webnovel

The Billionaire's Step Sister

Matalino, maganda. Yan ang katangiang maipagmamalaki ni Issay, kahit lumaking walang ina. Kuntento na siya sa kung anong meron siya at wala nang hahanapin pa. Ngunit isang malagim na insedente ang nagpabago ng mundo niya, nakapatay siya, na siyang dahilan para lisanin niya ang lugar na kinalakhan. Sa Maynila nakilala niya ang arogante at mapang asar na si Louie. Pero isang nakaw na halik sa una nilang pagkikita ang kumiliti sa kanyang inosenteng puso. Ngunit maipaglalaban ba ang nararamdaman kung kalauna'y nalaman niyang anak pala ito ng kanyang lumayong ina? Maipagpapatuloy kaya ang nararamdaman kung sa mata ng lahat ay isa itong mabigat na kasalanan? Susundin kaya ang tibok ng puso kung pareho ng nasasaktan?

itsmonzuki · Urban
Not enough ratings
25 Chs

Chapter VII/ Fiesta

Naalimpungatan si Elyssa nang makarinig na kaluskos sa pinto ng kuwarto. Kahit napuyat siya nitong nagdaang gabi dahil sa kakaisip kay Jevy ay mababaw pa rin ang tulog niya, kaya't sa konting ingay ay nagising kaagad siya. Pupungas-pungas ang matang bumangon siya sa higaan at inaantok na inabot ang cellphone sa bedside table upang tingnan ang oras.

Five am?

Kunot ang noong bumalik siya sa pagkakahiga at hindi binigyang pansin ang nag-iingay sa labas ng pinto.

Hindi siya nakatulog ng maayos kagabi dahil walang ibang laman ang isip niya kundi si Jevy at ang hindi nito pag-reply sa mga texts niya.

Hindi pa man nakalapat ang likod niya sa kama ay muli niyang narinig ang kaluskos. Sa pagkakataong ito ay hindi na iyon kaluskos kundi mahihinang katok.

Biglang nawala ang antok niya at nagkasalubong ang kilay na bumangon sa pagkakahiga. Bahagya siyang nakaramdam ng inis dahil inaantok pa siya at iniistorbo na kaagad ang gising niya.

Ang ayaw niya sa lahat ay ang kulang siya sa tulog. Nagiging iritable siya kapag puyat. Alam iyon ng abuela at ama niya kaya hindi siya ng mga ito iniistorbo sa pagtulog. Kaya't laking pagtataka niya kung bakit agang-aga ay binubulahaw na kaagad ang tulog niya.

Habang papalapit sa pinto ay bigla niyang naalala na araw nga pala ng fiesta ngayon. Siguro'y magpapatulong ang lola niya sa pamamalengke.

Hindi na siya nag-abalang mag-ayos ng sarili. Wala siyang pakialam kahit ang suot niya ay malaki at manipis na t-shirt. Wala siyang suot na bra at tanging panty lang ang suot niya sa pang-ibaba. Maagap siyang bumangon at dire-diretsong tinungo ang pinto at walang pakundangang binuksan.

"Bakit, La-"

Naputol ang sasabihin niya nang biglang tumambad sa kanya ang lalaking laman ng isip niya mula pa kagabi at mabilis na kumabog ang dibdib.

"Anong-"

"Issay?"

Magkapanabay na wika nila ng kaharap.

Napaawang ang labing napatitig si Elyssa sa kaharap dito at halos hindi makapagsalita habang ang dibdib ay lalong sumirko sa kaba. Napakapit nang mahigpit ang kamay niya sa doorknob upang hindi bumigay ang nanginginig na tuhod. She was shocked.

Ano'ng ginagawa niya rito? Hindi niya alam kung paano ito nakapasok. Paano kung makita ito ng kanyang ama?

Sa isiping iyon ay lalong dinaluhong ng makamundong kaba ang puso niya.

Bumuka sumara ang bibig niya pero walang namutawing isang salita mula sa kanya, kaya't si Jevy ang unang bumasag ng pagkailang sa paligid.

