webnovel

Chapter 1

Ako nga pala si Precious Ara Dela Cruz. Nakakaranas ako ng cyber bullying dahil sa kagagawan ng traydor kong kaibigan. Pinapakalat nito na special child ako, at syempre Ang mga uto-uto, naniwala naman. Dahil doon, wala ng kumakaibigan sa'kin.

Nandito ako ngayon sa room, katabi ko ang crush ko na ngayon ay papunta na sa girlfriend nito. Hayst, bakit ba nag bago ang feelings nya sa'kin? Eh, crush din naman nya ako noon. Bakit ganoon, kung kailan crush ko na s'ya, tsaka naman nawala 'yung pag hanga n'ya. Psh. (I don't recommend to use "Psh". For me pang dialogue ito but it's just for me.)

"Mag papakita ng motibo, hindi naman pala totoo." Bulong ko.

Napabalik Lang ako sa reyalidad nang naramdaman ang pag buhos ng malamig na tubig mula sa ulo ko.

"S-Shete naman... A-Ang lamig!" naiusal ko.

Nang lingunin ko ang gumawa no'n, lumantad ang bruhang si Chai at 'yung mga alipores nito'ng nakangisi tila ng aasar. Akala mo naman ikinaganda nila 'yon.

Naikuyom ko ang kamay ko nang marinig ang tawanan ng mga kaklase ko.

"Ano bang problema mo? Ha?!" singhal ko sabay tulak kay Chai.

Mukang napalakas ang tulak ko dahil na-out of balance ito at natumba.

"A-Aray!" maarte nitong daing. Agad naman s'yang tinulungan ng mga alipores n'ya. Nang makatayo ito, inis itong tumingin sa'kin.

"Aba, lumalaban ka na, ah! Sino ka ba sa tingin mo? Abnormal!" sigaw nito na akmang sasampalin ako na agad ko namang napigilan.

"Sino ba talaga ang abnormal sa'tin, Chai? Ako ba yung babaeng takot malaman ng kanyang Tita na lumalandi s'ya?" mapangasar kong tanong.

"Sumusobra ka na ah!" sigaw nito sabay sampal sakin. Iginalaw ko muna ang muka ko bago s'ya sampalin. Mas malakas sa sampal n'ya.

Hahawakan na sana ako ng mga alipores n'ya pero dumating na si Sir Nero, adviser namin.

"What's happening here?" pigil inis nitong tanong.

Mag sasalita na sana ako pero naunahan agad ako ni Chai.

"Sir, she slapped me! Look oh! My face is now red!" maarteng sumbong nito.

"Ah, ganon? Ang kapal ha! Ikaw nga 'tong nauna! Matapos mo akong buhusan ng tubig?! Sir, s'ya po talaga 'yung nauna!"

"Sir, wag kang maniniwala sa abnormal na 'yan! Kahit tanungin n'yo pa sila. Right girls?" tanong nito sa mga alipores n'ya na agad namang tumango.

"Pero sir---"

"Enough! All of you, go to the guidance office!" sigaw ni Sir.

Tinignan ko muna ng masama si Chai bago ako sumunod papuntang guidance.

Nang makarating kami sa office, bumungad ang strikto naming principal.

"Good morning po Ma'am," bati namin.

"Morning. Mag si-upo na kayo." Masungit nitong utos. Umupo naman agad kami. Katapat ko ngayon si Chai.

"Sino nag simula ng away? Yung totoong sagot!" ma-otoridad nitong tanong.

"S'ya po!" sabay na usal namin ni Chai habang naka-turo sa isa't isa.

"Sino ba talaga?" inis na tanong nito.

"Ma'am, kung gusto n'yo, i-check nalang po natin yung CCTV. Tutal at Hindi din naman tayo mag kakaliwanagan dito, eh." suhestyon ko. Napatingin ako kay Chai na parang binuhusan ng malamig na tubig

"Ma'am, w-wag po k-kayong maniwala sa kanya. Sinungaling po ang isang 'yan" utal utal na paliwanag nito.

"Oh, Chai? Bakit ka nauutal? Papanoorin lang naman Yung CCTV, hindi ka naman bibitayin." Pang aasar ko

"Enough that! Paki-check na ang CCTV!" utos ni Ma'am.

Sumunod naman si Sir at kinuha ang footage ng CCTV. Pinanood namin ang pang bubuhos ng bruha at kung paano kami nag sigawan at nag sampalan hanggang sa dumating si Sir.