webnovel

Package Deal

Shanaia Aira's Point of View

" BABY? " gulat nyang sambit.As in nanlalaki pa yung mata nya at naka-nga-nga pa. Pasukan kaya ng langaw yan, sira ang poise nya.

Gusto ko na talagang matawa sa itsura ni Gwyneth pero pinipigilan ko lang. Ngayong nakaharap ko na siya, masasabi ko na maganda talaga sya. Nga lang, may attitude din.

" Yes B. A. B. Y.. Baby! May masama ba dun?" tanong ko. Tiningnan naman ako ni Gelo. Parang gusto nyang sabihin na huwag ko na lang patulan. Pero tiningnan ko lang sya ng don't worry I can do it look.

Hinayaan na nga lang nya ako. Alam naman nyang hindi ko ikokompromiso ang sekreto naming relasyon.

" Best friend ka lang tapos baby ang tawag sayo?"

" Ah ganito kasi yon Ms. Gwyneth, lahat sila sa bahay baby ang tawag sa akin kaya baby rin ang tawag ni Gelo." napansin kong para syang nabunutan ng tinik dahil sa sinabi ko pero hihirit pa ako baka akala nya.

" Oh akala ko ano na. "

" Pero baby talaga ako ni Gelo. Inaalagaan nya ako, iniingatan at spoiled din ako sa kanya na parang baby. Di ba besty? "hinarap ko si Gelo saka palihim na kinindatan.

" Ah oo, ganun nga. " sumimangot naman bigla si Gwyneth sa kumpirmasyon ni Gelo.

" So totoo pala ang tsismis na kaya walang girlfriend si Gelo, dahil sayo? Hinaharang mo." galit na turan nya.

" Ako? " tanong ko sabay turo ko pa sa sarili ko.

" Sino pa? Isa kang malaking hadlang sa lovelife ni Gelo. Kaya siguro hinaharang mo ang mga babae dahil gusto mo sya para sayo. " galit na akusa nya sa akin.

Sasagot na sana ako pero inunahan ako ni Gelo.

" Gwyneth stop it. Hindi mo kilala si Aira para pagsalitaan mo ng ganyan. Mula pagkabata ay magkaibigan na kami, we grew up together. Hindi dapat inaakusahan ng ganyan ang taong halos kakabit na ng buhay ko. Hindi sya humahadlang sa personal kong buhay, choice ko pa rin ang masusunod. At kung sakaling may magustuhan man ako kailangan tanggap nila si Aira, package deal yan. Obviously, wala talagang papasa dahil lahat ng babaeng nagpapahayag na gusto nila ako, inaaway siya. So if you'll excuse us, may bibilhin pa kami. " mahinahon lang sa pagsasalita si Gelo pero may diin ang bawat katagang binibitawan nya. Tila gusto nyang ipaintindi kay Gwyneth ang mga dapat nyang maintindihan. Hinawakan nya ang kamay ko at hinila palayo dun sa kinatatayuan ni Gwyneth.

Walang kumikibo sa aming dalawa habang pumipili kami ng sasakyan. Alam kong bad trip siya kaya hinayaan ko lang muna sya.

" This one baby, I think bagay sayo yung ganitong car." turo nya sa isang kotse na kulay pula.Makintab na pula.

Halos mapanganga naman ako sa kotseng napili nya. Grabe, ang ganda! Isa itong latest model ng BMW..The X4 Cross over hatchback. It is a popular vehicle for women desiring a sporty yet chic feel. Kaya lang sobrang mahal naman yata.

" Bhi maganda, gusto ko pero ang mahal naman nyan. Yung mas mura na lang siguro." sabi ko.

" Mas mahal ko yung gagamit nyan. Kahit maubos pa yung lahat ng kinita ko basta para sayo, hindi ako mag-aalinlangan. Kung gusto mo na yan, bibilhin na natin."

" Bhi, mahal nga. Iba na lang. " lumapit sya at bumulong sa akin.

