"Are you listening?" untag ng binata sa kaniya.
Noon lamang bumalik nag naturang isipan niya sa pangyayaring kaharap pala niya ang binata. Nagsasalita na pala ito na hindi man lang niya namalayan habang pinagmamasdan niya ang kabuuan nito. Ano ka ba, Zairah?! Pinagalitan niya ang sarili habang nakatitig pa rin dito. Hindi na maipinta ang mukha nito at mukhang iritable na sa kaniya.
"Alam mo ba ang ipinunta mo rito?" muling tanong ng binata.
"Ho? Uhm, ang sabi ni Raven ay mag-aalaga raw ako ng dragon este⸻" Natigilan siya sa kaniyang sinabi ngunit bumawi rin. "M-May aalagaan daw ako pero hindi ko alam kung sino dahil hindi niya sinasabi sa akin." Lihim siyang napakagat-labi. Syete!
"Dragon?" Mas lalong nangunot ang noo ito. "Anong akala mo sa pamamahay ko? Jurrasic era? Anyway, here's our contract." Ini-abot nito sa kaniya ang kontrata.
Kinuha naman niya iyon saka niya inumpisahang basahin. Habang binabasa naman niya ito, ipinaliwanag sa kaniya ng binata isa-isa ang nakasulat doon.
"May option kang magtrabaho sa akin. It's either morning or night. Fifty-thousand pesos monthly and it will be increase if you will give me your best⸻"
"Performance?" Muli siyang napatitig sa binata. Nagtataka rin siya sa ibig sabihin ng kontratang kaniyang binabasa. "Malinaw sa kontratang hindi lang pag-aalaga ang gagawin ko. Hindi sinabi sa akin ni Raven na kailangan mo pala ng intimate service. Sir, to tell you honestly, I need this kind of job. Saan ba ako kikita ng ganito kalaking pera kung pag-aalaga lang ang gagawin ko. Even in my current job, kalahati lang ang kaya kong sahurin sa loob ng isang buwan. But, why is it that you won't a find a woman to be at your side, love you and taking care of you. It sounds unethical for me kasi at nakakaba ng pagkakababae. Sorry, Sir. I am telling you this as insights as a woman." Hindi niya napigilang sabihin ang nasa isipan niya tungkol sa gustong mangyari ng binata.
Malalim ang tinging ipinukol nito sa kaniya. "What's your name?"
"Zairah. Zairah Iligan, Sir."
"I like the way you thought about unethical insights. Pero hindi mo maaaring diktahan ang nais kong gawin. You're hired but if it's your will not to accept my job offer, the door is wide open for you to go instead. Nakasaad naman sa panghuling naisulat sa kontrata, it is my discretion anyway kung gagawin natin o hindi."
Naramdaman ni Zairah ang pagiging seryoso ng binata sa mga sinabi nito tungkol sa kontrata at ramdam din niyang hindi naman tunog bastos ang nais nito. Naisip niya ang kalagayan nito at baka nga kailangan nitong subukan. Ngunit hindi niya maatim na makipagsiping sa lalaki kapalit ng malaking halaga. Oo at kailangan ko ng pera ngunit hindi sa ganitong paraan.
"My time is gold, Miss Iligan. If you are undecide⸻"
Tumayo siya. "I'm sorry, Sir." Sabay iniabot niya ang kontrata sa binata. "Hindi ko ho kaya. Wala akong karanasan sa hinihingi niyo." Pagkaabot niya sa binata ay tinalikuran na niya ito. Hindi na niya hinintay ang itutugon nito sa kaniya. Dire-diretso na siyang lumabas hanggang pababa.
Sinalubong agad siya ni Raven. "Hey. What happened? Nagkasundo na ba kayo?"
"Sir, hindi ko tinanggap ang offer. Hindi lang pala pag-aalaga ng dragon ang nais ng boss mo. He needs extra pleasure. Hindi ko kayang ibigay sa kaniya iyon dahil ang pakay ko lang ay magtrabaho ng marangal. Bakit hindi na lang siya maghanap ng magiging nobya niya?"
Bahagyang natawa si Raven. "Hindi ko rin maintindihan ang takbo ng utak ng boss ko. He doesn't have girlfriend right now and he doesn't want any commitment. Didiretsuhin na kita, Zairah. Mula nang ma-aksidente si Zack, iniwan na siya nang tuluyan ng nobya niya. Isa na rin iyon sa mga naging frustration niya sa buhay bukod sa hindi na siya makalakad. Namatay din ang ina niya two years ago kaya mas lalong aburido ang utak niya. Sumpungin, masungit, aloof sa iba at laging nagbabasag ng mga gamit. Kung sakaling tanggapin mo ang offer niya, pang-anim ka na sana. Ayaw na rin niyang maghanap ng magiging nobya niya dahil iniisip niyang kayamanan lang niya magiging habol nito kaysa sarili niyang may kapansanan na."
"Ganoon ba." May habag siyang naramdaman para sa binata. "Zack pala ang pangalan niya."
"Hindi pa niya sinabi ang pangalan sa'yo?"
"Hindi pa. Hindi ko na naitanong dahil naka-focus ako sa kontrata."
"I also read the contract, nakasaad naman roon na discretion na niya kung gagawin niyo o hindi. But, it is up to you. So? Ihahatid na ba kita?"
"Uhm, hindi talaga ako makapag-isip. But, I need the job. Lalo na ngayon na nakasanla ang lupain ng mga magulang ko sa isang mayamang angkan sa lugar namin. Ginigipit na kami ng pinagsanlaan ng mga magulang ko at nakita kong legal lahat ang mga papeles na pinirmahan. Siguro alam mo naman ang tungkol sa legalities, Attorney." Hindi na siya nahiyang sabihin dito ang dahilan kung bakit kailangan niya ang trabahong iyon ngunit nasa estado pa rin siya ng pag-aalinlangan.
"Nasa magkano ang halagang isinanla ng mga magulang mo ang lupain niyo?" seryoso na nitong tanong.
"Three hundred thousand."
"Malaking pera nga iyan. Then you can ask demand to Zack."
"What do you mean, Attorney?"
"Simple. Makipagnegosasyon ka kay Zack. Babayaran niya ang nakasanla niyong lupa kapalit ng serbisyong hinihingi niya sa'yo. Iyon ay kung kaya mong ibigay. Kilala ko si Zack, hindi naman niya ipipilit kung ayaw mo talaga. We had been together since childhood days. Hindi na namin iniwan ang isa't isa mula pa noon at marami na siyang naitulong sa pamilya ko. I can help you as your legal adviser in terms of your problem. I can lend you money without interest."
"Raven…" Napaisip siya. Malaki na ang naitulong ni Raven sa ipinakita nitong kabutihan sa kaniya.
"Pero ang kapalit…" Nakatitig ito sa kaniya nang malalim. "Tanggapin mo ang offer ni Zack. Noong una kitang nakilala sa bus, nakitaan na kita ng potensiyal na kaya mong alagaan ang kaibigan ko. Masinop ka lalo na pagdating sa pera at pagbibilang mo ng barya na pambayad sa konduktor. Doon pa lang, masasabi ko ng isa kang mabuting babae. Maswerte ang magiging boyfriend mo."
"Ah.." Napangiti siya. Hindi niya inakalang sasabihin iyon ni Raven sa kaniya na halos tumugma na man sa karakter niya. "Wala rin pala akong pagpipilian. Maswerte rin ang magiging girlfriend mo, Raven. Masyado kang maalalahanin sa mga taong malapit sa'yo."