"I-Issay... I-I-" Jevy spoked, but he stuttered.

Hindi nito madiretso ang sasabihin dahil kahit ito ay nakatulala lang na nakatingin sa kanya. Marahil ay natulala sa kamiserablehan ng pagmumukha niya at bagong gising pa lang siya.

Napapitlag siya nang tuluyang makabawi sa pagkabigla. Kinakabahan man ay tuluyan niya itong tinanong.

"W-what are you doing here? Sino'ng nagpapasok sa'yo rito?" bakas pa rin sa boses ang gulat na tanong niya.

"I-Issay, k-kasi-" Hindi nito madiretso ang sasabihin. Napalunok ito nang malalim bago bumaba ang tingin sa katawan niya.

Nanlaki ang mata niya nang ma-realize kung ano ang suot niya dahil sinunndan niya kung saan ang mga tingin ni Jevy. Kaagad na nag-init ang pisngi niya at halos tumalon ang puso sa sobrang kaba at embarrassment.

God! He'd seen me at my worst! Nahihiyang hiyaw niya sa isip. Lord, panaginip ba 'to? Sigurado siya, kasingpula na ng kamatis ang mukha niya dahil sa hiya. Yes, kasintahan niya si Jevy. And they're in intimate relationship, but not at this point na halos ibalandra na niya ang katawan niya rito.

Mabilis niyang itinakip ang dalawang braso upang itago ang dibdib na walang ibang takip kundi ang manipis na damit. Siguradong kitang-kita nito ang nipples niya. Nag-iinit ang pisngi at 'di maitago ang pagkahiya na humarap siya rito.

"Jevy... sandali-" naputol ang sasabihin niya nang marinig ang boses ng ama mula sa kusina.

"Issay!"

Nanlaki ang mata niya at sinalakay ng kakaibang kaba ang dibdib. Kung manipis lang ang balat niya, siguradong sumabog na ang puso niya sa tindi ng pagkabog niyon. Hindi niya alam kung ano'ng gagawin upang itago si Jevy at baka makita ito nang kanyang ama.

"Si Itay!" natatarantang hiyaw niya. Dahil ang pinto ng kuwarto niya ang pinakamalapit na puwedeng pagtaguan nito ay mabilis niya itong hinatak papasok sa loob without even thinking the consequences of her actions.

Hindi maalis ang malakas na kabog ng dibdib niya ng tuluyang maisara ang pinto.

Ano ba ang kailangan ni Itay? Alam niya namang natutulog pa ako ng ganitong oras, magsisigaw na kaagad siya? Narinig ba niya ang pagbukas ko ng pinto? Natatarantang hiyaw sa isip ni Elyssa.

Ang boses ng kanyang ama ay patuloy pa rin siyang tinatawag pero hindi niya iyon pinansin dahil ang malakas ng tibok ng sariling puso ang siyang naririnig niya.

"I-Issay..." mahinang daing ni Jevy.

Lumuwa ang mata niya ng ma-realize ang posisyon nila ng binata. Kaya pala sobrang lakas ng tibok ng puso ang naririnig niya dahil hindi lang tibok ng puso niya ang malakas kundi pati na rin kay Jevy dahil sa pagkakadikit ng katawan nila.

Nakasandal ito sa likod ng pinto at mahigpit niyang kayakap. Ramdam na ramdam niya ang malakas na kabog ng dibdib nito sa suot niyang manipis na t-shirt.

"Jevy..." mahinang usal niya at tumingala rito. Kaagad na nag-init ang pakiramdam niya sa posisyon nila ng binata. nakasandal ito sa pintuan habang siya ay mahigpit na nakayakap dito at nakalapat ang dibdib niyang natatakpan ng manipis na t-shirt.

Nakaawang ang labi nito tila nahihirapang huminga.

God! His sinful lips. Why is it so inviting?" Natapik niya ang subconscious niya dahil sa naisip. When did I get this naughty?

