webnovel

The Baklush Has Fallen

Madaldal at palabirong babae si Maundy Marice. Matalino rin ito at mas lalong nakadagdag sa ganda niya ang kulay ube nitong buhok. Pangarap niyang maging isang Certified Public Accountant (CPA), but she doesn't have enough money for the review and board exam, so she finds a job for the meantime. Fortunately, she found out that the A Company is looking for a new secretary. Hindi niya trip ang trabaho, pero nag-apply pa rin siya at ibang klaseng swerte nga naman ang taglay niya dahil siya ang napili. Isang magandang dilag-este, nagfifeeling dilag. Malaki man ang braso ay 'di nahihiyang mag-bestida. Lalaking-lalaki man ang itsura ay natatabunan pa rin ng kolorete kaya mas maganda pa siya sa dalaga. Chal Raed Alonzo Jr. Ang acting-CEO ng A Company, ang pinagsisilbihan ni Maundy. Hindi niya naisip na muli silang magtatagpo. Nagbiro pa siya na kapag nagkita silang muli ng Dalaga ay baka mapakasalanan niya na ito. Sino ba naman kasing mag-aakala na si Maundy ay hindi lamang action star kun'di kriminal din. Sa unang pagkikita pa lang nila ay nanakaw niya na ang puso ni Chal Raed. Ika nga niya, 'I'm gay, but my heart beats only for you, Lady.' Ngunit, hindi niya inamin ang katotohanan kay Maundy nang magkita sila ulit. Instead, he asked for someone's favor to do something. Ang inaakala niya kasi ay hindi siya matatanggap ni Maundy dahil sa pusong babae nito. Pero, bakit ba sa tuwing itotodo na ang kasiyahan ay may panganib na hahadlang? Magkaaroon pa kaya ng unusual relationship sina Maundy at Chal Raed kung may taong dadating bitbit ang isang masamang balita na magsasanga-sanga sa pagbubunyag ng iba pang mga katotohanan? Will fairytale still exist after the revelations happened? How about a happy ending and Gay x Girl? May posibilidad pa kayang mangyari 'yon kung mawawalan na sila ng oras para sa isa't isa?

eommamia · General
Not enough ratings
59 Chs

Chapter 44 : Awaiting

Harris's POV

I went back to my room after that incident. I'm glad that I finally meet her. By just seeing her physically, she's truly admirable. No wonder that Chal Raed Alonzo is damn in love with her.

I was back to myself when I received a phone call, it's my Mom, "Hello," I greeted her with a smirk on my lips. "Guess what my good news is," I added.

She chuckled, "spill it, Son," she said with excitement.

"I met Maundy," I answered.

"Aha, and what happened?"

"I just introduce myself, unlucky she is for she didn't receive my holy hand."

"But, it hurts your ego, Son, hahaha!"

I suddenly went out of my bed. I then go to the kitchen and open a bottle of wine, "you're damn right, Mom," I said, then I drink a glass of wine. My lips drawn a curve again when I remembered that Maundy didn't receive my damn hand! Is she that gorgeous?!

"Kidding aside, Son. So, have you met Chal Raed?"

"I'm still looking at him from afar, we remained stranger for now. I am seeking for the right time, Mom."

"Alright. But, don't you ever hurt him, Harris, just pull out that lady on his side for the rest of his life!"

'How can I, Mom, if they're always together? It seems like Chal Raed doesn't want to get parted from her. Tss.'

"Yes, Mom, I promise you, I'll do it, ASAP."

"Good! You're giving me no regret for adopting you, Harris."

Crap! I really don't want to do this. I never thought of agreeing to her plan of destroying the status of Chal Read and Maundy, but I need to. I owe her my life for saving me from the verge of giving up.

"Anyways, Mom, until when are you planning to hide?"

"For good, Son. But, if ever my presence is really needed to make our plan successful, then I'll show myself immediately."

"Alright, Mom, we'll be successful soon. But, I really need to take a rest now, Good night."

"Good night, Son. Tomorrow is another day, but your role will still remain—a good looking life destroyer! Isn't that cute? Hahaha!"

She's indeed crazy! But once again, I couldn't complain, it will never happen! She's my superior and my role will forever be her servant! Damn this life! If I could just stay away and leave her, I will do it! But she's damn wealthy, she got everything! She can look for me anywhere I am, she can know what I am doing, she got eyes everywhere! But one thing she doesn't have is genuine heart, she doesn't know what is love and she doesn't know how to love! She may see me as his son, but she never did love me nor just say 'I love you' to me for the whole 10 years that we've been together!

Yes, I do have a mother to call as Mom, but I never did feel the love and care of a Mother. I'm still longing to have that feeling, and I will always be longing for it.

