webnovel

EXCHANGE INFORMATION

Sumunod sila sa limang lalake habang lihim na nag-mamasid lang si Veronica. Nang makalapit sa buong grupo, mabilis silang pinalibutan ng mga kasundaluhan. Hindi man lang sila pumalag ng bigla na lang silang hawakan ng mga ito sa dalawang braso.

"We don't accept Huluwa, pero pwede namin kayo ibigay sa Chuswar Kingdom. Saang kaharian kayo nang-galing?" Isang boses ng lalake ang kanilang narinig. Medyo may katandaan na ang naturang boses kaya alam ni Veronica na galing iyon sa Komander ng grupo.

Kung sasabihin niya na bago lang sila sa lugar, itatanong ng mga ito kung bakit na sa labas sila ng barrier. Kung sasabihin naman niya na galing sila ibang kaharian ng Terra crevasse, pwede rin malaman na nag-sisinungaling siya. Wala naman problema kung mauuwi sa pag-lalaban ang lahat subalit, kailangan niyang malaman ang sekreto ng Sediorpino.

"Drakaya kingdom. Pwersan kaming itinulak ng magnetic force palabas." Sagot ni Veronica na bahagya pang yumuko na kunwari ay umiiwas sa paningin ng lahat.

Isang chuckle ang narinig niya.

"I see.. So, hindi lang pala mga Embers ang galit na galit sa hari ng Drakaya. Hahaha! Tell us, ano ang nangyayari sa loob ng barrier bago yan nabuo?" Tanong matanda. Ang chuckle ay galing sa lalakeng unang sumalubong sa kanila.

"There's a Dragon above Drakaya Kingdom. At ilang Huluwa at rebelde na rin ang napatay ng Hari." Sagot ni Veronica. Totoo naman, bago pa sumalakay ang Ogre sa siyudad, diba at nakipag-laban muna ang hari sa mga rebelde ng Drakaya na kung saan nagsimula ang mainit na sagutan nila.

"Dragon.. Nakita na rin namin yan. Ano pa ang pangyayari na kakaiba sa loob? Like, sino ang nag-lagay ng barrier ng Drakaya?" Tanong ulit ng matanda na nakatitig sa kanya.

Iniisip ni Veronica kung pinagdududahan ba siya ng matanda. Well, normal naman na pag-dudahan sila ng mga ito. Galing sila sa Drakaya kingdom at tanging ang mga nasa loob lang ang pwedeng mag-labas masok sa loob ng barrier. That's what she did to the barrier.

"It seems, you guys are seeking information. However, anong kapalit ng information na ibibigay ko sa inyo?" Tanong ni Veronica habang seryosong naka-titig sa mata ng matandang lalake.

Bahagyang natigilan ang matanda na kausap nya. Pero saglit lang, dahil ilang sandali pa, ang kulay pulang mata nito ay biglang kumislap at tsaka sila pinalibutan ng mga kasundaluhan ng buong grupo. Naka-smirk na tinitigan siya ng matanda tsaka ito tumayo sa pagkaka-upo.

"Ito ang unang pagkakataon na may isang Huluwa na naglakas loob na magtanong sa akin ng kapalit ng impormasyon na kailangan ko. Kunsabagay, bago lang kayo sa Terra Crevasse sabi mo nga. But.." Tumayo sa kanyang harapan ang matanda tsaka bahagyang yumuko upang magtama ang kanilang mga mata. "I hate the way you look at me. I feel like shit as if I want to ruin your fucking face." Madilim ang anyong sabi ng matanda.

Hindi manlang kumurap si Veronica. Gayun din ang dalawang lalake sa likuran niya na naka-cross lang ang mga braso sa may dibdib habang nanonood at nakikiramdam.

"Well, it seems like, wala akong makukuhang impormasyon galing sa'yo. Then..." Nilingon ni Veronica ang mga kasamahan. "Let's try to another Kingdom?" Tanong niya sa dalawa na napatango lang.

Malakas na halakhakan ng mga naka-palibot ang dumagundong sa buong lugar. Napansin ni Veronica na ang lalake na sumalubong sa kanila kanina ay hindi man lang nagbago ng ekspresyon. Bagkus, naka-titig ito sa kanya na para bang binabasa ang nasa isip niya.

"Sa palagay mo ba ganun lang kadali ang pumasok sa teritoryo ng grupo namin at ganun din ang paglabas? Huluwa, hindi porke't nakatikim ka ng kapangyarihan ng Terra, ay pwede ka nang umarte na Dyos ng buong Terra Crevasse." Ani ng matanda.

Sa sinabi nito, parehas na napa-pfft ang dalawang nasa likuran ni Veronica. Siya naman ay napa buga lang ng hangin habang napapakamot ng leeg.

"May nakakatawa ba sa sinabi ko?!" Pagalit na sigaw ng matanda. Lumabas na ang litid na ugat nito sa may noo.

Nanatiling walang imik ang dalawang nasa likuran ni Veronica pero nasa mga mata ang pinipigil na tawa. Lalo lang nagalit ang matanda. Kung malalaman kaya nito na ang kaharap ay ang mismong Dyos ng buong Terra, ano kaya magiging reaksyon ng matanda?

Lalong nangigigil ang matanda sa nakitang ekspresyon ng dalawa, umangat ang kamay nito na ngayon ay nababalot na ng mga matutulis na tinik. Akmang tatargetin nito sina Ravi at Rowel ng biglang magsalita ang lalake kanina.

"Moki, that's enough." Anito.

