149 Chapter 149

Pagkatapos ng mag-asawa na mag-hapunan, masaya si Ashley na nagpaalam kay Tanaga kung pwede siyang tumawag sa Pilipinas.  Para bigyan siya ng privacy, 'Sige, doon muna ako sa office ko at may tatapusin pa akong work na hindi ko natapos kanina dahil sa certain someone!"  Biro ni Tanaga habang papalabas ng room nila.

Pagkaalis ni Tanaga, mabilis na tumawag sa kanyang pamilya si Ashley sa Pilipinas.  Sinadya niyang tumawag ng medyo late na para siguradong nasa bahay na ang buong pamilya niya.

Ilang ring lang ay sumagot kaagad si nanay Fely, tuwang tuwa naman si Ashley at halatado sa kanyang boses na excited.

"Hello, po!  Nay, si Ashley po ito!"  Masayang bati ni Ashley sa Ina.

"Anak!  Salamat naman at napatawag ka!  Kumusta ka na dyan?  Natangap mo ba ang mga pinadala namin kay manong Ruffy?  Ipinangako niya na makakarating ito sa iyo, gusto ko lang makatiyak?"  Excited na tanong ni nanay Fely.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter