webnovel

Kuchisake-onna

This urband legen is from Japan, laman ng mga pinaka-nakakatakot na kwento ang bansang Japan at napaka-gandang pakinggan ang mga kwentong mula sa bansang ito.

Ang Kuchisake-onna ay kwento ng isang babaeng palaging nakasuot ng surgical mask para daw hindi niya  mahawaan ng kaniyang sakit ang ibang tao. Kaya tinawag din na The Slit-Mouthed Woman si Kuchisake-onna ay dahil sa bibig nitong pinilas na halos umabot na sa kaniyang tenga. Ayon sa mga kwento ang kaniyang asawa mismo ang gumawa sa kaniya nito dahil nahuli daw siyang may kabit. Biniyayaan ng kagandahan si Kuchisake-onna pero ginamit niya ito para mang akit ng iba at lokohin ang kaniyang asawa.

Noong mismong araw na nahuli siya ng kaniyang asawa ay nilamon ito ng galit at walang pagdadalawang isip na hiniwa at pinilas nito ang bunganga ni Kuchisake-onna para wala nang magkagusto sa kaniya at hindi na muli siya magkaroon ng kabit.

Sa mga kwento ngayon kilala si Kuchisake-onna na nagpapakita sa mga taong naglalakad ng magisa tuwing gabi at kadalasan sa mga bata siya nagpapakita. Ayon sa kwento magtatanong daw ito sa mga taong dadaan kung maganda ba siya at kung ang sagot mo ay "No" papatayin ka niya gamit ang gunting na dala dala niya at kung "Yes" naman ang sagot mo ay tatanggalin niya ang kaniyang surgical mask at ipapakita niya ang kaniyang nakakakilabot na ngiti na halos umabot  na sa kaniyang tenga at muli siyang magtatanong kung maganda pa rin ba sya ay kung "No" ang sagot mo ay papatayin ka niya at kung " Yes" naman ay lalo pa niyang gagawing mas nakakatakot ang kaniyang mukha. May mga pagkakataon din na maari daw siyang guluhin ng panandalian at sakto para tumakas, sa oras na nagtanong daw siya ng maganda ba siya, ang dapat na sabihin ay "you're average " or "Meh, so-so", mapapaisip siya at maari ka pang makatakas.