257 Nightmare

Samantala sa Pilipinas, kasalukuyang napatulala si Koji sa kanyang narinig. Hindi nya malaman kung maniniwala ba sya o' hindi sa sinasabi ni Ashley. Pero naisipan niya na makisakay na lang at hindi mag pahalata na nadismaya sya na may kasintahan na ito.

Magalang niyang tinangap ang kamay na iniabot ni Arthur at nakipag shakehands. " Nice to meet you! I'm Koji Hanada, you may call me Koji." Iyon lang ang sinabi. Pagkatapos ng handshake, bumalik na sya sa may tabi ni tatay Jessie at umupo. Bago, magalang na nakipagusap sa matanda.

Ilang sandali pa ay lumabas na si Ariel at sinabi sa lahat na handa na ang pagkain. Isa isang nagsipatayuan ang lahat at pumunta sa dining room. 

Nahuli si Ashley at nanay Fely na tumayo, pinabayaan muna nila ang lahat makaalis. Bago, kinurot ni nanay Fely ang anak na bunso. "Kayo ha! Hindi maganda iyang ginagaw ninyo. Bakit kailangan nyo pang magsinungaling, hindi naman naliligaw ang tao sa iyo." 

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter