webnovel

WAKAS

"Daddy! Are we going to Kurt's house today?" The eight year old Hera asked excitedly to her father. Napatigil si Mateo sa kaniyang ginagawa at napatingin sa kaniyang anak. Hera was holding the hem of his shirt and was pulling it. Ngumiti siya sa magandang anak at hinaplos-haplos ang mukha nito.

"Yes, are you excited?" Mabilis na tumango ang batang si Hera. Ang mga mata ay nag niningning at halata sa mukha ang sobrang excitement na nararamdaman. Napatawa na lang nang mahina si Mateo. Mas excited pa ngayon ang mukha ni Hera kaysa sa makita ulit nito ang sariling ina na iniwanan na sila.

Kahit na kasal pa silang dalawa ng mama ni Hera, pakiramdam niya ay matagal na silang hiwalay. Kasalan din naman niya kung bakit naging ganito ang kanilang relasyon kaya hindi na lang siya nagsalita as mas tinuon na lang ang atensyon kay Hera, ang nag-iisa nilang anak. He became both Hera's mother and father. Pinunan niya ang pagkukulang ng asawa.

"I haven't seen Kurt for how many days, miss ko nang makipaglaro sa kaniya daddy…" Hera giggled. Mas lalong lumawak ang ngiti sa labi ni Mateo at niyakap ang anak. Everytime his wife is home, all Hera do the whole day is. Nasasaktan siya na makita na umiiyak ang anak. Louisiana, his wife neglected Hera.

Hindi nito matanggap ang kanilang anak at sa tuwing nasa bahay ito ay palagi nitong pinapaiyak si Hera. He couldn't do anything but to comfort his daughter. Kaya nang makita niya ulit ang masaya at malawak na ngiti ni Hera, he couldn't help but feel contented and also happy and relieved. Seeing Hera smiled again is making him happy as her father.

Sa araw na iyon ay bumiyahe na sila papunta sa bahay ng kaibigan ni Hera na si Kurt. Same lang ang edad nilang dalawa kaya madali silang nagkasundo. Isang buwan na mula noong nakilala ni Hera ang batang lalaki. Sobrang bait ni Kurt sa kaniya kaya gustong-gusto niya ito. Maliban sa nagkakasundo sila sa ibang bagay, magkaibigan ang papa niya at ang papa ni Kurt kaya napalapit na rin sila.

Narinig ni Hera noong una na sinabi ni Kurt sa kaniya na ninong nito ang kaniyang ama na si Mateo. Hindi niya alam iyon kaya nagulat talaga siya. Tatanungin na sana niya si Kurt noong huli niyang dalaw kaya lang ay tinawag na ito ng kaniyang papa. Gusto pa sana niyang makipaglaro sa lalaki kaya lang ay mukhang galit ang papa ni Kurt.

Sinundo na rin siya ng kaniyang ama kaya wala na siyang nagawa. 'Yon ang huli nilang pagkikita kaya ngayon ay excited talaga siya. Sobrang dami niyang gustong itanong sa lalaki ay sobrang daming laro ang gusto niyang laruin nila. Miss na miss na niya si Kurt dahil ito lang naman ang kaniyang kaibigan.

Sa lugar kasi nila ay wala siyang kahit ni isang kalaro. Hindi niya alam kung bakit pero iniiwasan siya ng mga bata roon. Hindi na rin niya pinansin dahil may Kurt naman siya. Hindi niya alam ang full name ni Kurt at ang alam lang niya ay nickname lang ng lalaki ang Kurt. Gusto niya itong malaman kaya itatanong niya siguro mamaya sa lalaki.

Nang makarating na sila sa mansyon nila Kurt ay kaagad na bumaba siya ng kotse at tumakbo papasok. Narinig niyang sumigaw ang kaniyang ama pero hindi niya iyon pinansin. Tumakbo lang siya papunta sa bakuran ng mansyon at doon, sa isang may puno, nakita niya si Kurt. Nakaupo ang lalaki sa ilalim no'n ay may binabasang libro.

"Kurt! I'm here!" masaya niyang sigaw. Nakuha niya ang atensyon ng lalaki dahil do'n. Napatigil si Kurt sa ginagawa nito at napatingin sa kaniyang kinaroroonan. Nanlaki ang mga bilugan nitong mga mata. May kung anong kislap ang dumaan doon. Napahagikhik na lang ang batang si Hera at tumakbo papunta kay Kurt.

"H-hera, why didn't you tell–" Bago pa man matapos ni Kurt ang salita nito ay kaagad na pinutol niya ito.

"It's a surprised," may ngiti sa labi niyang saad. Napaawang ang labi ni Kurt at napatitig na lang sa kaniya. Ang ekspresyon ng mukha nito ay para bang hindi ito makapaniwala na nakikita siya nito ngayon. Ngumiti lamang si Hera at umupo sa tabi ni Kurt. Nang makita niyang nakasandal ang maliit na likod nito sa puno, kaagad na ginaya niya iyon.

Tumingin si Hera sa mukha ni Kurt na nakatitig pa rin sa kaniya. Ang berdeng mga mata ni Kurt ay sobrang ganda sa paningin. Parang emerald iyon at sa tuwing natatamaan ng araw ay nagbabago ng kulay. Noong una niyang nakita si Kurt, akala talaga niya ay isang prinsipe ang lalaki sa isang fairytale book.

Akala niya rin niya ay fake ang mga mata nito pero nang makita niya ang papa ni Kurt, doon niya nalaman na totoo nga iyon dahil green din ang mga mata ng papa nito.

