webnovel

Two- Number one

Chapter 2

Number one

"Casey, aalis muna kami ni Janice ha?" Pagpaalam ni Ysa at nasa pintuan na ito at tinitignan ako.

Janice head pops out on the door and peeked at me while puffing her cheeks. "Wala ka bang ipapabili? Mag gogrocery kami."

Napailing ako at ngumiti. Inilagay ko na ang aking headphones sa ibabaw ng lamesa at tumayo para lumapit sakanila. "Wala nga, kaya umalis na kayo para maaga kayong makakauwi." Pagtataboy ko salanila. Nakita ko sakanilang mukha ang dissapoinment.

Kumaway pa ito saakin at saka umalis. Ang kukulit talaga ng dalawang 'yon, but I still love them both.

When I closed the door napalingon ako sa aking laptop at ngumisi. Mag lalaro na 'ko. Finally, masosolo ko uli ang room.

Tinakbo ko ito at isinuot agad ang headphones. Pinindot ko na ang start game ay napataas ang kilay ko. What's this?

I clicked the notification panel at may nagsali sa akin sa isang guild. I'm a solo gamer, pero proud ako na agad akong nag top 1. Pero right now, may nakakasama akong partner or friends para tapusin ang task o quest.

Napatuptop ako sa aking bibig nang napapunta ako sa isang lugar at ang daming players na naroon dahil maingay ang guild world chat.

[hizred: Oh! Online na si caseystar]

One chat caught my attention kaya hinanap ko ang avatar nang hizred. Nakita ko siya na nasa itaas ng isang temple at apat ang naroon na avatar. Napatikom ako ng makita ko si blackzmxx.

May nag private message saakin at siya 'yon.

[blackzmxx: Come here, wife]

I clicked the mouse twice para lang gumalaw ang avatar ko at papunta sakanila. Ito ba ang guild ni blackzmxx? Ang laki naman yata ng guild na 'to? Ang tagal na naming nagpapartner sa game 'ni hindi niya nabanggit ito.

I don't like to create a guild. It cost a money, kahit maliit pero kakaltas parin ng pera kaya ayoko. I'am satisfied to invite some of my friends sa game para magtulungang mag-level up.

A message pop out. It's a group chat created by jenuxx' username.

[blackzmxx: Welcome here, wife. Since we are married, all of these are yours.]

[hizred: Yes. So this is our Sis? Woah! Nakabingwit ka pala ng top player. At yung number one pa!]

[jenuxx: Hindi mo pa kami pinakilala.]

[leonc: Oo nga, boss.]

Napailing ako sa kakulitan nitong mga taong 'to. I wonder if makukulit din ba sila sa real life?

[blackzmxx: By the way these are all my friends and also in real life. Hizred a fighter, Jenuxx a Marksman and Leonc a healer. They are all my accomplice.]

Napatango tango ako. Perfect ng combination nila. Kaya pala nasa taas na rango din ang mga ito dahil nagtutulungan sila.

[blackzmxx: By the way. This is my wife, caseystar.]

Napakagat ako sa aking labi. Ano ba 'to? Bakit ako kinakabahan?

Nag tipa ako ng mensahe pero binibura ko lagi, 'ano ba ang sasabihin ko?' bakit nakakabobo?

[strcasey: Nice to know you all.]

Ugh! Nakakainis na ah? Ang overreacting ko masyado dito.

[leonc: Hey! Someone challenged us. Sasali ba tayo?]

Challenged? Sounds fun!

[jenuxx: Ayoko sumali!]

My excitement fade. Sayang naman, excited pa naman ako.

[leonc: Ikaw, hizred?]

[hizred: Sasali ako kapag sasali si boss.]

[blackzmxx: It's my wife's decision. I always follow her.]

Nanlaki ang mata ko sa nakitang reply ni black. Hindi ko maiwasan mapangiti. What a guy!

[leonc: So what, Sis? Sasali ka?]

I automatically typed Yes. Syempre ang tagal ko nang hindi nararanasan na may nagchachallenge sakin eh.

[jenuxx: Ay! Sasali nalang ako.]

They all teased jenuxx 'kesyo baka napilitan lang daw. Napailing ako. They told me na friends din daw sila in real life. Naiimagine ko na lagi lang nila inaasar 'tong jenuxx na username. But still, ang cute ng friendship nila.

We all went to deathbattle arena. I noticed na ang dami ding avatar ang naroon and they are all talking about the match.

[wecx1: What a thrill! Naexcite ako nung nakita kong lumabas ang note sa public news sa larong 'to.]

[chronos: Oo nga! I heard na lalabanin ni killerbee yung Top one at Top two dito saating server!]

[xinzx: Excited na ako.]

And so on. Ang big deal naman yata nito. Pero nakakaexcite din. Hindi ko alam sino ang kalaban namin dahil hindi ko nabuksan ang public note.

Our gc in the game popped out. Ayaw nila mag chat sa public dahil matatabunan lang ito. Mabuti naman na dinesign 'to na meron din personal message at group message.

