Mabigat ang katawan ng siya ay magising mula sa pagkakahimatay. Lugmok ang kaniyang pakiramdam at masakit ang kaniyang ulo. Pakiramdam ni Hera ay mamatay na siya sa sobrang sakit na kaniyang nararamdaman ngayon. Hindi na lang pagkababae ang masakit sa kaniya, pati na rin ang kaniyang ulo ay masakit din. Parang minamartilyon iyon nang paulit-ulit sa sobrang sakit.
Nanunuyo ang kaniyang lalamunan at gustong uminom ng tubig. Naalimpungatan siya dahil doon. Nauuhaw siya. Tuyong-tuyo ang kaniyang lalamunan maging ang kaniyang bibig at mga labi. Minulat ni Hera ang kaniyang mabigat na mga talukap at nilibot ang paningin sa buong silid. Ang pamilyar na puting kisame at ang pamilyar na amoy ng hospital ang nagpagising bigla sa kaniyang diwa.
Mukhang na hospital na naman siya. Pangalawang beses na niya ito. Noon kasi ay hindi pa siya na h-hospital, ngayon lang at noong huli kung saan ay nawalan din siya ng malay. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Hindi niya inaasahan na lalagnatin pala siya dahil sa kaniyang kalagayan ngayon. Nawalan siya ng malay pagkatapos niyang maglinis. She shouldn't have done that, now, she's sick.
Napabuntong hininga na lang siya sa loob ng kaniyang isipan. It's too late to regret what happened now. Sa gitna ng kaniyang paglilibot ay napako ang kaniyang tingin sa natutulog na lalaki. Nakaupo ito sa isang pang-isahang sofa at nakapikit ang mga mata. He looks uncomfortable in his position. Wala sa sarili na napatitig na lang si Hera sa natutulog na si Lucas.
Ilang beses na niyang nasabi sa kaniyang isipan pero sobrang guwapo talaga ni Lucas. Ang makapal nitong kilay, matangos at mahabang ilong, manipis at mapula-pula nitong mga labi, samahan pa ng perpektong hugis ng mukha nito na parang inukit ng mismong diyos at ang mga mata nito na malamig pero misteryoso. He's definitely her type. Mula noong una niyang nakita ang lalaki ay palagi na lang itong naglalaro sa kaniyang isipan.
Halata na napukaw ng lalaki ang kaniyang atensyon una pa lang pero nahihiya siyang aminin iyon. Sa tuwing malapit ito ay palaging nag-iiba ang kaniyang katawan. Katulad na lang ng kaniyang puso na bigla-bigla na lang bibilis ang pintig sa punto na hindi na siya makahinga nang maayos. Isa lang iyon sa maraming epekto ng lalaki sa kaniya. Hindi pa siya nakakaramdam nang ganitong emosyon noon kaya hindi niya talaga alam kung ano ito.
Kahit na nalilito sa mga emosyon na kaniyang nararamdaman ngayon, masasabi niya sa kaniyang sarili na gustong-gusto niya iyon. Kahit na minsan, nagiging malalim na ang emosyon na kaniyang nararamdaman at masakit, hinahayaan niya lang iyon. The emotions she felt whenever Lucas is with her is painful but at the same time, it feels so comforting and enchanting.
The way her heart constricted so bad to the point that she thinks she can't live without him, she finds it comfortable. Kaya din siguro kahit na malamig ang ugali ng lalaki sa kaniya at pabago-bago, pilit na iniintindi niya ito. She's already used to people like that. Lucas is difficult just like her Mother. Pero kung papipiliin siya sa dalawa, she rather go with Lucas.
She doesn't know why, but ever since then, Lucas always gives this feeling that she already knows him before but just forgot about him.
Iwan niyo kung bakit nararamdaman niya iyon. Dala ba iyon ng emosyon na nararamdaman niya sa lalaki o sadyang nakilala lang talaga ng kaniyang katawan ang lalaki pero ang kaniyang isip ay hindi? Nababaliw na siya. Napasobra siguro siya sa kape na iniinom niya tuwing gabi.
Ilang minuto ang lumipas nang napagpasiyahan niya na itigil ang pagtitig sa lalaki. Sinubukan niyang bumangon paupo at napapaigik na lang sa sakit ng katawan. Nang makaupo na siya sa kama ay sinandal niya ang likod sa backrest. Tumingin siya sa maliit na lamesa sa tabi ng kama at halos mag ningning na ang kaniyang mga mata nang may nakitang isang basong tubig doon. Kaagad na kinuha niyo iyon at mabilis na ininom.
