webnovel

Chapter 22

Μuling bumisita si Atty. Raven sa bahay nina Zack at may dala-dala itong mga pasalubong para sa lahat. Saktong naka-break siya nang dumating ito kaya nakapag-usap sila nang mayos malapit sa pool at nakaupo sa upuang may bilugan na mesa. Nasa study room naman si Zack at abala ito sa online meeting nito.

"How are you here?" tanong ni Raven sa kaniya.

"Maayos naman ako rito, Attorney. Ikaw? Dalawang araw kang hindi dumalaw," wika niya.

"May inaasikaso ako sa Lawfirm ko at mga business ni Zack na may kinalaman sa legal process." Kinuha nito ang basong may lamang orange juice. "Balita ko, naayos na ang gulo sa pamilya mo at nakuha niyo na ang lupang nakasanla."

"Kanino mo nabalitaan?"

Ngumiti ito. "Kanino pa nga ba kung hindi kay Zack."

"Si Zack?" pagtataka niya. Hindi niya akalaing ito pa ang magkukuwento sa bagay na iyon.

"Of course! I'm his legal advisor too, so I need to know."

"Ah, I see."

"Kumusta naman kayong dalawa?"

"A-Ayos naman."

"Balita ko rin, hindi na siya sinusumpong nitong mga nakaraang araw."

"Hmm… Hindi na masyado. Pero naroon pa rin ang pagiging masungit niya."

"I also have noticed this past few days, he's different than before. Mula noong ikaw ang naging assistant niya, nagbago siya sa hindi ko malamang dahilan. Dahil ba ito sa kontrata niyo na tinutulan mo noong una?"

"Huh?" Pinamulahan siya ng mukha. "Uhm…" Hindi niya alam kung paano nito nahulaan ang bagay na iyon.

Tumitig ito sa kaniya. "Huwag mo ng itago. Para ko na kayong kapatid ni Zack. Mas maigi na nga iyong maganda ang hatid ng presensiya mo sa kaniya pati na ang pag-aalaga mo sa kaniya."

Hindi siya makasagot. Ayaw naman niyang sabihin ng direkta kay Raven ang lahat kahit pa napapalapit na rin ang loob niya rito bilang pangalawang kapatid ng binata. Isa pa, lalaki rin ito at ang pangit naman sa tingin niya na pakinggan na nagsasabi siya kung may nangyari sa kanila ni Zack.

"It's okay kung hindi mo sasagutin. Silence means yes." Humarap ito ng buo sa kaniya. "What if, e-convince mo siyang magpatingin ulit sa doctor? I mean—about her condition. Alam kong may chance pa siyang makalakad ngunit si Zack lang ang may ayaw. Frustrated na kasi siya kaya ayaw na niyang magpatingin mula nang malaman niyang may probema siya sa⸻" Napatigil ito sa pagsasalita nang may tumawag sa pangalan nito.

"Raven!"

Napalingon sila sa likuran nang narinig nila ang boses ni Zack. Napakunot-noo ito habang minaniobra ang wheelchair nito patungo sa kanila.

"Speaking of my friend."

"What are you doing?" kunot noong tanong nito.

"Nothing. I was telling her about your situation," mabilis na tugon ni Raven kay Zack.

Sumulyap si Zack sa kaniya. "I need to go to my office tomorrow. Kindly prepare everything I want."

"Wow! It's a miracle! Hindi ako makapaniwalang papasok ka na," natutuwang sambit ni Raven.

"Oo. At baka may ginagawa ka ng kalokohan na hindi ko alam," seryosong wika ni Zack dito.

Natawa si Raven. "I'm a good legal adviser. Ayokong bahiran ng kasamaan ang image ko. I'll go with you tomorrow."

Tumayo na siya upang alalayan si Zack pabalik sa study room nito. "Sige, Attorney. Aakyat muna kami."

"Okay."

