webnovel

That Day, Our Hearts Bloom (BL SERIES #1)

Love, Happiness and Acceptance, three things that Dewey wants to achieve on his life. He is a bully victim since elementary because of his true color that against in the eyes of society. Dewey Santos was a first year college and an architect student. He transferred to another school name Cho Deom University to escape from the past and continue to live. After he transfer in that school, Dewey will find a new consequences that he will encounter and may cause to bring back again of his past life. He will meet Junseo Cho, a professional photographer and handsome guy from a wealthy family. He became a new School Director at Cho Deom University after his grandmother's hospitalized. He will help Dewey to find and love his true self, and face his fear from the eyes of the society. Despite of being attached from each other, will they be fall in love? If that will happen, will the society accept their love flaws?

Unbblkm · Urban
Not enough ratings
9 Chs

PROLOGUE

Suntok dito suntok doon, sipa dito sipa doon, ito ang palaging nararanasan ko sa mga kamay nila. Wala na atang bago dahil nasasanay narin ang katawan ko at unti-unti nang nagiging manhid.

"Hoy! Bitawan nyo siya"

Hanggang sa may isang boses ang gumambala sa kanila kaya napahinto sila kakasuntok sa akin. Hindi ko makita o maaninag kung sino siya dahil nakayuko ako sa mga oras na iyon.

"Hoy, kung ayaw mong mapuruhan kagaya niya huwag kang makisali dito, alis na" saad ng isang bumubugbog sa akin

Bumalik ulit ang tuon nila from me at nagsimula ulit nila akong bugbugin, hanggang sa inawat na sila ng taong iyon.

"Ang sabi ko bitiwan niyo siya!" sigaw nito

"Huh? Ang lakas ng loob mo ah, binalaan na kitang huwag makisali dito. Bakit? Kaya mo ba siyang tulungan ha?!!"

Nakita kong kaharap nila ngayon ang lalaking umaawat sa kanila habang nakahiga ako sa sahig dahil sa mga natamo kong pasa at sugat. Kitang kita ko rin kung paano sila nagsuntukan sa harapan ko, hanggang ang isang kasamahan nila ay nagpasiyang itigil na ang pananakit sa kaniya dahil napupuruhan narin siya.

"Jinho! tara na, tama na iyan.. baka makita pa tayo ng mga teacher dito. Tara na! umalis na tayo!"pagpipigil ng isa niyang kasama

Tuluyan na nga silang umalis at naiwan kaming dalawang sugatan at napuruhan. Napahiga din siya sa lupa dahil sa mga natamo niyang suntok galing sa kanila, Hindi pa rin ako makatayo sa mga oras na iyon dahil nga sa hindi na kaya ng katawan ko.

Tumayo din siya kalaunan at lumapit sa akin para alalayan akong tumayo

"O-okay ka lang??" tanong nito

Bakas sa mukha niya ang mga natamong suntok galing sa kanila pero hindi naman ganun kalala kagaya sa akin. Tinulungan niya akong makaupo at napaupo rin siya sa tabi ko.

Hindi ko alam kung bakit ako natawa sa mga oras na iyon baliw na kung baliw, dahil after kong mapuruhan nagawa ko pang tumawa. Dahil dito natawa na rin siya at sabay kaming nagmukhang tanga sa mga oras na iyon.

Simula ng mangyari iyon, nagtagal ang pagkakaibigan namin, at unti unting naging maganda ang relasyon naming dalawa hanggang sa...

"HAPPY 100 DAYS!"

Sambit ko habang pinagmamasdan ang litrato naming dalawa na nasa wallet ko. Hindi ko akalain na aabot tayo ng 100 days sa ganitong relationship natin. Alam kong mahirap ang pinagdadaanan natin dahil sa judgement ng mga nasa paligid ngayon, pero pinaparamdam mo parin na magiging okay ang lahat.

Ang sarap pala sa feeling na may taong totoong tumanggap at nagmamahal sa'yo kahit ano pa man ang kasarian mo. Today is May 26 tandang tanda ko pa ang araw na iyon, kung saan niyaya mo akong lumabas at sinabi ang tunay mong nararamdaman sa akin. Ngayon hindi lang ito ordinaryong araw para sa ating dalawa.