" Baby, may pera naman tayong pambili. Para saan tong mga kinita ko kung hindi ko maibibigay sayo yung buhay na kinagisnan mo? I want to provide everything for my lovely wife. Kukunin na natin tong car and that's final."

" Okay bhi. Thank you." bulong ko rin.

" Anything for you baby. Anything for you. "

Medyo natagalan kami dahil marami pang proseso sa pagbili ng sasakyan. Bukas na ito ide-deliver sa condo kaya umuwi na kami ni Gelo matapos ma-process ang lahat.

Matapos naming maghapunan ni Gelo ay medyo tumambay muna kami sa living room at nanood ng tv. Saktong showbiz balita ang bumungad sa amin ng bumukas ang tv.

Isang special interview kay Gwyneth Faelnar ang nasa palabas.

" Mukhang nagpa-interview sya matapos natin syang ma-encounter sa car shop ah. Mukhang masama ito." sabi ni Gelo habang nakatutok ang mata sa screen. Mukhang tama sya dahil yun din yung suot ni Gwyneth kanina.

" Teka bhi makinig muna tayo." untag ko sa kanya.

Gretchen Garido : Magandang gabi kapamilya, mayroon po tayong special interview ngayon sa beauty queen turned actress na si Gwyneth Faelnar. Tunghayan po natin ang kanyang mga pahayag. Magandang gabi Gwyneth, maraming salamat at pinaunlakan mo kami para sa isang special interview.

Gwyneth : Good evening Gretchen, good evening kapamilya. Opo narito po ako upang magpahayag ng mga saloobin ko para sa aking leading man sa movie na si Gelo Montero.

Gretchen : Mayroon ba kayong problema ni Gelo kaya nagpaunlak ka ngayon dito? Maaari mo bang ikwento kung ano ang nangyari?

Gwyneth : Wala naman pong malaking problemang nangyari. Gusto ko lang po na mag sorry kay Gelo at sa kanyang best friend na si Aira.

Gretchen : Aira? You mean Aira Gallardo?

Gwyneth : Yes po. I saw them earlier in a car shop. May bibilhin yata si Aira at sinamahan ni Gelo. Medyo natarayan ko po sya kaya humihingi ako ngayon ng apology on national television para malaman niya na sincere ako.

Medyo nanginginig pa ang boses ni Gwyneth na akala mo maiiyak na. Ano kaya drama nito bakit niya ginawa itong interview na ito?

Gretchen : go ahead, mag-sorry ka na.

Gwyneth : Gelo I'm sorry, medyo pangit lang yung mood ko,pagod lang kasi ako. Sorry din Aira, hindi ko sinasadya na tarayan ka kanina. I am sorry. I really am.

Gretchen : Mga kapamilya, isang beauty queen po ang humihingi ng paumanhin sa kanyang nagawang kasalanan. Isang indikasyon po lamang ito na mayroon siyang mabuting puso dahil marunong po siyang magpakumbaba. Kay Gelo Montero at sa best friend niyang si Aira Gallardo, naway matagpuan nyo sa inyong puso ang pagpapatawad sa maganda at mabuting babaeng ito. Maraming salamat Gwyneth at magandang gabi kapamilya.

" Ano kaya ang pina-plano nitong si Gwyneth at nag public apology siya?" tanong ni Gelo. Mukhang hindi siya kumbinsido sa ginawa ni Gwyneth.

" Bhi ano ba yung sinabi mo kanina sa kanya?" tanong ko. Parang nahuhulaan ko na kasi kung bakit ginawa nya yon.

" Sabi ko kung sakaling may magustuhan ako kailangang tanggapin ka rin, package deal kumbaga."

" Shoot! Nagkaroon siya ng idea. She's being nice to me to get to you. "

" Ganon na nga. Pero kahit na anong gawin nya, kahit maging nice pa sya sayo, hindi rin naman nya mababawi yung masamang impression sa kanya ng mga taong nasa paligid nya. At lalong hinding-hindi nya makukuha ang puso ko mula sayo. "