"Ha... I feel refreshed now." Pakiramdam ni Hera ay bumuti bigla ang kaniyang pakiramdam nang makainom siya ng tubig. Nakulangan pa siya pero wala naman siyang magagawa. Medyo malayo sa kaniya ang water dispenser at hindi naman siya makatayo. Titiisin na muna niya ang kaniyang uhaw hanggang sa magising si Lucas.
While staring at somewhere, waiting for Lucas to wake up, she couldn't help but wonder how long has she been sleeping. Aside sa inuuhaw siya nang malala ay nagugutom na rin siya. Walang tigil sa pagtunog ang kaniyang tiyan. Mabuti na lang at hindi iyon ganoon ka lakas pero nakakailang pa rin talaga.
Gusto na lang mapaiyak ni Hera dahil sa kaniyang sitwasyon ngayon. Hindi niya alam kung saan ibabaling ang kaniyang atensyon. Sa masakit at mahapdi ba niyang gitna, sa mabigat na ulo o sa tumutunog na tiyan. Halos lahat ata ng karamdaman ay nararamdaman niya ngayon. Naawa siya sa sarili. Gusto na niyang gisingin si Lucas pero natutulog pa ito. Kahit na mukhang uncomfortable ito sa kaniyang posisyon ngayon ay mahimbing naman ang tulog ng lalaki. Ayaw niya na maistorbo ito–
"N-no... Mom don't l-leave me..." Napahinto bigla si Hera nang marinig niya iyon. Dali-daling napatingin siya ngayon kay Lucas na may maputlang mukha. Nakapikit pa rin ang mga mata nito at pinagpapawisan na ang noo. Napalunok na lang siya habang nakatingin sa lalaki.
"I-I promise to be g-good, j-just don't leave me..." Hindi alam ni Hera kung bakit bigla na lang sumakit ang kaniyang puso habang pinagmamasdan ang lalaki na nagsasalita kahit na tulog ito. He seems to have a nightmare right now. Was his dream about his Mother? Why is he begging her not to leave? It makes her curious.
Lucas continue murmuring something until she couldn't handle it anymore. Lucas looks like he was so hurt and she couldn't bare looking at him like that. Kahit na nanaginip lang ito ay hindi pa rin niya kaya. Mariin na napapikit siya ng kaniyang mga mata at kinalma ang sarili.
It's okay, I'll just have to call his name and wake him up.
Inipon niya ang lahat ng lakas loob na meron siya sa kaniyang katawan at tinawag ang pangalan ng lalaki. Kaagad na napabalikwas ito mula sa kaniyang tuloy. Kaagad na nagtama ang kanilang paningin pagkamulat pa lang ng mga mata ng lalaki. Naiilang na ngumiti siya dito.
"S-sir Lucas... hindi po ba kayo nahihirapan matulog diyan sa upuan?" mahina niyang tanong sa kaniyang Amo. Hera bit her lower lips. She wanted to ask about his dreams right now but something is telling her to stop. Mukhang balisa ang lalaki at wala sa sarili.
Nagpakawala ito nang malalim na hininga at napasabunot sa sarili. Lucas lowered his head and didn't say anything. Nanahimik na lang din si Hera ay hindi na nagtanong pa. She felt like she needs to give silence to Lucas even just for a bit. Parang mabigat para sa lalaki ang panaginip nito ngayon lang. Did his Mother left him? It looks like it.
Wala siyang kahit na alam sa lalaki maliban sa may trauma ito dahil sinabi iyon ni Sir Bryle sa kaniya. Maliban doon ay wala na siyang alam sa lalaki. Eh hindi nga niya alam kung may kapatid ba ito o kung nasaan na ngayon ang kaniyang magulang. Wala rin naman siyang nakitang kahit ni isang picture frame ng pamilya nito sa buong mansyon.
Somehow, it kinda hurts knowing that she didn't even know a single thing about him. She just felt bad and hurt at the same time.
Parang sinasabi kasi ng kaniyang puso na kilalahanin ang lalaki pero paano niya magagawa iyon kung mismo ang lalaki ay hindi open sa pamilya nito. May mga ideya na rin siya about sa trauma ng lalaki at sa ibang bagay, pero dahil hindi pa siya sure kung tama ba mga ideya niya ay mas mabuti na manahimik muna siya.
Mga ilang minuto pa ang lumipas ay sa wakas, mukhang naka get over na ito sa kaniyang panaginip. Tumayo ito at lumapit sa kaniya. At dahil may upuan sa tabi ng kama ay kinuha iyon ng lalaki at doon umupo. Walang emosyon ang mga mata nito at mukhang pagod na pagod. He crossed both his legs and stared at her in a serious face.
