webnovel

Crazy Inlove

A/N : This chapter is written in Gelo's point of view.

Ariel Angelo's Point of View

Pinilit ni mommy na matapos ang transaction namin sa Davao para makauwi na kami at maka-attend ako ng graduation ni Aira.

Eksaktong 7am ng lumapag ang eroplanong sinakyan namin from Davao.Ayos, makakauwi pa ako sa bahay para makapag-bihis.Aabot pa ako bago mag-umpisa ang graduation  ceremony nila.

8:30am tinatahak ko na ang daan papunta sa school nila kung saan gaganapin ang ceremony.I want to surprise her, hindi ako pupwesto sa lugar kung nasaan ang pamilya nya.Walang nakakaalam sa kanila na ngayon ako uuwi from Davao.

Nag-uumpisa na nung dumating ako.Agad kong namataan sila Shane sa may bandang harapan.Si tito Adrian at tita Elize naman ay naroon sa pwesto ng mga parents.Pumwesto ako sa may bandang likuran pero sinigurado kong makikita ko ang sinumang nasa stage.

Nung matapos ang welcome speech ng presidente ng school ay tinawag na ang lahat ng candidates for graduation.Kandahaba ang leeg ko para masilayan ang girlfriend ko na magmartsa papunta sa harapan kung saan dapat nakapwesto ang mga ga-graduate.Nakita kong umakyat sya sa stage at umupo sa isang side sa harap at sa kabilang side naman yung classmate nyang salutatorian.Siya lang naman ang valedictorian.Hmm.very proud boyfriend here.

The ceremony went on smoothly.And when it's her turn for her valedictory speech,dun na ako parang lumutang sa alapaap sa sobrang pagmamalaki ko sa achievement ng babaeng mahal ko.At nung magpasalamat sya sa mga taong naging inspirasyon nya eh talaga namang pumapalakpak ang tenga ko ng marinig ko ang pinaka huling sinabi nya.

"and lastly I would like to thank my special someone and bestfriend at the same time for being my source of inspiration and who's always there for me when I needed him most.Bhi this one's for you."

Nakaka- proud at nakakataba ng puso di ba?

Nung matapos na ang ceremony hindi muna ako nagpakita sa kanila, yung gift ko kasi iniwan ko sa kotse ko at dun ko balak magpakita sa kanya sa parking lot.

Nung lumabas na sila at medyo malayo na pero tanaw ko pa naman saka ako kumilos para sumunod.Nakita kong naiwan na sya ng mga kasama nya dahil kinausap pa sya ng mga teachers nya ng mapadaan sila ng faculty room.Sinundan ko sya nung makaalis na sya dun.I was about to call her ng masalubong naman nya ang dalawang bestfriend nya,Charlotte and Venice.I heard them talking about the Boracay trip na regalo ng mga parents nila.

Nung makaalis na yung dalawa, may tumawag muli sa kanya.At dito na nag-init ang ulo ko.Grabe hindi pa rin yata sya sumusuko kay Aira kahit binasted na sya.

Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila pero nagulat na lang ako nung bigla nyang yakapin ang baby ko at halikan na naman....sa noo.

Lalo akong nanggalaiti sa galit kaya naman sumugod na ako at hinila na si Aira palayo sa kanya.

Parang de javu lang.

Nakarating kami ng parking lot ng hindi nagkikibuan.Nakaalis na ang pamilya nya dahil nung kasalukuyan syang kausap nila Venice ay nag text ako kay Shane na sa kotse ko na lang sasakay si baby.Sinabi ko na gusto ko kasi syang i-surprise but now it seems that I'm the one who was surprised.

Kahit naiinis ay inalalayan ko syang makaupo at lagyan ng seatbelt.Nakatingin lang sya sa mukha ko na parang may gustong sabihin.She knows that I'm pissed.

I heaved a very deep sigh.

" What was that baby? Bakit ganun na naman yung eksena na nadatnan ko? Talaga bang hindi titigil yung Jaytee na yon?" pinipigil ko ang inis ko,nakatingin lang sya sa akin na parang pinipigil din ang luha nya.God sobrang miss ko na sya kaya lang hindi ko maiwasan ang selos na nararamdaman ko.Bwisit na Jaytee yun kasi.

" Bhi binigay lang naman nya yung gift nya then nagpaalam lang sya kasi aalis na sya papuntang Canada sa susunod na araw." mahinang sabi nya na halos nakayuko na.

" Eh bakit may payakap-yakap at halik pa syang nalalaman? Alam mong ayoko ng may umaaligid sayo what more pa yung ganung may yayakap at hahalik pa.Damn,twice na nyang ginawa yun,buti nakapagtimpi pa ako kanina kundi baka nakahalik na yun sa semento hanggang ngayon." hindi ko na napigilang bulalas.

" Bhi!" nahihindik na sambit nya.

" Sorry napipikon na kasi ako sa kanya tapos hindi ka man lang nag-protesta!" medyo tumaas na ang tono ko.

" What?! I didn't see that coming.I was about to protest pero dumating ka at hinila mo na ako!"

Hindi ako nakakibo.Oo nga naman basta ko na lang sya hinila sa kagustuhang mailayo sya dun sa mokong na Jaytee na yun.Nag-iinit kasi ang ulo ko sa selos.

