gumamit ng magic charm?" tanong ng aking kaibigan na si felicia.

Huminga ng malalim ang matanda at tila ba'y nahihirapan din sa magiging sitwasyon namin

"ang kwintas ng inyong anak ay dapat nasa iisang tao lang, kapag ito'y magkahiwalay maaari silang parehas mamatay." hindi ako makapaniwala sa aking narinig? Ang lahat ba ng ito ay hindi permanente? Dito na ba masusubok ang aming samahan?

"kapag nakuha naman ng isa ang kwintas at nakapasok sa magic academy, ang isa naman ay mamalasin habang buhay habang ang isa ay maayos ang buhay sa loob ng magic academy." kami ay nagkatinginan ni ate Felicia. Makikita mo sa mga mata niya na para bang mayroon siyang ibang gustong gawin dahil sa sitwasyon na to. Dapat siguro magingat na ako para sa anak ko, alam kong gagawin lahat ng isang ina para sa kanyang anak.

Ang asawa ko at asawa ni ate Felicia ay nasangkot sa malaking gulo sa magic academy, sa mundo ng mahika habang kami ay nasa mundo ng mga tao. Ang dalawa naming asawa ay may mahikang taglay upang maging ligtas ang mga tao sa loob ng academy. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, nakapasok sa loob ang isang tinatawag na "The magic stealer" mga hayop na hindi mo maintindihan, may kakayahang lumipad at makuha ang mga kapangyarihan sa loob neto. Sa pagtatanggol ng dalawa naming asawa, sila ay nawalan ng mahika at naaksidente sa pakikipaglaban para maprotektahan ang mga taong nasasakop ng academy.

Dahil sa pangyayaring ito, ang magiging anak nila ang magmamay ari ng tinatawa na "magic charm" yun ang mga anak namin ni ate Felicia.

Ang magic charm ay isang kwintas para sa magiging kapalaran sa mundo ng mahika. Dito nakasalalay ang kaligtasan ng bawat isang may mahikang taglay, kapag ito'y nawala at nakuha ng tinatawag na "magic stealer" katapusan na ng lahat, katapusan na ng mundong aming pinagmulan. Kaya hindi ko lubos maisip bakit pa sa aming mga anak ito pinagkaloob.

"The magic stealer" ang tinawag sa hayop na iyon, lumilipad na itim sa paligid kapag sumasapit ang gabi o lumalakas ang ulan. Hindi pa alam, at wala pa ang nakakapagsabi kung ano ba ang pinagmulan nito.

"ma bakit tahimik ka? Okay lang ba kayo ma?" nakarating na kami ni Alice sa bahay, pagod na pagod kami isa na rin siguro ang mga nalaman naming lahat.

Habang pauwi kami nagsuka sa byahe si Rose, at masigla naman si Alice. Hindi ko alam pero mukang may kinalaman talaga ang magic charm sa kalagayan namin ngayon.

"wala anak, maglinis ka na ng katawan mo ng makatulog na tayo." pumasok na sa banyo ang aking anak upang makapaglinis ng kanyang katawan. Salamat na lang at mabuti ang pakiramdam nya ngayon. Kamusta na kaya si Rose?

Felicia Pov

Pagkarating sa bahay hindi pa rin pumapasok sa isipan ko ang totoong nangyayari sa sitwasyon namin ngayon.

Binigyan ko ng halamang gamot si Rose dahil masakit ang tiyan at suka ng suka kanina pang byahe pauwi.

Anak, alam mong gagawin ko ang lahat para sa kapakanan mo. Gagawin ko para sa ikasasaya at sa ikabubuti mo huwag ka lang mahirapan.

Alam kong mali tong gagawin ko, magiging maramot ako kahit ngayon lang para sayo. Sana mapatawad ako ni Tess kapag nalaman niya itong gagawin ko, subalit bilang ina alam kong hinding hindi niya ako mapapatawad.

Napagpasyahan kong umalis ng alas onse ng gabi para lahat ng tao dito sa bayan ay tulog at lalong lalo na sila Tess.

Napagpasyahan kong kuhanin ang kwintas ni Alice para maipasok agad bago mag sampung taon si Rose sa academy. Kukuhanin ko rin ang kalahating naipon niya para kay Alice upang hindi rin ito makapasok sa Academy. Patawad aking kaibigan.

Papasok ako ngayon sa kwarto ni Alice, mahimbing ang tulog ni Tess kaya madali ko lang makukuha ang kwintas ni Alice. Mabilis makaramdam si Tess kaya mabuti nalang malalim ang tulog neto.

Agad na may tumulong luha sa aking mga mata habang tinitignan ang mahal kong inaakan na si Alice. Patawad Alice subalit kailangan kong gawin to para sa aking anak. Kinuha ko ang kwintas at ang kalahating naipon na pera ni Tess para kay Alice.

Lumingon ako sa mahimbing na natutulog na si Tess. Patawad mahal kong kaibigan.

Alice Pov

After 11 years....

Palagi na lang akong malas pagdating sa pagtitinda walang gustong bumili ng mga isdang nahuli ko sa ilog. Kailangan ko makapagipon para sa pambili ko ng gamot ni mama.

Noong sampung taong gulang pa lamang ako, unang lumabas ang aking mahika hindi ko alam bakit labis na nagulat si mama na parang ngayon pa lamang sya nakakita ng ganoong klase, kung tutuusin wala namang espesyal doon.

Napagpasyahan kong umuwi nalang sa bahay dahil dalawang daan lamang ang kinita ko sa pagtitinda ng isda.

"ma bumili na ko ng gamot mo, pasensya na hanggang pang mamayang gabi lang yan at mahina ang kita." inalalayan ko si mama para tumayo at makainom ng gamot niya.

"salamat Alice anak ko." hinaplos ni mama ang aking buhok, nakakamiss ang dati. Mga panahong malakas pa si mama. Wala na kong ibang hihilingin pa, basta kasama ko si mama. Lahat ng kamalasang nangyayari sakin wala  sakin yun basta kasama ko si mama sa lahat. Siya lang ang meron ako, hindi ko makakaya kung mawawala siya sa mundong ito. Ma magpapalakas ka pa, hindi pa pwedeng mawala ka dito. Hanggat hindi natin nababawi ang dapat na sa akin walang pwedeng mawala sa mundong ito.