"Issay... Please. Get off me. Baka ano pa'ng magawa ko sa'yo. You're giving me a hard on!" nahihirapang bulong ni Jevy. Bumaba ang tingin nito sa kanya at nagkasalubong ang tingin nila.

Nanlaki ang singkit niyang mata at biglang bumaba ang tingin niya sa pagkalalaki nito. It's bulging. Hard and long. Bakat na bakat sa suot nitong jeans.

Napalunok siya. Mabilis at yuko ang ulong kumawala rito. Bigla siyang nakaramdam ng pagkaasiwa. Pakiramdam niya ay biglang nag-init ang buong silid kahit mag-a-alas sais pa lang ng umaga.

Siguro ramdam din ni Jevy ang tensyon sa paligid kaya hindi ito makapagpigil. Yumuko ito at hinawakan siya sa baba at marahang iniangat ang mukha niya.

Nagkasalubong ang mata nila na parehong malamlam na nakatitig sa isa't-isa. There's a hint of raw lust in his eyes. A hunger of emotion that wants to pounce her.

Their breathing becomes ragged as they breathe the same air. Lust is building up as they look into each other's eyes. Closer. More closer. Eye to eye. Hanggang sa gahibla na lang ang pagitan ng mukha nila.

A thicker string of passion draws them closer, tying their heartbeat as one.

Halos hindi siya humihinga habang lumalapit ang labi nito sa kanya. She closed her eyes as she wait for Jevy's lips. At nang lumapat ang labi nito sa kanya ay para siyang idinuyan sa alapaap. Pero bago pa man magdalawang segundo ang labi nitong nakalapat sa labi niya ay biglang may kumatok sa pinto ng kuwarto niya kasunod ang boses ng kanyang ama.

"Issay, anak. Gising ka na ba? Nakita kitang nagbukas ng pinto kaya pinuntahan kita," marahan nitong sabi.

Para siyang binuhusan ng malamig na yelo na inanod mula sa Antarctica nang marinig ang boses ng ama. Nataranta siya kung saan itatago si Jevy. Baka bigla na lang itong pumasok sa kuwarto niya.

"Magtago ka muna, dali!" mariing bulong niya.

Biglang natauhan si Jevy nang hinatak niya ito upang magtago sa ilalim ng kama.

"What the heck is happening, Issay? Why I am hiding here?" anas nito. Magkasalubong ang makapal nitong kilay habang nakatingin sa kanya.

Pilit nitong pinagsisiksik ang sarili sa maliit na espasyo sa ilalim ng kama.

Napangiwi siya dahil nahihirapan ito sa sitwasyon nito.

"Kung ayaw mong mataga ni Itay diyan ka na muna," bulong niya. Hindi pa siya handa na ipakilala ito sa ama at higit sa lahat, sa ganoong oras. Baka kung anong isipin ng kanyang ama.

Akmang tatayo na siya upang iwan ang kasintahan nang pinigilan siya nito sa braso.

"Wait. Babalikan mo naman ako 'di ba?" nakangiwing tanong nito. Sinisiguro ang sagot niya.

"Oo naman. Bakit naman hindi?" nakakunot ang noong sagot niya.

"Issay!" narinig niyang muling tawag ng ama sa labas ng kuwarto. May pagmamadali na sa boses nito kasabay niyon ay narinig niyang pumihit ang seradura.

"Sige na, Jevy. Sandali lang ako.''

Akmang babaklasin niya ang kamay sa pagkakahawak nito nang bigla siya nitong hinila kaya napahiga siya sa sahig.

"Kiss muna," anito at inginuso ang labi.

She chuckled before pinching his nose.

"Ikaw talaga!" angal niya. Pero ginawaran din ito ng damping halik sa labi bago mabilis na bumangon na pinayagan naman nito dahil tuluyan na siyang binitawan.

"Issay!"

Sa ikatlong tawag ng ama ay pinihit na nito ang doorknob kaya't mabilis siyang napasugod sa pinto bago pa nito tuluyang mabuksan.

"'Tay!" kinakabahang bati niya.

"Anak. 'Buti naman gising ka na," bungad nito.