I sigh.Matiim ko syang tinignan pero yumuko lang sya.Tila pinipigilan ang anumang emosyon na nais kumawala sa maganda nyang mukha.

" Baby I'm sorry, I was just jealous.Sobrang miss na kasi kita tapos ganun pa yung madaratnan ko."

Hindi pa rin sya kumikibo,nanatili lang syang nakayuko.I felt guilty,napagtaasan ko sya ng boses.Damn..damn..damn this jealous heart!

" Baby?please talk to me.I'm sorry."

Nung hindi pa rin sya tumitinag, lumapit ako sa kanya at inangat ko ang chin nya.At gusto kong dagukan ang sarili ko sa nakita ko sa kanya.May luha ng nagbabadyang tumulo at alam kong pinipigilan lang nya na tuluyang kumawala.

Kinabig ko sya papunta sa akin at niyakap ng mahigpit.

" Hush, baby I'm so sorry.I didn't mean to yell on you." panay ang hagod ko sa likod nya. Tahimik lang syang umiiyak.

Umiiling sya ng paulit-ulit habang humihikbi.

Hinalikan ko ng paulit-ulit ang gilid ng ulo nya kasabay ng paghagod sa likod nya.

Nung maramdaman kong medyo kumalma na sya, dahan-dahan ko syang hinarap sa akin.

" Sorry na ha baby?"

Poker face lang syang nakatingin sa akin.

" Baby bati mo na ako,please." medyo nag puppy eyes na ko para ngumiti na sya.

Effective  naman kasi ngumiti na sya.

" Kainis ka! Buti na lang mahal kita kundi kahit magpa cute ka pa dyan hanggang bukas hindi pa rin kita bati. Pasalamat ka rin, miss na miss na kita." sabi nya sabay kurot sa magkabila kong pisngi.

" Aw baby mashaket!"

" Hahaha ang cute mo bhi.Halika nga dito payakap sa boyfriend kong saksakan ng cute pero napaka seloso."

Mabilis naman akong nagpayakap sa kanya.

" Pasensya na baby mahal na mahal lang kita.Sorry kung medyo napagtaasan kita ng boses kanina kasi naiinis lang ako sa mokong na yun.I didn't mean it, umiyak ka pa tuloy."

" Hindi naman yun ang iniiyak ko kanina bhi eh."

" Eh ano pala?"

" Yung sinabi mo na hindi man lang ako nag protesta.Para kasing feeling ko inaakusahan mo ako na okay lang sa akin yung ginawa nya."

" Hindi ganon yun baby, wala akong iniisip na ganon.I just said it out of nowhere.Dala lang ng inis ko kaya hindi ko na iniisip yung nasabi ko.Sorry, I won't do it again."

" It's okay bhi hindi naman ako pwedeng magalit sayo ng ganun lang.I love you so much and I understand your flaws and weaknesses.Ganon naman dapat di ba sa isang relasyon? Yung kulang ng isa ay pupunuan nung isa."

" Aw baby kaya kita mahal na mahal eh."

" Hmn..talaga lang ha bhi?" sabay singhot nya sa akin.nakasubsob sya sa dibdib ko.Hinahalikan ko naman ang tuktok ng ulo nya.

" Yeah, talagang-talaga.Halika na umuwi na tayo baka isipin nila dinala na kita sa biglang liko."

Kumalas sya sa yakapan namin at nangunot ang noo na tumingin sa akin.

" Biglang liko???"

" Biglang liko! Yung may picture ng babae na may sign na parang shhhh sa mouth.Basta yun."

Bigla naman syang natulala at namula ng husto.Hala! Wala nga palang alam tong baby ko sa mga ganun.

PAK!

" Aray baby bakit ba?"

" Sira ka talaga bhi pino-pollute mo ang utak ko!"

" Sinasagot ko lang naman yung tanong mo eh!"

" Siguro nakapasok kana sa ganun kaya alam mo noh?"

" What? Hindi ah."

" Hindi? Yung totoo?"

" Totoo.promise! " taas pa kanang kamay ko.

" Sige halika na nga, nagugutom na ako."

Hindi ako kumikilos nakatingin lang ako sa kanya ng ngising-ngisi pa.

" Ano na naman? Mukhang may pinatutunguhan yang ngisi mo ah."

Without uttering any word, I pulled her closer to me and claimed her lips.

Marahan lang nung una pero dahil sa sobrang miss na namin ang isat-isa hindi na namin namamalayan na palalim na ng palalim ang mga halik that lasted for I don't know how long.

Halos pangapusan na kami ng hininga ng tumigil kami.Pinagdikit ko ang mga noo namin at pareho pa kaming hinihingal na nakatingin lang sa isat-isa.

" I love you baby."

" I love you too bhi."

Then we both laugh like an idiot.Tinatawanan namin yung itsura ng mukha namin na puro lipstick .Sa sobrang intense ng laplapan yung lipstick ni baby nagkalat na, napunta na sa akin yung iba.Kumuha sya ng tissue sa dashboard at pinunasan ang mga mukha namin habang panay ang ngisian.

After that, I revved the engine to life and drove out of the parking lot with a huge smile on our face.

We are so crazy.

Crazy in love....💓