You can also communicate through voice. Pero ayoko nun. Not my type.

[junexx: It's nemonian. Top three sa server natin.]

Ahh. Okay. Nakalaban ko na pala ito noon. He is too greedy in fact.

[nemonian: Tf? Top two kalaban ko. Pero bakit nandiyan si caseystar?]

Yung public chat ay naging tahimik sa biglaang pagchat nito. Napataas ang kilay ko sa sinabi ni nemonian.

[hizred: Bro, look at yourself. Don't tell me yung top two lang kalalabanin mo while you bring those other players on another server?]

[junexx: Idiot. Hahaha!]

Napatawa ako sa sinabi nilang dalawa. Oo nga naman! Dinala niya nga yung ibang top players sa ibang server. Scared? Greedy indeed. Ang unfair din naman kapag si blackzmxx lang kalaban niya at pito silang kalaban. Unfair match.

[micomic: Bring it on!]

The top one on the another server said. Lima kaming lahat habang pito silang magkakasama. Unfair? Oo pero excited ako dahil sa match na 'to. Tagal tagal ko na ding walang nakakalaban, except sa mga monsters. Mas maganda parin kapag another player kalaro mo dahil doon makikita yung skills.

While we all pressed the start button at nag iba kaagad ang kulay ng monitor. From the blue atmosphere, nagiging kulay itim at yung apoy ay nagiging asul na merong pagkakaberde.

Nasa stage kaming lahat na lalaban, while the other players na nakikinuod ay nasa baba.

Unang tumira sina leonc at junexx habang tatlo ang tumira sa kabilang panig. Busy ako sa panunuod at pagkamangha dahil ang gagaling nina junexx at leonc nang may nag pop out na private message galing kay blackzmxx.

[blackzmxx: Wife, do you want to do next? You can beat nemonian and others. Sasabihin ko nalang sa ibang kaibigan ko na ikaw na bahala sa lahat.]

Napanguso ako sa sinabi niya.

[strcasey: You, sure?]

Syempre pabebe muna ako kahit excited akong talunin silang lahat. I've familiarised nemonian's move and the other players. But si blackzmxx kakalabanin nila diba? Nakikisali lang ako dito.

While they are done, defeat ang tatlo at panalo sila leonc at junexx.

Nakita kong nag step foreward si blackzmxx at nagchat sa world chat.

[blackzmxx: I'll do first attack while my wife do the rest.]

[junexx: Yun oh! Loverboy!]

Napatawa ako sa asar ni junexx.

[nemonian: What the heck?]

[hizred: Ayaw niyo 'yon? Apat kayo at isa lang si caseystar. If you defeat her kayo ang top one. Not in the server but all server.]

Heard it right. Hindi lang ako top one sa server namin. But top one din ako sa lahat na server.

[vnkill: Oo nga. Ano? Game kayo?]

They all agreed. Inilabas ni blackzmxx ang kaniyang staff at first skill agad ang ibinato sa apat na kalaban. Malaking kuha din ang natamo ng kalaban dahil na stun agad ito ng ilang seconds. It's my chance na gagawin ko ang second skill ko at third skill kaya ang laki na ng bawas sa kalaban. Napanguso ako ng lumaki uli ang health nila.

[leonc: May healer sila!]

Hindi ko nalang pinansin ang mga pag-alala sa chat at umiiwas sa mga attack ng kalaban. Not bad! Ang lalakas din nang mga 'to.

Minutes passed at nakita kong ubos na ang mana ng healer kaya sisiguraduhin ko sa isang attack ay mapapatumba ko na ang apat.

I stepped back the character at ginamit ko ang third skill na sinabayan ng first skill na stun kaya agad itong napatumba lahat.

May lumabas sa screen na 'victory' at nadagdagan ang points ng hero ko.

"Yes!" Napasuntok ako sa hangin sa tuwa at pagsabay 'nun ay ang pagbukas ng pinto.

"Ang saya mo naman diyan, Cas?" Janice interrupted at inilagay na ang dala dalang grocery sa table namin.

Pumasok din si Ysa na may dalang ice cream at ngumingiti. "Panalo 'yan for sure."

Tumango tango ako bilang sang-ayon sa sinabi ni Ysa.

"Kaya pala hindi sumama dahil maglalaro." Umiiling si Janice at ngumunguso.

"Well." I shrugged my shoulders at tumingin uli sa monitor.

[blackzmxx: That's my wife.]

Iyon ang nakita ko sa world chat bago natabunan nang nga asar ng nga tao saamin.

May komento din na ang galing galing ko raw kaya wala pang nakakatalo sa rank ko. I smiled at nagpaalam at nagpapasalamat sa apat dahil nakakalaro uli ako bago inoff ko yung laptop.

Tumayo ako at humarap sakanila na kumakain ng ice cream.

"Oy! Bigyan 'nyo ko."

-----

Next chapter