Pilit siyang ngumiti at umaktong bagong gising kahit kanina pa gising ang bawat himaymay ng katawan niya.

"Bakit po 'tay?" tanong niya pero hindi pa rin binubuksan ang pinto at ang ulo lang ang inilabas sa pintuan.

"Eh kasi, anak. Nandito na ang tiya Feliz mo. Hindi ba nasabi ko sayo kahapon na darating sila ngayon mag-asawa?"

Tumango siya.

"Opo, 'tay," tipid niyang sagot.

Alam na niya ang ibig sabihin nito. Pagpapahingain nito ang kanyang tiya sa kuwarto niya.

Lagot! Hindi puwede! Makikita nila si Jevy. I need an alibi!"

"Eh kasi, 'tay. Magulo pa ang kuwarto ko. Aayusin ko pa po," pagdadahilan niya saka napasulyap sa kanyang tiya na nakaupo sa salas.

Ngumiti lamang ito nang makita siya na ginatihan naman niya ng ngiti pabalik.

Kapatid ito ng kanyang ama na naninirahan sa Pampanga at nagbabakasyon sa kanila sa tuwing may fiesta upang bisitahin na rin ang kanyang abuela at ang kanyang ama.

"Doon niyo na po muna sila dalhin sa kuwarto ni lola. Saka ko na po sila tawagin kung tapos na po akong maglinis," pahayag niya.

Mas malaki ang kama niya at may aircon kaya sa kuwarto niya pinapatuloy ang kanyang tiyahin. Medyo may kaya kasi ang napangasawa nito kaya medyo maselan.

"Sige lang iha, maayos naman ang naging biyahe namin ng iyong tiyo. Sasamahan na lang muna namin si Fernando at ang inay sa pamamalengke." Nakangiting sabad ng kanyang tiya.

"Sigurado ka ba, Feliz? Masiyado pang maaga at alam kong pagod kayo sa biyahe," sagot dito ng kanyang ama.

Naku ang itay talaga! Pumayag na kayo oh!" hiyaw ng isip niya.

Nananalangin na sana'y pumayag ito para naman magkaroon siya ng pagkakataong mailabas si Jevy.

"Ano ka ba naman, Fernando. Lagi ko naman 'tong gawain. Sanay na ako," muling sagot ng kanyang tiya Feliz saka bumaling sa asawa nito. "Okay lang ba sayo, honey?" baling nito sa asawa na katabi.

Tumango ito na ikinahinga niya nang maluwag.

Walang nagawa ang kanyang ama kundi ang pumayag na isama ang mga ito sa palengke. Kaya't maya-maya pa ay umalis na ang mga ito kasama ang kanyang abuela.

Matapos ipasok ang dalang maleta ng kanyang tiyo at tiya sa kuwarto niya, na siya mismo ang gumawa, ay kaagad niyang sinilip si Jevy.

"Hey! You can come out!" wika niya. Sinilip niya ito sa ilalim ng kama.

Natigilan siya at nakaramdam ng awa ng makita ang posisyon nito.

Nakabaluktot ito habang nakapikit ang mga mata at tila nakatulog.

Marahil masiyadong napagod sa biyahe!

Marahan siyang bumuga ng hangin at marahang niyugyog ang balikat nito upang gisingin.

"Hey," pukaw niya saka inilapit ang mukha dito.

Napangiti siya ng matitigan ng husto ang mukha ng kasintahan. Kahit halata sa nakapikit nitong mata ang pagod ay guwapong-guwapo pa rin ito. Hindi nabawasan ng dark circles sa mata nito ang taglay nitong kakisigan.

Nang hindi ito sumagot ay marahan niyang hinaplos ang mukha nito.

"Why so handsome? Sinalo mo ba lahat ng kaguwapuhan no'ng nagpaulan ng biyaya ng kagandahang lalaki ang Diyos?" biro niya habang patuloy na hinahaplos ang pisngi nito.