Patuloy pa rin akong nag-aabang mula sa labas ng building nila bitbit ang surpresang inihanda ko para sa kaniya, dahil hindi na ako makapaghintay na i celebrate namin ang 100 days na relationship naming dalawa.

"Ang tagal naman ng klase nila? Anong oras na hindi parin sya lumalabas" sabay tingin sa relo ko at sinusundan ang oras

Makalipas ang isang oras na paghihintay ay nakitang kong nagsisilabasan na ang mga estudyante mula sa building na iyon kaya naman hindi ko maiwasang ngumiti ng todo. Nakita ko na rin ang mga classmate nya na palabas na ng building pero hindi ko pa sya nakikitang lumabas, hanggang sa..

[ 1 text message ]

"Sa may court ng school malapit sa gym, hihintayin kita"

Mas lalo akong napangiti ng todo dahil sa na receive kong text mula sa kaniya. Ang bilis din ng sense nya ah? Alam nya kayang so-sorpresahin ko sya?? Dahil sa sobrang excited ko dali dali na akong pumunta sa court ng school.

Nadatnan kong madilim ang buong court at tanging ang ilaw lang na nasa labas ng court ang nagsisilbing liwanag rito kaya naman kahit papano may nakikita pa rin ako.

Asaan na kaya sya??

Huminto ako saglit para tawagan sya, at sakto may naririnig akong ringtone ng cellphone mula sa pinaka loob ng court kaya naman dali dali na akong pumunta pero pagdating ko mula sa loob... hindi ko akalain na makikita ko ang ganitong eksena...

"Bakit? ano bang meron?? Bakit mo ako iniiwasan ng ganito??"

"Tumigil kana! masaya na ako sa kaniya kaya tigilan mo ako!"

"Hindi, hindi ako titigil. Alam kong hindi ka masaya sa kaniya tama ba?? alam kong ako lang ang mahal mo kaya bakit mo tinatanggi sa lahat ang relasyon nating dalawa!!"

Nagsimulang pumatak ang mga luha ko dahil sa narinig ng dalawang tenga ko. Hindi ko rin namalayan ang pagbagsak ng cellphone ko mula sa sahig pati ang mga dala kong gamit para sorpresahin sya.

Hindi ko rin alam kung bakit hindi ako makakilos sa mga oras na iyon para ipaglaban kung anong meron kami.

"Sabihin mo... mahal mo parin ako diba?? Sabihin mo sa akin ngayon"

"Tama na, umalis ka na, tigilan mo na ako!"

"SABIHIN MO ANG TOTOO! MAHAL MO PARIN AKO DIBA?!"

"OO NA! MAHAL PA RIN KITA!! PILITIN KO MAN NA KALIMUTAN KA PERO HINDI KO KAYA! NAKIPAG RELASYON AKO SA IBA NA HINDI KO MAHAL DAHIL GUSTO KONG MA REALIZE MONG KUNG ANO YUNG SINAYANG MO NUNG INIWAN MO AKO"

Kita ko ang totoong emosyon na never kong nakita sa kaniya. Nakita ko rin kung paano sya niyakap ng lalaking iyon.

"Tama nga ako... ituloy na natin kung anong meron sa ating dalawa.. sabihin mo na ang totoo at tapusin mo na ang relasyon mo sa kaniya"

Mas lalong kumirot ang puso ko dahil sa mga kasinungalingan na narinig ko mula sa kaniya. Paano nyang nagawang lokohin ako para sa kanilang dalawa??? B-bakit???....

Patuloy ko pa ring nasasaksihan ang panlolokong ginawa nya sa akin, hanggang sa tumunog ang cellphone ko na na naging dahilan para makita nila akong dalawa na kanina pang nakatayo at pinapanood sila.

"De-dewey??" sambit nya sa pangalan ko pero dali dali na kong tumakbo palabas ng court

"De-dewey sandali lang!" sigaw nito habang patulo parin ang paghabol nya sa akin hanggang sa naabutan nya ako

"De-dewey.. magpapaliwanag ako!"

Hindi ko napigilan ang emosyon ko kaya naman bigla ko syang sinuntok ng malakas sa mukha. Nakita ko rin kung gaano sya nasaktan dahil sa ginawa ko pero wala akong pakialam.