Natigilan naman ang matanda subalit marahas na nilingon ang nagsalita. "Pero Kumander, nakita mo naman kung paano ako pagtawanan ng mga baguhang Huluwa na to. Mga wala pang alam sa buong Terra!"

"I said enough.." Anito. Bago tumingin kay Veronica. "You can go east kung gusto mong pumunta sa ibang kaharian ng Terra. But I'm warning you, Chuswar Kingdom is a Huluwa kingdom. Maraming malalakas na Huluwa ang mga naroon." Mahinahong sambit ng lalake.

Napa-kunot naman ang noo ng matanda habang palipat-lipat ang tingin sa grupo ni Veronica at sa Kumander. Si Veronica naman ay nanatiling tahimik ng ilang segundo habang lihim na nag-iisip. Sabagay, ang tatlong kaharian ay kasalukuyang naka-palibot sa Drakaya.. Kung gayon, may pag-asa pa siyang maka-pasok sa kaharian ng Sediorpino kingdom.

Isang ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi. "Alright, however, do you really not want any information from me?" Tanong niya sa lalake.

"I'm afraid, that information is not enough as an exchange to our information." Anito.

"I see... Then, how about.. His life in exchange to my information?" Naka-tilt ang ulo na tiningnan niya ang matanda na ngayon ay nanlalaki ang mga matang naka-titig sa kanya.

"I'm afraid I still can't. He's my right hand, can't you see?" Seryosong sagot ng binata.

Napa-hikab si Ravi bago nagsalita. "Master, sigurado ka ba na tama na ang buhay ng matandang yan na harap-harapan kang minaliit at sinigawan? I'm telling you, I honestly hate it." Ani Ravi.

Well.. That can't be helped. Ani Veronica sa isip. She can just easily wiped this people. Kaya lang, kailangan niya ng taong maghahatid sa kanya sa Sediorpino kingdom. Ayaw niyang pumunta sa lugar na iyon na maaring magbunga ng hindi kapani-paniwala gyera. She doesn't want to eliminate a single kingdom dahil lang sa kasalanan ng isa o dalawang responsable sa nangyayari sa mga nasasakupan ng Sediorpino Kingdom.

"Then how about.. I'll personally escort you to our kingdom in exchange to that information na hawak mo?" Tanong nang lalake.

Hindi lang pala ito gwapo at matangkad. Mukhang may isip din ang lalake. Or maybe, he noticed something?

"Hmm.. We don't have a place to stay for awhile. Mukhang okay naman ang ini-offer mo. Then, saan kita hihintayin? Anong oras tayo aalis?" Tanong ni Veronica.

"Please give me a moment to speak with my soldiers. We can use the teleportation array to go there." Sagot ng lalake. Na inaprobahan naman ni Veronica. Tinalikuran niya ang lalake at tsaka siya lumabas ng tent kasama sina Rowel at Ravi. Naiwan ang lalake kaharap ang matanda.

"Kumander! We can just torture them to tell us the truth!" Madiin ang mga katagang sambit ng matanda.

"Shut up will you? Nang dahil sayo, muntik ng malagay sa alanganin ang sitwasyon ng buong grupo." Gigil subalit mahinang sambit ng lalake.

Napa-singhap ang lahat habang kunot naman ang noo ng matanda. "Anong ibig mong sabihin?" Nabubulol na tanong nito.

"Tatlo lang silang magkasama. They never changed ekspresyon kahit pa pinalibutan na sila. Wala kang mababakas na takot sa mga mata nila kahit pa kung ano na ang sinabi mo. Now tell me, where did your fucking mind go?!"

Napa-kurap ang matanda at tsaka napa-lunok. Yeah, hindi nga niya napansin dahil naka-tuon lang ang atensyon niya sa obvious na kaalaman na tatlo lang ang kaharap niya at mahigit tatlong daan ang mga kasama niya. How stupid of him.

"I-Im sorry Commander Nexus." Naka-yukong sambit ng matanda.

Nexus Frost, nakababatang kapatid ng hari ng Sediorpino kingdom na si Ivan Frost. Nag-iisang taga-pangalaga ng buong kasundaluhan ng Sediorpino na purong taga Terra crevasse. At nag-iisang lalake na humahawak sa leeg ng Reyna ng Sediorpino. Ang dahilan? Sooner malalaman ninyo.

"Those three people, hindi sila basta-basta. Especially that girl." Anito. "Continue to observe the surroundings habang wala ako. Kapag may napansin kang kakaiba, immediately contact me through transmission orb." Dugtong pa ni Nexus.

Mabilis na tumango ang matanda habang nakalagay ang mga kamay sa dibdib. Tinapik ito ni Nexus sa balikat.

"Relax, malalaman ko ang dahilan kung bakit ganun na lang ka-relax ang tatlo kapag nakapasok na sila sa loob ng Sediorpino kingdom. There, I can easily find out their hidden secrets." Makahulugang sambit ng binata tsaka tumalikod na.

"Yes sir.." Ani ng matanda.

Ang mga tauhan ni Nexus ang nagbigay galang sa kanilang Commander hanggang sa makalapit na ito sa pwesto ng tatlo na naghihintay lang sa binatang Commander.

"Sorry to keep you waiting for that long. I-activate ko lang ang teleportation array sandali." Sambit ni Nexus.

Tumango lang si Veronica tsaka muling sinulyapan ang direksyon papunta sa Drakaya. Yohan is actually throwing a tantrum right now. Isang ngiti ang sumilay sa labi ni Veronica..

"How cute.." Aniya na hindi nakatakas sa mga mata ni Nexus.