"No, baby. It's in my genes. Pero nararamdaman kong hindi na 'yon mapaparami dahil naiipit ang kagandahang lalaki ko dito sa ilalim ng kama mo!" Bigla itong nagsalita saka nagmulat ng mata at hinawakan ang palad niya na humahaplos sa pisngi nito.

Napangiwi siya.

"Hey! I'm sorry about that!" aniya."Common, get up there! Baka makagat ka pa ng ipis diyan!" dagdag na biro niya.

Mabilis itong lumabas sa pinagtataguan sa ilalim ng kama. Natawa siya ng mag-stretching ito sa harap niya habang dumadaing na masakit ang katawan.

"Kung bakit kasi agang-aga ay nandito ka na kaagad!" sermon niya saka pinunasan ng likod ng palad ang mukha nitong may namumuong pawis.

Hindi ito umimik kaya nagpatuloy siya sa ginagawa.

"You should go home, kung pagod ka. Bakit ba dito ka dumiretso?" naawang tanong niya sa kasintahan.

Lumalim ang paghinga nito at ramdam niya ang pag-init ng katawan nito dahil nakalapat pa rin ang palad niya sa mukha nito.

Bilang sagot ay hinuli nito ang kamay niya at ikinulong sa matigas nitong palad.

"Issay..." he's breathing hitch.

Tumingala siya sa binata at sinalubong ang matiim nitong titig.

"Why..."

"Oh, God dammit!" Mabilis nitong sinakop ang mga labi niya.

Nanlaki ang mata niya sa mabilis na kilos nito. Hindi siya agad nakahuma. Ang puso niya ay muling dumagundong sa kaba. Ngayon lang niya napansin ang posisyon nila ng binata.

Kaya pala nahihirapan itong huminga dahil dikit na dikit ang katawan niya sa katawan nito at ang higit sa lahat ay wala siyang suot na bra. Kaya halos ramdam na nito ang balat niya.

Namula at nag-init ang pisngi niya pero patuloy ang mapusok na paghalik sa kanya ni Jevy.

Pilit na ginagalugad ng dila nito ang bibig niya. Ramdam niya ang pagnanasa sa bawat galaw ng labi nito.

Hindi niya mapigilang umungol dahil sa sarap at lambot ng labi nitong nilalaro ang labi niya.

"Uhm..." aniya at bahagyang ibinuka ang labi na agad namang sinamantala ng binata.

Mabilis nitong ipinasok ang dila at ginalugad ang kanyang bibig. Napakapit siya sa batok nito at tinugon ang mapusok nitong halik. Nag-espadahan sila ng dila at nagkakagatan ng labi.

Issay felt her body is burning with heat, and she couldn't stop. She wants this. She wants what Jevy is doing to her.

She likes his fiery kisses. It's hot and inviting.

Lalo niyang hinigpitan ang pangunyapit sa leeg nito at lalo itong hinapit palapit sa kanya habang magkahulagpong pa rin ang kanilang labi.

Jevy's hand travel from her waist to her torso. Lalo siyang nakaramdam ng pag-iinit ng katawan.

"Ohhh... Jevy..." ungol niya.

Kung anuman ang kahihinatnan ng ginagawa nila ngayon ay wala na siyang pakialam. She is ready to give in.

"Issay... Damn, baby! You're so hot!"

Bumiyahe ang kamay nito mula sa baywang niya paakyat sa dibdib niya pero bago pa man makarating sa patutunguhan ay inistorbo sila ng malalakas na katok mula sa mayor na pintuan. Kasunod niyon ay ang pagpihit ng seradura at ang mga yabag papunta sa kuwarto niya.

Mabilis silang kumalas sa isa't-isa. Namumula ang mukhang tumingin siya sa kasintahan. Para siyang napapaso sa init na nararamdaman.

"Titingnan ko lang kung sino," hinihingal na wika niya. Hindi siya makatingin dito ng tuwid.

Tumango ito at matiim na tumitig sa kanya bago siya pinakawalan. Halata sa mukha nito ang pagpipigil sa init ng katawan.

"Go. Before I take you right now!" Nakangising wika nito na lalong ikinamula ng pisngi niya.