I wiped away my tears and left the kitchen with pieces of broken glass on the floor. I went into my room and my pillow shed my tears until I get tired, and finally have my peaceful sleep.

Maundy's POV

Nakangiti akong nakatingin sa tatlo kong bruhang kaibigan habang maharot na nakikipaglaro sa dalawa—charot—masayang nakikipaglaro pala kay Third at Spade. Kaya lang ay nawala 'yong ngiti ko nang makita ang isang lalaking nakangiting nakatingin sa'kin. Alam ko namang maganda ako, pero nakakaloka naman yata kong makangiti si Koya sa'kin!

Sorry, Koya, hindi ko trip ang mga kano!

Inalis ko na lang 'yong paningin ko sa kanya at hinayaan siyang mapunit 'yong labi niya kakangiti riyan, hintayin ko na lang nang matiwasay si Chal Raed na kasalukuyang naliligo pa rin. Mga dalawang oras na yata siyang naliligo, dinaig pa ang mga babae! Ang baklush talagang 'to, ang sarap tirisin!

"Hey!"

Muntik na akong mapatalon nang may humawak sa balikat ko, paglingon ko si Koyang Kano! Pero, parang pamilyar siya, lalo na 'yong blue eyes niya. Sa'n ko ba 'to nakita?

"Remember me?" tanong pa niya.

"Totoy Bibo," nakangiting sagot ko naman.

"I'm not Totoy Bibo, I'm Harris," natatawang sagot niya. Slow amp, sabi niya remember me, dinugtungan ko lang ng Totoy Bibo, tama naman, 'di ba? Hay, so slow naman ang kano na 'to!

Pero, wait, Harris? Sa'n ko ba narinig 'yan?

"We've met last night, remember? I introduced you myself, but you did not receive my hand. I was a bit hurt," aniya.

Kagabi? Ay oo nga! Tumakbo ako nang magpakilala siya dahil medyo natakot ako. Pero, ba't kaya lumapit 'to ulit? Hmm, di halatang crush niya ako ha. Ihhh!!

"A-Ah, pasensya ka na ha, madilim na kasi no'n at medyo natakot ako, akala ko may engkanto," sagot ko naman.

"What engkanto is?"

Ay oo nga pala, kano siya, Maundy. Hindi ka niya naintindihan, bobits!

"Ah, Engkanto is..." hindi ko pwedeng sabihin na ang engkanto ay isang masamang elemento dahil parang ang sama ko naman, uutuin ko na nga lang 'to, "it's a superhero! That's why I run because I thought I've seen a superhero with amazing power, and we all know that they don't exist. I was scared. I'm sorry."

Lumusot ka sana, lumusot ka, lumusot ka—

"Ahh, that was so cute of you, Miss," nakangiti talagang aniya. Hay! Salamat at nauto kita!!

"Maundy na lang, huwag na Miss masyadong pormal. I mean just call me Maundy—"

"I get it. I understand the Filipino language, but I couldn't speak Filipino."

Hoooh! Nakahinga tayo ng maluwag! Hindi tayo duduguin dito at hindi pa naman tayo nakapagbaon ng sandwich para sa ating bleed nose.

"Really? Ba't ka nakakaintindi?" oy, tsismosa mode!

"My Mom is a Filipina."

"So, may lahing pinoy ka?"

"Nope. I am adopted."

"A-ah."

Kawawa naman 'to! Sa'n ba mga magulang nito at ang lakas-lakas gumawa ng anak tapos ipapa-adopt lang pala. Nakakaloka!

"Excuse me?" sabay kaming napatingin ni Harris kay Chal Raed na talagang nakataas pa ang isang kilay, "who are you?" tanong niya kay Harris.

"Oh, I'm Harris," inalahad pa niya ang kanyang kamay, pero ang mataray na Chal Raed ay 'di 'yon pinansin.

"Leave," seryosong sabi niya.

"Ah, maybe you just misunderstood everything, but I'm telling you we're just having a friendly talk—"

"I SAID LEAVE!" may diin niya talagang sigaw. Mighad, nakakatakot!!

"Chal Raed totoo 'yong—" napatahimik na lang ako nang nilingon niya ako at talagang super seryoso siya!

"Okay, I'll leave," nakangiting sabi ni Harris at bahagyang lumapit kay Chal Raed saka ito bumulong.

"GOD!" hindi ko naiwasang mapasigaw nang biglang sapakin ni Chal Raed si Harris! Mighad, what's going on? Ano ba kasing binulong ni Harris? Ang hot mo, Man? Kaya nag-init ang ulo ni Chal Raed? Kasi lalaki na siya, eh, hindi na niya bet makipagharutan sa mga lalaki. Pero, mighad! As'in mighad! Ang lakas yata ng suntok niya at talagang bumagsak sa lupa si Harris at pumutok 'yong labi niya. Huhuhu, sayang, pink pa naman 'yong kulay ng lips niya.

