webnovel

The Billionaire's Lover (tagalog)

Jasmine Antoñio living her simple life until she met a billionaire man who she didn't expect to fall in love with but little did she know that the billionaire has a lot of secrets untold that will lead her to danger. Would she still accept the man and open her heart for him? would she take a risk because she love him more than anything? or leave him because she wants a happy and simple life?

Vjm04 · Urban
Not enough ratings
5 Chs

Nice meeting you!

Jasmine Antoñio

Hoy ate! gising na!" napamulat ako sa lakas ng pagkurot saakin at sa ingay netong kapatid kong si Jenna. Tinalikuran ko nalang siya saka hindi pinansin dahil sa tamad pa akong bumangon.

"Ano hindi ka gigising ah-"

tumayo sa pagkakaupo si Jenna sabay kuha ng unan na nasa kilid niya at hinampas ako ng ilang beses, umupo nalang ako habang nakapikit pa ang dalawang mga mata.

"Eto na nga eh." sagot ko naman at napakamot ng ulo.

"Baba ka nalang, late ka nanaman sa trabaho." yan nanaman ang late, golden word na palagi kong naririnig tuwing umaga. Dinilat ko nalang ang mga mata ko saka tumingin sa orasan. 7:30??? kinamot-kamot ko pa ang mata ko baka nanaginip lang ako pero hindi eh. sabagay sanay na ako pero parang ngayon lang ako naging rush in hour.

"Seryoso? 7:30 na?" sigaw ko dahil sa gulat, makikita na rin ang silaw ng araw. 8:00am ang oras ng pasok ko sa trabaho at 30 mins nalang ang natitira pero dahil nga masyadong matraffic sa Manila, kahit anong pagdadali ko ay malalate pa rin.

----

Masikip na lugar, maraming tao, tunog ng mga sasakyan ang tanging maririnig hindi kasama ang chismisan ng mga tao. Kinakabahang nakatayo ako sa pilahan sa isang waiting shed, naghihintay ng dadaang jeep. Sa sobrang tagal ay baka matanggal na ko neto sa trabaho.

Mas lalong sumikip ang paligid at naging malala ang traffic dahil sa sunod-sunod na datingan ng mga truck at huminto pa sa mismong harapan at pilahan kasama ang isang magarang puting sasakyan.

Nagkakapagtaka kung bakit humarang sila sa daan. Tinawagan ko nalang ang aking katrabaho upang sabihan na malalate ako dahil sobrang traffic at magpaalam nalang sa boss ko.

"Excuse lamang po. Idedemolish nanamin ang lumang mall na ito para sa panibagong business building." sabi ng isang matandang lumabas galing sa kotse sa mga taong kasama ko sa pilahan at paunti-unti naman kaming naglakad para mapadaan sila. Nagsimula ng lumabas ang mga iba pang tao upang simulan ang pagsira sa lumang building na nasa likod lang namin.

Napakamot nalang ako ng ulo at di alam ang gagawin kaya naglakad-lakad papalayo sa lugar upang makanap na at makasakay sa jeep.

Sa aking paglalakad ay napahinto ako dahil lumabas ang isang lalaki mula sa sasakyan na kasama ng isang matanda. Isang matangkad na lalaki ang lumabas mula sa kotse, He had that striking look. Classic taper-dark hair, perfectly thick eyebrows, and his muscles are more defined.

"Destroy it, as soon as possible." rinig kong bulong niya sa matanda at tumango naman ito. Kinuha niya ang suot na sunglasses at bumungad ang isang gwapong lalaking may natural brown eyes, at matangos na ilong nito. Hindi ko maitatangging gwapo talaga siya at yung kissable lips niya na pulang-pula.

"So that we can start building our new place." sabi niya habang nililibot ang paningin sa lugar. Sinuot niya ulit ang sunglasses at binuksan ang front door sabay ang pagbukas naman ng matanda sa back seat upang makasakay sa sasakyan.

"teka lang po!" habol ko nang makapasok sila sa sasakyan saka tumakbo papunta sa kanila.

Kitang-kita sa mga mata nila ang pagtataka.

"Start the engine son." ma awtoridad na sabi ng matanda at pinaandar naman ito ng binata.

"Sandale!" pumagitna ako upang pigilan ang lalaki na paandarin ang kotse. Psensya na, alam kong madami pang paraan pero eto talaga ang pumasok sa isip ko.

"What do you want? this?" nagulat ako nang biglang binuksan niya ang kanang front window at winagayway ang maraming pera na hawak niya. Baliw ata to eh.

"Anong akala mo sakin? kakatok sa inyo para manghingi ng pera? hindi ako pulubi at mas lalong di ko kailangan ang pera mo." sigaw ko. Kita niyo na, ang liit ng tingin saakin.

"Oh? ano palang kailangan mo? 2k?" sarkastik na sabat ng niya at napakamot ng ulo.