"Ano? Masakit diba?? Pero mas masakit pa dyan yung ginawa mo sa akin ngayon. Tama, pare parehas lang kayo, bakit ba ang tanga ko? Ay mali.. sobrang tanga ko pala dahil hindi ko alam na puro kasinungalingan lang pala ang lahat! Hindi ko alam na ginagamit lang pala ako" I stopped habang pinipigilan ang mga luha ko

"Ayaw na kitang makita, ayoko ng marinig kung ano mang sasabihin mo, baka hindi lang iyan ang magawa ko sa'yo" dugtong ko pa

"De-dewey!! Dewey!! please!! Let me talk first!" sigaw nito habang papaalis ako

Para akong naubusan ng dugo habang naglalakad, kasabay din nito ang patuloy na pagpatak ng mga luha ko, maraming mga tao ang tumitingin sa akin pero wala ako pakialam kung kawawa man ako sa paningin nila.

Bakit ba patuloy na lang akong nasasaktan?? Bakit ang unfair ng mundo sa akin??! Bakit ba hindi ako matanggap ng mga taong nasa paligid ko??! Dahil ba iba ang gusto ko?? Dahil ba bakla ako??!!

"AAAAAAAAAAAAAAARRRRRRRRRRRRRRRRRRGGGGGGGGGGGGGGHHHHHHHHHHHHHHHHH"

Isinigaw ko na lang ang lahat ng sakit na nararamdaman ng puso ko ngayon. Gusto ko ng mamatay, gusto kong maranasan na matulog ng matagal at hindi na magising, kaya lumapit ako sa may tulay para tapusin ang buhay ko.

Kinuha ko sa bulsa ko ang isang lalagyan ng pinagbabawal na gamot at isinubo ang lahat para tuluyan na akong ma overdose at pagkatapos inihanda ko na ang sarili ko para tumalon sa tulay.

Mas lalo akong napaiyak nang tumawag sa akin si mama, pero dahil ayaw kong magbigay ng kahit anong impormasyon sa kanila kung nasaan man ako ay agad ko itong pinatay. Ti-nurn off ko rin ang cellphone ko para hindi na nila ako ma contact.

"Sorry mama, sorry papa, Ito na lang kasi ang alam kong paraan"

Ito ang huli kong binanggit bago ko tapusin ang buhay ko. Wala akong kwenta, hindi na dapat ako mabuhay pa. Tama, kung mabubuhay pa ako ngayon hindi naman ako tatanggapin ng iba, wala ring kwenta kung magpapatuloy ako.

Nanginginig ang buong katawan ko pero itutuloy ko parin ang desisyon ko, nararamdaman ko narin ang epekto ng gamot sa buong katawan ko na ininom ko.

Patalon na sana ako sa tulay ng biglang-

"HO-HOYY!! STOP THERE!!"

Isang lalaki na hindi ko kilala at never kong nakita ang humablot sa akin para pigilan ako sa desisyon na gagawin kong pagtalon sa tulay.

"HOY, ALAM MO BA KUNG ANONG GINAGAWA MO?? NABABALIW KA NA BA??! HAHAYAAN MO LANG BANG SA GANITONG SITWASYON MATATAPOS ANG BUHAY MO?!!! SA TINGIN MO BA MAGIGING MASAYA KA KAPAG TINULOY MO ANG BAGAY NA YAN! HUH??" sigaw nito sa akin

Pero dahil sa epekto ng gamot na ininom ko hindi ko na alam kung anong sinasabi nya, nagsimula naring lumabo ang mga paningin ko at mawalan ng malay at nagsimulang bumagsak sa harapan nya.

"H-HOY A-ANONG NANGYARI SAYO?! H-HOY! GI-GISING!!"

That day, hindi ko alam ang pangalan mo, hindi ko alam kung sino ka at hindi rin kita kilala. Sa dami ng taong naglalakad at nakakakita sa akin, ikaw lang iyong taong pumigil sa akin sa mga oras na iyon, ng dahil sa iyo nagsimulang magpatuloy ang buhay ko at para harapin muli ang mundo sa kung sino at ano ba talaga ang totoong ako.

-That day, Our hearts bloom (2021)

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Unbblkmcreators' thoughts