"How's your feeling?" malamig ang boses na tanong nito sa kaniya. Napalunok siya nang paulit-ulit dahil sa kaba at dahil sa kaniyang puso na nagsisimula na namang magwala dahil sa presensiya ng lalaki. Napayuko siya ng kaniyang ulo at nagsimulang paglaruan ang kaniyang mga daliri.
"A-ahm, okay lang naman po..." she mumbled in a shy tone and couldn't meet his gaze. From her peripheral vision, she saw Lucas bobs his head softly. Hindi ulit ito nagsalita kaya namayani na naman sa loob ng silid ang katahimikan.
Wala sa sarili na napalunok na lang siya nang paulit-ulit. She doesn't know why but she's starting to get nervous. The silence that is invading the both of them are starting to overwhelmed her existence. Hindi niya alam pero nakakaramdam siya ng kaba dahil sa katahimikan. Kinakabahan siya na baka marinig ng lalaki kung gaano ka lakas ang pagkabog ng kaniyang puso.
Hera closes her eyes tightly and tries to calm herself.
Please lang heart, ikalma mo 'yang kebots mo. Baka malaman ni Sir Lucas na may crush tayo sa kaniya. We're so done if he finds out!
After who knows how many minutes, Lucas suddenly broke the silence that made her whole body freeze.
"After you get discharged here, I want you to leave my house." Parang tumigil sa pag galaw ang paligid ni Hera nang marinig ang mga salita na binitawan ng lalaki. Napaawang ang kaniyang labi sa gulat. She was taken aback. Hindi niya ine-expect na darating ang araw na sasabihin iyon ni Lucas.
Her heart started to ache as she stared at his cold eyes. She's trying to confirm whether he's telling the truth or not. Malamig at walang emosyon ang mga berde nitong mga mata. Walang halong pagbibiro ang mukha nito. Pilit na nilulunok niya ang bagay na bumara sa kaniyang lalamunan. Pakiramdam niya ay maiiyak na siya ilang minuto mula ngayon.
"P-po? What do y-you mean..." Mabilis na napailing-iling siya ng kaniyang ulo. Does he mean leaving means she needs to resign? She doesn't want to leave. Ang mansyon ni Lucas na lang ang nag-iisang bahay na maituturing niyang tahanan. Kung aalis siya at susundin ang gusto ng lalaki, saan siya pupunta?
"Exactly as what I said. Pack your things if you're already okay and don't leave anything behind. Your existence is bothering." Napasinghap si Hera sa sakit na naramdaman at napakurap-kurap nang nagsimulang manubig ang kaniyang mga mata.
"W-why? May n-nagawa po ba akong h-hindi niyo n-nagustuhan?" Nabasag ang kaniyang boses at hindi na napigilan ang mapaluha. She never expect hearing those words from the man she likes would be this hurting.
Nasasaktan siya. Ayaw niyang iwan ang lalaki at ang trabahong nagpapabuhay sa kaniya ngayon. In the past, she's always scared thinking that Lucas might fired her at any moment. And now, that moment finally came. She's not ready and she will never be. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lang siya nitong papalayasin. Dahil ba sa may nangyari sa kanilang dalawa at dahil sa kaniyang sitwasyon ngayon?
Is he that guilty for what he has done to me?
Hera tried to swallow back her tears but failed. Mabilis na pinahid niya sa kaniyang pisngi ang mga luhang walang humpay ang pagtulo. Sobrang sakit ng kaniyang puso na para bang hinahati iyon sa dalawa.
Lucas bit his lower lip when he saw pain and tears on Hera's clear eyes. Mabilis na nag-iwas siya ng tingin sa babae. His jaw clenched tightly.
"No, it's just that I don't want to hurt you."
"What? But you never hurt me!" Hindi na napigilan ni Hera ang kaniyang sarili at binulyaw na iyon sa lalaki. Nagulat si Lucas dahil sa kaniyang pagsigaw at napahawak sa ulo nito. He let out a heavy sigh before speaking in a voice full of pain.
"I'm sorry, my decision is final. Don't worry about money, I'll give you a million for hurting you." 'Yon lang ang sinabi ng lalaki at kaagad na iniwan siya nito mag-isa sa loob ng silid.
Napahagulgol na lang si Hera at walang nagawa. Now that Lucas throw her away, saan na siya ngayon? She doubt if her family will get her back.
Ah, why is my life full of pain?