"Kuya, what's going on?" takang tanong ni Spade at inawat agad ang Kuya niya. Ang tatlo ay todo tanong na rin sa'kin, eh wala naman akong alam!

"Don't you ever say those words once more or I'll bring you to hell!" galit niya talagang sabi kay Harris na walang ibang ginawa kun'di ang titigan lang siya. "Get that guy away from here o baka tuluyan ko siyang dalhin sa impyerno."

Agad namang tinulungan ni Third si Harris na makatayo. "Get off your hands, I can leave on my own," nakangiting sabi niya. Tumingin ito sa'kin at bahagyang ngumiti. "I'll take my leave now, Maundy," aniya at muli pang tumingin kay Chal Raed saka ito tuluyang umalis.

"Ano 'yon? Ba't mo sinuntok?" tanong pa ni Rosas.

"Nakakaloka, sayang ang handsome pa naman ni Kuya," sabi naman ni Clarice na agad napatahimik nang kunot-noong napatingin sa kanya si Spade.

"But, seriously, Kuya, what happened?" tanong naman ni Third.

"I just don't like him," sagot naman ni Chal Raed. Ganyan ba siya kapag 'di niya gusto ang isang tao, sinasapak? Hoy, nakakatakot naman!

"I know you got a reason," nakangiting sabi ni Spade at bahagyang tinapik ang braso nito. "Come on, let's forget about it, and Ladies help me to prepare our lunch as well as you, Third," aniya at hinila na nga ang kaniyang kapatid saka naman sumunod ang tatlo.

Nanatili kaming tahimik, pero panay ang tingin ko sa kanya na siyang super layo ng paningin, "Chal Raed" hindi siya kumibo, "hindi mo dapat 'yon ginawa," dagdag ko at doon na siya napatingin sa'kin.

Super seryoso talaga ang mga mata niya habang nakatitig sa'kin, "could you please hug me?" biglang usal niya. Mighad, ang weird nito!

"B-Bakit naman?"

"I'm still not relaxed. Mainit pa rin 'yong ulo ko."

"A-Ano ba kasing sinabi niya?"

Inalis niya 'yong paningin niya sa'kin sabay sabing, "he said you're gorgeous, and he couldn't help himself to get attracted in you," may halong asar talaga sa boses niya, "so now, please hug me," hindi ako kumibo. Nawiwirdohan pa rin akin, "do it," hindi ko pa rin ginagawa, "DO IT NOW!"

"Ito na nga! Nyeta, inaunder mo 'ko!" asar kong sabi. Pero, bago ko siya yakapin ay nakita kong sumibol 'yong ngiti niya. And I like him better when he's smiling.

"Maundy, I was jealous to hell," aniya habang yakap-yakap ako. "That guy is good looking, no joke," he added.

"Mas gwapo ka naman," sabi ko.

"I know," damn, humble, "pero, sobra talaga akong nainis nang ibulong niya 'yon sa'kin. Promise, uminit talaga 'yong dugo ko. That's why I'm very sorry for making a scene, it's just I found it hard to control myself," bulong niya pa ulit.

"Hindi ko siya type," sagot ko. "Iyong tipo kong lalaki ay 'yong nagmula sa pagiging bakla—"

Nagulat ako nang kumalas siya sa pagkakayakap sa'kin at hinawakan ako sa balikat, "then, that's me?" nakangiting tanong niya.

"Feeler, baka si Jazz 'yong tinutukoy ko," natatawa ko namang sagot kaya agad niya akong pinaningkitan ng mga mata. "Oo na, ikaw 'yon! Nakakainis ka ha, inaunder mo talaga ako!" pagrereklamo ko pa, pero tinawanan niya lang ako at muli siyang yumakap sa'kin.

"I love you, Mon," bulong niya at 'di ko napagilan ang sarili kong mapangiti.

Kaya lang ay wala akong maisagot. Nag-aalangan pa rin ako, hindi ko alam kung bakit. Hindi pa rin ba ako sure sa nararamdaman ko o pabebe lang talaga ako? Charot! Siguro kasi hindi pa ito ang tamang panahon para sabihin ko sa kanya ang linyang 'I love you, too.'

Hay! Mahihintay niya pa kaya ang araw na 'yon?

Hi, everyone! I am extending you my endless appreciation! It's indeed beyond my expectation that this story will reach 50k reads in less than two months. At first, I thought no one will read this since it's out of trend. Mas sikat kasi rito iyong mga CEO stories. That is why I am very grateful to those people who tried reading this and who are still reading (plus may bonus pang feedbacks) you guys inspired me to continue updating this story. Uwu. I love you all! ❤❤

eommamiacreators' thoughts