Mabilis itong tinalikuran ni Issay upang itago ang pagkahiya. Tinungo niya ang pinto kung saan ay may nagmamadaling kumatok. Kinakabahan siya sa kung sino man ang nasa labas.

Daglian niyang inayos ang sarili at bahagyang ibinuka ang pinto upang silipin kung sino ang nasa labas. Magkahalong gulat at takot ang naramdaman niya nang mabungaran si Julie.

"Hey!" bati niya. Kinabahan siya bigla baka makita nito si Jevy.

"Is Jevy here? Rex is looking for him. He needs something from him and it's important." Walang paligoy-ligoy na tanong nito saka pilit na isiniksik ang ulo sa maliit na awang ng pintuan upang alamin kung nasa loob ang hinahanap.

"Tell him, I'm coming!" sagot ni Jevy na nasa likuran na niya. "Julie let me in here. Sa kanya ako nagtanong kung nasaan ka," paliwanag ni Jevy na sa kanya na sumulyap.

Nakahinga siya nang maluwag dahil si Julie naman pala ang nagpapasok sa binata. Siguradong hindi ito magsusumbong sa tatay niya.

"No, Jevy. He needs you right now. You can just talk to Issay later, right?" bumaling ito sa kanya at matipid na ngumiti. "We need to go bago pa bumalik ang father ni Issay," maarteng wika nito.

Niluwangan ni Issay ang siwang ng pinto upang makadaan si Julie pero imbes na pumasok ito ay si Jevy ang lumabas.

Biglang nanlumo ang pakiramdam niya. Why I am disappointed? Am I expecting na may mangyari talaga sa amin kaya mabigat ang loob ko na aalis siya?

Ipinilig niya ang ulo sa naisip.

"I'm sorry, Issay, pero kailangan ko munang umalis. I'll be back to you later, okay?" paalam ni Jevy at hinawakan ang kamay niya saka masuyong hinalikan.

"O-okay," alanganing tango niya. Bumigat ang pakiramdam niya kasi para bang ito na ang huli nilang pagkikita ni Jevy.

"Bye, Issay," paalam ni Julie. "See you tonight?" dugtong nito nang nasa labas na ito ng pintuan at sumilip sa kanya.

Tango lang ang isinagot niya saka hungkag ang pakiramdam na sinundan ng tingin ang papalabas na bulto ng dalawa.

***

Kinagabihan ay nanabik niyang hinintay ang text ni Jevy. Tatagpuin niya ito ng gabing iyon. Alas-siyete ang oras ng tagpuan nila. Labinlimang minuto na lang at mag-aalas-siyete na nang gabi ngunit wala pa itong mensahe. Hindi niya maiwasang mag-alala.

Did something happen?

Kahit medyo pagod dahil sa pag-aasikaso sa bisita nila maghapon ay hindi niya iyon ramdam. Ang excitement na muli niyang makikita ang kasintahan ang nagtanggal ng lahat ng pagod niya.

Habang nakatitig sa harap ng salamin ay hindi niya mapigilan ang mapangiti. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin ni Jevy pero ngayon pa lang ay parang nirarambol na ng daga ang dibdib niya.

Muli niyang sinipat ang cellphone kung may bagong mensahe. Ngunit tulad kanina ay wala pa rin ni isa galing kay Jevy. Kahit si Julie ay hindi nagte-text kung sasabay ito sa kanya o hindi.

"What happened, Jevy? Pupuntahan mo ba ako o hindi? Huwag mo naman akong paasahin oh!" nagtatampong bulong niya.

Upang libangin ang sarili ay muli niyang sinipat ang ayos sa harap ng salamin.

Nakasuot siya ng itim na spaghetti strap dress na abot hanggang kalahati ng hita niya. She looks sexy and enticing.

Matamis siyang ngumiti. Minsanan lang kung magsuot siya ng ganitong klaseng damit pero gusto niyang magpa-impress kay Jevy.