"Inuulit ko ah. Hindi ko kailngan ang pera mo. Ang gusto ko pasakayin niyo ko dahil late na ako sa trabaho." umirap ako sabay naman ang paghinga ng malalim ng lalaking ito saka pinaadar ang sasakyan niya pero pinigilan ko pa rin siya.

"please!" pagmamakaawa ko, para to sa trabaho at ang trabaho ko ay para sa pamilya ko.

"Come in, we're running out of time." sabi ng matanda at mukhang naiinis na rin. Wala nang magagawa ang lalaking ito kundi binuksan ang front door saka umupo sa tabi niya. Hays makakahinga na rin ng malalim.

"Saan workplace mo?" tanong ng matanda habang nakatingin sa labas.

"Ah sa, Wonderland hotel po, accounting staff po ako doon." nakangiting sabat ko sabay tingin sa front mirror kung saan makikita mo ang likod ng sasakyan pati na rin ang katabi ko. Hindi ko mapigilan ang sarili kong tingnan ang katabi kong lalaki sa front mirror, napakagwapa talaga kahit hindi nakasmile.

"Have you finish any degree?" nalipat ang paningin ko sa matanda na kasalukuyang nakatingin na pala saakin.

"Im in 3rd year college palang po and nagstop muna for awhile. Have to work dahil walang-wala na po talaga hehe."

"hays, we're here." biglang nagsalita ang lalaki sa tabi ko at tiningnan ang labas, totoo nga nandito na kami. Parang ang bilis ng oras, mabilis lang ata to magmaneho.

Lumabas ako saka tiningnan ang lalaki pero hindi man lang lumingon saakin o kung ano pa.

"Thank you so much sir." masayang sabi ko sa matandang nasa likod. "Im Jasmine po. Nice to meet you po." pagpapakilala ko. Sana magpakilala rin sila huhu.

"You're welcome, Im Jobert and my son Sean." sagot niya at ang pinakahihintay kong sagot ay yung pangalan netong mr.sungit este Sean. "anyways here--" abot ni Mr. Jobert ng isang calling card ata or business card. "We're the owner of heureux Perfume. If you need something else, don't hesitate to call us."

Heureux Perfume is the most famous company among perfume industry. Usually used and loved by many people around the world.

"Omg! Yang perfume niyo ang gamit ng classmate ko noon, naalala ko pa nga po 999.00 pesos ang bili niya sa isang bottle." sagot ko.

"Yes, wanna know why it cost so expensive?"

"yes sir." interested talaga akong malaman dahil gusto ko lang hehe.

"It does stay like 24 hours and it scents are unique. We sell good for male and female. Anyways, call us if you want our perfume." nakangiting sagot ng matanda.

ganyan talaga pag businessman ka, you need to do anything to attract any person and that what they did.

"dad we're running out time." sagot ni Sean. Nakalimutan kong hindi pa pala ako lumalabas ng kotse.

"hala pasensya na po sir. hehe nagka interested po kasi ako sa perfume niyo. actually marami kasi akong classmate noon na gumagamit nyan."

"Smell him. Heureux Perfume in M012." turo niya kay Sean.

"Lalabas ka o ako maglalabas sayo?" lumingon saakin si Sean saka tinanggal ang suot na sunglasses. His brown eyes.

"Son." sabi niya sa anak. "See you next time Ms. Jasmine."

"Thank you sir. hehe hope to see you again but not with your son hehe." papalabas na sabi ko at narinig ko naman ang mahinang tawa ni Mr. Jobert.

ngumisi lang si Mr. Sean saka pinaandar ang kotse. Nagwave ako dahil alam kong hindi na kami muling magkikita nila sir. Jobert.

Pumasok na ako sa trabaho at bumungad saakin si Mrs. Aria, manager ng hotel, na mukhang galit.

"Why are you late?" tanong niya at mukhang hindi masaya.

"Sorry Maam Aria, sobrang traffic po kasi kanina saamin, nagsakto pang may idedemolish na building doon na dahilan ng mas mabigat na traffic."

"I'll accept your apology but sana hindi na ito mangyayari. Sundan mo ako." sabi niya at tumango ako. "since late kana at may pumalit muna sayo as cashier, ikaw ang magiging manager, designer o kahit ano pa man sa paparating na guests natin this friday."

"Ako lang po mag-isa?" pagtatanonong ko.

"Yes, Im giving you this work for whole week kaya sayo ko ito ipagkakatiwala. the event will held at this place." iopen ni Maam Aria ang pinto at bumangad saakin ang malaking venue na nasa likod ng hotel. "Big event ng Heureux Perfume this friday so please don't fail me, us." nagulat ako sa sinabi ni Maam Aria. Heureux--?

"Hey Jasmine, still with me?"

"ahhh-- yes maam. I'll do my best." mabilis na sabi ko.

"Good, that's what I am expected for you to say." ngumiti si Maam Aria saka ako tinalikuran.

Heureux?? Magkikita kami ulit?

End of this chapter.

I'll upload next chapter very soon, please be notified.

-vjm04-

-----

please follow my social media accs:

Ig: @vjm04

fb: Vanessa Jane Malan