"Ano 'yang binabasa mo?" kuryuso niyang tanong at binasa rin ang mga nakasulat sa libro. Nalukot ang buo niyang mukha dahil sa mga nabasa. English words lahat iyon at kahit na nababasa niya ang iba ay hindi niya pa rin maintindihan. Sumakit bigla ang kaniyang ulo dahil doon.

"It's not for kids," malamyos ang boses na sagot ni Kurt sa kaniya at sinarado ang libro. Nilagay iyon ni Kurt sa tabi nito at tinuon ang atensyon sa kaniya. Napahilot na lang si Ann ng kaniyang sentido gamit ang maliit na kamay. Pakiramdam niya kasi ay sumakit ang ulo niya dahil doon.

"But you're a kid too!" nakanguso niyang sigaw kay Kurt. Napailing-iling na lang ang lalaki at tumayo. Pinagpagan nito ang sariling puwet pagkatapos ay nilahad ang kamay sa kaniya.

"Let's play," nakangiting aya ni Kurt sa kaniya at ngumiti nang lumapad. Pakiramdam ni Hera ay may kung anong dumagundong sa kaniyang puso dahil doon. Napalunok siya ng kaniyang laway at kaagad. At kaagad na tinanggap ang kamay ng lalaki. Hera also smiled so sweetly at Kurt that made him stiff for a moment.

" Okay! "

Hera and Kurt continued playing for who knows how many hours. Kung ano-ano lang ang kanilang nilaro at kung ano-ano lang ang kanilang pinag-uusapan at pinagbabangayan. And in those moments, Hera was the happiest. Kahit kailan ay hindi niya naranasan makaramdam nang ganitong saya sa ibang tao, kay Kurt lang talaga.

Maging sa kaniyang sariling ama at ina ay hindi rin. Yes, she still felt happy whenever she's with her father or seeing her mother again after time but then, pakiramdam ni Hera ay may palaging kulang. Pero kapag kay Kurt ay sobra sobra pa. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa may nararamdaman siyang kakaiba kay Kurt o ano.

Sa kalagitnaan ng kanilang paglalaro ay napatigil na lang silang dalawa ni Kurt nang may narinig na pagkabasag sa loob ng mansyon. Nagkatinginan silang dalawa at kahit na nag-eenjoy pa sila ay wala silang nagawa kung hindi ang tumigil.

"What was that?" nakakunot noong tanong ni Hera kay Kurt na titig na titig sa mansyon. May kung anong emosyon sa mga mata nito na hindi niya maipangalanan. Napalunok na lang si Hera nang paulit-ulit habang nakatitig sa blangkong mukha ni Kurt. Nanginginig ang buong katawan nito at namumutla rin. Hindi niya mapigilang mag-alala kaya hinawakan niya ang braso ng lalaki.

"Okay ka lang ba, Kurt?" she asked worriedly and held his hand. Napaigtad si Kurt dahil sa kaniyang ginawa at napatingin sa kaniya. Pilit na ngumiti ito sa kaniya at pinahid ang pawis na tumulo sa noo nito.

"A-ah yes, I'm okay."

Kahit na iyon ang sinabi ni Kurt sa kaniya ay hindi niya pa rin mapigilan ang mag-alala. Halata kasi sa mukha nito na nagsisinungaling lang ito ay halatang may kung anong iniisip. Imbes na pilitin si Kurt ay hinayaan na lang iyon ni Hera.

"Tara sa loob? Baka may nangyari," aya niya kay Kurt ay naunang naglakad papasok. Hindi kaagad sumunod si Kurt sa kaniya kaya napatigil ulit siya sa paglalakad.

"What's wrong?" Umiling-iling lang ang namumutlang si Kurt at sinundan siya.

"Nothing."

Naglakad na sila ni Kurt papasok sa loob at nagpunta sa sala. Nang makarating na sila roon ay kaagad na sumalubong sa kanila ang nagkalat na mga gamit. Nanlaki ang mga mata ni Hera at tatawagin na sana si Kurt nang makita niya ang kaniyang ama na papalapit sa kanila. Sobrang seryoso ng mukha nito na hindi niya mapigilan kabahan.

"U-uncle..."

"Dad..."

Sabay nilang untag ni Kurt. Hindi nagsalita ang ama ni Hera at basta na lang siyang kinarga.

"Let's go home," he said coldly that makes her confused. Ayaw niya lang umuwi. Sabi ng kaniyang ama na gabi na sila uuwi pero hapon pa lang.

"But–" Hera wasn't able to finish her words when Kurt suddenly butted in.

"U-uncle..." ang nanginginig na boses ni Kurt ay may halong takot at kakaibang emosyon. Mas lalong lumamig ang mukha ni Mateo habang nakatingin sa maputlang si Kurt. Ang mga mata ng lalaki ay umaasa na para bang gusto nitong sumama sa kanila. Napabuntong hininga si Mateo at tumalikod.

"I'm sorry but I can't help you." And after that, Mateo holding Hera left Kurt alone in that mansion. And starting that day, Kurt's life became even more crueler than it already is, the same time as Hera's life also started to change.

Both of them have known each other since birth but because of their sufferings and painful circumstances, they both forgot each other and now, after many years, both of them remembered each other again.

"I can't believe you're that kid..." Hera mumbled softly while sniffing. Iyak lang siya nang iyak dahil sa nalaman at naalala. Lucas smiled softly and hug her so tight.

"I won't forget you again, and if God permits, I'll stay with you as long as you need me to."

the end.

-