Nagtungo na sila sa study room nito upang tulungan sa mga dapat niyang asikasuhin tungkol sa business nito. Nagtataka rin siya dahil sa unang pagkakataon ay papasok na ito. Ayon kay Raven, maraming business ang binata at isa na roon ang real state. May mga pag-aari din itong shipping lines sa ibang bansa at maraming pang iba. Kaya nga barya lang sa binata ang tatlong daang libong pisong ibinigay nito para sa lupa nila.

"Anong pinag-usapan niyo ni Raven noong hindi pa ako dumating?"

"Hmm… Wala naman," tanggi niya.

"Is it about me?"

"Iyong the rest, oo. Why?"

"Ano naman ang sinabi niya tungkol sa akin?"

"He's happy to see you na nagbago ka na at hindi na raw katulad ng dati na…alam mo na…sumpungin." Hindi na siya nahihiyang sabihin sa rito ang lahat dahil sa wala rin naman siyang maitatago pa.

"What else?"

"Uhm... About sa pagpapagamot mo. He asked if I could convince you to talk to your medical doctor again about your situation. If⸻"

"No," mabilis na sambit ng binata saka ito nagtungo sa table.

"Sinundan niya ito. "Ayaw mo bang magpatingin ulit? Malay mo at may chance na⸻"

"As I said, it's a big no!" inis na nitong tugon.

Halatang hindi na maganda ang daloy ng usapan nila kaya hindi na siya magsasalita pa tungkol doon. "Okay," sambit na lang niya.

"Ayusin mo na lang ang mga folder sa ibabaw ng table."

Sinunod na lang niya ang binata at hindi na umimik pa. Gusto ko lang naman makatulong pero kung ayaw mo e 'di huwag! Nagmamalasakit lang naman kaming mga taong nagmamahal sa iyo! Napatigil siya. Nagmamahal? Bumuntong hininga na lang siya sa nasabi sa isipan tungkol sa salitang nagmamahal. 

KINAHAPUNAN, muling bumalik si Raven na may dala-dalang bulaklak at chocolates. Iyon ang naabutan niya sa sala nang bumaba siya at tumawag ito sa local phone sa kwarto niya.

"Attorney, ipinatawag mo raw ako. Why?" Napatingin siya sa dala-dala nitong bulaklak.

Tumayo ito. "Ah… Kasi..." Napakamot ito sa ulo.

"Kasi ano?" kunot-noong tanong niya.

"For you..."

Nagulat siya. "Ha? Para sa akin?"

"Oo."

"S-Salamat. P-Pero...bakit?" Kinuha naman niya ang ini-abot nitong bulaklak na may kasamang chocolates. "Don't tell me, na-prank ka na naman ng kaibigan mong may-ari ng flowers shop." Napangiti pa siya habang pinagmamasdan ang mga kulay pulang rosas na bulaklak.

"Siguro."

Muli siyang sumulyap dito at sa pagkakataong iyon ay seryoso ang binatang nakatitig sa kaniya wari ay may nais sabihin. Ayaw man niyang isipin na nanliligaw ito sa kaniya pero wala naman siyang makitang rason kung bakit siya nito bibigyan. Kaya lang ay kailangan niyang maghintay ng sasabihin ng binata kung ano nga ba ang tunay nitong pakay.

"Si Zack?"

"Nasa taas at may ginagawa lang. Baba na rin iyon para kakain."

"Okay. Hindi na rin ako magtatagal, Zairah. I have to go. Dinaan ko lang naman ang mga bulaklak para sa iyo."

Akma na sana itong tatalikod ngunit pinigilan niya. "Raven, sandali."

Tumigil din ang binata saka muling napatitig sa kaniya.

"Sabihin mo na kung anong ibig sabihin nito. Hindi ako...mapakali, eh." Lihim siyang napakagat-labi dahil sa paglakas-loob na naman niyang magtanong dito.

"Mahina pa ang mga tuhod ko sa ngayon. Next time, I will tell you. Sige."

Nasundan na lamang ng tingin ni Zairah ang binatang papaalis na. Hindi niya talaga maintindihan ang sinasabi nito ngunit may kutob na rin naman siya. Naisip din niya si Zack ngunit wala naman silang relasyon at tanging kontrata lamang ang namamagitan sa kanila. Nothing else with that.