302 Paano Mong Alam?

Ready na sana si Ashely na pindutin ang play upang makita nila Fumika at Sato ang video recording ng kambal ng isang malakas na kalabog ang narinig nila Ashley at hindi natuloy ang kanyang gagawin.

"Jesus Christ! Ano ba yan! Fumika, tingnan mo nga kung sino ang nasa pintuan at kung maka kalabog ay akala mo siya ang may ari ng building." Malakas ang boses ni Sato na nag utos.

"Naku naman, kung kelan naman... Sino kaya itong istorbong ito." Reklamo din ni Fumika habang pumapadyak habang naklalakad papalabas pintuan.

Bigla na lang nanlaki ang mata ni Sato at ni Ashley ng mapagtantuan nila ang sinabi ni Sato. 

"Oh' shit! Ang may-ari nga pala ng building ay paparating!" Sigaw ni Sato habang nataranta ito mabilis na sumunod kay Fumika.

Si Ashley naman ay biglang kinabahan dahil alam niyang si Tanaga ang kumakatok. Siguradong galit ito at pinagsarhan nila ng pintuan. Dali dali rin siyang tumayo upang lumabas at salubungin ito.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter