webnovel

Chapter 9

Josh's POV

Inutusan ako ng Mafia boss na turuan si Ara kung paano ipagtanggol ang kanyang sarili sa pwedeng manakit sa kanya. Gagawin ko ang lahat para magtagumpay s'ya sa kanyang planong paghihiganti.

If you don't ask, I'm Joshua Seth Montero, the son of the king of the gangsters. I'm in my 18th years of age.

Nakatingin ako ngayon kay Ara. She's so pretty like her mother. Na-love at first sight ata ako sa kanya. Biruin mo, crush ni Papa ang Mafia boss at ako nama'y na-inlove sa anak ng Mafia boss.

Nalaman ko rin na nagpaplastic surgery siya dahil pinaso 'yong mukha nya nung taong pinagtangkaan s'yang patayin. Wala akong pake kung nagpaplastic surgery siya, mahal ko s'ya, tanggap ko kung ano at sino pa siya. Nakita ko ang picture ni Ara, noong wala pa siyang plastic surgery. Maganda naman siya, hindi lang siya palaayos.

Tutulungan ko siyang maghiganti sa mga taong nanakit sa kanya kahit buhay ko pa ang kabayaran. Humanda ang mga taong balak saktan s'ya. Dumaan muna sila sa akin bago nila saktan si Ara.

Nadatnan  ko siya na mahimbing natutulog sa isang queen-sized bed. Sa king-sized bed naman ako matutulog.

Pareho kami ng kwarto kaya pinagsabihan ako ng Mafia boss na wag ko daw bobosohan si Ara. Sa gwapo kong 'to mapapagkamalang maniac? Grabe naman si Mafia boss. Papakisamahan ko nalang ang Mafia boss, siya naman magiging soon-to-be mother-in-law ko hehehe.

Ipinagbiling din sa akin na alagaan at protektahan ko si Ara.

Napabalik ako sa ulirat na may tumawag sa aking cellphone. Napagtanto ko na si Papa pala yung tumatawag.

"Anak, kamusta ang first duty mo bilang trainor?" natatawag wika ni Papa sa kabilang linya.

"Okay naman po, bat ka po napatawag?" May halong pagtataka kong tanong sa kabilang linya.

"Kinakamusta ka lang. Oh siya, papatayin ko na itong linya baka nakakaisturbo ako sa pagtitig-este-pag-aalaga mo kay Mafia queen" natatawang sabi ni Papa sabay putol ng linya.

Napabuntong-hininga na lang ako. Kilala talaga ako ni Papa. Alam na alam nya kung may nagugustuhan akong babae.

Naglaro muna ako ng mobile legends hanggang sa dalawin na ako ng antok.