Isang ikot pa ang ginawa niya sa harap ng salamin bago narinig ang pagtunog ng notification sa cellphone niya tanda na may bagong mensahe.

Nangingiti at excited niyang kinuha ang cellphone at kaagad na binasa ang text.

Hi, Issay. Can you meet me in our favorite hangout? In the seaside cave."

Malawak ang ngiting binasa niya ang text ni Jevy. Niyakap pa niya ang cellphone sa sobrang kilig dahil sa emoticons na ginamit nito. She sighed. Jevy's simple gesture sometimes makes her crazy.

"Hmm, may surprise yata ang boyfriend ko?" bulong niya saka napahagikhik ng bahagya. "Okay, let's go and meet him."

Isang huling sulyap sa full length mirror ang ginawa niya bago tuluyang lumabas ng kuwarto. Naabutan niya sa sala ang kanyang abuela at ang kanyang tiyahin. Ang kanyang ama ay nauna ng umalis kasama ang tiyo niya upang manood ng palabas sa plaza.

"La, Tiya Feliz, aalis na po ako," paalam niya sa mga ito. Nagmano siya sa mga ito nang makalapit.

"Sige, apo. Mag-iingat ka. Huwag masiyadong magpagabi," sagot ng kanyang abuela.

Napanguso siya. Her grandmother still treats her like a baby.

"La, naman! I'm twenty-two years old na po," nakangusong sagot niya.

"Oo nga naman, Inay. Hayaan niyo na pong mag-enjoy si Issay. Minsan lang naman eh," sabad ng kanyang tiya Feliz. "Wala ka bang kasamang pumunta ng plaza?" bumaling ito sa kanya at nagtanong.

Marahan siyang umiling.

"Wala po. Nauna na po kasi 'yong kaibigan ko 'ron. Doon na lang daw po kami magtatagpo," magalang na sagot niya.

"Oh siya, sige na. Mag-iingat ka," habilin nito.

Tumango siya bago humalik sa pisngi ng mga ito at tuluyang lumabas ng bahay. Excited siyang katagpuin ang kasintahan kahit may kakaibang kaba sa dibdib niya na hindi niya mawari.

Hindi kalayuan sa lugar nila ang tagpuan nila ng binata kaya't nagpasya siyang maglakad.

Maliwanag ang kalye dahil sa nag-iilawang streetlights ngunit mangilan-ngilan lang ang tao sa kalye dahil karamihan ay nanonood ng palabas sa plaza.

Makalipas ang halos sampung minuto ay narating niya ang tagpuan nila ng kasintahan. Lalong tumindi ang kabog ng dibdib niya nang matanaw ang bulto na nakaupo sa batuhan. Napangiti siya saka inihanda ang sarili.

Mula sa kalsada ay binaybay niya ang medyo mabatong daan papunta sa dalampasigan kung saan ang kuweba na tagpuan nila ni Jevy. Pasalamat siya at nakasuot siya ng sneakers, kung hindi kanina pa siya natapilok.

Maliwanag ang sikat ng buwan, at iyon ang tanging gabay niya upang hindi siya mapatid ng mga nakausling bato.

Mahigpit ang hawak niya sa clutch bag na naglalaman ng wallet niya at cellphone dahil sa hindi maampat na kabog ng dibdib na hindi niya maintindihan kung bakit.

Inihanda niya ang isang malapad na ngiti nang tuluyan siyang makalapit sa bulto ng katawan na nakaupo sa buhanginan.

"Hey, Jevy!" tawag niya sa kasintahan ng halos isang metro na lang ang layo niya sa kinauupuan nito.

Medyo may kadiliman sa kinaroroonan nito kaya hindi niya halos maaninag ang mukha ng binata pero sigurado siyang ito ang kasintahan dahil sa bulto ng katawan nito.

Nanatili ang ngiti niya ng unti-unti itong umikot paharap sa kanya.

"Hey there, Sweetie pie!"

Nanlaki ang mga mata niya at kaagad na kinabahan nang hindi si Jevy ang humarap sa kanya.

"Who are you?"

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

itsmonzukicreators' thoughts