Masaya ang buong pamilya Gusman habang sila ay nag-aalmusal na kasabay si mayordomo. Si tatay Jessie at mayordomo ay nagkahulihan ng loob at masayang nagkukuwentuhan ng kanilang mga nakaraan.
Pinabayaan lang sila ni nanay Fely at ng mga anak nilang lalake. Nang sila ay matapos kumain, nag-simula na silang mag-empake at nag-handa para bumalik sa normal nilang buhay.
Hindi pa rin matapos ang kwentuhan ng dalawang matatanda. Nakarating na sila sa panahon ng mga Hapon, kung paano ang Pilipinas ay sinakop nila ng panahon ng gera. Kaya tuloy hindi nila naiwasan ang magbiruan.
"Ay naku, ang laki na talaga ang pinagbago ng mundo. Naalala ko tuloy yung kwento ng tatay ko tungkol sa mga hapon." Sabi ni tatay Jessie.
"Ano ang sinabi ng tatay mo?" curious na curious si mayordomo at nanlalaki pa ang mata sa excitement na marinig kung ano ang sinabi ng tatay ni tatay Jessie.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com