224 Getting Rid Of All The Evidence!

Napatigil si Mikito at Hoshi sa may threshold ng pintuan. Hindi natuloy ang kanilang pag pasok dahil sa limousine na dumating. "Sino kaya sila?" Sabay na nagsalita ang dalawa habang nagkatinginan.

Pag bukas ng pintuan ng kotse at lumabas si President Hanada at ilan sa mga director ng THJ Group. Nabahala ang dalawa na nakatayo sa may pintuan at mabilis na lumapit upang salubungin ang matanda.

Nag bigay galang ang mga ito at sabay na yumuko. "Welcome President Hanada! Belated Merry Christmas!" Sabi ni Mikito na sinundan naman ni Hoshi habang nakayuko pa rin ang mga ito.

"Hmph!" Lang ang isinagot sa kanila sabay diretso ang lakad papasok sa building habang kasunod ang mga Directors na hindi man lang bumati sa dalawa.

Nang makapasok na sa loob ang lahat, susunod na sana si Mikito at Hoshi upang alamin kung saan ang mga ito unang pupunta. Napatigil sila ng marinig nila ang boses ne President Takashi na kababa lang galing sa isa pang sasakyan.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter